Aaminin ni Thia na na-miss niya ang halimuyak ng probinsya. It has been eight years. Kaya kahit may halos sampung na oras siyang nagmaneho hanggang Isabela ay hindi niya alintana. She loves long driving. Isinasabay kasi niya na pagmasdan ang magandang tanawin. Sinabayan pa iyon ng magandang panahon kaya tila kumikinang ang mga palay dahil sa araw. It was relaxing to watch. Lalo pa’t hinahaplos ng sariwang hangin ang kanyang mukha dahil hindi siya gumamit ng aircon at hinayaang nakabukas ang bintana ng kotse niya.
Nang marating niya ang arko ng bayan ng Malapaya ay kaagad niyang natanaw ang nasasakupan ng farm ng mga Adriatico. Isang napakalawak na niyugan ang farm kung saan naroon ang malaking planta na gumagawa ng lambanog. Ang isa pang planta ay nasa kabilang bayan kung saan doon naman ginagawa ang ibang klase ng alak.
She can barely remember her memories. Dahil na rin hindi niya iyon nais na alalahanin. Sa Malapaya siya ipinanganak at lumaki hanggang umedad ng labing-anim. She had a normal life. Ngunit hanggang doon lang. Dahil hindi sila naging malapit ng kanyang ama. Nang mamatay ang kanyang ina ay si Yaya Ising na ang nag-alaga sa kanya. At habang lumalaki at nagkaka-isip ay unti-unti niyang nararamdaman kung gaano kalayo ang loob ng sarili niyang ama. Iyon ang hindi niya maintindihan. Saka lumatag sa kanyang kaisipan na dahil iyon sa kanyang ina na hindi minahal ng kanyang ama.
Kaagad na bumusina si Thia nang marating malaki at mataas na narra na gate ng farm. Sa maliit na pinto ay lumabas ang isang lalaki. Nakita niyang ngumiti ito nang makilala siya.
“Good afternoon, Ma’am.” tuwa nitong sabi. Ngumiti siya. Muli itong pumasok at kasunod noon at bumukas ang gate.
Malaki ang ipinagbago ng mansyon nila. Ang dating konkreto lamang na daan patungo sa entrada ng bahay ay napalitan ng bricks. Kung dati ay kulay bato ang buong bahay, ngayon ay naghahalo na ang cream at brown na may bahid pa ng lila. Napabuntong-hininga siya nang malalim. She can really barely remember the place.
Nang ihimpil niya ang kote niya ay kaagad siyang sinalubong ng isang matandang babae. Si Yaya Ising.
“Anastacia! Mabuti’t nakarating ka na. Kumusta ka na? Halika at nang makapahinga ka.” Masaya nitong salubong sa kanya. Kaagad siya nitong niyakap.
“Hi, Yaya.” Bati niya sabay tugon ng yakap.
“Halika, halika. Naku! Pagkaganda ng batang ito ngayon. Kumusta ka na ba sa Maynila? Kumusta si Lorie? Dalaga pa rin ba?” yaya nito at panay ang tanong.
“Okay naman po. Kumusta dito?” Pangungumusta din niya. Tumawa ito habang pinagbuksan siya ng pinto.
“Maayos naman kami. Pero ang daddy mo panay pa rin ang punta sa planta simula nang umuwi dito. Madalas ngang pagalitan ng doktor niya. Hindi ko alam kung namimiss lang ang trabaho sa Maynila. Kausapin mo nga ang tatay mo.” Pagsusumbong nito.
Napailing na lang siya. Kung sundin man niya ang sinabi nito na pagsabihan ang daddy niya ay wala ring mangyayari. Hindi pa nangyaring sumunod at nakinig ito sa kanya.
“Si Tatay Delfin po?” tanong na lang niya sa asawa nito upang maiba ang usapan.
“Kasama ng daddy mo. Nag-aalala kasi kami sa kalagayan niya.” Sagot nito. “Ako na ang bahalang kumuha sa mga gamit mo mamaya.”
She smiled. Dumeretso sila sa kusina at naupo siya sa kahoy na dining chair. Pinanood niya ang pagkilos nito sa kusina.
“Maida, tumawag ka nga sa planta at sabihin mo sa senyor Ed mo na narito na si Thia.” utos ng ginang sa isa pa nilang kasambahay. Kaagad itong tumalima at sumunod.
Lumapit ang ginang sa refrigerator. Naglabas ito ng isang stainless na pitsel at napangiti siya nang maalala ang laman noon.
“Hanggang ngayon pala, gumagawa pa rin kayo niyan.” Saad niya sa nakangiting yaya. Nakita pa niya ang puting-puting laman na buko na nalaglag sa baso. Parang naamoy niya ang bango noon.
“Aba’y oo naman. Araw-araw ay naghahanda ako dahil alam kong darating ka at hahanapin ang paborito mo. O, heto.”
Kinuha niya iyon at sabik na ininom ang juice. Inisang lagok niya iyon. Parang nagiginhawahang inilapag ang wala nang laman na baso. Napatawa ang ginang.
“Ikaw pa nga rin ang Anastacia ko.” Sabi nito at pinahid ng suot nitong duster ang gilid ng kanyang labi.
“Masarap pa rin.” Totoo sa loob niyang komento. Muli nitong sinalinan ang baso niya.
“Sana’y manatili ka na ngayon dito. Kailangang kailangan ka na daddy mo. Si Kristin ay abala naman sa-”
“Kristin?” biglang nagtaka niyang putol dito. Napatitig ito sa kanya. May ilang sandali itong hindi umimik na tila iniisip kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya. Hanggang sa,
“Madalas na umuuwi pa rin dito ang pinsan mo para bisitahin ang daddy mo.” Sagot nito kalaunan.
“Kahit kailan talaga.” Puno ng ngitngit niyang saad. Narinig niya ang pagsaway ng ginang.
“Hindi ka pa rin nagbabago. Matatanda na kayo ni Kristin. Kung anuman ang ayaw mo sa kanya noong mga bata pa kayo, kalimutan mo na. Mas dapat kayong magtulungan ngayon.” Saad ng ginang.
Sasagot sana siya nang muling pumasok si Maida. “Nana Ising, pabalik na daw ang senyor.”
“Sige salamat. O, mabuti pa ay sa kwarto ka na muna habang hinihintay ang daddy mo.”
“Okay.” Sabi niya at tumayo. Ngunit sa tagong bahagi ng puso niya ay naroon ang kaba dahil sa napipintong pag-uusap muli ng kanyang ama.
Isang pagkalalim na buntong-hininga ang ginawa muna ni Thia bago itulak ang wooden double door ng library kung saan naghihintay ang senyor. Kaagad na umikot ang mga mata niya upang maghanap. Nakita niyang nakatayo ito at nakaharap sa malaking binata.
“Dad…” pagpaparamdam niya.
“Hanggang kailan ka mananatili dito?” kaagad na tanong nito nang hindi humaharap sa kanya.
His looked felt gloomed. Kahit hindi galit ang tinig nito ay nararamdaman niya ang lahat ng pangit at mabigat na pakiramdam mula dito.
“Kayo po ang magsasabi, Dad. How are you?” Sagot niya kasunod ang pagbuga ng hininga.
“What if I said stay forever and stop chasing?” sagot na tanong nito. Saka ito humarap sa kanya.
Lihim na napasinghap si Thia nang tuluyang makita ang ama. Malaki ang ipinagbago nito. Kung dati ay matipuno ito ngayon ay nabawasan na. May isang taon na ang nakaraan nang huli niya itong nakita at naroon pa ang madignidad na Edison Adriatico ngunit ngayon, sabihin mang naroon pa rin ay nabawasan na. Nadagdagan na rin ang puting buhok nito.
“K-kayo ang masusunod.” Pilit niyang sagot. Pinipigilan niya ang sarili na takbuhin ito at yakapin. Paano’y bigla siyang nakaramdam ng kung anong pangungulila at awa sa ama. Hindi tuloy niya ito matingnan nang deretso.
“What’s the sudden change?”
“Sinabi ni Auntie na-”
“May sakit na ako at kailangan mo nang tumulong.” Agap nito. Naupo ito sa executive chair nito.
Thia felt intimidated. Kahit ganoon ang lakas ng loob na mayroon siya ay nawawala lahat iyon pagdating sa kanyang ama.
“Oo, sinabi ko ‘yon.” Saad nito.
“Dad, please don’t start-”
“I will, Anastacia. Dahil hanggang ngayon ay hindi mo pa rin naiintidihan ang responsibilidad mo. Hanggang kailan ka tatakbo at magsasayaw na lang?” puno ng panenermon ang tinig nito.
“Iyon po ang gusto ko.” Tangi niyang nasabi.
“Hanggang saan ka kayang dalhin ng gusto mo? Kausap ko si Seoff kanina at sinabi niya na ilang araw ka nang hindi pumapasok at hindi ginawa ang trabaho mo. What are you going to do? Paaasahin mo na lang kaming lahat?”
She sighed heavily. “Pinauwi n’yo lang ba ako para sa mga ‘yan?”
“Yes.”
“Narito ako para tumulong.” Sagot niya.
Ito naman ang nagbuntong-hininga saka sumandal. “When are you going to make me proud? Hanggang kailan ka magiging kagaya ng Mommy mo?”
“Stop comparing me to her. Ni hindi ko siya nakilala kaya hindi ko alam kung ano at sino siya. I am just being myself.” Buong pakiusap niya dito.
“Tumingin ka sa salamin. Makikita mo ang Mommy mo. Your face, your height, your eyes, you’re everything. Very much like her.” Sabi nito.
“Na kinamumuhian n’yo.” Hindi niya alam kung saan nanggaling ang sagot na iyon. Marahil iyon ang naramdaman niya ng ilang taon. Hindi ito sumagot. Nagbigay iyon ng konklusyon. Parang kinurot ang puso niya.
Noon pa man ay alam na niya na kaya mabigat ang loob nito sa kanya ay marahil maraming bagay ang nagpapaalala dito sa mommy niya. Ngunit kung anuman ang naging relasyon nito sa kanyang ina at kung hindi man iyon maganda ay hindi na niya kasalanan. Bakit siya tila ang nagbabayad doon? At gusto niyang malaman ang nangyari upang maintindihan niya kung bakit galit ito sa kanya.
“Dad, I’m worried about your health. Sa tingin ko ‘wag na muna kayo bumisita sa planta. Hindi nakakatulong sa pagpapagaling n’yo.” Saad niya.
“Start working then.” Anito.
“Anything, Dad, para makatulong.” Agap niya.
“Simula bukas ay magtatrabaho ka sa planta. Si Delfin ang magtuturo sa’yo ng lahat. Ayoko nang bigla kang na namang aalis. Stop your act. Walang patutunguhan ang ginagawa mo.” Napakalayo nitong salita. Tumayo na ito at akmang iiwan na siya nang magsalita siya.
“Si Kristin.”
“Anong tungkol sa kanya?”
“Bakit ganoon na lang ng pagtulong mo sa kanya? At binigyan mo pa siya ng mataas na posisyon.”
“Nararapat lang ‘yon. She’s brilliant. Malaki ang maitutulong niya. She deserved it.” May pagmamalaki nitong sagot saka itinuloy ang naudlot na paglabas.
Naging abala si Thia nang sumunod na araw. Alas-sais pa lang ng umaga nang kasama niyang pumunta si Tata Delfin sa planta. Doon itinuro sa kanya ang bawat proseso sa paggawa ng lambanog. Magmula sa pangunguha ng buko hanggang sa pagsasalin ng nasala nang tuba sa distillation machine. At isa-isa rin niyang sinubukan ang bawat trabaho sa planta. Iyon ang iniutos ang daddy niya. Kailangan daw niyang maranasan upang lubos niyang maintindihan kung bakit ganoon kasarap ang alak na nagpayaman sa kanila.
Naging maayos kahit nakakapagod ang araw niya sa planta. Kahit naiilang sa kanya ang mga trabahador ay mabait naman ang mga ito sa kanya. Lahat ay iginagalang siya at inaalalayan pa siya sa pagtatrabaho. She learned the toughness of the job on that department and it was a tiring responsibilities.
“Mukhang lalong sasarap ang lambanog natin.” Nakangiting sabi sa kanya ni Abby. Isa sa mga empleyado na tumutulong sa kanya.
“Bakit naman?” tanong niya. Saka itinapon ang baon na wala nang laman sa bunton noon.
“Dahil gaganahan na ang lahat ng kalalakihan dito. Aba’y ngayon lang nagkaroon ng mangandang empleyado ang farm.” pagbibiro nitong tugon. Napangiti siya dahil mabilis na sumang-ayon ang ibang naroroon.
“Ma’am Thia.” Tawag sa kanya ng binatilyong si Jopet. May iniabot itong isang pumpon ng iba’t-ibang kulay ng roses sa kanya. Nagtataka siyang tumingin dito.
“Galing sa mansiyon. Dumating kaninang umaga. Nakapangalan sa’yo kaya ipinadala na ni Nana Ising.” Nakangiting sabi nito.
“Kanino galing?” tanong niya habang tinatanggap iyon.
“Ewan ko.” Sabi nito at tumalikod na.
Tiningnan niya ang bulaklak. Gusto niyang matuwa dahil ito ang favorite flower at arrangement niya. At sa tingin niya ay nasa dalawang dosena iyon base na rin sa laki.
“Bakit hindi mo basahin ang card na kasama?” narinig niyang sabi ni Abby. Sinunod niya ito. Kinuha niya ang maliit na papel na nakasingit sa gilid nito.
‘This can’t change what happened but
I hope it will make you feel better.
I’m really sorry.’
I’m coming for you,
Sean Iñigo
Nabasa ni Thia ang pangalan na nakasulat at gustong niyang sisihin ang sarili dahil pakiramdam niya ay namumula siya. Hindi na niya namalayan ang ngiti sa kanyang labi.
“Siguro galing sa nobyo mo ‘yan ‘no.” Napalingon si Thia kay Abby.
Napansin niya na naagaw na rin ang atensyon ng ibang naroroon dahil sa kanya. Nailang siya dahil may naririnig na siyang ‘uy’ sa paligid.
Muling binasa ni Thia ang nakasulat sa card. Hindi niya maintindihan kung tungkol sa pag-aaway nila o ang pang-iinsulto nito ang tinutukoy nito.
Hindi na siya pumasok matapos ang pag-aaway nila. Ilang beses siyang tinawagan nito ngunit hindi niya ito sinagot. Tumawag din ito sa bahay ngunit sinabi niya kay
Auntie Lorie na ayaw niya itong kausapin. Ni hindi niya ipinaalam dito ang tungkol sa pag-uwi niya.
‘Is it a peace offering?’ sabi ng isip at puso niya ngunit bigla ring binawi iyon. It was the least thing that Seoff will do. After what happened, she was hesitant to trust her feelings for him. Naaawa lang siya sa sarili niya sa tuwing iisiping siya lang ang nagpapahalaga at nagmamahal.
Inilagay na lamang niya ang bulaklak sa gilid at itinuloy ang ginagawa. Kung sa ibang pagkakataon siguro ibinigay nito iyon ay baka nagpasalamat pa siya dito.
“Bakit bigla mong inilapag? Hindi mo ba nagustuhan? Sayang maganda pa naman.” Ani Abby. Hindi niya iyon pinansin.
“Malapit na ang bertdey ng senyor. Saan ang party?” Anang isa pang trabahador.
“Oo nga, Ma’am Thia. Saan gaganapin ang kaarawan niya? Sa Maynila ba?” tanong sa kanya ni Abby.
Napa-isip si Thia. Nakalimutan na niya ang tungkol doon. Hindi niya ito pinag-tuunan ng pansin. She was too occupied of so many things including Seoff.
Dalawang linggo na lang iyon. Naisip niya na hindi rin nababanggit ni Nana Ising ang tungkol doon.
“Hindi ko rin alam.” Naisagot niya.
“Nabanggit ni Nana na dito ang gusto ng senyor. Simple lang daw ang gagawin. Alam mo na, may sakit na ang senyor.” Sagot ni Anita. Isa pang trabahador. Hindi siya umimik dahil sa totoo ay wala siyang alam. Itinuon na lang niya ang pansin sa pagtatrabaho.