ROXY CITY SERIES 2 (ALL THE THINGS YOU ARE) Chapter 9

All Seoff expected a not so serious Lourd who depend his side but it didn’t. Kasalukuyan siyang nasa unit ng nito. Maaga pa kung tutuusin at wala siyang pakialam kung tulog pa ito nang dumating siya. May kailangan siyang linawin dito.

Tanging ingay ng paggalaw ng kamay ng relo ang maririnig. Pareho silang tahimik sa sala. He heard him sighed. Siya ang unang nagsalita.

“Nasaan siya?” Pigil ang sariling huwag itong sigawan.

Umangat ang likod nito mula pagkakasandal sa sofa at inihilamos ang mga palad mukha patungo sa buhok nito. He again blew a breath.

“Seoff, sa tingin ko-”

“Sabihin mo na lang.” naiinip niyang agap.

Tumayo ito at tinungo ang mini-kitchen. Binuksan ang fringe at kumuha ng pitsel na tubig. Walang babalang uminom ito mula doon. Pinunasan nito ng likod ng palad ang bibig saka muling nagsalita.

“Nasa Roxy lang s’ya.” Maikling sagot nito at muling ibinalik ang pitsel sa loob ng fringe.

Isang buwan nang hindi nagpapakita si Thia. Naulit na naman ang nangyari noon. Bigla na namang lumayo si Thia. Hindi na naman niya ito makita o makausap. Hindi nito sinasagot kahit na anong text o tawag niya. Kahit na si Auntie Lorie ay hindi na rin alam kung saan at paano ito hahanapin.

“Sana ay huwag na kayong makialam. Ako nang bahala sa kanya.” Sabi niya.

Sumagot si Lourd habang papalapit sa kanya. “Kaibigan ko siya. Masyado siyang nasaktan. She felt betrayed. She needed herself, Seoff. Ibinigay lang namin ang nararapat.” Mahabang paliwanang nito pigil din ang galit.

“Para ka ring mga kaibigan niya ‘no? Ilang beses ko silang tinanong at binalikan, but I got no answer. Pero ikaw, I did not expect you to be in this hiding!” he said angrily.

“Dahil naiintindihan ko siya.”

“At anong tingin mo sa’kin? Hindi?” He snapped. Tumayo siya at hinarap ito.

Walang ideya si Lourd kung ano ang pinagdadaanan niya. Hindi na siya natahimik simula nang umalis si Thia. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Na hindi madaling tanggapin ang katotohanang nalaman nito. Kahit siya ay nagulat din. Ang balak niya ay aalalayan niya ito sakaling malaman nito. Kaya sinamahan niya ito pabalik ng Manila. Isinama sa bahay niya at muli ay nagniig sila. At balak niya ay kakausapin ito. Upang linawin ang maraming bagay. But she was gone.

Hindi niya akalain na tatagal nang ganito ang pagtatago ni Thia. Ni hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataong damayan ito. In all honesty, hindi niya alam ang mararamdaman. Kahit siya ay nagulo ang buhay dahil sa nangyari. Kaya naroon siya at kinakastigo ang matalik niyang kaibigan. Kung hindi nga lang niya ito lubos na kilala at pinagkakatiwalaan ay iisipin niyang may pagtingin ito kay Thia. Ngunit hindi ganoon si Lourd. Alam nito kung saan at kailan ilulugar ang sarili.

Gustung-gusto niyang makita at makausap ang dalaga. Pakiramdam niya ay malaking bahagi ng pagkatao niya ang nawala. He didn’t know how to begin his life after that. Hindi niya alam kung paano pa siya nakakapagtrabaho at muling nagigising sa umaga. Parang kasamang nawala ni Thia ang buhay niya. For days and nights, he had been like that.

“I’m really sorry, bro. I didn’t mean to hide her.” Narinig niyang sabi nito.

Pilit siyang tumango. “Ayoko nang magalit. Saka ko na lang iisipin kapag natapos na ang lahat ng ito.” Aniya. Nakatayo pa rin siya sa likod ng sofa, hands on his pocket.

“I want her back.” He said sharply.

“She’s under my label now. Nakapirma na siya ng kontrata, ibig sabihin artist na siya ng LinkMusic.” He said in a snap.

“So?” Maikli niyang sagot.

“Oh, geez! Ang ibig sabihin ng sinasabi mo ay ‘wag mo na siya ibalik sa AMG. Bakit hindi n’yo na lang siya pabayaan? Gusto niya ang ginagawa niya ngayon.” Protesta ni Lourd. Muli nitong sinuklay ang mga daliri ang sariling buhok.

“Do what I say!” mariin niyang sagot. Lumakad siya patungo sa pinto ngunit tinawag siya nito

“Wait-” At bago pa makapagsalita ito ay dumapo na ang kamao niya sa mukha nito. Gumalaw ang center table dahil si Lourd ay napaatras hawak ang dumugong labi. Napangiwi ito sa sakit.

“Alam kong kaya mo ginawang itago siya sa’kin ay dahil kaibigan mo rin s’ya at naiintindihan mo s’ya. Pero hindi ako makakapayag. Kaya ibalik mo s’ya sa pamilya n’ya, sa’kin. Alam mong hindi ko kakayanin kung wala s’ya. She’s mine, Lourd. She’s mine ever since.” Aniya at lumabas na ng unit ngunit bago niya tuluyang maisara ang pinto ay nairinig pa niya ang sinabi ng kaigiban.

“Aminin mo na lang kasi na mahal na mahal mo s’ya. Damn it!”

Mataas na ang lagnat ni Thia. She was shivering in cold. Kahapon pa niya nararamdaman iyon kaya hindi na muna siya pinapasok ni Roxanne at pinagpahinga sa isa sa mga executive suite sa Lou Room’d.

Her burden of selfish love of her mother in the past must have paid off. Labis na siyang nasaktan. Marahil tama lamang na lumayo na muna siya at hanapin ang sarili upang lubos niyang maintindihan ang mga pangyayari. Kahit halos patayin na siya ng pangungulila sa mga taong mahal niya. Lalo na kay Seoff.

“Kaya mo na ba?” tanong na salubong sa kanya ni Cleo nang makita siya. Dinalaw siya nito kasama ni Cassie, Amber at Geri.

“Bio-flu lang katapat nito?” nangangatal niyang biro. Paos na rin siya.

“Pahinga ka na lang muna. May kakausap pala sa’yo.” nakangiti nitong tugon. Nagtaka siya at akmang magtatanong nang iwan siya ng mga ito. Umiling na lang siya.

Binalot niya ang sarili ng blanket upang kahit paano’y mabawasan ang ginaw. Nakatunglo siya sa 3-seater leather bench. She felt so alone and sad. She needed warmth. And she missed Seoff. Ilang linggo na rin niya itong hindi nakikita.

“Kung titingnan mo ang sarili mo, nakakaawa kang tingnan.” Napalingon siya nang marinig ang nagsalita. Nakita niya si Seoff na seryosong nakatayo. He looks so casual in just a jeans and a t-shirt with sneakers on. Suddenly, she came upon a notion that he really came for her. Lumapit ito sa kanya. Nabigla siya nang iangat nito ang mukha niya at halikan siya.

“Grabe, trangkaso na yata ‘yan.” sabi at tanong nito matapos siyang halikan.

Kung hindi lang siya nanghihina ay baka sinigawan na niya ito. He always has this effect on her.

“Anong ginagawa mo dito?” namamaos na sabi niya. He raised his hands and grabbed her. Hinawakan nito ang ulo niya at inilagay sa balikat nito.

“Iuuwi ka.” He said. Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakangiti ito.

“Para ano pa? Ayokong umuwi?” Nagawan pa niyang maging masungit kahit na may sakita.

“Hindi ka naniniwalang kaya kong gawin ‘yon?” tanong nito.

“Anong kailangan kong paniwalaan?”

“Na narito ako para sa’yo.”

Hindi niya napigilang mapangiti sa mga sagot nito. Kahit na tila umiikot na ang paningin niya sa sobrang taas ng lagnat ay nagawa pa ring makapasok na kakaibang malamig na haplos sa puso niya ang sinabi nito.

“Tigilan mo na ako kung napipilitan ka lang.” nanghihina nang sabi niya.

“Naka-confine dito sa Manila ang daddy mo for surgery.” sabi nito habang hinawakan ang noo niya at hindi pinansin ang himutok niya.

Parang gustong umiyak ni Thia sa narinig. She missed her father. Ngunit dahil sa sama ng loob ay pinipigil niya ang sariling puntahan ito.

Her body immediately reacted and she wrapped her hands to his waist under the blanket. She feels too hot but she wants his warmth run through her veins. Pinilit niyang huwag pansinin ang sinabi nito ngunit pilit sumisiksik ang pag-aalala sa ama.

“You still don’t give up do you?” she asked with her eyes shot. Nahihilo na talaga siya. “Bakit pinipilit ninyo akong gawin ang bagay na hindi ako?”

“Hindi ako nagpunta dito para d’yan. Narito ako dahil gustung-gusto na kitang makita.” He snapped.

“You don’t mean it.” She haft raised her face to look at him. Naringgan niya ito ng sinseridad at gusto niya iyong makita sa mga mata nito. But instead, she saw him looking afar blankly. Hindi niya alam kung itinago lang nito iyon ngunit nasaktan siya.

“I hate you, Seoff.” Mahinang sabi niya ngunit isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. And he remained silent. She tried but she can’t seem to get herself to think of anything but him, only him. His breath on her face and his warm gentle kiss that she tasted the truth of loving someone so deep.

“I know. But you cannot love me if you don’t know how to hate me.” Sagot nito.

Lumipas ang ilang sandaling nasa ganoon silang posisyon. Walang nagsasalita. Pinakikinggan lamang ni Thia ang pagtibok ng puso ni Seoff. Hindi na niya magawang kontrahin ang iba pang sasabihin nito.

“Kaya ka ba nagpunta dito ay dahil nalaman mong may sakit ako? Nag-aalala ka ba sa’kin?” she said in the middle of her breathing.

“Oo.” He answered. Hinila siya nito upang lalong mayakap at tinangka siya nitong halikan ngunit binawi rin nito ang labi.

“Gusto kitang halikan pero napapaso ako sa’yo.” Nakangiwi nitong saad.

“Bakit mo ginagawa ‘to, Seoff?” she asked. Siguro’y nagdidiliryo na siya. Hindi sumagot ang binata.

Nanghihinang kumalas siya dito. Tumayo siya ngunit tila namanhid ang tuhod niya at nawalan siya ng panimbang.

Mabilis siyang nasalo ni Seoff. Nahilo na siya at umiikot na rin ang paningin niya. Ikinawit niya ang mga braso sa batok ni Seoff.

“Uwi na tayo...” Bulong niya at nag-umpisa na siyang umiyak. Hindi na niya kaya. Nanginginig na rin ang katawan niya. Before she can do any move, she swooned to Seoff. Walang dalawang salitang binuhat siya nito.

Humahangos na lumapit sina Cassie. “What happened?”

“Nanghihina na siya.” sagot ni Seoff habang hawak pa rin ang dalaga.

“Iuuwi ko na siya, please.” saad pa nito. Mula sa kanyang nanlalabong paningin ay nakita niyang tumango si Cleo.

“Salamat.” Narinig niyang sabi ng binata.

“S-Seoff.” banggit niya sa pangalan nito.

“Narito ako.” narinig niya ang boses nito.

Kuli-kuli si Thia habang paakyat ang elevator patungo sa floor ng kwarto ng daddy niya. Kasama ang mga kaibigan ay inihatid sila ni Seoff sa hospital.

‘room 408’ anang isip niya habang tinitingnan ang mga pinto.

She was tired. Pagod na siyang magalit at magdala ng sama ng loob. Gusto na niyang mawala ang lahat ng sakit. Gusto na niya magpatawad at mapatawad. She wanted to be happy. Ayaw na niyang tumakbo na tila palaging naghahanap.

Malayo pa lang ay nakita na niya si Auntie Lorie at Kristin. Atubili siyang lumapit sa mga ito.

“Auntie.”

“Hinihintay ka talaga namin.” nakangiting sabi nito sa kanya.

“Hi.” Si Kristin.

Hindi niya alam kung anong sasabihin. Nakatingin siya dito at ito ay nakangiting nakatingin din sa kanya. Paano ba niya ito kakausapin? Bilang pinsan ba o kapatid?

“Kumusta siya?” tanong niya kalaunan.

“Okay naman. Sige, puntahan mo na siya.” Sagot nito. Hinawakan ni Kristin ang kamay at pinisil iyon.

“Hinihintay ka niya.” sabi nito.

Pagbukas ng pinto ay lalong kinabahan si Thia. Nakaupo sa kama ang kanyang ama. Nakaupo sa gilid ng kama si Margarita.

Nakita siya ng daddy niya ay mabilis na ngumiti. She hated those tears na lagi na lamang umaagos sa kanya. Hind na ba siya titigil sa pag-iyak?

“Thia.” sabi ng daddy niya. Si Margarita ay tumayo at tila lalabas ng kwarto.

“Maiwan ko muna kayo.” masuyong sabi nito at hinawakan ang kanyang balikat bago

tuluyang lumabas.

“Tita, I’m sorry.”

“Huwag mong intindihin ang nangyari. Mag-usap muna kayo ng Daddy mo. Maraming tayong oras.” Lubos ang pang-unawa nitong sagot saka tuluyang lumabas.

Lumakad siya papalapit sa paanan ng kama nito dahil kailangan niya ng makakapitan.

“Kumusta kayo?” she was out of words.

“Alam ko ang nararamdaman mo.”

Nagbuntong-hininga. “Hindi ninyo alam ang nararamdaman ko dahil hindi ko naman sinasabi sa inyo.” Damned! She’s crying again.

“Alam kong galit ka sa akin.” mahinang agap nito sa kanya.

“Yes. Galit ako kasi hindi ko naramdaman ang pagmamahal n’yo kahit kailan.”

“Kasalanan ko.” Nalungkot na sabi nito. “I should have told you about that before…I’m sorry.”

“Pero Dad, wala pa man sina Kristin ay may problema na tayo. Na sinisisi n’yo ako sa nangyari inyo ni Mommy. That…that I am the reason of your ruined life…and …and sometimes I just wanna be dead para gumaan ang pakiramdam mo at mawala ang galit mo sa mundo.”

Bahagyang kumilos ang daddy niya. “Huwag mong sabihin ‘yan. May pagkakamali din ako. Hindi kita dapat sinisi. Idinamay kita sa sakit na naramdaman ko.” He said.

“But they came. Ang totoong mahal mong pamilya…Na-nabuo mo ang pamilya mo and you found yourself….a family and…and..ako maiiwan mo…” she again burst into tears. Sobbing and hardly speak.

“And I feel so…alone that I do not belong to… you or to anyone…anymore. I feel so…lost.” Patuloy siya sa pag-iyak. She put her hand on her mouth to stop her loud cry.

“Hindi ko sasabihin na ako ang piliin mo kaysa sa pamilya mo. Gusto ko lang itanong, bakit, bakit Dad? Anong naging kasalanan ko? For you to treat me and let me grow up without feeling your …love.

“Wala kang kasalanan. I know I’ve been a lousy dad to you. I-I blamed you to what happened. Patawarin mo ako kung napabayaan kita. Bigyan mo sana ko ng pangalawang pagkakataon.” he sincerely said.

Umiiling siyang muling nagsalita. “Wala kayong dapat ihingi ng tawad. Pareho lang tayong nasaktan.”

“Thia, anak.” Thia saw tears falling from her father’s eyes.

Kahit na luhaang mukha ni Thia ay nakita niya ang mata ng Daddy niya. Alam niyang nasasaktan din ito. At ang nalaman niya mula dito ay nagpamulat sa maraming bagay tungkol sa kanya ngunit hindi pa man niya lubos na naiintindihan ay magandang simula iyong upang harapin ang bagong buhay kasama ng Daddy niya. Maaari naman niyang isa-isahin iyon. Sa tulong ng kanyang pamilya.

“Pwede ba akong mapabilang sa pamilya mo, Dad?”

“Oo naman, sweetie.” Malambing nitong sagot at iniangat ang mga kamay upang yakapin siya.

Kaagad siyang lumapit dito upang yakapin ito. Sa dibdib nito niya ipinagpatuloy ang pag-iyak.

“Shhh, tahan na. Daddy’s here.” parang batang pinapatahan nito si Thia.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.