ROXY CITY SERIES 1 (MARRY A SONG) Chapter 8

Sa Puyat Sports Complex sa Taft avenue ay kanina pang nagkakatuwaan ang mga kalalakihan dahil si Lourd ay panay sablay ang tira. Si Jared ay panay na ang pang-aasar sa kanya. Isa pang talo ay mawawala na sa pinsan niya ang Janguar X-type na dugo at pawis ang ipinuhunan nito. Hindi nila nagawang tumanggi ni Lourd nang maghamon ang mga colleagues nila sa club.

Sa club na sinalihan niya ay walang pinipili. Basta hilig mo ang bilyar ay malaya kang makakapasok. From poorest to the richest, everybody is welcome as long as you only indulge clean and fair fight.

“The Jaguar, pare…Jaguar!” nang-aasar na sabi ni Calvin, best friend ni Lourd, dito.

Nakatukod na ang tako ni Lourd sa mesa at pinupuntirya ang 4-ball. Halatang nag-aalangan ito. Hindi biro ang nakapusta sa panig nito. Mula sa pagkakatutok sa bola ay nalihis ang tingin nito sa kanya. Napangisi siya. He saw his cousin’s eyes cursed him for putting him in this folly game.

Napapailing si Lourd habang tinatantya ang tyansa nito. Namumuo ang pawis sa noo at tahimik na nanalanging pagbigyan siya ng pagkakataon.

He then stroked the ball. Gumulong ito papunta sa gitnang butas ngunit unti-unti ay humihina. Pigil hininga ang lahat sa paghihintay kung titigil o mahuhulog sa butas.

“What the f―k!” sigaw ni Lourd. Right at the edge of the whole, the ball freezed and did not fall. Nanlulumong napakayakap si Lourd sa sariling tako dahil tuluyan nang mawawala sa kanya ang sasakyan. His opponent made the remaining shots until that last piece of the puzzle was complete.

All the men shouted and made noises as his opponent Benedict Edward Lucas, a notorious heir of the Lucas clan raise his hands and confidently roar. Kitang-kita niya kung paanong nanglumo ang pinsan niya.

“I guess I’ll be driving a luxury car starting today.” Nakangiting saad ni Edward kay Lourd.

Nakangiwing lumapit si Lourd sa kanila ni Calvin.

“Are you losing your touch, pare?” Tumatawang biro ni Calvin sa kaibigan nito.

“Sige tumawa ka, ewan ko lang kung magawa mo pa iyan kung ikaw ang nawalan.” Pikon na sabi nito.

“Pikon.” Aniya. “It’s just a car. Pwede ka namang bumili ng bago kung gusto mo.”

“Jared, sariling pera ko ang ginamit ko ‘don. My prize for myself.” Ngitngit na sabi ni Lourd.

“Okay lang ‘yan.” Tila batang kinukumbinsi ni Calvin ito at himas-himas pa ang likod.

“Now I need to bite the dust to get another one.” Paghihimutok nito sabay dakot sa beer in can at marahas na dinaklot ang pin upang buksan. Natapon pa ang laman noon sa kamay nito.

“Lourd, relax.” Paalala niya dito. “Baka isipin nila na hindi ka magandang kalaro. May problema ba?”

Tumingin ito sa kanya ngunit nag-iwas din. “Wala ‘to.”

“Kailangan mo ba ng tulong?” Muli niyang tanong.

“The label is still in good hands. At kaya namin ang Roxy.” Tumatanggi nitong tugon.

“Laro lang ako.” Paalam ni Calvin at lumapit sa ibang miyembro.

Naiwan silang magpinsan. Parehong walang imik. Parehong nakamasid sa ibang lalaking naglalaro sa ibang mesa.

“Wala na pala kayo ni Amanda. Anong nangyari?” Jared tried to pull a conversation. Si Amanda ay ang alam niyang present girlfriend nito. Ngunit nabanggit ni Calvin sa kanya na hiwalay na ang mga ito.

“Nakakasakal. At saka parang lahat kayo ayaw sa kanya.” Kulang sa sigla nitong tugon.

“I know you when it comes to women. Hindi ka mapili sa pisikal. You can even fall in love with a bark-like skin pero hindi sa kagaya niyang pumipigil sa paglipad mo. And besides, you don’t like women with long nails.” Nakangiting sabi niya.

“I tried everything for the relationship, at least to work. But she didn’t cooperate.” Sabi nito habang patuloy na iniinom ang beer.

“What’s happening to you, Lourd? Kung si Amanda -”

“I said it’s nothing, Jared.” He snapped.

“May kinalaman ba kami sa pagkakaganyan mo?” Jared said, adding, “I’m not naive not to feel guilty. Noon pa man. May narararamdaman ka para sa kanya. Alam ko ‘yon.”

“Can it change anything if I will confess to you? Kilala natin ang isa’t-isa, Jared. At alam nating pareho na walang patutunguhan ang kung anumang nararamdaman ko para sa kanya. Damn…I’d still confess!” padabog na binanggit nito ang mga huling salita.

“Tara sa labas.” Jared said clearly. Hindi na nito hinintay ang pagsagot niya at nagpauna nang lumabas.

Kung mayroon mang kailangan tapusin sa pagitan nila ni Lourd ay mabuti pang tapusin na agad. Dahil kung siya ang tatanungin ay sigurado siya sa kanyang sarili. Hindi niya hahayaang maapektuhan ng kahit ano ang samahan nilang magpinsan. He was like a real brother to him. Tanging ito ang takbuhan niya sa tuwing may problema siya. But a new grip was about to be hold by him. At iyon ay ang nararamdaman niya kay Kathryn. He was not yet confidently sure about her, but it was powerful enough. At lilinawin na niya iyon sa oras na iyon.

Nakasandal na siya sa BMW niya na kakukuha pa lang sa pagawaan nang labasin siya ni Lourd. Seryoso niya itong tiningnan. Ganoon din ito.

“Umpisahan mo na.” tiim na saad niya. Sa nalaman niya mula dito ay kailangan nilang tapusin ang problema. Ganoon silang magpinsan. Magkaiba man sa napakaraming bagay, isa lang ang dugong nanalaytay sa kanila.

“This is crazy. I can deal with this alone-” hindi na niya hinayaan tapusin nito ang anumang sasabihin at inundayan na niya ito ng suntok. Napasandal ito sa isang nakaparadang Lancer dahilan upang mag-ingay ang alarm noon.

Bago pa man makabawi si Lourd ay mabilis na niyang dinakot ang kwelyo ng suot nitong polo shirt.

“Let’s deal with it now!” mariing niyang sabi. “Alam kong galit ka sa’kin at gustong kong ilabas mo ngayon. Do it!”

“Damn you!” Lourd said and he landed his closed fist to his stomach and gave him an upper cut.

Namilipit siya sa sakit. Ngunit tila ningas iyon upang magsimula ang isang apoy ng galit sa pagitan nilang dalawa. Both ushering the hidden and kept rage and anger. Hindi personal ang galit nila sa isa’t-isa. It is just the unstoppable feeling for only one woman.

Nagpatuloy ang girian nila. Agaw pansin na ang kanilang hitsura. Si Jared ay dumudugo na ang ilong at ang ibabang bahagi ng bibig. Ganoon din ito. Ang mga dumadaan ay hindi maiwasang panoorin ang tila bugbugan ng mga dalawang karakter sa isang action movie. All of them are intrigue but had no idea of their exchanges of fists.

Noon lumabas si Calvin at lumapit sa kanila. Hindi nito alintana kung kasalukuyan mang magkakapit ang mga braso at nag-uunahan sa pagpiritsa sa isa-t-isa.

“Hey…hey!” awat nito sabay pilit isinisiksik ang sarili sa gitna nila. Panangga nito ang sarili braso dahil posibleng ito ang tamaan ng mga suntok nila.

Nang maawat ay parehong humihingal na magpinsan. Ito ay nakapamaywang ng sumandal sa tagilirang pinto ng BMW niya. Napatingkayad siyang naupo habang nakatungo. Taas-baba ang balikat sa malakas na paghinga.

“Whoa. . .God! Para kayong mga bata.” Calvin said in half amused half irritated tone.

“Bakit ngayon ka lang?” nakangiwing tanong ni Lourd dito. Ang akala nila ay susunod ito kaagad nang tingnan niya ito. Di sana’y hindi na sila masyadong nagkasakitang magpinsan.

“Para naman mas maging makatotohanan ang suntukan ninyo. You guys are crazy.” Napalitan ng pang-aasar ang tono nito. “Siguro naman eh, okay na kayong dalawa.”

“Ayoko na. Tara.” Aniya sabay yaya sa kaibigan. Hindi pa rin siya kumilos.

“Jared.” Tawag nito sa kanya nang marahil mapansin siyang nakaupo pa rin at nakatungo.

Nilapitan siya ni Calvin at inilalayang tumayo. Ikinawit sa sariling balikat ang braso niya.

“Pambihira din talaga kayong mag-usap.” Sabi ni Calvin.

“I’m sorry, Lourd.” Nahihirapang sabi niya sa pinsan.

Ngumiti ito ngunit bigla ring napangiwi dahil sa sakit ng panga. Ang mga taong nag-iisyoso ay kanya-kanya nang umalis. Tapos na ang maikling palabas.

“Bakit mo sinasabi ‘yan? Hindi mo problema ‘to. This is my fight. Just take good care of her. Hindi ako maghihimasok sa inyo. Wala rin naman akong balak na sabihin pa kay Kathryn. I’m pretty sure na kaibigan ang tingin niya sa’kin. Tanggap ko naman. Alam mo ‘yon. Kilala mo ‘ko. Ang akin lang, Jared. I hope this is not another Marigold in your life.” Magaan nitong sabi sa kanya. Alam niyang iparating nito na hindi magiging makitid ang utak nito at lalong hindi nito isasakripisyo ang pagkakaibigan nito at ni Kathryn.

“Of course not. I’ll bet my life for her.” It was a declaration. Pag-amin na rin iyon sa nararamdaman niya para sa dalaga. Hindi niya inakala na hahantong siya sa pakikipagsuntukan sa pinsan para lamang ipaglaban iyon. But like what his senses said, Kathryn was different.

“That’s good…that’s good.” Singit ni Calvin. Sabay silang inakbayan nito.

“This calls for a celebration.” Saad nito na sinabayan ng tawa.

He felt better. Isang bagay rin ang napatunayan niya sa sarili. It was the first time that he felt such urgency for a woman. Ibang klase ang epekto ni Kathryn sa kanya. She was the woman to fight for.

Papasok na muli sila ng club nang tumunog ang cellphone niya. Nilingon siya ni Lourd habang si Calvin ay tumuloy na sa loob.

“Mommy.” Aniya nang sagutin iyon.

“J-Jared, anak.” May panginginig na tugon niya. Bigla siyang kinabahan. “Ang lolo Emil mo, dinala namin sa hospital. Bumagsak siya sa gitna ng session sa senate.”

“W-what?” biglang nanlamig niyang sabi saka tumingin sa pinsan.

“Why?” nag-aalala namang tanong nito.

“S-si lolo.” Aniya. “Alright, Mommy, I’m on my way.”

“Jared.”

“I have to go.” Nagmamadali niyang paalam dito at kahit na hirap ay sumakay siya sa kotse niya.

“Text me where. Susunod ako.” Sabi pa ni Lourd at tumango siya. He prayed that nothing serious happened.

Kunot ang noo at nakamasid si Kathryn habang naupo sa harap ng dining table. Palipat-lipat ang tingin niya sa kanyang ama’t-ina. Kararating lang niya galing sa Roxy at nadatnan niya ang mga itong nagmimiryenda.

Nagulat at nagtaka siya nang makitang tila nagkakasundo ang mga ito. Hindi na rin niya namalayang tumagal na ang kanyang ina sa kanilang bahay. At ang buong akala niya ay hindi ito tatagal dahil sa kanyang ama. Hindi kasi magkasundo ang mga ito.

Tumikhim siya. “Ahm, Papa-”

“Oh, Kat!” Biglang bulas ng kanyang ama na tila pinigilan ang akma niyang pagsasalita. “I’m so happy for you.”

Sa pagtataka niya at niyakap siya nito nang mahigpit habang nilingon niya ang kanyang ina. Alanganin itong ngumiti.

“P-papa, wait.” Aniya habang yakap pa rin siya nito. Tila ayaw siya nitong pakawalan. Hanggang sa bahagyan na niya itong itulak.

“Weird.” Aniya habang takang-takang bumalik sa upuan. Ang kanya naman ama ay panay ang ngiti sa kanya.

“I’m just happy.” Sabi nito sabay mahinang tawa.

“Mabuti naman pumayag ka na.” sabi ng kanyang ina. Gulat siyang napalingon dito. Hindi ito sang-ayon sa pangarap niya. Ngunit paanong nangyari na biglang nagbago ito? Dahil ba iyon sa pagtigil nito sa kanila ng halos dawalang buwan?

“Mama, I hope you don’t mind pero…kelan n’yo balak umuwi? I mean, hindi naman sa ayaw ko narito kayo pero…alam mo na. Wala kasi kayong nakikwento.” pagtatapat niya.

Her parents had been acting weird and extra sweet. Hindi iisang beses niyang napansing asikasong asikaso ng kanyang ama ang kanyang ina. Naroong nasa opisina pa ito ng papa niya at inaayos ang mga gamit nito doon nang minsang pumunta siya sa shop nila.

Nakita niya ang paglipad ng tingin nito sa kanyang ama na tila may ibig ipakahulugan saka muling tumingin sa kanya.

“Pumunta ako do’n kahapon. I checked on Denise. She’s fine. Nag-usap kami at, ahm, napagkasunduan namin na dito na muna ako.” Sabi nito.

“Napagkasunduan? Mama, pwede bang linawin n’yo ang nangyayari. Nag-away ba kayo ni tito Ric? Anong problema? Dalawang buwan na kayo dito pero wala naman kayong sinasabi. I never asked because I feel you’re not comfortable telling the story, yet. Papa, ano bang alam n’yo?” mahaba niyang sabi sabay lingon sa kanyang ama.

“Kat, anak.” Ang kanyang ina. “Yes, nag-away kami ng tito Ric mo.”

“And?” aniya nang mapansing hindi na nito balak sundan ang sinabi. “Mama, natural sa mag-asawa ang nag-aaway. I saw how you and Papa used to fight. Anong pinag-awayan n’yo at kailangang humantong sa pagtigil n’yo dito?”

Halos panabay na nagbuntong-hininga ang mga magulang niya. Alam niyang may hindi sinasabi ang mga ito. Which made her felt wondering.

“He cheated on me, anak.” Tila kay bigat na sabi nito. Napatitig siya sa kanyang ina.” I saw him with another woman. I caught them to be exact. Mas bata sa’kin ‘yong babae. Maganda, sexy. Someone who Ric would go out with. Nalaman ko din na binabahay n’ya ‘yong babae. At may…anak sila. Tatlong taong gulang. That’s how long Ric had been cheating on me.”

“Oh, Mama….” Mabilis siyang lumapit dito upang aluin nang umiyak na ito. Kitang-kita niyang nasasaktan ito. At nasasaktan din siya para sa kanyang ina.

“Ayaw naming mag-alala ka pa.” Anang kanyang ama na sinagot na ang hindi pa man niyang itinatanong.

Napaluha na rin siya. Hindi madali ang pinagdadaanan ng kanyang ina. Mahal ng kanyang ina ang asawa nito. At saksi siya kung paano ito naging mabuting asawa dito at ina kay Denise kaya wala siyang mahagilap na dahilan kung paanong nagawa pang saktan ng tito Ric niya ang asawa nito.

“Maaayos din ang lahat, Mama. Kumusta si Denise?” Aniya.

“She’s doing fine. Matatag ang kapatid mong ‘yon. S’ya ang nag-suggest sa’kin na dumito muna. Hindi ko kayang mag-stay sa bahay.” Tugon nito.

“Nasaan ang magaling mong asawa?” may bahid galit niyang tanong.

Umiling ito. “Hindi rin daw s’ya umuuwi sa bahay sabi ni Denise. Maybe he’s out there. Kasama ng babaing ‘yon. I don’t know and I don’t care.”

She sighed and hugged her mother tightly. Napalingon siya sa kanyang ama na seryoso namang nakamasid sa kanila. Nararamdaman niya ang galit nito, ang tila pagsisisi at tila panghihinayang. Kung para kanino o para saan man iyon ay hindi niya. Hanggang sa ngumiti ito.

“Tigilan na muna natin ang pag-uusap tungkol d’yan. We’re here as a family.” Saad nito at tila pareho silang natigilan ng kanyang ina. Sabay silang napatitig dito.

“We used to be one.” Anito at wala na silang naitugon na mag-ina.

Naabala lamang sila nang biglang tumunog ang cellphone niya. Lumayo siya sa kanyang ina upang kuhanin ang cellphone niya. She saw Lourd’s name. Napaisip siya kung bakit bigla itong napatawad.

“Hello?” Aniya.

“I have something to tell you.” Anito sa kabilang linya.

“Malamang. Tumawag ka nga di’ba?” tugon niya.

“Dinala sa hospital ang lolo ni Jared.”

“Huh? Ano? Bakit?” gulat at biglang nag-alala para kay Jared niyang tanong. Nilingon niya ang mga magulang niya na nakamasid naman sa kanya.

“May sakit na kasi si senator. Sa puso. Papunta ako ngayon do’n. Gusto mong sumama?”

“Oo, sige.” Mabilis niyang sagot at natapos ang pag-uusap nila. “Ma, Pa. Alis lang ako.”

“Sa’n ka pupunta?” takang tanong ng kanyang ama.

“Kay Jared.” Aniya at lalong kumunot ang noo nito.

“Jared?” Narinig niya sabi nito ngunit hindi na niya nagawang magpaliwanag dahil nakalabas na siya ng bahay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.