ROXY CITY SERIES 2 (ALL THE THINGS YOU ARE) Chapter 7

Nakita ni Thia naging pagkalalim ng pagbuntong-hininga nito. Nawala ang kaninang ngiti nito at napalitan ng tila pagod. He exhaled too much. Nasa balakang nito ang mga kamay at sa baba nakatingin. Saka tumingin sa kanya.

“Ilang taon na akong nagtatrabaho sa kumpanya at halos ito na ang naging buhay ko pero ang malagay sa posisyon ng daddy mo ay ibang usapan. Hindi biro ang responsibilidad ng charmain.”

“Hindi ko maintindihan. Bakit sinasabi mo sa’kin ‘yan? Hindi ako kasing galing mo pagdating sa negosyo. I’m not like you guys. Hindi-”

“Shhh.” Agap nito at mabilis na nakadikit sa kanya. Inilapat nito ang hintuturo sa kanyang labi. “Ikaw lang ay sapat na. Pakiramdam ko ay aakyat na ang preassure sa ulo ko dahil sa trabahong ibinigay sa’kin. I need your help.”

“Ano bang klaseng tulong? Aaminin ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin.” tanong niya.

Bumaba sa labi niya ang tingin nito saka muli sa kanyang mga mata. Sinalubong niya ang titig na iyon. Kahit na parang tinutunaw siya noon. Hinaplos nito ang batok niya. Saka walang sabi sabing tumungo ito upang halikan siya.

Hindi tulad ng naunang halik nito, mas malalim at tila may hinahanap itong lumusob sa kanya. He cupped her face and drove inside her mouth. Wala siyang nagawa kundi magpadala sa sensasyon na kaninang gumagapang sa kanya. She felt on heat.

“S-Seoff…baka may makakita sa’tin.” Hirap niyang anas sa gitna ng mga halik. Ngunit tila wala itong narinig.

Kusa nang yumakap ang kanyang mga kamay and welcome him again. Her intensity was too high that she cannot bear it anymore. Maybe she just wanted to give up the feeling she was keeping all this years. His kiss went to her lobe then to her cheek and to the corner of her lips.

“I miss you so much, sweetheart.” Halos inihinga nito ang mga salitang iyon sa loob ng bibig niya.

The touching was so familiar but the wanting was superb. It was like the first time. Like no other. He probed to her mouth seductively. And his hand was exploring like an excited baby to her body.

Unti-unti nang nadadala sa sensasyon si Thia. Bahagya siyang itinulak ni Seoff kaya napaatras siya hanggang sa dumikit ang likod niya sa konkreto. Pumupulot ang mga kamay niya sa batok nito habang ito mahigpit ang kapit sa kanya baywang. He pressed her breast with his hands. She moaned on pleasure. Pumaloob pa sa kanyang suot na tee ang kamay nito at hinanap ang kanyang dibdib. Hindi na pamakali si Thia kakaibang init na bumabalot sa kanya. Seoff was kissing so passionately. Tila siya tubig at uhaw na uhaw ito sa kanya. And she felt the same. She was gasping for air but it brought her into some kind of ecstasy.

Bumaba ang labi nito sa kanyang leeg habang naglalaro ang mga daliri niya sa buhok nito. His hair was thick enough for her held as if it was her breath. His lips went back to her and she kissed him so deep.

Kung hindi pa nila naramdaman na tila mauubusan na sila ng hininga ay hindi pa pakakawalan ni Seoff ang labi niya. They parted their lips but Seoff was still embracing her. Thia touched the side of his face and gently rubbing.

“Pakasalan mo ako.” Bulong nito. He sounded so desperate yet very commanding.

“Bakit?” tila lango pa rin niyang sagot na tanong dito. He bent his head again and snatched a kiss from her.

“Bakit hindi?” Sabi nito na unti-unti nang bumabalik sa normal ang paghinga. Bahagya niya itong itinulak at nagbuntong-hininga nang pagkalalim. She cannot promise that they will only share kisses afterwards.

“Nasisiraan ka na.” Sabi niya habang humahakbang palayo dito. Ngunit pinigil siya nito at niyakap siya mula sa likod. Ni hindi na niya nagawang makalayo.

Thia’s knees trembled in that simple gesture. He love embracing her and she love it more. He gave her nape and neck tiny kisses like lightning flick.

“Mahal mo ba ako?” lakas-loob niyang tanong.

Tumigil ito sa ginagawa na parang biglang natauhan. Kinabahan si Thia. Parang hindi niya kakayanin kung tahasan nitong sasabihin na wala itong pagtingin. But was only in her dreams because he pressed him more close and drain her scent.

“Iyon ba ang gusto mo? Sige, mahal kita.” He said. Galit niyang inalis ang mga kamay nito sa kanya.

“Ano?” tila inosenteng tanong nito.

“Damn! Intindihin mo ang sinasabi ko!” galit na sabi niya.

“Thia, huwag mo na akong pag-isipin pa. I have too much to think about. Sabihin mo na lang ang dapat kong gawin para magpakasal sa’kin.” Sabi nito na nauubusan na rin ng pasensya.

“Bakit gusto mo akong pakasalan? Dahil sa kumpanya, ganoon ba, ha?” she snapped and cursed saka mabilis na namuo ang luha.

“‘Yon ang nararapat. Dapat tayong magkatuluyan. We should be together! ” ganti nito sa malakas na tinig.

“Mukhang nakalimutan mo na kung ano ang pinagdaanan ko sa’yo, Seoff.” Puno ng hinanakit niyang sabi.

Kumunot ang noo nito para sandaling pag-iisip hanggang sa tila maintindihan nito ang sinasabi niya.

“Don’t you dare put the whole blame on me. Ikaw ang may katawan. Bakit hindi mo alam na nagdadalang-tao ka noon?” tila may apoy ang mga mata nito sa kanya.

“That was my child, Thia.”

“Anak ko rin ‘yon!” agap niya at tuluyan nang napaiyak. “Ang akala ko magiging okay na tayo. Akala ko naiintindihan mo na hindi ko sinadya ang nangyari. Halos patayin ko na sa sisi ang sarili ko. Umasa ako na sasamahan mo ‘ko pero ano? Anong ginawa mo? Iniwan mo ‘ko!”

“Hindi kita iniwan! Kahit kailan hindi ko ginawa sa’yo ‘yan. You should know me better than that. Ikaw ang umalis at nagpakalayo. Hindi kita makontak. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko alam kung nasaan ka. Pinuntahan kita kay Auntie Lorie pero itinatago ka n’ya sa’kin. Pwede mong sabihin for security reason ang relasyon natin pero hindi ako nagkulang ng obligasyon sa’yo!” Mahabang sabi nito. Hindi na siya tumugon. Nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy ng pag-iyak.

“Kung ayaw mong magpakasal, sige.” Saad nito kalaunan.

Thia saw hurt in Seoff’s deep eyes. At gusto niyang sabihin ditong mahal niya ito ngunit natatakot siyang pagtawanan nito.

Tunog ng cellphone na gumising sa kanilang katahimikan. She was Seoff’s.

“Hello.” Sabi nito sa kung sinumang kausap nito.

“Where are you?” tanong pa nito. “I’ll be there.”

“Babalik ako sa mansiyon.” Hindi tumitingin nitong paalam at nilakad ang daan palabas. Ngunit bago umalis ay nagsalita ito.

“That night on my unit. I will never forget that.”

She held her breath suddenly. Akala niya ay hindi na nito pinahalagahan ang nangyari sa kanila. Ang gabing bumago sa kanya na naging dahilan upang lalo niyang mahalin ang binata. Maang siyang tumingin dito habang namumuo ang mga luha.

“Sana sapat na ‘yon para pakasalan ako. Minsan ka nang naging akin. Binabawi lang kita.” Sabi pa nito at tuluyan na siyang naiwang mag-isa. Saka tuluyang bumigay ang loob niya ang lubhang napaiyak.

Mabigat na ang loob ni Thia buong maghapon matapos umalis ni Seoff. Kahit na abala sa trabaho sa planta. Iniisip din niya kung bakit bigla itong bumalik sa mansiyon. Nang magdapit-hapon ay nagpaalam na siya sa mga kasama. Pagod na talaga siya na nadagdagan pa dahil kay Seof.

Naglalakad siya papunta sa pick up na sasakyan niya nang mapansin na abala ang mga tao. Naalala niya na gaganapin nga pala ang birthday party ng daddy niya.

Dapat sana ay sa Maynila ngunit napagpasyahan na lang sa hotel na pag-aari rin ng mga Adriatico sa city proper gaganapin ang party.

Hinayaan na lang niya ang mga kumikilos doon at nagtuloy na upang umuwi. She really needed a rest.

Pagbalik sa mansiyon ay kaagad na napansin ni Thia ang hindi pamilyar na sasakyan. Nag-iisip tuloy siya habang papalapit sa entry porch. Ngunit bago niya mabuksan ang malaking pinto ay may napansin siya gilid kung saan naroon ang garden. Parang si Seof ang nakita niya. Kunot ang noo siyang bumaba upang makasiguro.

Dahan-dahang siyang lumalakad papalapit nang mapansin na may kayakap ang binata. Nanikip ang dibdib niya nang tama na ang lapit niya upang makita at marinig ang mga ito.

Seoff was talking to Kristin. She knew it was her. At umiiyak ito dahil nakita niya ang pagyugyog ng balikat nito.

“Huwag ka nang umiyak. Maiintindihan din niya tayo. Matatanggap din n’ya ang lahat.” Narinig niyang sabi ng binata na pag-alo sa dalaga.

“No, no, no.” tanging sagot at panay ang iling ni Kristine. She was crying hard.

“Please, Kris. Huwag mong gawin ‘to sa sarili mo.” Punung-puno ng emosyon na sabi ni Seoff.

Parang nanlalabo ang paningin ni Thia. Saka namalayan na lang niya na namumuo na lang luha niya. Ano ang sinasabi nitong maiintindihan nino? Sino ang kailangang tumanggap kay Kristin? Bakit ganoon lang ang pag-aalala ni Seoff?

Kanina lang ay halos magdeklara ng damdamin si Seoff sa kanya. Bakit bigla ay nasa piling na ito ni Kristin? Ano ang hindi niya nalalaman? Pinapaasa lang ba siya ng binata?

Hindi na matagalan ni Thia ang nakikita kaya lakad-takbo siya papasok ng mansiyon. Hindi niya kayang tingnan ang mga ito. Parang nadudurog ang puso niya. How could Seoff do this to her? Ngunit bakit ba siya nasasaktan? Hindi naman sinabi ni Seoff na mahal siya nito. Tanging ang kumpanya lang dahilan nito upang pakasalan siya at wala nang iba.

Humahangos siyang pumasok sa loob.

“Hanggang kailan?” narinig niya ang boses ng Auntie Lorie niya na nagmumula sa office ng daddy niya. Kasalukuyan siyang paakyat ng kwarto niya. Pinahid niya ang luha.

Nahimigan niya ang galit sa boses nito kaya nagpasya siyang puntahan ito. Ano ang ginagawa nito sa kwartong iyon? Bakit hindi niya alam na dumating ito?

Kunot ang noong lumakad si Thia patungo sa kwarto. Ngunit bago pa siya makalapit sa pinto ay muli niyang narinig ang boses ng ginang.

“Hanggang kailan mo balak ilihim sa kanya ang lahat?” anang boses nito.

Tumigil si Thia sa paglakad. Ano ang pinag-uusapan ng dalawa? Sumibol ang kaba sa dibdib niya. Sumandal siya sa dingding sa may pinto. Nakinig siya sa pag-uusap ng dalawa.

“Ilihim? Anong gusto mong gawin ko? Kahit ako ay nagulat ding kagaya mo. All these years, I have no idea that she was related to me. That she is my blood! And you expect Thia to take it that easy?” narinig niyang sagot ng daddy niya.

“At kailan ka pa nag-alala sa mararamdaman ng anak mo? Thia deserves to know.” Sabi ng ginang.

“Kailangan ko nang tamang pagkakataon. Sasabihin ko rin sa kanya ang lahat. I still care for her, Lorie.” Mahinahong sagot nito.

Sa labas ay naguguluhang nag-iisip si Thia. Napahawak siya sa dibdib dahil nararamdaman niyang bumibilis ang tibok ng puso. Ano ang kailangan niyang malaman?

Bakit galit ang Auntie Lorie niya? Noon lang niya narinig sa ganoong tono ito. At bakit umiiyak si Kristin sa labas?

Unti-unting humingal si Thia. She needed air. Namumuo na rin ang pawis sa kanyang noo. She started to feel pain in her head at pakiramdam niya ay lumalaki ang ulo niya pati na ang puso niya.

Ngunit pinilit pa rin ni Thia ang sariling pakinggan ang usapan sa loob. Kailangan niyang malaman kung ano ang pinagtatalunan ng mga ito.

“Hangga’t maaari ay ayokong nakikialam sa inyo. Kahit noong buhay pa si Virna ay nakitaan na kita ng panlalamig sa’yong mag-ina. Hindi kita sinisisi pero huwag mong idamay ang anak mo sa kahit na anong galit na nararamdaman mo.” Sabi ni Auntie Lorie.

“Alam ko. Pero sa tuwing nakikita ko siya ay nakikita ko ang aking nasirang kaligayahan. Nawala ang lahat ng masasayang alaala.” Tila may pait at sakit ang bawat salita na naririnig ni Thia ang kanyang ama.

Mariing pumikit si Thia. Nag-umpisang mamuo ang luha at tuluyang mag-unahang bumagsak. Kaya niyang pigilan ang kanyang emosyon sa lahat ng pagkakataon ngunit ang marinig ang sariling amang nagsasabing siya ang dahilan ng pagkasira nito ay parang isang matalim na punyal na itinusok sa kanya.

“D-don’t do this to me, Dad.” Sa ama niya sinasabi ngunit tila kanyang lang sarili ang nakakarinig sa gitna ng pag-iyak.

“Siguraduhin mong sasabihin mo sa kanya.” Sa nanlalabong isip ay narinig ni Thia ang boses ng kanyang Auntie.

Mabilis ang naging hakbang niya. Tumakbo siya sa kanyang kwarto. Baka makita siya ng ginang. Gustong niyang malaman ang lahat ngunit may takot sa kanya na parang hindi niya kakayaning marinig ang lahat.

Dumating ang araw ng birthday ni Edison Adriatico. Abala ang lahat. She was supposed to play her part pero hindi siya nakikialam. Hindi niya pinagkaabalahan na magtanong kahit na sa ginang tungkol sa kanyang nakita at narinig.

Noong ding araw na iyon siya kailangang sumama sa Maynila dahil nagkaroon ng problema sa warehouse. Dala ng responsibilidad ay siya na ang nagpresinta upang ayusin ang gulo. Mabuti na lang at ipinagamit sa kanya ang private plane ng kumpanya. Subalit’s gabi nang makabalik siya sa Isabela.

“Hello, Auntie.” tinawagan niya ang ginang. “Itanong ko lang sana kung nasaan ang gown ko. Hindi ko makita dito.”

Kanina pa siyang paikut-ikot sa loob ng kwarto pero hindi niya iyon makita. Paano pa siya makakahabol kung hanggang sa mga oras na iyon nasa bahay pa siya?

“Dinala ko na dahil akala ko ay dederetso ka na dito. Sige, ipadala ko diyan.” Mahinahon nitong sagot.

“Thank you, bye.” at natapos ang pag-uusap nila.

Bumaba na lang si Thia sa entrada ng mansiyon upang hintayin kung sinuman ang magdadala ng gown. Pabalik-balik siya doon na parang hindi mapaanak na kung ano.

Hindi naman nagtagal at may dumating na sasakyan. Si Seoff!

“Hi.” Nakangiting bati nito sa kanya na makababa ito ng sasakyan at makita siya.

Thia got silent in a moment. She thought she saw one gorgeous man on earth. He can melt even the most tested man hater of this planet. He wears a simple dark blue formal suit. Hawak nito sa kaliwang kamay ang isang plastic wardrobe cover at nakasukbit sa balikat nito.

“Dala ko ang gown mo.” Sabi nito nang makalapit sa kanya.

“B-bakit ikaw pa ang nagdala?” she said stammering and sticky looking at him.

Natawa ito sa reaksyon niya. Kaya lalong lumakas ang tibok ng puso niya.

‘God, Cassie would definitely envy me.’ Pagsusumigaw ng isip niya.

“Wala na tayong oras.” Sagot nito at hinawakan siya sa baywang at iniikot upang pumasok pabalik sa loob.

Nagmamadali siyang nag-ayos. Then she wear her pink strapless gown that has a lace bodice with lace-up detailing at sides and beaded trim gathered full taffeta skirt.

Lumapit si Seoff sa kanya. Pumuwesto ito sa likuran at tiningnan siya nito mula sa salamin.

Walang gustong magsalita sa kanila. Nanatili lamang magkahinang ang kanilang mata. Gusto niyang magsaya sa nakitang paghanga sa mag mata nito. Ganito din kaya ito habang tinitingnan si Kristin?

“Ang ganda mo talaga. Let’s go. Kanina pang nag-umpisa ang party.” Maiksing sabi nito at hinawakan ang kamay niya ngunit hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Nasakay na sila sa kotse ay panay ang dasal ni Thia. Hindi siya sigurado kung ano na ang nangyayari pero sana ay makahabol sila. Naramdaman ni Thia ang kamay ni Seof na humawak sa kanya.

“Relax, sweetheart.” He said softly at hinagkan ang kamay niya. Dahil sa ginawa nito ay nabawasan ang kaba niya kahit papaano. Sana’y hindi siya iwan nito hanggang matapos ang party.

Pagdating ay tumuloy na sila sa ginawang ballroom para sa pagtitipon. Hawak ang isa niyang kamay ni Seoff at isang isa ay hawak ang gown.

Umahon ang matinding galit niya nang makita sa gitna ng bulwagan na nagsasayaw ang mga ama kasama ng isang babae.

Si Kristin!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.