ROXY CITY SERIES 2 (ALL THE THINGS YOU ARE) Chapter 6

Natigilan si Thia sa akmang paglapit sa dining area nang makita si Seoff na kausap ng daddy niya. At kasalo pa sa almusal. Totoo nga ang hinala niya na dumating ito. Sinundan ba siya nito? Ngunit bakit? Para mag-sorry? She doubted it. Hindi mangyayari iyon.

Bigla siyang napahugot ng hininga. Palagi na lang ganoon ang nararamdaman niya sa tuwing makikita ito. Just laying her eyes to him made her shiver. Madalas tuloy niyang kastiguhan ang sarili.

Naghuling buga siya ng hangin bago ipinagpatuloy ang paglapit sa mga ito. Nakita siya ng kanyang ama ngunit nanatiling blanko ang ekspresyon sa mukha nito.

“Good morning, Dad.” Aniya habang umupo sa tabi nito at katapat ni Seoff. At kahit hindi niya lingunin ito ay alam niyang nakatingin ito sa kanya.

“Good morning.” Si Seoff ang tumugon. Saglit lang niya itong tiningnan at muling nulingon ang ama. Galit pa rin siya dito.

“Did you sleep well?” tanong ng kanyang ama habang inaasikaso ng nurse. Tiningnan niya ito.

“Yes, Dad. Anong pangalan mo?” tanong niya sa nurse pagkatapos tugunin ang kanyang ama.

“Ahm, Cindy po, Ma’am.” Sagot nito at sinundan niya ang inilapag niyang mangkok sa harap ng daddy niya.

“Ano ‘to?” tanong niyang muli tukoy ang pagkain. Umikot ang mga mata niya sa mesa. Nakahain ang isang platong bacon at hotdog. Pati ang loaf bread. Ngunit mas nakatuon ang pansin niya sa kakainin ng daddy niya.

“Turkey and squash soup ito, Ma’am.” Magalang na tugon ng nurse.

“Did you put salt?” sunod niyang tanong.

“Hindi po.”

Narinig niya ang mahinang tawa ng kanyang ama. “Alam ni Cindy ang ginagawa niya. Bukod sa pagiging nurse ay nutritionist din s’ya. Don’t worry. Hindi n’ya ako lalasunin.”

“Dad.” Tila nasaktan niyang saway dito.

Tiningnan niya nito habang sumusubo. “I’m still fine. Ang dapat inaasikaso mo ay kung paano magpapatulong kay Seoff.”

Lumipad ang tingin niya sa katapat. Hindi siya tumugon at inabot na lang ang loaf bread ngunit inunahan siya ni Seoff.

“Let me.” Anito at nilagyan siya ng dalawang hiwa ng tinapay saka ngumiti. Lihim na napasinghap si Thia sa ngiting iyon. Naiinis naman niyang sinaway ang sarili. Hindi naman niya kailangang magkaganoon sa harap nito.

“Thanks.” Malamig niyang tugon sabay kuha ng bacon.

“Nagustuhan mo ba ang flowers?” tanong nito at kaagad siyang tumingin sa kanyang ama. Tumingin lang din ito sa kanya na tila hindi nagulat sa narinig.

“O-okay lang. Salamat.” Tangi niyang tugon habang ilang na ilang. Napakakaswal nitong kumilos gayong may kasalanan ito sa kanya.

“Thia.” Ang kanyang ama. “Naiintindihan mo kung gaano kalaki ang ating kumpanya?”

Tumango siya. “It’s a conglomerate so I suppose malaki ‘yon.”

“How big?”

“Larger than life.” Tugon niya.

Nagbuntong-hininga ito. “Hindi pa nasasabi sa’yo ni Seoff nang buo kung ano ang problema. Kung bakit nagawa kong pauwiin ka dito para kilalanin kung ano ka talaga at kung anong mayroon ka.”

Hindi siya tumugon. Napalingon siya kay Seoff na tahimik lang na nakamasid sa kanila. Ano pa ba ang kailangan niyang malaman bukod sa lumalala ang lagay ng kanyang ama?

“You are the only one that I got, Thia. Alam mong wala na ang nag-iisa kong kapatid at hindi pa siya binayayaan ng anak. Kaya kailangan ka para sa laban natin sa corporate control.” Sabi nito.

“Hindi ko kayo maintindihan, Dad. Anong ginagawa ni Kuya Ramil? He has position.” Kunot-noo niyang sabi.

Si Ramil Adriatico ay ang nag-iisa niyang pinsang buo sa parte ng kanyang ama. Anak ito ng nag-iisa niyang tiyuhin, si Domingo Adriatico. Ngunit namatay may pitong taon na ang nakaraan dahil sa atake sa puso.

“Alam mong ampon lang s’ya ng tito Dom mo. At isa pa, wala akong tiwala sa hambog na ‘yon. Masyadong ambisyoso.” Anito.

“What are trying to imply, Dad?” puno ng kuryosidad niya tanong.

“Kinukuha ni Enrique ang chairmanship dahil sa pagkasakit ng daddy mo.” Si Seoff. Gulat siyang napatingin dito.

Si Enrique Zulueta ay ang pinsan ng kanyang ama na nagmamay-ari ng banking group na isa sa mga negosyong hawak ng AMG. Ito rin ang vice chairman ng AMG board. Wala siyang masyadong alam tungkol dito at sa trabaho nito. Ang tangi lamang niya alam ay hindi ito kasundo ng kanyang ama.

“Anong tungkol sa kanya?”

“Sinisiraan n’ya ang pamilya natin sa board. Nakarating sa’kin na kinausap n’ya nang palihim ang board para sabihing may refusal ang alliance natin sa Munez na mag-share ng corporate information tungkol sa future projects. Ngayon tinatrato na tayong competitors ng mga stockholders. Lahat ng galaw natin ngayon ay binabantayan nila.” Serysong ang pagsambit nito sa mga salita.

Hindi napigilan ni Thia ang mag-alala. Ngunit ano ang kinalaman ng pinsan niya sa issue na iyon?

“Nakipagkasundo si Ramil kay Enrique para mawala ang tiwala ng board sa daddy mo. That bastard. Mailalagay ko rin s’ya sa dapat n’yang kalagyan.” Si Seoff.

She sighed. “Ano pa bang kailangan ni Tito Dom? May sarili naman s’yang pera. He even has his own company under AMG.” Pahayag niya.

“Power, hija. It always comes with money.” Anang kanyang ama. “Huwag mo nang intindihin ‘yon. Kami na ni Seoff ang bahalang umayos no’n. Ang kailangan ngayon ng AMG ay ikaw. Bakit hindi n’yo ulit ang pag-usapan ang tungkol sa kasal?”

Nahinto ang pag-inom ni Thia ng juice dahil pagkagulat sa sinabi ng kanyang ama. Mabilis niyang ibinaba ang baso at inabot ang table napkin. Lumipad ang tingin niya kay Seoff at nakitang nakatitig ito sa kanya.

“Tinanggihan na n’ya ako, ninong.” Sabi nito sa kakatwang himig. She saw how his face muscles moved. Tila hindi ito masaya sa sinabi nito.

Hindi siya tumugon at ipinagpatuloy lamang ang pagkain. Hindi siya kumportable sa itinatakbo ng usapan. Napakakaswal lang para sa mga ito kung mag-usap. Parang negosyo ang trato sa pag-aasawa. Na parang hindi nasasaling ang mararamdaman niya. She value the oath of a marriage. Para sa kanya ay pagmamahalan ang kasal.

Pangako ng habambuhay sa isa’t-isa. Walang halagang katumbas. At kung si Seoff ang magiging asawa niya ay para na rin niyang binalewala ang paniniwalang iyon.

Ayaw niyang matulad sa kanyang ina. Maaari ngang minahal nito ang kanyang ama kaya pinakasalan nito. Ngunit hindi ganoon ang turing ng kanyang ama dito. Hindi nito mahal ang mommy niya. She knew it. Very well. Kaya siya ang nahihirapan sa kasalukuyan.

“Try to reconsider, hija. Tutal naman ay may pinagsamahan din kayo ni Seoff. You know very well that our families are very much tied.” Ang kanyang ama.

Muli, walang siyang tugon.

“Kailangang patunayan mo ang sarili mo sa board kung talagang gusto mong palitan ang daddy mo.” Si Seoff.

“Kaya ko ‘yon. Ano pa’t naging cumlaude ako.” Agap niya saka tinapos ang kinakain at tumayo. “Alis na ‘ko, Dad. Pupunta na ‘ko sa planta.”

Lumapit siya sa kanyang ama at humalik sa pisngi nito. Ikinatuwa niyang hinayaan siya nitong gawin ito. Tila pa ikinatuwa nito iyon. Nakaramdam ng tuwa ang puso ni Thia. Unti-unti nang nagkakaroon ito ng tiwala sa kanya.

“Isa sa mga araw na ito ay mag-uusap tayo. We really need it.” Pabulong nitong sabi bago lumayo dito. Napapaisip siyang tumango.

Nakatalikod na siya nang marinig niya ang tinig ni Seoff.

“Pa’no ako? Wala ba akong kiss?” anito na sinagot niya ang masamang tingin. Nakangisi ito at halatang hinihintay talagang gagawin niya ang sinabi nito.

‘The nerve!’ Kung umakto ito ay animo’y hindi niya ininda ang ginawa nito sa kanya.

Tiningnan niya ang kanyang ama upang kahit paano at humingi ng tulong dito ngunit nanlumo lamang siya nang masilip ang amusement sa mga mata nito. Umangat din ang tingin niya kay Cindy na tahimik namang nakamasid.

“Come on, hija. A kiss wouldn’t hurt.” Sabi pa ng kanyang ama tila nanunudyo pa. Napamaang siya ikot ng mga mata.

‘Fine!’

Mabigat ang paa siyang humakbang palapit muli dito at tumayo naman ito. Ilang hakbang lang ginawa nito at kaagad na nasa harap niya. Hindi na niya napag-isipan ang nangyari dahil mabilis na sinakop ng palad nito ang pisngi niya. Then his lips landed on her lips! Mabilis lamang iyon ngunit sapat na ang diin upang manginig ang tuhod niya dahil sa sensasyong bumalot sa kanya.

“Magkita na lang tayo ‘don. Mag-uusap muna kami ng daddy mo.” bulong nito habang siya ay pilit na kumikilos palayo dito.

“Shit.” Pabuga ng hangin niyang sambit habang litung-litong lumakad palayo dito.

Sa planta ay halos hindi hinihiwalayan si Thia ng mga malalagkit na tingin ni Seoff. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napapangiti siya nito. She felt weird. Pinapanood nito ang bawat galaw niya at ganoon din siya. At sa bawat tinginan ay nakakaramdaman ng galak ang puso niya. At sa bawat oras na iyon ay parang gusto niyang takbuhin ito at halikan muli.

“Baka naman hindi na lambanog ang magawa dito kundi matamis na pulot na.” nagbibirong sita kanyan ni Abby. Nilingon niya ito at nangingiting tiningnan nang masama.

“Tumigil ka nga, Abby.” Saway niya.

“Kayong dalawa ang tumigil. Aba’y daig n’yo pa ang bagong kasal sa pagtitinginan ninyo.” Biro pa rin nito.

Napatawa siya at muling tiningnan ang binata. Noon naman eksangtong tinanggal nito ang suot nito at lumantad ang matitipuno nitong katawan. Namamasa pa iyon dahil sa pawis. Lihim na napahugot ng hininga si Thia.

“Diyos Mio! Ang gwapo niya, Ma’am Thia.” Kinikilig na tili ni Abby. Ganoon din ang ibang dalagang naroroon.

Noon tumingin sa kanila si Seoff. Tinitigan siya nito saka ngumiti. Hindi siya gumanti ng ngiti. Iyon ay upang itago ang kilig na naramdaman. Hindi pa sila lubos na maayos ni Seoff. Hanggang sa nauwi sa kindat ang ngiting iyon ni Seoff. Nagtilian ang mga katabi niyang dalaga kabilang si Abby.

“Ma’am Thia, huwag mo nang pakawalan si Sir Seoff. Baka pagsisihan mo pa.” parang mahihimatay na saad ni Celia, isa sa mga kasama niya.

Natahimik lang ang lahat nang lumapit ang binata sa kanila. She anticipated and waited for him. Pasimple siyang tumikhim upang bawiin ang katinuan.

“Pagod ka na ba?” tanong nito habang isinasabit ang hinubad na T-shirt sa balikat nito. Siya naman ay pilit na iniiwas ang mga mata sa katawan nito. Baka kung ano pang isipin nito.

Mula sa kung saan ay biglang may nag-abot sa kanya ng isang bimpo. Tiningnan niya si Abby at makahulugang tumingin ito sa kanya. Napapahiyang tinanggap niya iyon.

“Mukhang pinagpapawisan na si Sir Seoff. Kailangan ng punas.” Parinig ng isa sa tabi.

“Oo nga.” Anang isa pa.

Noon napatawa si Seoff. “I’m okay, girls.”

“Tama sila. Panay pawis ka na.” Aniya at inabot dito ang bimpo ngunit hindi kumilos ang binata.

“Ikaw na.” anito at inilapit pa ang katawan nito sa kanya. Nailang siya.

“Pwede ba.” Tanggi niya at pilit na ibinigay dito ang bimpo. “Don’t act stupid, Seoff. Nakakahiya.”

“Ay! Ang suwet!” sigaw ng isa. Nailang tuloy siya habang nakakaramdam ng pag-iinit ng mukha. Ngunit kinikilig pa rin siya.

“Halika, maglakad-lakad tayo.” Saad ni Seoff sabay abot sa kamay niya.

“Isuto mo muna shirt mo.” Utos niya dito. Naiilang kasi siya bukod sa kakaibang epekto noon sa kanya.

“Oh, I’m sorry. Mainit kasi.” Tugon at isinuot muli ang T-shirt. Saka magkahawak kamay na lumayo habang panay ang tudyo at biro ng mga naroroon.

Tahimik sila pareho habang nagmamasid sa malawak na niyugan. Binabati sila ng mga nakakasalubong na empleyado. Manaka-naka silang nagtitinginan at iiwas din. Alam niyang may ilang na nangyayari dahil na rin marahil sa biro ng mga nakakakita sa kanila.

Tumikhim si Thia at ganoon din ang ginawa niya.

“Malaki na ang pinagbago ng farm.” Sabi nito habang gumagala ang mga mata.

“Really?” Aniya.

Tumingin ito sa kanya. “Oo. Dati rati hindi naman ganito karami ang niyog pero ngayon…”

“Wow, kailan pa ito dito?” mangha nitong tanong habang lumalapit doon at umakyat. Narating na nila ang kabilang parte ng farm kung naroon ang ipinatayo niyang bed and breakfast.

“Mag-iisang taon na.” sagot niya habang nakasunod dito. “Marami na kasing tourist ang interesado sa farm. Balak naming na buksan sa public ang ilang part ng farm. Including this.”

Wala itong isinagot at pumasok sa loob.

“This is really nice.”

“Hindi pa ito tapos.” Ani Seoff. Bakante ang buong lugar. Wala pa itong interior. At hindi naman ganoon kalaki ang bed and breakfast. Ngunit sa tingin niya at bibilang ng silid ang lugar. Ang pinsan niyang sikat na arkitekto na si Anika Quiñones ang nagdisenyo noon.

Nasisiyahan itong lumingon sa kanya. “Ang ganda.”

“Is it enough para ituloy mo ang pagtatrabaho dito? Or are you leaving again?” biglang tanong niya dahilan upang mabawasan ang ngiti nito.

She chuckled. “Hindi kita maintindihan. Hindi naman ako lumalayo. It’s just that…iba ang gusto kong gawin. I am myself when I’m doing music. Parang ikaw. Masaya ka kapag nakikitang lumalago ang kumpanya. Ganoon din ako pero hindi ito-”

Nainis si Seoff sa sagot ni Thia. Mukhang aloof pa rin ito sa kanya. Nang nalaman niya na hindi ito pumasok pagkatapos nilang magtalo ay biglang sumibol ang matinding pag-aalala niya para sa dalaga. Inisip niya na baka sobrang dinamdam nito ang nangyari noong araw na iyon.

Gusto niya itong puntahan sa bahay ngunit pinigilan siya ng pride. Nagkasya na lamang siya sa paghihintay kung kailan ito magpapakita.

Hanggang sa tumawag ang daddy nito at sinabing umuwi na ito. Nanlumo siya. Hindi nagpaalam ang dalaga sa kanya. Ngunit ang ilang araw ay tila pumipiga sa kanya. Hindi mawala sa isip niya ang dalaga. Nilalamon siya ang pagsisisi sa ginawa niya. Kaya sumugod siya doon upang makita ito. And now that she was in front him, parang gustong takbuhin ni Seoff ang natitirang distansya sa pagitan nila.

He sighed heavily. Humakbang siya papalapit dito. “So, anong ginagawa mo dito? Talaga bang tutulungan mo kami, ako? It is really you being here?”

“Narito na ako. I’m doing part.” Sagot nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.