Natigil ang akmang pagpasok sa bahay ni Cassie nang marinig ang malakas at galit na tinig ng kanyang lolo. Malapit na siya sa foyer at paikot na sana.
“Gusto ko s’yang makausap.” Anang hindi pamilyar sa kanyang tinig. Kinabahan siya. Sino ang kausap ng kanyang lolo?
“At sa akala mo’y papayag ako sa gusto mo?” anang kanyang lolo. Galit pa rin ito. Noon siya nagpasyang tuluyang pumasok.
“Granpa, anong nangyayari?” nag-aalala niyang bungad nang makita ang mga ito sa kanilang sala.
Halos sabay-sabay na lumingon ang mga naroon. Muli siyang natigilan. Nasa gitna noon ay ang kanyang lolo na hawak ng kanyang lola. Katapat nito ay isang lalaking mas bata sa lolo niya. Naka-business suit ito at sa tingin niya nasa late forties na ito. Kumilos ang mga mata niya at nakita ang isang babae at tila tahimik lamang na nakikinig sa usapang nagaganap. Nakaupo ito mahabang sofa. Blanko ang ekpresyon nitong nakatingin sa kanya.
Ang kanyang lola ang mabilis na nakabawi sa mga ito at iglap itong lumapit sa kanya. Nagmano siya dito ngunit nasa sala pa rin ang tingin niya.
“Kumusta ang araw mo?” tanong na animo’y inililigaw siya. Nilingon lamang niya nito at hindi tinugon. Ibinalik niya ang tingin sa kanyang lolo.
“Good evening.” Anang lalaki sa kanya. He was a powerful looking man. Has a prominent square-jaw face. Ngunit ngumiti ito dahilan upang mag-iba ang aura nito. Noon tila may alaalang mabilis na bumalik sa tanaw niya. Kilala niya ito.
“G-good evening po, attorney.” Aniya. Naalala na niya ito. Ito ang aboadong tumulong sa kanilang noon. Naipanalo nito ang kaso nila laban sa kanyang kinilalang ama. Nagawa nitong ipakulong ang kanyang ama.
Ngunit tanging ‘Attorney’ lang ang alam niya tungkol dito. Dahil bata pa siya noon, hindi niya nalaman ang pangalan nito. Ang natatandaan lamang niya ay mabait ito sa kanya at nangako na gagawin ang lahat upang makulong ang kanyang ama at bigyang hustisya ang pagkawala ng kanyang ina.
“Nadalaw po kayo.” Sabi pa niya.
“Paalis na rin sila.” Ang kanyang lolo. Kapansin-pansin na hindi nito gustong naroon ang bisita nila.
“Kanina pa po ba sila?” tanong niya nang balingan ang kanyang lolo.
“Yes.” Maiksing tugon nito.
Napaisip siya kung bakit biglang dumating ang abogado sa kanilang bahay. Kung tungkol man sa kanyang ama ang ibabalita nito ay sana maganda iyon. Just thinking that her father had freed himself brought her horror.
Malalim ang naging pagbuga ng hangin ni ‘Attorney’ saka tumingin sa nakaupong babae. Tumayo ito.
“We’ll go ahead.” Sabi nito at tila napipilitang tumango ang lolo niya. Siya naman ay nagtatakang tumingin sa lola niya sa tabi niya.
“Lola, bakit sila nagpunta dito?” tanong niya.
“Nangangamusta lang.” sabi lang nito ngunit hindi niya magawang paniwalaan iyon.
“Nice seeing you again, hija.” Ani Attorney at ngumiti sa kanya. Hindi niya napigilang tugunin ang ngiting iyon. Nais pa sana niyang makipagkwentuhan dito ngunit alam niyang ayaw na iyong mangyari ng kanyang lolo. Wala siyang nagawa nang nagpaalam ito at ang kasama nito. Sinulyapan siya nang babae ngunit tipid ang naging ngiti nito. Ano ang ibig sabihin noon? Bakit tila may tensyong namamagitan sa mga ito?
“Lolo, b-bakit biglang napadalaw dito sina attorney?” patay-malisya niyang tanong nang makaalis ang bisita.
“Wala naman. Pumasok ka na sa kwarto mo.” walang ngiti nitong tugon saka sila iniwanan nito. Muli siyang tumingin sa lola niya. Ngunit tila kahit ito ay wala ring balak na magsabi sa kanya.
“Sige na. Mag-ayos ka na. Kung gusto mo eh, ipapaakyat ko na lang ang hapunan mo.” sabi nito. Nagbuntong-hininga siya saka tumango. Iniwan siya nito at tinungo ang dining area.
Humakbang siya patungo sa gitna nang sala. Malalim ang kunot ng noo at malalim din nag-iisip kung bakit bisita nila ang abogado. Muli siyang nagbuga ng hangin at sa pagbaling niya ay may nakita siyang isang sobre. Hindi iyon pangkaraniwang sobre dahil kulay gray iyon. Kinuha niya iyon binuksan. Isang invitation pala iyon.
‘Judge Romero Fortes Jr. & Dra. Carmela Diomidez-Fortes on their 35th wedding anniversary…’ Napahugot siya ng hininga nang makita ang pangalan naka-embose doon.
Fortes? Ito ba ang pangalan ng abogadong bisita nila at ang tumulong sa kanila noon? Mabilis siyang nag-isip. At bago pa sumagi sa isip niya ang sagot ay mabilis siyang umakyat sa kwarto niya. Kailangan niyang i-research ang pangalan sa invitation.
Hindi alam ni Cassie kung bababa o bubuhayin ang makina ng kotse niya. May kalahating oras na siyang nasa parking lot ng Ortigas Center sa harap ng Tektite Tower.
Ngunit alumpihit man ay pumasok pa rin siya sa building. Nasa nineth floor ang Fortes-Diomidez Associates. Pagkacheck ng guard sa kanya ay dumiretso siya sa reception area. Sinabi niya ang pangalan niya at kung sinong pakay. Nag-iwan siya ng ID at binigyan naman siya ng visitor’s ID. Saka tumalikod at nagbuntong-hininga. Tinungo niya ang elevator.
Muling huminga ng malalim si Cassie habang nilalakad ang pasilyo. Tumapat siya sa front desk at nginitian ang receptionist.
“Yes, ma’am?” nakangiting tanong ng babae.
“Is Judge Fortes around?” sagot niya dito.
“Can I have your name, please?” muli nitong tanong.
“Mara Cassandra Dillan. But if his busy, its fine. I can go back.” Alanganin niyang sabi. Biglaan ang dating niya kaya baka hindi siya maharap nito.
“Let me check first ma’am.” Tumayo ang receptionist sabay turo waiting area at pumasok sa loob.
“Maam, the judge wants to see you.” Saad nito sa kanya pagbalik nito. Binuksan niya ang pinto.
“Please feel comfortable.” Nakangiting sabi sa kanya ni Judge Romero nang maisara niya ang pinto.
Malaki ang opisina nito. Malinis at magarbo. Sa gitnang dulo ay ang computer workstation. Malapad ang L-curve na mesa. Sa harap nito ay dalawang visitor’s chair. Sa gilid ay isang book shelf. Pinili niyang maupo sa corner sofa na tulad ng inupuan niya kanina. Ang pagkakaiba nga lamang ay ang kulay, kanina’y itim ngayon ay mahogany.
“Hindi ko inaasahan ang pagdating mo. Alam ba ito ng lolo mo?” Panimula nito habang nakatayo at nakapamulsa.
Hindi siya tumugon at sumandal sa sofa. Hinayaan muna niya ang sarili na mag-ipon ng lakas. Hindi pa rin siya sigurado kung tama ang naging desisyon niya sa pagpunta roon. Umupo ito sa tabi niya. Itinukod ang mga siko sa tuhod nito.
“I can sense na seryoso ang dahilan mo, hija. Ayokong isiping tumakas ka.” His face looks serious but not intimidating.
“Hindi naman po sa ganoon, Attorney. May mga gusto lang po akong itanong sa inyo.” Humihingi ng paumanhin niyang saad. Bahagya itong ngumiti.
Nasa ganoon silang posisyon nang bumukas ang pinto. Nagulat siya nang bumungad sa kanya si Amanda. May dala itong isang tray na may lamang dalawang tasa ng kape. Kung nagulat man ito ay hindi nito ipinahalata. At ganoon din siya. Pilit itong ngumiti at ipinasok ang dala.
“Here’s your coffee, Sir.” Saad nito habang ibinababa ang tray sa glass center table.
“Thank you.” Sagot naman ni Attorney.
“Sir, tumawag po si ma’am Carmela. Ipinaalala po niya ang lunch date ninyo.” Sabi ng sekretarya na sa huling salita nito ay tumingin sa kanya.
“Okay, thank you.” Sabi nito sa paraang pinapalabas na ang secretary.
“So, let’s talk about your purpose. And just call me, Tito Rom.” Nakatingin sa kanyang saad nito nang makalabas ang secretary.
Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan niya bago magsalita. Lalo siyang naguluhan dahil kay Amanda. Hindi kaya’t may kinalaman si Lourd dito? Fortes ang apelyido nito. At si Amanda? Ano at bakit tila nagtatrabaho ito sa law firm na iyon?
“S-si Papa…”
“He’s still in jail.” Agap nito. “Don’t worry. Hindi siya ang dahilan ng pagpunta namin sa inyo kagabi. It was more important than that.”
Nabawasan ang bigat ng pakiramdam niya sa sinabi nito. Kahit paano ay hindi na niya kailangang mag-alala tungkol doon.
“Anything else?”
Tiningnan niya ito. “You were…mukha hindi…I mean, bakit parang hindi maganda ang usapan n’yo ni Lolo? I’m sorry but wala silang sasabihin sa’kin kung sa kanila ako mangunuglit. At saka mukhang ito lang naman ang dahilan ng pagpunta n’yo.”
Dinala niya ang invitation at inabot iyon dito. Tiningnan lang nito iyon at muling tumingin sa kanya.
“Why do you think I brought that?” tanong nito.
Nagkibit siya ng balikat. “Siguro po kasi naging kaibigan na rin kami sa inyo. Malaki ang utang na loob namin sa inyo dahil sa pagtulong na ginawa n’yo. You actually saved me.”
Ngumiti ito. “You deserved my help. At hindi ako titigil kung sakali mang hindi tayo nagtagumpay no’n.”
Tumango siya. Ngunit hindi nito nasagot ang totoong tanong niya. “Tito Rom, is there something wrong with you and Granpa?”
“Wala.” Anito sabay iling. Magiliw ang tinig nito. At aaminin niyang natutuwa siyang kausap ito.
“Then…” aniya sabay buntong-hininga. Ramdam niyang ayaw ding magsalita nito sa kanya. Ngunit ano ba talagang dahilan? Sigurado siyang may mas malalim na dahilan kung bakit.
“How are you, Cassie?” pagkuwa’y tanong nito. She looked at him.
“I’m good.”
“Really?” tila paniniguro nito. Ngumiti siya upang pigilan ang iba pang sasabihin nito.
“Kayo na lang kukusmatahin ko, Tito.” Sabi niya.
“Heto, maraming trabaho.” Sagot nito. Nakasandal ito sa upuan habang pinagmamasdan ang kilos niya.
“Mukha nga po eh. Ahm, tito. Would you mind if I asked you to tell something about you?” Aniya sabay ngiti.
“Of course not.” sagot nito sabay buntong-hininga. “May labinlimang taon na ang firm na ‘to. It is my mine and my wife’s family business.”
“I know that already.” Sabi niya. Ginoo-gle niya ito ngunit ang law firm lamang nito ang nahanap niya. May website ang naturang firm. Wala siyang masyadong nabasa tungkol sa personal information nito at iyon ang nais niyang alamin mula dito.
Ngumiti ito. “Alright. Ahm, apat ang anak ko. Tatlong babae at isang lalaki. Well, Melissa, my third child is in the states taking her masters in medicine and Andrea is helping me run this office. She’s having her trial right now at the Supreme Court. Hannah, my youngest is graduating this year with Literature. And my second, the only son, who gave me such headache, is running his own business now.” Kwento nito sa kanya.
Napakunot ang kanyang noo sa huling sinabi nito tungkol sa anak nitong lalaki. “Hindi ko maintindihan ang sinabi n’yo. Your son gave you headache but he is running his own business?” she asked.
Natawa ito at tumayo. “Cassie, he is my only son. Siya lang magdadala ng aking apleyido. I entrusted him my name and this propriety pero nabigo ako. Gusto ko siyang maging abogadong tulad ko at ‘di magtatagal ay siya na ang hahawak nitong firm pero iba ang gusto niya.”
“You cannot blame him. Sinunod lang niya siguro ang gusto niya.” Sabi niya.
“Noon ay hindi ko naiintindihan. Iniisip ko na bahagi lang iyon ng kabataan niya pero nang nakita ko ang pagsisikap niya na maitayo ang LinkMusic ay hindi ko naiwasang humanga sa kanya. It was not easy to start from scratch. But Kristof proved that he can do it and he is always sure about himself.” Ngumingiting saad nito.
Kahihimigan ng pagmamalaki ngunit may panghihinayang ang himig nito. How she wished she had a father like him. Hindi tulad ng kanyang ama na walang ginawa kundi ang saktan siya. Nakaramdam siya ng lungkot. Fathers maybe hard to children sometimes specially to sons. Ngunit madalas naman ay legacy lamang ang nais pangalagaan ng isang amang tuald nito.
Biglang kumunot ang noo ni Cassie ng marinig ang pamilyar na pangalan. LinkMusic? Kristof? Hindi yata’t tama ang hinala niya. Ibig sabihin ay…
“So…your only son is Lourd.” Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya bigla ng kaba. Irregular pumping of her heart made her voice shaking.
“Kung kilala mo ang anak ko ay alam mong Fortes ang apelyido niya that made him my son.” Sagot nito. Tumingin ito sa kanya at nakita ang pagkagulat sa kanya.
Napatawa ito sa hitsura niya. “It seems like that my son really ring a bell to you. Paano mong nakilala si Kristof?” tanong nito.
“N-Nagtatrabaho po ako sa Roxy City. God! What a small world?” Amused na wika niya. Naiiling na sumandal si Cassie sa sofa.
“Lahat ng aking mga anak ay may sariling disposisyon. Napapasunod ko sila pero pagdating sa kanilang mga pangarap wala akong nagagawa. I was very happy when Lourd came to our lives. S’ya ang anak na lalaking hinihintay ko. He was such a blessing to my family. Mahal na mahal niya ang mga anak ko. Lalo na ang asawa ko.” Patuloy nito.
Hindi napigilan ni Cassie ang mapangiti. Totoong malambing si Lourd. Masayahin ito hindi maitatangging mapagmahal. Kahit siya ay tila nalulunod sa lambing na ipinapakita ni Lourd sa kanya. Kahit noon pang hindi pa sila lubos na malapit sa isa’t-isa. Marunong itong magpahalaga sa ibang tao. Lalo na sa kaibigan at katrabaho.
Hindi man siya madalas kausapin nito noon.
“Try to get along with him. Alam mo na, baka sakali na may magandang kahinatnan.” Sabi nito na ikinaikot ng mga mata.
Nakaramdam siya ng ilang. Napatawa tuloy siya. Ngunit naputol ang pagtawa niya nang maramdaman ang pag-vibrate mula sa bag niya. Tumutunog ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon at sinilip kung sino ang tumatawag.
Napatayo siya nang mabasa ang pangalan ng lolo niya sa screen. Kinabahan din siya bigla. Malamang na itatanong nito kung nasaan siya.
“S-si Granpa.” Wala sa loob niyang sabi sabay tingin kay tito Rom.
“Answer it. Tell him where you are. Magagalit lang ‘yon pero hindi s’ya mag-aalalang narito ka. He very well know that you’re in good hands.” Puno ng determinasyon nitong sabi. Seryoso din ang hitsura nito.
She sighed heavily. “H-hello, Granpa.”
“Nasaan ka? Narito ako sa shop sa Alabang.” Sabi nito sa kabilang linya. Napakipit siya. Hindi siya sanay na magsinungaling dito.
“P-pasig, Granpa. I’m with Tito Rom…I mean…Judge Fortes right now. Pero nag-uusap lang kami.” Paliwanag niya.
“What? Cassandra? What were you thinking? Anong ginagawa mo riyan?” may bahid galit nitong tanong sa kanya.
“Kakausapin ko s’ya.” Ani tito Rom. Nakalahad ang kamay nito na sinasabing ibigay niya cellphone dito. Wala siyang nagawa dahil tila hindi ito papayag na hindi makausap ang lolo niya. Napapabuntong-hininga niyang inabot dito ang cellphone niya.