ROXY CITY SERIES 3 (THEN ALONG CASSIE CAME) Chapter 12

Lourd was tired and exhausted but he managed himself to drive all the way to Tagaytay. Papunta siya sa ranch house ng pamilya niya sa San Jose. Dapat ay natutulog siya sa unit niya dahil wala pa siyang pahinga. Katatapos lang ng annual concert ng LinkMusic kung saan featured lahat ng artist nito. But prior to that, kagagaling lang niyang Singapore para asikasuhin ang merging ng foreign recording label sa kanilang label.

His family used to spend one weekend on their ranch house once in every two months. Binili ng mga magulang niya ang bahay para sa buong pamilya. It is a family tradition that his father wanted to employ.

Habang nasa kahabaan ng Aguinaldo highway ay kinuha niya ang kanyang cellphone at idinayal ang number ni Cassie. It’s been a week since they last talked. Sa telepono pa nga iyon dahil paalis na siya papuntang Singapore at nagpaalam siya dito. She sounded sad in her voice saying ‘Take care’ as they part ways but he immediately erased it.

‘The subscriber cannot be reach…’ sabi ng operator.

“Damn it.” Usal niya at inihagis ang phone sa katabing upuan. Simula pa nang dumating siya ay hindi pa niya ito nakaka-usap man lang. Ilang beses na siyang nagtext at tinawagan ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makontak.

Nang matanaw niya ang entry porch ay nakita niya ang pamangking si Charlotte na nakikipaglaro sa alagang aso nito na si Nigel. Ipinarada niya ang sasakyan sa garahe. Masaya siyang sinalubong ni Charlotte at sabay na silang pumasok sa loob.

“Anong bago sa’yo, Master Lourd?” nakanigsing tanong ni Hannah sa kanya. Kasalukuyan silang nasa deck sa likod bahay at magkakaharap sa mahabang wooden dining table. Doon ay matatanaw ang magandang tanawin na taal volcano. Nasa kanan niya si Lottie at katapat niya si Hannah. Katabi naman ni Lottie ang mommy nito at katapat ang asawa nito na si Marvin Alicante, an intimidating lawyer just like her father and her sister. Katabi nito ang bunso ng mga ito na nasa convertible crib.

Sa kabisera ay ang mama niya. One particular question that bothered him was that why his father was not around. Nasaan ito? Nagulat siya kanina nang sabihin ng mama niya na hindi nito kasabay ang kanilang ama na umuwi ng Tagaytay. Naiwan daw ito sa opisina at may aasikasuhin pa.

“Nothing really interesting.” Sagot niya sa kapatid. Sa mesa ay sari-saring pagkain ang nakahayin.

“Mommy I want water.” Singit ni Lottie. Puro na amos ang mukha dahil sa fresh fruit salad na kinakain nito.

“Lourd please give her water.” Utos ni Andrea.

“Here, sweetie.” Sabi niya habang sinasalinan ng tubig ang baso nito.

“Kumusta ang label mo?” Tanong ni Justin na noon ay nilalro-laro si Enzo habang kumakain din.

“It’s doing well. Hey, Ate I need the legal papers for my artists.” Baling niya sa kapatid.

“Sa Papa ka magsabi.” Sagot nito at sinalinan ng salad ang plato ng anak.

Aabutin sana niya ang natitirang putol ng morcon ng tampalin ng mama niya ang kamay niya.

“Huwag mong kamayin ‘yan, Kristof.” Saway nito. Napatingin siya dito at hindi nakaligtas sa kanya ang tila balisa ang mga mata nito. Parang nagpipigil din ito ng galit.

Inabot ni Lourd ang serving spoon at kinuha ang morcon. Ngunit sa likod ng mga ngiti at kwentuha nila ay nararamdaman niya ang tensyon. Pasimple siyang tumingin kay Andrea. Nagtapon din ito ng tingin sa kanya.

“Nasaan ba talaga ang papa?” tanong niya sa lahat.

“May inaasikaso lang. And besides, he is on his way.” Salo ng mama niya halatang pinagtatakpan ang kanyang ama.

“Why don’t you just eat, Lourd.” Singit ni Hannah. Hindi ito marunong tumawag ng kuya sa kanya kahit na bunso ito. He wanted to maintain his being young.

“Tito.” Tawag naman ni Lottie sa kanya. Uminom muna ito ng tubig bago magsalita, “Where’s your girlfriend, why don’t you bring her here?”

Natigil ang pag-inom niya ang iced tea at hindi nagawang gumalaw. He moved his eyes to everyone through the rim of the glass and saw them all looking at him, waiting for an answer.

“She’s busy.” Tanging sagot niya at sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang tinitigan siya ng kanyang mama.

She gave him a warning look. Mukhang siya ang tampulan ng tukso noong araw na iyon.

“Tito, what’s her name? Is she beautiful like mommy and Tita Hannah?” pangungulit ni Lottie. Hinila pa nito ang manggas ng t-shirt niya dahil upang matabig niya ang baso ng tubig sa kanan niya.

“Oppps.” Habol ng kaliwa niyang kamay upang hindi mabuhos kay Lottie ang tubig.

“Lottie, stop it. Look at the water, it almost throw out.” Saway naman ni Andrea.

“I just want to know Tito Lourd’s girlfriend’s name!” Lottie insisted.

“Alright, here.” Sabi niya at inilabas ang kanyang cellphone. He touch the screen and did some swipe. Saka inilapit ang screen kay Lottie. Sa screen ay naroon ang picture ni Cassie na kuha noong magkasama silang kumain isang umaga.

“Wow, she’s beautiful!” Lottie exclaimed with eyes wide open. In her delicate face and tender expression plays a serene admiration for what she’d seen.

“What’s her name?” tanong nito habang nasa screen pa rin nakatingin.

“Cassie.” He said.

“Cassie?” sabi ng ina niya na nagpalingon sa kanya. Sasagot pa sana siya nang bigla rin niya iyong binawi.

“Never mind.” Anito.

Nauwi sa malalim na pag-iisip si Lourd. Hindi na niya namalayan na inagaw ni Lottie ang cellphone niya at pinakialaman na ito.

Tili ni Lottie ang umagaw sa atensyon nilang lahat.

“What happened, Lottie?” nag-aalalang tanong ni Andrea sa anak.

“Mommy, they’re kissing!” hindi naman ito nasaktan o natatakot. It is like she is shocked because she saw an awkward scene.

Inagaw niya ang cellphone mula dito at pigil ang tawa dahil picture pala nila ni Cassie ang nakita nito. He is kissing her in the picture. It was not intended. Siya ang may pakana noon. Something playful came out to him and he grabbed her to kiss her and captured it. He didn’t take it seriously that was why it remained stored.

“Next time, don’t intrude okay?” kunwa’y galit nitong sabi at pinisil ang ilong nito.

“Ouch.” Bawi nito at galit na hinarap siya. “Yuck, you’re licking and take pictures on that, yucky!” lukot ang mukhang sabi nito.

“Yuck.” Panggagaya niya dito.

Noong naman umiyak si Enzo. Marahil nagulat ito sa pagtili ni Lottie. Binuhat ito ni Marvin.

“Maybe he needs to change.” Sabi ni Andrea.

“Dalhin ko lang siya sa loob.” Sagot ng bayaw niya at naunang pumasok sa loob.

“Call Manang Lucing, Lottie.” Utos nito sa anak. Sumunod naman si Charlotte.

“Pahinga lang ako.” Paalam niya.

Hinila niya ang sliding door papasok sa family room na kanugnog ng open kitchen. Doon siya dadaan dahil naroon ang butler’s area. Balak niyang magbaon ng malamig na tubig sa guess room at naroon ang counter refrigerator. Kumuha siya ng bottled water.

Nasa gitna na siya ng family room ng tumunog ang cellphone niya. Hindi na niya pinagkaabalahang tingnan kung sinong tumatawag at sinagot na lang iyon.

“Hello.” He said.

“I’m sorry. I got no bat-”

“Bakit pinapatay mo ang cellphone mo?!” he snapped. Hindi na hinintay ang ibang sasabihin ni Cassie.

“There was an emergency.” Mahinahon nitong sagot.

“Anong emergency?!” galit pa ring sagot niya. Hindi niya alam kung paano kaakusapin si Cassie. Bigla na lamang siyang nataranta nang marinig ang boses nito. And his counter attack to that was anger.

“Huwag mo na akong awayin please. I’m tired.” Sagot ni Cassie. Kahihimigan ng coldness ang tinig nito.

Lourd sighed. “What happened? The moment I arrived from Singapore, I tried to call you. Nagtext din ako sa’yo.” Wala na ang galit niya.

“I’m really sorry. Wala na akong lakas para magkwento. Pagod na talaga ako. Nabasa ko lang ‘yung text mo kaya tinawagan kita.” Sagot nito. Napapikit si Lourd. Nakakahumaling ang tinig nito.

“I’m also tired, honey…” Lourd suddenly trailed off. Natigil ang pagpasok niya sa covered deck sa gilid ng bahay.

“I know. Kumusta ang lakad mo sa Singapore?” hindi nito pinansin ang narinig. He heard her yawned. Paos na rin ang boses nito. That made it more seductive and sexy. Napahawak tuloy siya sa backrest ng rattan comfort chair.

“It was good. I got the deal.” He answered.

“That was great. You’re getting richer everyday.” She joked. Inaagaw na ng antok ang buong lakas niya pero gusto pa niyang kausap ito.

“I only want the best for my artists.” Tugon niya. He was sitting on the comfort chair. Pinagmamasdan niya ang Taal volcano. He wondered if he brings Cassie on the ranch house. She would definitely love that. Parang gusto niyang magplano ng isang weekend para kanilang dalawa.

“That’s so nice.” Sabi nito. As long as the sun lights the sky, he can imagine her so alluring like a quite night that was so soothing. He felt a heat that crawled through his groan.

‘Damn, you’re driving me crazy, Cas.’ Pagod na nga siya ay nagagawa pa niyang pagnasahan ang dalaga.

He chuckled, “Bakit gusto mo na ring magrecording?”

Narinig niya ang paghikab nito. “I need to hang up.”

Nagtaka siya. Tila iba si Cassie.

“By the way, tinawagan ako ng Munt. Lalabas na ang magazine. I already have my copy on my office, hindi ko pa lang nabibisita.” He said.

Umungol lang ito bilang tugon. Lalo siyang nagtaka. May sakit ba ito? Hindi. Parang galit ito sa kanya. Pero bakit? Her voice sounded so weak. Halatang pinipilit na lang nitong makipag-usap. He wanted to ask what happened while he was away. Ang totoo ay nag-aalala siya. What emergency was that? Was it fatal?

“You really sound so tired.” He said smiling and in full of concern. Something changed in the beating of his heart and felt excited unexpectedly.

Katahimikan.

Hanggang sa narinig niya ang pagtawa nito. “Oo, sobrang pagod ako. Natatakot lang akong hindi tumawag sa’yo kasi sabi mo sa text…” she yawned again, “...mo na ‘show yourself or I’ll be gone’ kaya kahit gusto ko nang matulog…” she sighed.

“Okay, you can rest now.” He snapped. He was touched.

“Thanks.” Pabulong nitong tugon.

Lourd felt like melting. Hanggang kailan niya matatagalan ang pagiging malambing nito nang hindi niya tinutugon. In words or actions, she was born with it. Hindi mahirap magustuhan si Cassie. She was so light to control but so hard to ignore.

“I missed you.” He uttered.

Muli, katahimikan. Naghintay siya ng tugon ngunit wala siyang narinig. Tila nasaktan siya. Gusto niyang marinig na namimiss din siya nito. Na gusto din siya nitong makita at makausap. Ngunit bakit parang may pader na namang inilagay si Cassie sa pagitan nila? Bigla ay tila kidlat na sumagi sa isip niya ang araw na nakita niya ito sa Tektite Tower. Paalis na rin siya noong araw na iyon patungo sa Singapore kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin iyon.

“Cas-”

“Bye.” She answered nakarinig siya ng marahang pahinga.

Hanggang maibaba niya ang phone ay tila tulala pa rin siya. Lubhang pinagtatakhan niya ang asal ni Cassie. Nainis siya. Parang binalewala siya nito. Napapikit siya at pinakiramdaman ang sarili. Bakit ganoon na lang emosyon niya para kay Cassie? Her swift moves are like poison to him. Ganoon na lang ba ang pagkagusto niya dito? No. He loves her. Nahulog na siya kay Cassie.

He let out a sigh, he remained sitting as minutes goes by and weigh the situation because she was starting to invade his world.

Ngunit maya-maya lang tumayo rin siya. Pagod na rin siya at gusto na rin niyang matulog. Baka makita pa siya ni Lottie at mangulit pa ito.

Pababa na siya sa lower ground kung saan naroon ang kanyang kwarto nang makita ang kanyang ina na palabas ng veranda. Sinundan niya iyon ng tingin. Tila may bumabangabag dito. Nagpasya siyang sundan ito.

“Ma.” Tawag niya at lumingon ito.

“Oh, akala ko nagpapahinga ka na.” sabi nito habang lumalapit siya. Naupo ito sa kahoy na bench. Tumabi siya dito.

“Can’t sleep.” Pagsisinungaling niya kahit na ang totoo’y nais niya itong kausapin.

“You need rest.” Pasimple nitong pagtaboy sa kanya.

“Later.” Aniya. Ngumiti ito saka tumanaw sa malayo. Pinagmasdan niya ang magandang mukha nito. He wondered if he got her features. Palihim siyang umiling. Imposibleng mangyari iyon.

“Nasa’n ba ang Papa?” tanong niya.

“Pina-finalize lang niya ang mga guest para sa anniversary namin. Alam mo na…” sagot nito.

“Oh, nga pala. Malapit na nga pala ang party n’yo. Excited?” aniyang napapangiti.

“Hmm…” Anito kasabay ng isang tawa. Ginaya niya ito. Nagkatawanan sila.

“It’s amazing ‘no, ‘Ma? Thirty five years. Thirty fives long loving years.” Pahayag niya at lumingon ito sa kanya.

“Pero hindi naging madali para sa’min ng papa mo ang marating ang ganitong taon. Especially, when in times of hardships. Na parang susukuan mo lang.” she said.

Patitig siya dito. “May probelama ba, ‘Ma?”

“Wala.”

“Come on, ‘Ma. Kung ang mga anak mong babae ay nagagawang lambingin ang Papa, ako naman ang kryptonite mo. Wala kang maililihim sa’kin.” Pabiro niyang saad.

Muli itong tumawa. “Ikaw talaga. Sa’min na lang ‘to ng papa mo.”

“Ma…”

“Kristof, ayaw namin na binibigyan kayo ng alalahanin tungkol sa’min. You know that very well.” Agap nito.

Ngumiwi siya. “Pero pwede naman kaming makatulong. We’re family, right?”

“Yeah. That’s why we love you so much. Hindi kami nagkamali ng desisyong ng papa mo. You are really a gift for us. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan sa pagmamahal na ibinibigay mo sa’min. Thank you.” Puno ng sinseridad nitong pahayag.

“No. Thank you, ‘Ma. Sa buhay na ibinigay n’yo sa’kin. My love, resptect and loyalty are not enough para sa pamilyang ibinigay n’yo sa’kin.” Taos puso niyang sabi. “Pero hindi kita titigilan. Kailangang sabihin mo sa’kin ang problema.”

Umasim ang mukha nito. Kilala niya ito. Doktor ito at sa behavior dalubhasa kaya alam niyang mabigat ang dinadala nito kaya hindi maitago ang lungkot at pag-aalala nito.

“It’s your father. May pinagtalunan lang kami. Please, anak. Don’t push me. Sasabihin din namin sa inyo.”

Napabuntong-hininga na lamang siya. Sadyang makikipagmatigasan ito at walang balak sabihin sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang mag-isip. Ano o sino ang nagdudulot ng lungkot dito? He felt weary. Sana’y hindi niyon masira ang masayang pamilya niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.