Sa gilid ng Roxy ipinarada ni Cassie ang kanyang Honda Jazz. Nagbuntong-hininga siya nang makababa sa kotse. Kahit paano ay kinakabahan siya dahil iyon ang una niyang photo shoot. Ngunit bago siya tuluyang maakapasok sa loob ay nakita niya ang OB-van at isang Canter. May palagay siyang iyon ang sasakyan na gamit ng mga crew ng magazine.
Dapat ay lalakad na siya nang maalala niya na may naiwan pa pala siya sa loob ng kotse. Lumakad siya pabalik. Kailangan niya ang mga gloves niya. Dapat handa siya. Ayaw niyang matanong sakaling may makakita ng pilat niya.
Habang pabalik ay napansin niya ang parating na puting Ford Ranger. Latest model iyon sa tantya niya. She anticipated seeing whose driving the vehicle. May palagay siyang iyon ang photographer.
Bumilis ang tibok ng puso niya hindi dahil sa takot kundi sa kakaibang kaba. Bumaba si Lourd mula sa sasakyan. He was ruggedly gorgeous on his as usual jeans and t-shirt. He never wore himself on business suit. But still, it endured so much hotness to his appeal. Idagdag pa ang unique look nito dahil sa goatee nito. It never failed to add such sexiness to him.
Agad itong ngumiti nang makita siya. Sa kabilang panig ng sasakyan ay isang lalaki ang bumaba at isa pang lalaki sa likuran.
“Hi.” Bati agad nito. Mabilis na bumaba ang mukha nito sa kanya at dinampian siya ng halik sa pisngi. It was only a normal gesture of greeting but the jaunts of electrifying sensation were enough to shaken her. Lalo na marahil kung sa labi siya hinalikan nito.
“H-hello.” ganting bati niya.
“Kumusta?” napakalambing nitong tanong habang hawak ang pisngi niya. Noon ay nakasunod dito ang dalawang lalaking kasama nito.
“Okay naman.” She said smiling.
“By the way, this is March Lim, our photographer and Jude, his assistant.” Pagpapakilala nito sa dalawa.
“Nice to meet you po.” Tinaggap niya ang nakalahad nitong kamay.
“This is Cassie, isa sa ‘Xquizit.” Pakilala naman nito sa kanya. March reacted on what Lourd said. Malapad ang nating ngiti nito.
“Now I believe when the editor said that I will not regret this shoot. You’re beautiful.” Nasisiyahan nitong pahayag. Hindi napigilan ni Cassie ang mapangiti.
“Thank you. Pero mas maganda ang mga kaibigan ko kaysa sa’kin.” Nakangiti niyang tugon.
“Oh, I can’t wait to take your pictures.” Tumatawang sabi nito.
“Tara sa loob.” Singit ni Lourd. Nagpatiuna ang dalawang lalaki.
“Ikaw?” lingon sa kanya ni Lourd nang mapansing hindi pa siya umaalis.
“Sige lang. May naiwan ako sa kotse.” Sagot niya.
“Hintayin na kita. Sabay na tayo.” Sabi nito at kampanteng nagpamulsa at mukhang hihintayin siya talaga. Walang nagawa si Cassie kundi pagbigyan ito.
Sa litong isip ay alam niyang pinagmamasdan siya ng binata. Abot langit tuloy ang nararamdaman niyang pagkailang.
Lourd quietly watched Cassie while half of her body is bent inside the car. She was unaware of the appeal she was shielding out.
Nawala ang init ng ulo niya dahil sa traffic nang makita ito kaninang pagbaba niya ng sasakyan. She was again wearing a skirt that showed her well-shaped legs. Hindi niya maiwasang humanga sa ganda nito. Masyado siyang inaaliw ng presensya nito. At hindi na ito nawala sa isip niya. She was very cheerful yet seductively funny.
“Bakit ganyan ka makatingin?” tanong nito kunwa’y sa galit na paraan.
Kibit-balikat siya. Umikot ang mga magaganda nitong mata. He noticed himself obviously starting to flirt. Sanay siya sa ganoon ngunit iba ang dulot dahil ang dalaga ang kausap niya.
“You’re teasing.” Pasimple nitong sabi at isinara niya ang pinto ng kotse. Pinindot ang alarm noon.
“And you’re teased.” Agap niya at lumapit dito.
“Me?” nakataas ang kilay na sagot nito. “Balewala ang ginagawa mo.”
He chuckled. “Bakit naman defensive ka? Nagbibiro lang naman ako. But seriously, you look pretty that is why I like staring at you.”
“Whew! Ngayon naman nambobola ka na.” tila umiiwas na sabi ni Cassie. Napansin niya kaagad na tila may nagbago dito. Nabasawan ang pagiging masayahin nito. Ngunit naroon pa ring ngumingiti ito ngunit tila nilalabanan nito iyon.
“Agh!” aniya at umaktong magkakaroon ng heart attack. “That hurts, honey. Am I not entitled to tell the truth?”
“Yeah right.” She said in boring voice. Kipkip ang dalawang bag ay umuna ito na lumakad.
“Hindi ka naniniwala ‘no?” tanong niya nang humabol ito sa kanya. Inagaw niya ang dala nitong bag.
“Dapat ba akong maniwala?”
“Oo naman.” Mabilis niyang tugon.
“At bakit?” she snapped.
“Dahil totoo.”
“Ha-ha-ha.” She said the laugh and again rolled her eyes.
“Where is Cassie?” bigla ay tanong niya. Napahinto ito sa paglalakad at kunot-noo siyang nilingon.
“A-anong ibig mong sabihin?” nalilito nitong tanong.
“You were so sweet then. Pero ngayon, hindi ko na nakikita. Where are you Cassie? At kung nasaan ka man, please bumalik ka na.” seryosong saad niya.
Cassie remained silent.
“You’re talking to me very distant.” Patuloy ni Lourd.
She released a sigh and looked away. Ayaw niyang malaman nito na nasasaktan siya nang mga oras na iyon. Ilang gabi na siyang nanaginip ng masama. Nangyari iyon muli matapos ang date nila sa Antipolo. Tila binura noon ang ligayang naramdaman niya sa piling ni Lourd. Muli siyang binalot ng takot at lungkot. At dahil doon ay wala siyang nagawa kundi muling kumunsulta sa doktor. Kailangan na naman niyang sumailalim ng counseling at may posibilidad na magpahinga siya sa pagsasayaw.
She cleared her throat, and gave him her sweetest smile.
“H-Hindi naman ako nagbago. Baka ikaw .” Humakbang siya papalapit dito. Nais niyang itago ang lungkot na nararamdaman.
He smiled sweetly. “Hindi ‘no. I missed you by the way.”
Pinigil niya ang paghugot ng hininga nang marinig ang lambing sa boses nito. Tiningnan niya ito sa mga mata at inarok ang damdaming maaaring sumalamin dito. How she wished what she saw in his eyes was admiration.
“Missed me, huh.” Hindi naniniwalang sagot niya.
“Oo. May masama ba ‘don?” Sagot naman nito sabay ang banayad na tawa. “I miss the way you hold my hand, our cute talk and I miss your…”
“Ano?” she snapped. Kinakabahan siya sa maaaring idugtong nito.
“Kiss.” He said huskily. Enough to sound as if he was inviting.
She opened her mouth wide in surprise. Naghagilap ng sasabihin ngunit tila naiwan lamang sa kanyang lalamunan. Then, it burst into laugh.
“Now, you really are starting to flirt.” She said amused. At alam niyang nag-iinit na ang kanyang mukha.
“Kasalanan mo ‘yan. Try to stop me.”
“At paano ko gagawin iyon?” tanong niya. Muli siyang lumakad upang makalayo dahil pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga nang tama.
Mabilis itong nakasunod sa kanya pinigilan siya sa braso. Napalingon siya nang bigla dahilan upang magdikit ang kanilang mga ilong.
“Seal my lips.” Bulong nito.
“Wala akong tape or staple para-”
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I said you can seal it with a kiss.” He snapped. Kunwa’y nainis siya at bahagyang itinulak ito.
“Kiss your own breath, conceited.” She said. Tinalikuran niya ito at sa nanginginig na tuhod ay lumakad siya papasok sa loob.
Alas siete na ng gabi nang natapos ang shoot. Naging maayos naman ito kahit medyo nagulat sila sa outfits. Sanay sila sa mga makabagong damit ngunit hindi naman sila ganoon kaliberal. Ngunit sa tulong ni March na naging maingat sa mga anggulo at sa director ay mahusay na naiayos ang shoot. In a country given a conservative culture, it was a challenge to come up with flesh. Subali’t siniguro ng magazine na hindi magiging malaswa ang kalalabasan ng cover.
“Nasa kabilang side ang kotse ko.” Wika ni Amber. Katabi nito si Cleo at Thia na nakahabol galing Isabela at parehong bitbit ng dalawa ang kani-kanilang gamit. Kasunod naman nito si Geri.
“Sige. Mag-ingat sa pagmamaneho, Amber.” Paalala niya. Amber was reckless when it comes to road. Masyado pang mainitin ang ulo nito kapag naiipit sa traffic at para namang wala nang bukas kung magpatakbo ng sasakyan.
“Don’t worry I’m with her.” Salo ni Cleo.
“Oo, ako sasagasa d’yan kapag pasaway.” Segunda naman ni Geri.
“Alis na ‘ko girls. Babalik pa ‘ko sa Isabela.” Si Thia.
“Bye, ingat sa byahe.” Sabi niya at yumakap dito. Nauna na itong umalis. Naiwan silang apat.
“Wait…” muling lingon ni Cleo sa kanya. Nagtataka siyang naghintay sa sasabihin nito.
“May napansin lang ako.” Anito. Kunot ang niyang tiningnan ito.
“Hindi mo ba napansin si Lourd at si Cassie kanina?” baling ni Cleo kay Amber.
“I thought I’m the only one who’s seeing many things.” Nakangising sagot ni Geri.
Cassie wondered though she had the idea of what they’re talking about. Marahil napansin ng dalawa ang malimit na pagtitinginan nila ng binata at ang mga ngiti nito sa kanya.
“Damn, you planted something that shouldn’t be grown.” Umiiling na sabi niya. Tinungo niya ang kotse niya at pinindot ang alarm.
“Hindi lang kasi umaamin ‘yan eh.” Sabi ni Amber at lumapit sa kanya.
“Gusto mo s’ya ‘no?” Ani Amber.
“No.” pakalma niyang tugon.
“Wrong question, Amber.” Mabilis na lumakad si Cleo sa harap niya at pinigilan ang pagbubukas niya ang passenger’s seat door.
“Bakit hindi mo pa aminin? Hindi naman krimen ang pag-amin kung gusto mo siya.” madamdaming tanong nito. Puno ng amusement ang mga mata nito.
“Cleo-” biglang tumili si Amber at lukot ang mukhang nilingon niya ito.
“Amber, tumigil ka nga.” saway niya.
“Aminin mo na, Cassie. Kayo na ‘no?” Amber insisted.
“Ano ba kayo?” tinabig niya ang kamay ni Cleo sa pinto. Binuksan niya iyon at inihagis ang mga gamit doon.
“Naku, Cassandra. Aamin din ‘pag may time.” ani Geri.
“Oh, God. Kung makapilit kayo, wagas.” Nanlulumong sabi ni Cassie. Alam niyang hindi siya titigilan ng mga ito hangga’t hindi siya nagsasalita.
“Hindi kami aalis dito.” Inip na sabi ni Amber.
“Okay.” Sabay hinga niya nang malalim. Sabay-sabay na tumili ang mga ito. Sagot na iyon sa pag-amin niya.
“Oh my God, Oh my God!” Amber was being hysteric.
“Huwag nga kayong maingay.” Saway niya sa mga ito nguni’t kasama naman siyang tumatawa. On that matter, she joined their scream. Iyon ang nadatnang eksena ni Lourd.
“May sunog ba?” tanong nito sa kanila.
“Here’s your prince.” Bulong ni Geri sa kanya.
“Hi.” Hilaw na ngiti ni Cleo.
“Akala ko ba pagod na kayo? Pero nagagawa pa ninyong sumigaw.”
“Well…we’re just happy…you know.” Si Amber.
Cassie’s tongue got trapped to her mouth. Kinakabahan siya dahil baka narinig nito ang pinag-uuasapan nila.
“Ahm…alis na kami.” Paiwas na sabi ni Amber at hinila si Cleo at Geri.
“Give us a call, Cassie.” Habol ni Geri at nag-iwan pa ito ng isang kindat. She addressed the teasing and waved her hand.
Nang maiwan silang dalawa ni Lourd ay binalot ng pagkailang si Cassie. Now that she confessed how she feels, she was now not sure of herself.
Binalikan niya ang kotse niya. Hindi niya alam kung paano magpapaalam. Hanggang sa tawagin siya nito. Tamihik siyang lumingon. She was fascinated by his gentle face. Pinagsawa niya ang kanyang sarili na matitigan ito habang papalapit sa kanya.
“Dinner?” pormal na wika nito subali’t nakangiti. Mabilis na pinagana ni Cassie ang isip niya at pinagtakhan ang sarili kung bakit bigla ay wala siyang mahilang sabihin.
“Kung iyon naman eh, hindi ka pa pagod.” Salo ni Lourd sa pananahimik niya.
“I-I love to go out with you but…” Hindi niya gustong tanggihan ito. Kung siya ang masusunod ay baka iniwan na niya ang kotse niya at sumama na dito. But that was crazy.
“I see.” Simpleng wika ni Lourd.
Nahawa tuloy si Cassie. “It’s not really a date. You can come along if you want.”
Gusto niyang pagsisihan ang pagsisinungaling. Nahiling niya na sana’y tumanggi ito.
Dahil sa madalas na pagbalik ng panaginip niya ay nagiging estriktong muli ang lolo niya sa kanya. Mas gusto nitong maagang siyang umuwi at sa bahay na muna. Nag-aalala ito na maakpektuhan ng kalagayan niya ang mga ginagawa niya at pagtakhan ng ibang tao. Baka mapilitan siyang magkwento sa oras na matanong upang lalo lamang mabulabog ang isip at kalooban niya.
Hindi sana niya gustong tanggihan si Lourd. She doesn’t want to break the wonderful and exiting sparks that just beginning between them. Ngunit kailangan din niyang pangalagaan muna ang sarili niya. Hiling lamang niya ay hindi iyon magtagal.
“I can’t. Mag-ingat ka na lang.’” Pagtanggi nito. Nakahinga siya ng lamuwag kahit pinanghihinayang ang naudlot na date.
“I-ikaw ang bahala. I’ll go ahead.” Alumpihit niyang paalam. Lumayo na ito.
Something was telling her to stop him from leaving but she remained staring. Pinilit na lamang niyang pumasok sa sasakyan ngunit nabigla siya ang nakita niyang papalapit si Lourd. Muli siyang umahon mula sa pagkakatayo sa driver’s seat.
Sama-samang nararamdaman ni Cassie ang lakas ng tibok ng puso niya at ang pagbabago ng temperature niya.
Humawak ito sa pinto ng kotse niya at tinitigan siya. Tanging ang nakabukas na pinto lang ang naghihiwalay sa kanila.
“May kailangan lang akong gawin.” He said running his stare to her face.
“A-ano…” hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin dahil bumaba ng kaagad ang labi nito sa kanya. Muli, nalasap niya ang pamilyar na halik.
Cassie felt tickled on a wind that blew to her nape. Hindi niya akalain na may ganoong uri ng pakiramdam. It felt like summer and walking in the rain at the same time. She can imagine it but she cannot define.
He tasted her and she moved her lips to welcome him. Bumaon yata ang mga daliri niya sa metal na pintong hawak niya. She then felt the warm touch on the side of her face crawling to her neck. Namalayang na lang niyang umungol na siya.
Lourd left her lips to breath air. But her intensity was rising. Hawak pala nito ang leeg niya.
“You’re mine, Cassandra. Seryoso ako sa bagay na ‘yan.” Nagawa pa nitong ibulong sa kanya, touching her nose by his lips.
‘Yes.’ Her mind was shouting but her mouth got shot. Bagkus, nakapikit siyang tumango. Namangha sa kakaibang naramdaman na bumalot sa pagkatao niya.