“Thia, you will be assigned to different department. Tulad ng iba, dadaan ka sa internship program ng kumpanya, for a start. Pwede ka naming ilagay sa accounting or kaya naman ay sales division…Thia?” naputol ang pagsasalita ni Miss Dina, ang personnel head na siyang nag-oorient sa kanya. Personal siyang hinawakan nito upang bigyan ng assistance dahil na rin sa bilin ng daddy niya.
“Po?” Tila nagising na sagot ni Thia.
“It seems like you’re not paying attention.” Umiiling na saad nito. Umayos siya ng pagkakaupo at muling binuklat ang folder ng company profile.
“May iniisip lang po ako.” Aniya.
“Sa tingin ko nga. Parang wala ka dito, eh.” Napapangiting sagot nito.
Alangang ngumiti si Thia. Totoong may iniisip siya. At kung malalaman nito ay baka pagtawanan lang siya nito. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang init ng labi ni Seoff na pawang humahaplos sa labi niya. At kahit anong pilit niyang iwaglit ay sumisiksik sa isip niya ang gwapong mukha ng binata.
“I’m sorry. Ano po ulit ang sinasabi ninyo?” tanong niya nang bumalik sa kasalukuyan ang isip niya. Nagbuntong-hininga ito saka sumandal sa swivel chair.
“Sa ngayon ay wala ka pang designated department. Ang daddy mo pa rin ang magsasabi kung saan ka niya ilalagay. Basta ang kailangan sa ngayon ay i-familiarized mo muna kung paano ang pagtatrabaho dito. We are in manufacturing. Hindi madali ang trabaho at ito ang pinakamalaking distillery sa buong bansa. Idagdag pa maraming kumpanyang hawak ang daddy mo.”
“So, ano po ang gagawin ko?” she asked.
“Doon ka muna sa opisina ng Vice-president for Operations. Nagkasakit si Analyn kaya nahihirapan si Mr. Munez. Anyway, kinakapatid mo naman siya kaya hindi ka rin mahihirapan.”
‘Yun ang akala n’yo.’ Gusto niyang isatinig ngunit nanahimik na lang siya. Having said what she heard Thia lifted her back from the chair.
“B-Bakit naman po doon pa?” tanong niya ngunit puno ng excitement ang pakiramdam niya.
“I don’t have to explain that. Hindi naman magtatagal iyon. A week or two can do.” Tugon nito at wala na siyang ibang sinabi.
Magkasama sina Seoff at Kristin sa canteen dahil hindi na gustong lumabas ng dalaga upang magtanghalian. Seoff suggested a lunch delivery but Kristin refused. Ano daw ang ginagawa ng canteen ng kumpanya kung lalayo pa sila.
“Bakit hindi natin tawagin si Thia?” saad ni Kristin habang pinupunasan ng tissue ang kubyertos nito. May ilang empleyadong bumabati sa kanya pati na rin sa dalaga.
“And lose my appetite?” He said almost mocking.
“Seoff, huwag kang ganyan. Hindi ba’t naging kayo?” Seryosong ani Kristin.
“You can’t blame me. She’s annoying. Magkaibang-magkaiba kayo, to think ikaw ang laking Amerika.” He snapped.
“She has story, Seoff. You just have to hear it for you to understand.” Sabi nito at hindi niya napigilang mapatawa.
“I’m sorry…it was unintentional.” Paumanhin niya sabay inom ng tubig nang makitang tumilim ang tingin ng dalaga sa kanya. “Everyone has a story. And hers is not extraordinary to compensate with her acts.”
Kumunot bigla ang noo ni Kristin sa narinig. Nakatitig ito sa kanya na tila may kakaiba siyang nasabi. Alam niyang malapit ang dalaga sa daddy ni Thia. Napapansin nga niya na dito ibinibigay ng ninong niya ang atensyon na hindi maibigay sa sariling anak. Na sinusuklian naman nito ng kabaitan.
“What do you know? Anong alam tungkol sa kanila ni…Uncle?” she asked almost furious. Natigil ang pagsubo niya dahil sa tanong nito. Hindi niya ito maintindihan na tila nagalit sa kanya.
“Kung anong alam mo, I guess. Hindi naging masaya ang pagsasama ni ninong at ng mommy ni Thia. That’s it, why?” nahihiwagaa niyang sagot saka lumipad ang tingin niya sa canteen entrance.
Nakita niyang pumasok si Thia kasama ng ilang empleyado at pawang mga kalalakihan. He dismissed his disappointment. Hindi niya gustong tuluyang mawala ang respeto niya sa dalaga, because inside him was jealousy that he ignored immediately.
Kulang sabihing nayanig ang mundo niya nang tanggihan siya ni Thia na magpakasal. O marahil naging masyado siyang kampante na papayag ito. Bakit hindi? Naging nobya niya ito. Not just that. He had her. In his own bed to be exact.
“The bitch is here.” Saad niya ngunit tila may kibig sa lalamunan. Iyon ang sinasabi ng isip niya kaya iyon ang lumabas sa bibig niya ngunit may kumurot sa puso niya. At hindi niya kayang tingnan si Thia kung sakaling makita niya ang reakyon nito kapag narinig nitong sinabi niya iyon.
Kaninang hinalikan niya ito, wala man sa plano niya, ay naramdaman niya ang lambot ng labi nito sa kanya. So inviting yet so serene. At muli ay naramdaman niya ang pamilyar na init na humahaplos hanggang sa kanyang puso, making him feel complete. He wanted more but someone intruded.
“Seoff, I said stop it.” Kristin said in slight anger.
“Why are you still so nice to her? Alam naman natin pareho ang ginagawa niya.”
Nilingon muna ni Kristin ang pinsan sa dulong mesa na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasama.
“Will you promise me not to be rude to her anymore if I tell?” tanong nito nang muling ibalik ang tingin sa kanya.
“Ano?” sagot na tanong niya.
“Promise me kung gusto mo talagang malaman.” She demanded.
“Fine.”
Nagbuntong-hininga ito saka nagsimulang magkwento. At hindi na niya muling binalikan ang pagkain dahil tuluyan nang nawala ang gana niya sa nalaman. He sighed and sighed as he listened to her.
Nakita ni Seoff na sumakay ng taxi si Thia. Binuhay niya ang makina ng kotse niya. Balak niya itong sundan. Kailangang masiguro niya makakauwi ito nang maayos. He will feel guilty kung may mangyayaring masama rito.
“Wicked brat.” Bulong ni Seoff sa sarili.
Magmula pa nang umalis si Thia sa opisina ay sinusundan na niya ito. Hindi siya nagkamali ng naisip kung saan ito pupunta. Sa Roxy City.
Dapat ay aalis na siya matapos ang kalahating oras na pagtambay doon. Ngunit muli niyang nakita si Thia na sumayaw sa stage kasama ang mga kaibigan nito.
He saw Thia dancing on stage at sinisigawan ng mga tao. And most were men. Hindi malaswa ang sayaw ng mga ito. Hip hop ang tema ng galaw ng lima sa pagkakaalam niya. Kasama nito ang sikat na Hollywood choreographer na si Bam Lewis. He barely knew the name. Wala siyang kilala sa entertainement world kundi rin lang sikat.
They were good. Thia’s skill on that craft was great. Nakita niya iyon. Hindi niya napigilan ang sariling hangaan ito. Nakasuot ito ng tila bionic man costume ngunit hapit sa katawan. At sa bawat galaw nito ay nahahantad kurba noon at minsa’y pati cleavage. Ngunit tila wala itong pakialam. Tila nag-eenjoy pa ito.
Marahil kung tumagal pa nga ang relasyon nila ay baka na-engaged sila. But the thing was, he don’t like Thia. He hated her attitude, her stubbornness, and her actions. But again, in spite of all those crap, he found Thia so stunning. He liked her face. Diamond shaped eyes, thick lips in a cream complexion. Kaya nang sabihin sa kanya ng mama niya na subukan itong kilalanin ay hindi na niya itong tinanggihan. Ngunit may mga bagay pa rin na naghihiwalay sa kanilang dalawa. He was planning the best of things. Hindi ganoon si Thia. Hindi ito kasundo ng sarili nitong ama. Madalas nasa gimikan. Walang direksyon ang buhay.
Walang formal break up na namagitan sa kanila tulad ng walang pormal na ligawan na naganap. Basta na lang sila hindi nag-usap nito and everyone concluded a closure. Walang nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit nagalit sila sa isa’t-isa na humantong sa paglayo ng dalaga. Tanging sila lamang ni Thia at Auntie Lorie ang nakakalam. Nasaktan din siya. Iyon ang hindi alam ni Thia. Nagalit siya dito dahil nagpabaya ito. Ito ang may katawan kaya alam nitong nagdalang-tao ito. Hindi na sana humantong sa miscarriage iyon. Kung sana’y natuloy iyon, pinakasalan na niya ito. Wala na rin malaking problemang kailangang ayusin tungkol sa ownership ng kumpanya. He could handle the company na hindi nag-aalala sa estado ng mga Adriatico. Dahil asawa niya si Thia. His wife. His spouse. His other half. His love.
Nang pumasok ang taxi sa subdivision ay saka pa lamang ito nilubayan ni Seoff. Saka huminga ng malalim dahil sa pagod. Hindi magiging madali ang lahat sa pagitan nila ng dalaga dahil sa lihim na nalaman niya kanina lang. Hindi niya alam kung kakayanin pa ni Thia ang sakit kung sakali.
Nagising si Thia dahil sa silaw sa liwanag. Nakita niya si Auntie Lorie niya na hinahawi ang kurtina ng kanyang glass window. Marahil sinadya nito iyon.
“Auntie, antok pa ‘ko.” Protesta niya saka dumapa. Gusto pa niyang magpahinga.
“Bumangon ka na. Mahaba pa ang byahe mo.” sabi nito.
“Anong oras na?” napa-angat ang ulo niya.
“Ala-una na ng hapon.” Natatawang sagot nito. Lumapit ito sa kanya at umupo sa gilid ng kama.
“Tumawag na ang daddy mo.” Sabi nito.
Napilitan siyang bumangon at hinaplos-haplos ang sariling noo. Marahil tungkol sa pag-uwi niya ang itinawag nito. Ang totoo ay parang ayaw niyang makita ang kanyang ama. Hindi dahil galit pa siya dito. Ayaw niya itong makaharap dahil alam niyang masasaktan siya. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at umiyak nang umiyak sa harap nito. Gusto niyang humingi ng tawad. Gusto niyang ayusin ang relasyon nila. At inuna niya ang pagpasok sa kumpanya.
“Anong sabi?” tanong niya.
“Itinatanong kung itutuloy mo pa ang pag-uwi. At saka hindi mo ba pupuntahan ang planta? Kung gusto mong bumawi kailangan mong matutunan lahat-lahat. Kung saan nagsimula ang pamilya mo para mapalago ang kumpanya.” Sagot nito. Tumayo ito at lumapit sa footboard ng kama. Kinuha nito ang isang tray at iniabot sa kanya.
Nakakabatang kapatid si Lorie ng kanyang ina. Biyuda na ito may pitong taon na dahil namatay ang asawa nito sa isang aksidente kasama ng nag-iisa nitong anak. Kaya siya na ang tumayong anak nito dahil siya naman ay parang wala ring magulang sa katauhan ng kanyang ama. Ang ina naman ni Kristin na si Auntie Margarita ay ang panganay sa magkakapatid. Margarita was adopted. Nakita ito ng isang kasambahay noon sa harap ng gate ng bahay ng mga Didez. Nagiliw ang lola niya dito kaya legal na itong inampon.
“Sa tingin mo, Auntie, dapat ba akong umuwi?” kunwa’y tanong niya sabay subo sa bacon.
Tumingin ito nang masama sa kanya. “Huwag mo akong simulan, Anastacia.”
Binitawan niya ang kubyertos saka sumandal. “Natatakot ako, Auntie. Hindi ko yata kayang makita si Daddy. Nahihiya ako, nalulungkot. Baka nga galit pa rin s’ya sa’kin at kaya niya ako pauuwiin para pagalitan lang.”
Huminga itong nang malalim. “Tama ang gagawin mo. Panahon na para ayusin mo ang lahat tungkol sa inyong dalawa ng daddy mo.”
Hindi na siya tumugon at itinuloy na lang pagkain. Uubusin lang niya ang lakas kung sasalungatin pa ito. Wala na rin naman siyang magagawa. Siya rin ang mahihirapan kung sakali.
“Nabalitaan ko na si Kristin na ang head ng sales and marketing department.” Saad ng ginang na ikinainis niya.
“Yeah. And she’s doing a good job.” Napasinghal siya.
“Nag-usap na ba kayo?” tanong nitong habang iniabot ang ibinalik niyang tray. Saka siya tumayo at lumapit sa built-in-closet niya.
“Hindi pa at hindi naman kailangan. As long as she’s doing fine I don’t think we have something to talk.” Saad niya. Akmang kukunin niya ang trolley niya nang makitang wala iyon. Tumingin siya sa ginang.
“Inayos ko na ang gamit mo in case gusto mo nang umuwi.” Nangingiti nitong sabi.
Napangiti na rin siya. “The best ka talaga, Auntie. Pero magrireport muna ako sa office. Gusto ko marami na akong development na maikwento kay Dad pag-uwi ko.”
“Ikaw ang bahala pero ‘wag mo na masyadong tagalan. Mamaya niyan ay tumawag na naman ang daddy mo. Alam mo naman na hindi na siya maaaring magalit o mapagod ngayon.”
Sandali siyang natigilan. Sa tuwing maiisip niya ang kalagayan ng kanyang ama ay nakakaramdam siya ng matinding lungkot. Subali’t hindi siya nawawalan ng pag-asa. Gagaling ang kanyang ama.
“Auntie, pupunta muna ako sa Roxy. Kailangan kong magpaalam nang maayos.” Sabi niya at tumango ito.
“Tama ‘yan. Magiging abala ka pagdating mo doon. Nakakasiguro ako na hindi papayag ang daddy mo na hindi mo matutunan ang lahat sa pagpapatakbo ng distillery. Baka pagawain ka pa niya ng lambanog.” komento ng ginang.
Isang hilaw na ngiti ang ginawa niya. “And then what? Sasabihin niya na hindi ko kaya. Na kagaya ako ng Mommy ko.”
“Thia.”
She sighed. “I’m sorry. Hindi ko mapigilan. After all these years, hindi ko naramdaman na mahalaga ako sa kanya. Pasensya na.”
“Marami na ang magbabago ngayon.” Sagot nito. Napatingin siya dito. “Tandaan mo. Ikaw lang ang nag-iisang anak ng kapatid ko. Ikaw lang at wala nang iba na maaaring humalili kay Edison at tumulong kay Seoff. Huwag kang papayag na may ibang makialam sa karatapan mo.”
Seryoso at tila may ibang kahulugan ang mga salita nito. Pinagtakhan niya iyon.
“Auntie, ako lang ang anak ni daddy. Ang weird mo.”
Ilang sandali itong hindi umimik. Kumilos ang mga mata nito na parang may nais pang sabihin.
“Auntie-”
“Huwag mo akong intindihin. Mag-ayos ka na at tanghali na.” Tila umiiwas nitong sagot. Kinuha nito ang tray at tahimik na lumabas ng kwarto habang siya ay naiwang nag-iisip pa rin. Noon naman tumunog ang cellphone niya.
“Hello, Lourd.” Aniya nang mailapit iyon sa punog-tainga niya.
“Alam kong tatawagan mo ‘ko para mag-file ng leave. Anytime soon, uuwi ka na ng Isabela.” Saad nito sa kabilang linya.
“Sandali nga, Lourd. Bakit ba parang malakas ang pakiramdam kong may kinalaman ka sa lahat ng nangyayari sa’kin?” aniya.
“Come on, kilala mo ‘ko at kaibigan mo ‘ko. Kaya gusto ko ring maayos ang buhay mo. It will not be easy na ibalik ka sa bestfriend ko-”
“Wait.” Mabilis niyang agap dito. “Bestfriend? Sinong sinasabi mo?”
Hindi kaagad nakarinig ng tugon si Thia. Kumunot ang noo niya. Tama nga ang hinala niya na may kinalaman ito sa biglang pagdating ni Seoff sa club.
“Hoy, sumagot ka.” ulit niya dito.
Narinig niyang bumuga ito ng hangin. “Seoff is my bestfriend since college. Nalaman n’ya na artist kita kaya kinausap n’ya ako. He told me the whole story.”
“Geez, Lourd. Bakit hindi mo sinabi sa’kin…” sabi sabay buntong-hininga. “Kahit kailan talaga. Mabait ka lang pero ang totoo pakialamero ka. Fine, I’m sorry. Hindi na reasonable para magtalo pa tayo. Pero tama ka. I have to live for Isabela. Pa’no ‘yan?”
“We’ll talk, syempre. Kita tayo sa Roxy. Bye.” Sabi nito at nawala na ito sa linya.