ROXY CITY SERIES 3 (THEN ALONG CASSIE CAME) Chapter 4

“And I thought that this is our agenda, but what are these gorgeous guys doing here?” Napatingin si Cassie kay Amber. Wala sa kanilang magkakaibigan ang atensyon nito. Nakatingin ito sa labas at tila bumilang na ng segundo itong naroroon.

Nasa rooftop sila ng Roxy kung saan naroon ang kanilang apartment. Ipinagawa iyon ni Roxanne para sa kanila. Doon sila madalas tumambay kapag walang trabaho sa Roxy. Fully furnished iyon at kumpleto sa gamit.

Sabay-sabay nilang sinundan ang tingin ni Amber. Bumungad sa kanila sina Jared at Lourd. Both wearing their style casually, attractive and handsome on their own ways.

Cassie’s heart immediately jumped and she felt tiny tickles in her tummy. Jared was simply casual in his maroon shirt and faded jeans. Minsan na rin niyang tinangkang kuhanin ang atensyon nito ngunit tila sadyang nakalaan kay Kathryn ang lalaking ito. But Lourd looked very manly and sexy wearing checkered short sleeves polo and a black t-shirt underneath. It seemed like his looked ingratiate with his character.

‘Ang gwapo niya talaga.’ gustong isigaw ni Cassie.

“Hi.” Kaagad na bati ni Jared nang makapasok ang mga ito at lumapit sa kanila.

“Bakit naliligaw kayo dito?” Takang tanong ni Kathryn matapos tanggapin ang halik nito kahit na halatang nagulat ito.

Nagkatinginan sila ni Amber. Pati si Cleo na dapat ay susubo ng pizza ay natigilan din sa ginawa ni Jared. Walang sinasabi si Kathryn sa kanila kung may namamagitan man sa mga ito. Biniro pa nila ni Amber si Kathryn ngunit tumanggi naman ito.

“Ehem.” Makahulugang umubo si Cleo sabay paglipad ng tingin sa kanya. Napangiti siya sabay iling. Mukhang wala nang lusot si Kathryn sa kanila.

“Meeting namin ‘to ah. Bakit nag-i-envade kayo?” Biro ni Cleo kunwa’y hindi napansin ang ginawa ni Jared.

Pumuwesto si Jared sa likod ni Kathryn hawak ang isang kamay nito. Samantalang si Lourd ay umupo sa stool sa likuran niya. Lihim siyang napaismid. Hindi niya ito makikita. Hindi naman siya makalingon dahil sa kabang nararamdaman.

“Don’t worry girls, hindi naman kami magtatagal. Magpapaalam lang ako kay Kathryn.” natatawang sagot ni Jared.

“Saan kayo pupunta?” Lalong kumunot ang noo ni Kathryn.

“May tournament ulit ang club. Hindi ko nasabi sa’yo kaagad. May practice kami nina Lourd.” Member ang mga ito ng isang club ng mga billiards enthusiasts. Taun-taon ay nagakakaroon ng tournament ang mga ito.

Lumipad ang tingin ni Kathryn sa pinsan nito na noon ay nasa likuran lamang niya. Narinig niya ang pagtawa ni Lourd.

‘Oh God! I’m sure ang cute n’ya sa tawang ‘yon.’ Impit na sabi ng puso niya.

“Workaholic kasi masyado si Jared kaya paglalaruin ko muna. Bago man lang s’ya sumabak sa senatorial candidacy n’ya.” Sabi ni Lourd.

“Okay.” Sagot ni Kathryn.

“Now.” Si Lourd ulit. “Kaya ako talaga dumaan dito ay para i-annouce sa inyo na mapi-feature ang Roxy City sa MuNt Magazine.”

“MuNt, as in the music magazine?” Cleo snapped.

“Yes. Ang totoo n’ya, nag-usap na kami ni Roxanne via skype. She was very excited but as we all kow, hindi s’ya makakarating. So…”

Si Cassie ay naririnig ang bawat usapan ngunit nananatiling tahimik dahil bukod sa tila napapaso ang kanyang likuran ay naiirita siya sa di malamang dahilan.

She extended her hand to stroke her hair. Pero nakalimutan niyang nakapusod ang kalahati ng buhok niya at di sinasadyang nalaglag ang pony tail niya.

“Oh…” mabilis niyang nilingon ang pinaghulugan nito ngunit naunahan siya ni Lourd sa pagpulot.

“Here.” Nakalapit na kaagad si Lourd sa kanya.

“T-Thanks.” She almost whispered. May kibig sa kanyang lalamunan. Naramdaman niya na humawak sa sandalan ng bakal na upuan si Lourd bago ito magsalita.

“May photo shoot na gagawin at kasama kayo do’n, ‘Xquizit. Dahil kayo ang popular artists ng Roxy. You will be at centerfold. Kasama rin si Kathryn sa shoot.” He said while standing in his back.

“Wow, that’s exciting!” nasisiyahang saad ni Amber.

“Gusto n’yo ba?” Tanong ni Kathryn.

"It’s fine with me.” Madaling sagot ni Amber. Tumingin ito kay Cleo.

“Okay.” Cleo immediately answered swaying her stare to Cassie. Napakurap si Cassie.

“Ano, Cassie?” Narinig niya ang boses ni Lourd.

She felt a quivering sensation inside her on hearing his baritone voice. A dipping sensation as though she had driven up to a flower hill. Then she forced herself to look at him, where she knew she see his handsome face and hypnotizing eyes that dared her to not look away.

Pasimple siyang lumunok.

“I…m on it.” Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang mautal.

Ngumiti ito saka tumango. “Okay.”

Biglang niyang napaigtad si Cassie nang hinawakan ni Lourd ang kanyang buhok at dahan-dahang hinaplos iyon pababa. Sliding down to her nape. Ipinagpasalamat niya iyon na hindi binigyan ng pansin ng mga kasama ang ginawa nito.

“I’m so excited for this.” Nakangiting sabi ni Amber.

“Do you think we can fit as cover girls?” tanong ni Cleo.

“Why not?” Amber made a face and raised her hands in the air. At kibit-balikat na sumadal sa upuan.

“The magazine is a well service. Walang dapat ipag-alala.” Marahan ang boses ni Lourd tulad din ng marahan nitong pagmasahe sa batok niya. Gusto niyang alisin ang kamay nito kaso ay nag-aalala siya sa maaring isipin nina Amber. Hindi naman iyon pansin dahil nakapaloob sa buhok niya ang mga daliri nito.

Ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa palad nito. At aaminin niya na nagdudulot iyon ng kakaibang init na tumatagos hanggang sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay tinanggal ni Lourd at pagkabalisa sa kanya.

“Pwede na kami sigurong umalis.” Ani Jared at yumukod ito upang halikan si Kathryn sa labi.

Bigla ay naramdaman ni Cassie ang pagdiin ng pisil ni Lourd sa puno ng kanyang balikat.

“Y-you’re hurting me, Lourd.” Pabulong ni saad ni Cassie sabay ng bahagyang pag-igkas ng kanyang katawan.

“I’m sorry.” Hingi nito ng paumanhin na hindi inaalis ang tingin sa dalaga. Bumitaw ito sa kanya at namulsa. At nakita niya ang isang damdamin sa mga mata nito. Pain? Jealousy? Hindi siya sigurado ngunit nagdulot iyon ng kibig sa kanyang puso.

“I’ll see you girls on the photo shoot. Tatawagan ko na lang kayo.” sabi sa kanila ni Lourd at nauna na itong lumabas.

Inihatid nila ng tanaw ang magpinsan. Kung tama ang hinala niya na may pagtingin si Lourd sa kaibigan niya at nasasaktan na siya. Ramdam niyang itinatago iyon ni Lourd sa kanila. Tulad niya na pilit itinatanggi sa lahat ang nararamdaman para dito.

Nauwi sa malalim na pag-iisip si Cassie. Hindi na niya lubos na maintindihan ang kwentuhan ng mga kaibigan niya. Marahil sa panahong nakilala niya si Lourd ay natutunan na niya itong mahalin. Napabuntong-hininga siya saka tumayo. Lumapit siya sa kinalalagyan ng barrel ng root bear. Saka nag-refill.

“Wag kang ganyan. Baka mapansin ka ni Kat.” Ani Amber sa kanya na nakatabi na sa kanya.

“Ano?” patay-malisya niyang tanong. Uminom siya ng rootbeer. Sa kanyang peripheral vision ay nakita niyang masayang nagkekwentuhan sina Cleo at Kathryn.

“Nawala ka kaya kanina.” Anito.

Tinalikuran niya ito at naupo sa isang stool na bahagyang malayo sa mga kaibigan nila. Sumunod ito sa kanya at tumabi.

“You’re just gonna sit here? Hello? Kahit ang feelings nabubulok din ‘no.” sabi nito sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. “Amber, come on. Ano bang sinasabi mo?”

Umikot ang mga mata nito. “Si Lourd. Wala ka ba talagang gagawin? Hindi ka gagawa ng paraan para at least maging close kayo?”

“Wala.” Bahagyang may irita niya tugon.

“Hey, ano ‘yan?” Ani Cleo nang marinig sila.

“Wala.” Sabay pa sila ni Amber na tumugon. Nagkibit-balikat lang ito at muling nakipag-kwentuhan kay Kathryn.

“Alright, ganito. Hindi naman masama kung subukan mo lang na iparamdam kay Lourd ‘yong feelings mo. I can feel you, eh. Everytime na and’yan s’ya para kang naka-drugs. Natutulala. Cas.”

Tumingin siya dito.

“Just a try. Masakit, oo, kung hindi n’ya maibabalik ‘yong feelings pero okay lang naman di’ba? Minsan ganyan ang nagmamahal. At kapag nagawa mo, natulungan mo pa si Lourd na mawala ang feelings n’ya para kay Kat. Remember. The last thing that we will argue in this friendship is men.” Sabi nito.

“Yeah. I know that.” Bagot niyang tugon sabay sandal sa upuan.

“Good.” Patangu-tango pa ito saka siya hinila patayo. “Halika na. Samantalahin natin ‘tong magkakasama tayo. Sayang nga lang. Wala si Thia at si Geri.”

Impit na nanalangin si Lourd habang nakatitig sa 4-ball at pinupuntirya iyon. Isa pang sablay at matatalo na siya.

Pagkagaling sa Roxy at sa Taft sila nagtuloy. Sa isang sports complex kung saan miyembro sila ng isang grupo ng mga billiards enthusiast. Highschool pa lang sila ni Jared nang makahiligan ang bilyar. At dahil sa sobrang hilig ay hindi niya natanggihan ang isang friendly game. Naipusta pa niya ang kanyang kotse.

“The Jaguar, pare…Jaguar!” nang-aasar na sabi ni Calvin. Kaibigan nila ni Seoff si Calvin simula kolehiyo. Isa itong tattoo artist. Ang pinsan niyang Jubelle Diomidez na isang magaling na pastry chef ang asawa nito. Siya pa ang naging daan upang magkatuluyan ang mga ito.

Sa totoo ay nag-aalangan na siya sa kanyang gagawin pagtira. Hindi biro ang nakapusta sa panig niya. Sa pagkakatutok sa bola ay nailihis niya ang tingin kay Jared na kampante nang nakasandal sa kabilang mesa at ngingiti-ngiting pinagmamasdan ang pagtira niya.

Napapailing si Lourd habang tinatantya ang kanyang pag-asa. Namumuo ang pawis sa noo at tahimik na nanalanging pagbigyan siya ng pagkakataon.

He ended his prayer and strike the ball. Gumulong ito papunta sa gitnang butas ngunit unti-unti ay humihina. Pigil hininga ang lahat sa paghihintay kung titigil o mahuhulog sa butas.

“What the f─k!” sigaw ni Lourd. Right at the edge of the whole, the ball is like a snow freezes and did not fall. Nanlulumong napakayakap si Lourd sa sariling tako dahil tuluyan nang mawawala sa kanya ang sasakyan.

His opponent made the remaining shots until that last piece of the puzzle was complete. All the men shouted. Parang gustong sumakit ng ulo ni Lourd sa naririnig. Sana’y hindi na lamang siya pumayag sa pustahan.

“I guess, I’ll be driving a luxury car starting today.” Nakangiting saad ng kalaban niya. Nakalahad ang kamay at nakipagkamay sa kanya. Nakangiwi siyang lumapit kina Jared at Calvin.

“Losing your touch, pare?” Tumatawang tanong sa kanya ni Calvin.

“Sige tumawa ka. Ewan ko lang kung magawa mo pa ‘yan kung ikaw ang nawalan.” Pikon na sabi niya.

“Pikon.” Ani Jared. “It’s just a car. You can buy another if you want.”

“Jared, sariling pera ko ang ginamit ko ‘dun. My prize for myself.” Ngitngit na sabi niya. Hindi talaga niya mapaniwalaang nawala sa kanya ang kotse niya.

“Okay lang ‘yan.” Si Calvin na himas-himas ang kanyang likod.

“Now I need to bite the dust to get another one.” Paghihimutok niya sabay dakot sa beer in can at marahas na binuksan iyon. Wala siyang pakialam kahit magtapunan sa kamay niya ang laman niyon.

“Lourd, relax.” Paalala sa kanya ng pinsan. “Baka isipin nila na hindi ka magandang kalaro. May problema ba?”

Lourd sighed. Tama si Jared. Bakit ba naman magagalit siya? Hindi naman ninakaw ang kotse niya. He bet it and he lost.

“Wala ‘to.” Bagot niyang tugon.

“Kailangan mo ba ng tulong?” Muli nitong tanong.

Mabilis na sandali ay lumipad ang tingin niya kay Calvin. Ngunit kibit-balikat lang ito kahit alam nila pareho ang totoong sitwasyon.

“Laro lang ako.” Paalam ni Calvin at lumapit sa ibang miyembro.

Naiwan silang magpinsan. Parehong walang imik. Hawak ang lata ng beer ay nilaro-laro ni Lourd sa isang kamay ang tako. Nahiling niya na sana ay hindi na ito magtanong pa. Nagpunta sila doon para maglaro at mag-unwind. Ayaw niyang i-entertain ang mga burden niya nitong mga huling araw. Lalo na ang tungkol kay Kathryn.

“Wala na pala kayo ni Amanda. Anong nangyari?” Jared tries to pull a conversation.

“Nakakasakal. At saka parang lahat kayo ayaw sa kanya.” Aniya.

“I know you when it comes to women. Hindi ka mapili sa pisikal. You can even fall in love with a bark-like skin pero hindi sa kagaya niyang pumipigil sa paglipad mo. And besides, you don’t like women with long nails.” Nakangiting sabi nito na mabilis na sinang-ayunan ng kanyang pride.

Tama si Jared sa sinabi nito na hindi niya gusto ang mga babaeng may mahahabang kuko. It too sassy for him.

Nang makita niya si Amanda sa opisina ng papa niya ay lantaran kaagad itong nagpakita ng motibo sa kanya. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon. Sino naman siya upang tanggihan ito. Maganda si Amanda. Wala rin siyang asawa para katakutan. That’s why he just grabbed his chance being her guy. Wala namang masama. Pero sa paglaon nang makilala niya ang dalaga ay lumabas ang pagiging demanding nito. Walang naiintidihan kundi ang sariling pangangailangan. Hindi rin ito interesado sa buhay niya. Ni ayaw makinig sa mga kwento niya. She cannot appreciate simple things.

“I tried everything for the relationship, at least to work. But she didn’t cooperate.” Sabi niya habang patuloy na iniinom ang beer. If only he had a choice, he wanted to go back on old days. Where he can do what his mind speaks. Doon sa panahon na kilalang-kilala niya ang kanyang sarili at sigurado sa lahat ng nais gawin.

“What’s happening to you, Lourd? Kung si Amanda -”

“I said it’s nothing, Jared.” He snapped. Itiningala ang ulo at minesahe sng leeg na pawang nangalay iyon.

“May kinalaman ba kami sa pagkakaganyan mo?” sabi nito. “I’m not naive not to feel guilty. Kaya ganyan na lang ang pagtulong mo sa kanya. You have feeling for her, cousin. I knew it.”

Hindi siya kaagad nakaimik.

“Tara sa labas.” Napalingon siya dito kasunod ng pagngiwi.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.