Panay ang buntong-hininga ni Cassie habang pinapanood ang pakikipag-usap ni Judge Romero sa kanyang lolo sa cellphone. Bahagya itong lumayo sa kanya at may glass wall ito nakipag-usap.
“No, Sir Alfon. You cannot stop me now.” Narinig niyang sabi nito. Bahagyang lumakas ang tinig nito. Lalo siyang kinabahan. Mukhang nagtatalo ang mga ito.
“I see. Pero tulad ng nasabi ko na. Wala na kayong magagawa.” Sabi pa nito saka tumingin sa kanya. “I deserve her now more than she deserves me.”
Natigilan si Cassie sa nakitang emosyon mula sa mga mata nito. His stare was so tender. Tila humaplos iyon hanggang sa puso niya.
“See you, Sir.” Anito at natapos ang pag-uusap. Lumapit ito at ibinalik sa kanya ang cellphone niya.
“N-nagalit po ba s’ya? Tito Rom, I’m sorry.” Puno ng pag-aalala niyang saad.
“Of course, nagalit s’ya. Ayaw niyang nagkikita tayo eh. Kaya nga tumagal ng ilang taon na hindi kita napuntahan. But those years are over.” Tugon nito at kumunot ang noo niya.
“Tito Rom, ano po ba talaga ang ibig n’yong sabihin? Bakit ba parang may pinagtatalunan kayo ni Granpa? Bakit ayaw n’yang magkita tayo?” sunud-sunod niyang tanong.
“Sabihin na lang natin na galit s’ya sa’kin. Dahil…” anito sabay hinga nang malalim. Parang hindi nito kayang sabihin nais nitong sabihin.
“Tito, please.” She almost begged.
Nag-isang buga ito ng hangin saka nagpatuloy. “Anong alam mo tungkol sa pagkatao mo?”
Binundol ng kaba ang dibdib ni Cassie. Ano ang nais nitong sabihin niya? Nais ba nitong ulitin niya ang pagkukwento tungkol sa nakaraan niya? Anong ibig sabihin nito sa salitang pagkatao niya? Alam ba nito ang hindi niya tunay na ama ang lalaking ipinakulong nito?
“T-Tito…” bumibilis ang tibok ng puso niya. Nangiginig ang mga kamay niya.
“Tell me. What do you know?” ulit nito habang lumalapit sa kanya.
“Diyata’s ako ang nagtatanong n’yan.” inis na niyang sabi.
“Tungkol sa ama mo-”
“He’s not my real father if that’s what you want to know. Matagal ko na ‘yong alam. I heard it by accident nang sabihin n’ya mismo na hindi n’ya ako anak. Kaya gano’n na lang ang kakayahan n’yang saktan ako…”
Mabilis na namuo ang luha ni Cassie. Muling kumirot ang dibdib niya nang alalahanin ang mga eksenang matagal na niyang nais kalimutan. Ang katotohanang matagal na niyang itinatago sa puso niya. She never bothered to ask about it. Dahil tila ayaw na ring ungkatin ng lolo’t lola niya.
“Cassie…” saad nito at mabilis siyang dinaluhan. Hinawakan nito ang kamay niya na may takip na cotton gloves. Tuluyan na siyang napaiyak. Mabigat ang pakiramdam niya. Noon lamang ulit siyang umiyak nang ganoon.
“Hush, sweetie. It’s okay.” Pag-alo nito sa kanya habang yakap siya. “He was a big fool hurting you and your mother. Walang kapatawaran ang ginawa niya. Kung ako lang ang masusunod ay tinapos ko na ang buhay n’ya. Pero ang batas na ang bahala sa kanya.”
Patuloy siya sa pag-iyak. Matagal nang nangyari sa kanya iyon ngunit patuloy pa rin ang sakit na humihimay sa kanya.
“Kung kaya ko lang baliin ang batas para sa’yo ay ginawa ko na. It hurts me seeing you like this. You don’t deserve this. Any of my children don’t deserve this.” Panay sabi nito sa hirap na tinig. Tila wala sa loob ang sinabi nito ngunit hindi iyon nakaligtas sa pangdinig niya.
“Children?” hilam ang mukha sa luha niyang tanong dito nang bahagya siyang lumayo dito. Hindi kaagad ito nakatugon. Nakatitig lamang ito sa kanya.
“A-anong ibig n’yong sabihin? Please!” hindi na niyang napigil ang sarili. Hinawakan niya ang matipuno nitong braso at bahagyang niyugyog. Litung-lito na siya. Kailangan na niya ng katotohanan.
“Ako ang tunay mong ama.” Walang gatol nitong sagot.
Tigagal si Cassie. Hindi siya kaagad nakagalaw. Parang tumigil ang buong paligid niya. Sabay-sabay nagsulputan ang mga eksena sa isip niya. Pati ang emosyong bumulusok sa buong pagkatao niya. Hindi niya hiniling ang ganoong pasabog kaninang papunta pa lamang siya sa lugar na iyon. Iyon ba napapala kapag masyadong matanong at mapag-isip? Kailangan ganoon kabigat?
“I had an affair with your mother years ago in Bukidnon. Associate lawyer pa lang ako noon. Newly wed. Si Andrea pa lang ang anak ko noon. Cassie…” anito na hindi rin kumakalas sa paghawak niya. She stayed still. Tila sadyang nanigas na siya sa kinatatayuan niya.
Ito na ang kumilos at kinuha ang mga kamay niya sa braso nito. Ito naman ang humawak sa kanya. Mahigpit iyon. Inilagay nito sa parteng dibdib nito ang mga kamay habang tiim na nakatingin sa kanya.
“It was unplanned. Alam ko, mali. Hindi ko pinigilan ang sarili ko. Elaine, your mother, was so sweet. Hindi s’ya mahirap mahalin. Kasalanan ko. Hindi ko kaagad sinabi sa mommy mo ang katotohanang may asawa na ‘ko. May nangyari na sa’min nang sabihin ko sa kanya. My conscience was rotting me out. Dahil mahal ko ang asawa ko.
“Nilayuan ako ng mommy mo. Nalaman din ng pamilya n’ya ang lahat kaya sinugod ako ng lolo mo sa opisina. Galit na galit siya sa’kin. That was also the day that I learned about you. Nagbunga pala ang nangyari sa’min pero hindi pumayag ang lolo mo na sustentuhan ko kayong mag-ina. Pinagbantaan pa n’ya ako na papatayin ako sa oras na lumapit ako sa inyo. Kaya bumalik ako ng Maynila. Sa pamilya ko. My wife was pregnant to Melissa at that time. Kasunod no’n ay pagsisisi dahil sa pagsira ko pamilya ko at sa buhay ng mommy mo. I’m so sorry. I really am.”
His voice was broken yet sounded sincere. Punung-puno ito ng emosyon. At nasasaktan siya sa mga naririnig niya.
“N-no…” panay iling niyang tugon dito. Ginamit niya ang natitirang lakas upang kumalas dito. Umatras siya hanggang sa pasalpak siyang naupo sa sofa. Lumakas ang pagtangis niya.
“Oh Christ, Cassie. I’m sorry.” Muli itong lumapit sa kanya. Tinangka siya nitong abuting ngunit umiwas siya.
“Please, just let me breath. Magiging okay din ako.” Sabi niya sa gitna ng pag-iyak. Hinayaan siya nito saka inabutan ng tissue. Tinanggap niya iyon.
Nanatili sila sa ganoon posisyon. Walang nagsasalita hanggang sa matapos ang kanyang pag-iyak. Hinintay marahil nito na humupa ang emosyon niya.
“Aalis na ‘ko.” Aniya nang sa tingin niya ay kaya na niya.
“No. Dito ka muna. Ipapahatid na lang kita mamaya. Magpahinga ka.” Pagsalungat nito.
“Sa tingin n’yo makakapagpahinga ako dito? Hindi madaling tanggapin at lunukin ang mga sinabi n’yo. What I need is air.” Walang halong panunuya niya tugon.
Hindi siya makapag-isip nang maayos. Parang sasabog ang ulo at dibdib niya. Naisip niya bigla si Lourd. Lalong sumikip ang dibdib niya. Bakit kailangang ganoon ang katotohanan? Bakit kailangang ama pa ni Lourd ang tunay niya ama? Bakit naging magkapatid pa sila? Bakit kailangang makilala niya ito at matutunang mahalin? Bakit? Paano na sila?
“Alright. Kung ‘yan ang gusto mo.” sumusukong sabi ng kanyang ‘ama.’ Napailing siya sa tawag na iyon. Pambihira rin kung magbiro ang tadhana.
“You sure you okay?” tanong pa nito nang makatayo na siya. Inihatid siya nito hanggang pinto.
“I’m fine. Thank you.” Walang lakas niyang sagot. Ito na ang nagbukas ng pinto.
“Ako na lang po.” Pigil niya nang akmang sasama pa ito. Nagpoprotesta ang tingin ngunit ito rin ang sumuko sa huli.
“Sige. Just be careful, okay? Give me a call when you’re home.” Sabi nito saka siya tumango.
Lumakad siya palayo sa opisina nito at paliko na siya papuntang elevator nang makasalubong niya si Amanda. Nakatingin ito sa kanya. At hindi niya gusto ang paraan ng pagtingin nito.
She immediately raised her eyebrows. Hindi niya gusto si Amanda sa simula pa lang. Nilampasan niya ito. Hindi niya pinansin ang matalim na tingin nito.
“Alam ko ang nakita ko.” Napahinto si Cassie nang marinig niya ang boses nito.
“Excuse me?” himig naiirita niyang tanong nang lingunin niya ito. Wala siyang lakas at oras upang makipagtarayan dito.
Lumapit ito sa kanya. Hindi niya maitatanggi na maganda ito. Matangos ang ilong at manipis ang labi na mamula-mula. Mahaba ang buhok at itim na itim samantalang ang balat ay maputi. But Amanda doesn’t deserve Lourd.
‘At sinong bagay sa kanya, ikaw? Magkapatid kayo, Cassandra!’ sita ng nasasaktan niyang puso.
“Hindi ako ipinanganak kahapon lang.” Sabi nito. At hindi rin siya kahapon lang ipinanganak upang hindi maintindihan ang sinabi nito.
“I know your business with the judge. At hindi ko maisip na pinatulan ka niya.” Ngitngit na sabi nito.
“Ang bilis naman ng imahinasyon mo. At masyadong mapanghusga ang bibig mo. Pasalamat ka at mabuting tao si Judge Fortes dahil kung hindi, hindi kita kausap ngayon.” Sagot niya sa pagtatray nito sabay talikod papalayo.
Sa harap ng elevator ay pilit kinalma ni Cassie ang sarili. Hindi niya papatulan si Amanda. Kanina ay gusto niyang ibaon ang mukha nito sa mesa. Napakabilis nitong husgahan siya gayon wala itong alam tungkol sa buhay niya. Kaya pala ito hiniwalyan ni Lourd. Ni hindi man lang itinatago ang kagaspangan ng ugali.
Muli siyang nagbuntong-hininga. Napakabilis ng mga pangayari. Nasagot ang napakaraming tanong niya. Ngunit muling napuno ng tanong ang isip niya. Paano na niyang pakikitunguhan si Lourd? Anong magiging reaskyon nito sa oras na malaman nito ang katotohanan tungkol sa kanya?
Pagbukas ng elevator na harap niya ay sabay ring bumukas ang katabi nito. Pumasok siya sa elevator at hindi niya napansin ang lumabas na bulto mula roon.
Papasara na ang pinto at dumaan ang lalaki galing sa kabilang elevator nang saglit itong napasulyap sa gawi niya at nagulat sila nang makilala ang isa’t-isa. Husto namang tuluyang sumara ang pinto ng kanyang elevator at umandar pababa. Hindi na tuloy niya nakita ang gulat na rumehistro sa mukha ni Lourd.
“And…one, two, three, four, five, six, seven…Cassie mali ang ikot mo.” narinig ni Cassie si Cleo kaya tumigil siya. Tiningnan niya sina Geri at Amber at sinundan ang dance steps na ginagawa ng mga ito. Ngunit muli siyang nalito.
“From the start!” sigaw ni Cleo at ini-off nito ang music. Bagsak ang balikat nilang tatlo. Pawisan na sila at pagod na pagod na. Kung hindi lang special event ang gaganapin sa Roxy ay liliban muna siya sa rehearsal nila. Ngunit alam niyang magagalit si Cleo sa kanya pati na si Roxanne. Wala kasi si Thia dahil may sakit ito at nanatili sa Lou’ Room’d.
“Cas, problema?” Ani Cleo habang papalapit sila dito. Iniahagis nito isa-isa sa kanila ang Gatorade. Halos sabay-sabay silang pasalpak na naupo sa wooden floor ng studio.
“Wala.” Simple niyang tugon. Tumabi siya kay Geri.
“Kanina ka pang sumasablay, ha. Pagod na ‘ko sa kauulit. Pasaway naman kasi ‘tong si Cleo.” Ani Geri.
“Hmm, sinisi pa ‘ko. ‘Yang katabi mo kastiguhin mo.” Reklamo ni Cleo.
“Ano bang ganap, Cassie? Nagkakalabuan na ba kayo agad ni Lourd? Wala pa ah.” Si Amber.
“Wala na.” Umiiwas niyang tugon.
“Hay naku. Heto na naman tayo. Back to in denial stage.” Natatawang komento ni Geri.
“I’m serious. Wala na. Malabo nang mangyari ang sinasabi n’yo.” Giit niya.
“Okay, fine!” Si Cleo at lumipat ng upo paharap sa kanya. Inayos nito ang paa niya nang pa-lotus position. “Anong problema? ‘Yong counseling mo ba?”
Bumigat bigla ang pakiramdam ni Cassie. Iyon ang ayaw niya sa mga ito. Masyadong alam ng mga ito ang lahat sa kanya kaya hindi niya alam kung paanong maglilihim sa mga ito. Masyado rin siyang kilala ng mga ito upang hindi siya piliting magsabi sa mga ito.
“No.” unti-unting namumuo ang luha niyang sagot.
“So, balik tayo kay Lourd.” Si Geri na nakadikit na sa kanya. Pinagitnaan na siya ng mga ito na ibig sabihin ay hindi na siya makakawala.
“It’s my father.” Basag ang tinig niyang saad.
“What?! Don’t tell me nakalaya na s’ya?” bulas ni Amber.
Umiling siya at nagbaba ng tingin. “Hindi. I mean my real father.”
“Oh.” Pabuga ng hanging sambit ni Geri.
“Nakilala mo na s’ya?” puno ng interes tanong ni Cleo. Naluluha siyang tumango.
Kinausap niya ang kanyang lolo’t lola pag-uwi sa bahay pagkagaling niya sa Pasig. She had to confirm. Sa kaibuturan ng kanyang puso ay umaasa siyang mali ang lahat ng sinabi sa kanya. Inisip niya na isang masamang paniginip lamang iyon. Hindi niyang kayang tanggapin na iisa ang ama nila ni Lourd. Ayaw pumayag ng puso niya. Ng buong pagkatao niya. Ngunit hindi itinanggi ng mga ito ang katotohanan. Inulit lang ng mga ito ang sinabi ni Judge Fortes. Totoong ito ang ama niya. Kaya lumantad sa kanya ang isa pang masakit na katotohanan: Hindi niya maaaring mahalin si Lourd sa paraang nais ng puso niya. Kapatid niya ito!
“Eh, bakit parang hindi ka masaya? What’s wrong?” Si Amber.
“Si Judge Romero Fortes ang tatay ko.” May hapdi niyang saad.
“H-huh? Ano? Fortes? Meaning ang daddy ni Lourd ang…ta…tay mo?” tila nanghihinang bulas ni Geri.
“Okay ka lang?” Ani Cleo at inabot ang kamay niyang balot pa rin gloves. Noon na tumulo ang luha niya.
“Cas…” Si Amber saka siya inabot at niyakap. It was what she badly needed. A tight hug. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang damdamin niya. Nagtatalo ang isip at puso niya. Ayaw pumayag ng puso niya dahil mahal na mahal niya si Lourd. In fact, matagal na niyang mahal ito. Ngunit umaagaw ang isip niya dahil sa masakit na katotohanan.
“Alam na ba ni Lourd?” tanong ni Geri. Umiling siya habang nasa bisig ni Amber.
“Oh, God…this is shit big time.” Komento ni Cleo. Halata ang pag-aalala.
Nakarinig sila ng tunog ng cellphone. Alam niyang kanya ang tumutunog. Kumilos sila. Si Geri na ang kumuha ng cellphone niya dahil ito ang malapit sa bag niya. Ito na rin ang tumingin sa screen.
“Shit.” Usal nito at ipinakita sa kanila ang screen. Si Lourd ang tumatawag sa kanya. Ngumiwi siya sabay muling iyak. Pangatlong tawag na iyon ni Lourd sa araw na iyon.
Mabuti na lang at nasa Singapore ito para sa isang malakig project ng LinkMusic. Hindi siya nahirapang umiwas dito. Ngunit isang linggo lamang itong sa ibang bansa. Sa palagay nga niya nasa nakauwi na ito. Kaya marahil nakakatawag na ito sa kanya.
“When was the last you talk to him?” tanong ni Amber.
“Isang linggo na.” panay singhot niyang tugon.
“Damn, magtatanong na nga ‘yon.” Si Geri ulit.
Patuloy ang ring. Walang kumilos sa kanila. Ayaw niyang sagutin iyon. Lalo lamang siyang masasaktan kapag narinig ang boses nito. Hanggang sa matapos ang ring. Sumuko na marahil si Lourd.