ROXY CITY SERIES 2 (ALL THE THINGS YOU ARE) Chapter 4

Sa tuwing matatapos sa Internship Program sa third floor si Thia ay tumutuloy siya sa eight floor, sa opisina ni Seoff. She played the role of the brat assistant who annoyed Seoff almost everyday. At parati na ay para silang mga aso’t pusa na kaunting kilos ay pinag-aawayan. Laging nag-gigirian at nag-iinisan. Seoff was full effort in teaching her the basic in running the company because it is what instructed to him. Ngunit patuloy din ang pagpapakita ng kagaspangan ni Thia ng ugali. Masyado kasing masungit ang binata sa kanya.

Ngunit sa bandang huli ay sumusuko din naman sila sa isa’t-isa. Showing concern and sweet alibis to extent the time that they’re together. Tila nagliligawan sa digmaang paraan. And no one wanted to raise the white flag to surrender the feeling. Sa kabila ng pagpapalitan nila ng mga pikon na salita ay ang mga lihim na tingin at ngiti. For them, it was their walls to deny the attraction. Napapangiti na lang ang mga guards at ibang empleyado na nakakasalamuha nila.

“Hi.” Umangat ang ulo ni Thia nang marinig ang tinig na iyon. Bahagya siyang natigilan nang makita si Kristin ang nasa harap niya.

“Bakit?” alam niyang malamig ang sagot niyang iyon. Ngumiti ito.

“Busy kaya si Seoff? May sasabihin sana ako sa kanya.” She said nicely.

Muling siyang tumungo at kunwa’y abala sa ginagawa. “Anong sasabihin mo? Kausap niya ngayon ang Korean investors sa isang web conference.”

“Gano’n ba?” saad nito. “Balik na lang ako.”

Tumango siya bilang pagsang-ayon saka ito tumalikod. Nakahakbang na ito palayo nang bumukas ang pinto ng opisina ni Seoff. Sabay silang napalingon. Noon din siya tumayo upang maghintay sa sasabihin nito.

“Mabuti narito ka, Kris. I was supposed to call for you. Come, I think I need your help.” Sabi nito sa pinsan niya. Napaangat ang bibig niya sa bahagyang gulat.

Nakita niyang ngumiti si Kristin. “Oh, okay.”

“Ang tulong ko hindi mo kailangan?” hindi niya napigilang sumingit. Tiningnan siya ng dalawa.

“Maybe later.” Sagot lang nito at nagmamadali pa. Punauna nitong makapasok si Kristin saka isinara ang pinto.

Nagrerebelde ang kalooban ni Thia ng mga oras na iyon. Kahit kailan talaga ay sagabal sa buhay niya si Kristin. Always intruding to her happiness. Parang tinik sa kanyang lalamunan.

“The nerve!” Naghihimutok na saad niya saka muling naupo.

Lumipas ang ilang minuto ay kumukutkot pa rin sa kanya ang inis. Hinarap niya ang mga nakabinbing trabaho ngunit lagi namang bumabalik sa pinto ng opisina ni Seoff ang mga mata niya. Binibilang ang bawat segundo ng itinatagal ng pag-usap ng dalawa.

Ilang sandali pa ang pinalipas niya at hindi na natiis ay idinayal ang local ng binata. Nakakailang ring na ay hindi pa rin nito sinasagot kaya napatayo na siya sa sobrang inis.

“Hindi ba dapat kasama ako meeting na ‘yan?” hindi na niya hinintay na mag-hello man lang ito.

“Thia.” Pagsaway nito sa kanya. “Bakit ka tumawag?”

Hindi nito pinansin ang galit niya na pinagtakhan niya.

“Tumawag si Sir Ralph and he wants you to call him back.” Aniya.

“Okay.” He just said.

“Hindi pa ba kayo tapos?” hindi niya natiis na magtanong.

“Pakibaba na lang ang memos na pinirmahan ko kanina. It is urgent.” Iyong lang at ibinaba na nito ang telepono.

Halos mabasag ang telepono niya sa lakas ng pagkakabagsak niya.

“Bahala ka buhay mo!” Nagngingit na iniwan niya ang mesa niya at hindi sinunod ang sinabi nito.

Sa rooftop pinalipas ni Thia ang sama ng loob. Wala siyang pakialam kahit napakataas nito. Halos alas kwatro na ng hapon kaya palubong na ang araw. Hindi na niya matatagalan na naroroon lang siya sa labas ng opisina ni Seoff at naghihintay sa paglabas ni Kristin at makikita ang kasiyahan sa mukha nito.

Nararamdaman niya na isang malaking pagkakamali ang pagpasok niya sa AMG at ilapit muli ang sarili kay Seoff. She felt so alone. Lahat na lang ng ginagawa niya sa lugar na iyon ay mali. She never realized that she will learn to feel so unaccepted. Miss na niya ang mga kaibigan. When was the last time she heard music? It seems like ages.

Dinukot niya sa bulsa ng blazer niya ang cellphone at idinayal ang number ni Amber.

“Hello.” anang paos na boses. Sigurado siyang nagising niya ito. Amber has a twisted lifestyle. Ang araw ay gabi at ang gabi ay araw.

“Kumusta?” Aniya.

Malakas ang naging pag-ungol nito. “Oh, Geez! Anastacia, what do you want? Wala ka bang ibang pwedeng tawagan? Oras ng tulog ko ngayon.” Paghihimutok nito. Parang nakikita niya ang hitsura nito dahil sa ginawa niya.

“I’m sorry. How’s Roxy?” Sagot niya.

Amber yawned, “Good, and we’re good. ‘Ayun, si Lourd at si Cassie mukhang may romance na nagaganap.” Tugon nito.

“Really?” nangingiti niyang sabi. Kung magkatotoo man ang sinabi ni Amber, magiging masaya sila. Cassie deserved every happiness in the world. Sana nga lang ay seryosohin ni Lourd ang kaibigan niya. Baka masampal niya ito nang paulit-ulit kung hindi.

“Ikaw, anong problema mo?” tanong ni Amber.

“Amber, save me.” Halos mangiyak-ngiyak niyang sabi dito.

“Bakit nagkabalikan na kayo?”

She laughed bitterly, “Sana nga.”

“So, anong problema mo?”

“Hindi ko na kayang tagalan ang ugali ni Seoff. He is so unpredictable. One moment, he is like a beast and then he is so sweet like he wants to kiss me. I think I’m going crazy!” she said rolling her eyes in frustration. Mahaba naman ang pasensya niya. Ngunit ang ginagawang pagbabale-wala sa kanya ni Seoff ay tila kurot sa puso niya.

“Wala ka naman yatang ginagawa eh. Move your ass, Thia.” Sermon nito sa kanya.

“I don’t want to go low.” Salungat niya.

“That’s not what I mean, you slow. Try to take the bait. Gawin mo at sundin ang gusto nila mula sa’yo. Huwag kang makipagmatigasan sa kanya. Be nice and sweet.” Mahabang paliwanag nito.

Narinig niya muli ang paghikab nito, “Thia, magpakatotoo ka. Kung ginagawa mo ‘to para sa daddy mo, fine. Mahal mo s’ya eh. But the question is, magiging masaya ka ba? I don’t want to confuse you. Mahal ka namin. At alam namin ang sitwasyon ng family legacy mo. I think ang nagpapahirap sa’yo ngayon is Seoff. Dahil sa totoo lang, Thia. Mahal mo pa rin s’ya. Hindi maikakaila ‘yon.”

Natahimik si Thia. Trapped for a moment and lost for words. Nagiging mahirap naman talaga para sa kanya ang lahat dahil kay Seoff. Kung sana’y kapareho na lang sila ng nararamdaman.

“Do I really have to do that?” sa wakas ay sabi niya.

“Definitely.” She said. “And Thia.”

“Hmm?”

“Give me back my sleep.” Mabilis na sabi nito at narinig na niya ang mahabang busy tone.

What now? Is she going to be nice? Marahil ay tama nga ang kaibigan niya. One diplomatic approach will do.

Muling tumunog ang kanyang cellphone at nagregister ang ‘my monster boss’ na siyang ibinigay niyang pangalan kay Seoff. A familiar something raised to her. Hindi pa niya nakakalimutan na nagpalipas ito ng sandali kasama ang magaling niyang pinsan.

Sa huli ay sinagot din niya ito.

“Ano na naman?” she asked coldly.

“Where the hell are you, Anastacia?!” galit na galit na tanong nito sa kanya.

“Why do you care?” ganting galit niya. Kanina lang binalak na niyang maging mabait dito ngunit dahil sa ugali na naman ito ay napapatulan niya ito.

“Bakit hindi mo sinunod ang bilin ko sa’yo?” muling tanong nito sa kanya.

“Oh, I forgot.” She answered unaffected.

“Damn it, Thia! Where exactly are you?!” lalong nagalit ito. Ano na naman ba ang kasalanan niya at umuusok na naman ang ilong nito sa galit.

“Heaven.” Napapikit siya sa sariling sagot. Alam niyang lalong magagalit ito sa pamimilosopo niya.

“Well, get your ass down here and I will show the heat of hell…as in hell!” anito at napangiwi siya.

“Seoff, pwede bang huwag mo-”

“Now!” sigaw sa kanya nito at napangiwi siya sa lakas ng boses nito bigla ay tinapos nito ang kanilang pag-uusap.

“Jerk.” Ngitngit niyang sumbat kahit hindi na nito narinig. Sino ito sa akala nito kung sigaw-sigawan na lang siya?

Nanlilisik na mga mata ni Seoff ang sumalubong kay Thia pagkababa. He looked so dangerous half sitting in front of her table, his hands in his pocket.

Bahagyang nakaramdam ng kaba si Thia habang papalapit dito. Hindi tuloy niya naiwasang patagong lumunok. She’s really in hell now with this gorgeous devil.

“Halika nga.” Sabi nito sabay hila sa kanya.

Tahimik lang na nagpahila si Thia. And she can feel his warm hand gripping on her. Kinilig pa rin siya sa kabila ng nagbabantang galit nito. Binuksan nito ang conference room at ipinasok siya roon. Pabalya nitong binitawan ang kamay niya.

“Talaga bang wala kang ibang gagawin kundi painitin ang ulo ko at bigyan ako ng problema? Akala ko ba gusto mong tulungan ang daddy mo?” saad nito habang nakatalikod sa kanya.

“Ano na naman ngayon?” tanong niya.

“I’ve told you to bring the memos, right? Sinabi ko rin na urgent. Hindi mo ba naintindihan iyon?” he asked.

“I’m sorry, nakalimutan ko.” She said in a small voice.

“Nakalimutan o kinalimutan mo?” panunuyang sagot nito habang humarap sa kanya. “Alam mo ba kung ano ang nilalaman ng memo?”

She remained silent.

“Kailangan natin ngayon ng mga bagong investors. Nagpatawag ako ng dagdag team para sa presentation. At bukas na ‘yon.” Puno ng sermong saad niya.

Guilt immediately filled in Thia. Bakit naman kasi hindi niya pinagka-abalahang basahin iyon? Hindi naman ipinagbabawal ni Seoff na pakialaman niya ang trabaho nito. Sa katanuyan ay tinuturuan pa siya nito sa lahat ng ginagawa niya.

“I said I’m sorry.” Hindi niya naiwasang singhalan ito upang maitago ng pagkapahiya dahil nakonsyensa talaga siya.

“What’s the use of that? Damage has been done.” He snapped.

“Fine.” She said. Kitang-kita niya ang paggalaw ng face muscles nito. Alam niyang nagpipigil lang ito ng galit na patulan siya.

“Saan ka nanggaling? Are you that bored here to look for your heaven? Who’s with you? Is he good enough?” pag-aakusa nito.

Thia’s senses were good enough to understand the meaning. Iniisip nito na may kasama siyang lalake kanina kaya siya nawala. Hindi lang pride niya ang nasaling nito. Pati na rin ang dignidad niya.

“Anong ibig mong sabihin?” nagbabadya ang galit niyang tanong.

“You know what I mean.” Mariin ang tinig nitong tugon.

Tumaas ang itaas na bahagi ng labi nito sa ngiting nanunuya. Nasaktan siya sa nasalamaning tila pagdisrepeto nito. Gusto niyang isiping selos ang nasa mga mata nito ngunit mas pinaniwalaan niya ang unang naisip niya. Mabilis na namuo ang luha sa kanyang mga mata subali’t pinigilan niya ang pagpatak noon.

“How dare you?” she said in choking voice.

Nakita niyang marahas na nagbuntong-hininga ito. Pinaghalong pagod at galit ang nababanaag niya. But in the process, why was he still capable of arguing with her?

“I don’t dare your kind.” Sabi nito sa matigas na paraan.

Itinulak niya ito nang ubod ng lakas. “Sumusobra ka na! You know what? I really thought you are man enough to respect a woman. But I never realize that you can be heartless and rude asshole!”

She wanted to burst into tears. Hindi niya akalaing ganoon ang iisipin nito tungkol sa gayong tanging ito lamang ang pinag-alayan niya ng sarili. She maybe a dancer but it does mean she was dirty.

Ayaw niyang makita nito ang pag-iyak niya ngunit anong magagawa niya? Napakadali para ditong saktan siya.

“Ang kapal ng mukha mo! Anong karapatan mong pagsabihan ako nang ganyan?” saad niya sa gitna ng pag-iyak. Ito ay tahimik lang na nakamasid sa kanya. At wala na siyang pakialam kung tuluyan mang magalit ito sa kanya. “Nakita mo na ba na nagpalit-palit ako ng lalaki? Hindi mo pa napapatuyan na totoo ang sinasabi mo.”

“Hindi na kailangan.” He said as cold as an unbreakable ice.

Pinilit ni Thia na tumawa sa kabila ng sakit na nararamdaman. She’s never been so insulted in her life. Kahit ang daddy niya ay hindi binastos ang pagkatao niya. Doble ang sakit sa kanya dahil mahal niya si Seoff.

“Talaga? Bakit natatakot ka?” she tried to be strong in choking voice. Hindi siya makakapayag na tuluyan na nitong tapakan ang pagkatao niya. He must pay really big.

Walang babalang inabot niya ang batok nito. She kissed him brutally, with great passion and wroth mixing, trying to punish him.

Ngunit hindi ito tumugon. Nanatili lamang itong nakatayo na tila tuod at hinayaan lamang ang ginawa niya. Lalong tila hiniwa ang puso niya dahil hindi niya kayang gisingin ang init sa binata. She was not capable of giving him pleasure, making him happy.

Hanggang sa marinig niya ang mahinang ungol nito at nalusaw ang buntong-hininga nito sa bibig niya. Then he opened his mouth and welcomed her lips. Mas marahas at mapusok. Returning the punishment to her. Tinugon na rin nito ang yakap niya. Pumulupot ang mga braso nito sa kanya na halos iangat na siya nito. They exchanged paces as they kiss.

Mabilis na nanumbalik ang alala kay Thia. Ang kakaiba ngunit pamilyar na init na humahaplos na naghahatid ng kasiyahan sa kanya. He left her lips to catch a breath but only to kiss her again with more longing and searching.

“Pinatunayan mo lang kung ano ka talaga. You only know how to seduce.” He said in the middle of their kiss then she felt a bite on her lips.

Dahil doon ay napangiwi siya sa sakit at naitulak niya ito. Pinahid niya ng ikod ng palad niya ang labi niya at bahagyang humapdi iyon. Out of instinct ay tiningnan niya ang kamay niya.

“Walanghiya ka talaga, Seoff!” Galit na sigaw niya nang makita ang dugo at itinulak ito. Mabilis niyang tinungo ang pinto at walang lingon-likod na iniwan niya ang binata.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.