ROXY CITY SERIES 3 (THEN ALONG CASSIE CAME) Chapter 5

“Can it change anything if I will confess to you? Kilala natin ang isa’t-isa, Jared. At alam nating pareho na walang patutunguhan ang kung anumang nararamdaman ko para sa kanya. Gees…I’d still confess!” padabog na binanggit ni Lourd ang mga huling salita.

“Tara sa labas.” Ulit nito. Hindi na nito hinintay ang pagsagot niya at nagpauna nang lumabas.

Alam na niya ang mangyayari. Hinanap ng mga mata niya si Calvin ay nakita naman niya sa dulong mesa. Tila may boses ang mata niya dahil lumingon ito sa kanya.

Saka tahimik na lumabas at sinundan ang pinsan.

Sa tabing kalsada malapit sa BMW ni Jared ay nakasandal ito nang labasin ni Lourd. Tila may inip na sa mukha nito at kung maaari ay tapusin na ang dapat tapusin.

“Umpisahan mo na.” tiim na saad nito. Sa nalaman nito mula sa kanya ay kailangan nilang tapusin ang problema. Ganoon silang magpinsan. Magkaiba man sa napakaraming bagay, isa lang ang dugong nanalaytay sa kanila.

“This is crazy. I can deal with this alone. Ako na -” halos umikot ang paningin niya dahil sa lakas ng pagdapo ng kamao ni Jared sa mukha niya. Napasandal siya sa isang nakaparadang Lancer dahilan upang mag-ingay ang alarm noon.

Bago pa man makabawi si Lourd ay mabilis nang dinakot ni Jared ang kwelyo ng suot niyang polo shirt.

“Let’s deal with it now!” mariing sabi nito. “Alam kong galit ka sa’kin at gustong kong ilabas mo ngayon. Do it!”

Anger immediately filled his senses. Kung ito ang gusto ng pinsan niya ay pagbibigyan niya ito.

“Damn you!” he said and he landed his closed fist to his stomach and gave him an upper cut.

Nakita niya na namilipit si Jared sa sakit. Ngunit tila ningas iyon upang magsimula ang isang apoy ng galit sa pagitan nilang dalawa. Both ushering the hidden and kept rage and anger. Hindi personal ang galit nila sa isa’t-isa. It was just the unstoppable feeling for only one woman.

Nagpatuloy ang girian nilang dalawa. Agaw pansin na ang kanilang hitsura. Si Jared ay dumudugo na ang ilong at ang ibabang bahagi ng bibig. Ganoon din siya. Ang mga dumadaan ay hindi maiwasang panoorin ang tila bugbugan ng mga dalawang karakter sa isang action movie. All of them were intrigued but had no idea of their exchanges of fists.

Noon nila namalayan ang paglapit ni Calvin. Hindi nito alintana kung kasalukuyan mang magkakapit ang mga braso nila at nag-uunahan sa pagpiritsa sa isa-t-isa.

“Hey…hey!” awat nito sabay pilit isinisiksik ang sarili sa gitna nila. Panangga nito ang sarili braso dahil posibleng ito ang tamaan ng mga suntok nila.

Nang maawat ay pareho silang humihingal. Siya ay nakapamaywang ng sumandal sa tagilirang pinto ng BMW ni Jared.

“Whoa. Damn! Para kayong mga bata.” Calvin said in half amused half irritated tone.

“Bakit ngayon ka lang?” nakangiwi niyang tanong dito. Ang akala niya ay susunod ito kaagad nang tingnan niya ito. Di sana’y hindi na sila masyadong nagkasakitang magpinsan.

Nang malingon niya ang pinsan ay nakita niyang patingkayad itong nakaupo. Taas-baba ang balikat sa malakas na paghinga.

“Para naman mas maging makatotohanan ang suntukan ninyo.” Napalitan ng pang-aasar ang tono ni Calvin. “Siguro naman eh, okay na kayong dalawa.”

“Ayoko na. Tara.” Aniya sabay yakag niya sa kaibigan.

“Jared.” Tawag niya sa pinsan nang mapansing nakaupo pa rin ito at nakatungo.

Nilapitan ito ni Calvin at inilalayang tumayo. Ikinawit sa sariling balikat ang braso ni Jared.

“I’m sure men inside will be shocked when they saw you.” Ani Calvin.

“I’m sorry, Lourd.” Nahihirapang sabi nito sa kanya.

Ngumiti siya ngunit bigla ring napangiwi dahil sa sakit ng panga. Ang mga taong nag-iisyoso ay kanya-kanya nang umalis. Tapos na ang maikling palabas.

“Bakit mo sinasabi ‘yan? Hindi mo problema ‘to. This is my fight. Just take good care of her. Hindi ako manghihimasok sa inyo. Wala rin naman akong balak sabihin kay Kathryn. I’m pretty sure na kaibigan ang tingin n’ya sa’kin. Tanggap ko naman. Alam mo ‘yon. Kilala mo ‘ko. Ang akin lang, Jared. I hope this is not another Marigold in your life.” Magaan niyang sabi dito. Gusto niyang iparating dito na hindi magiging makitid ang utak niya at lalong hindi niya isasakripisyo ang pagkakaibigan nila ni Kathryn.

“Of course not. I’ll bet my life for her.” Tugon nito.

“That’s good…that’s good.” Ani Calvin habang mahinang tinapampal ang dibdib ng pinsan niya. Sabay silang inakbayan nito. “This calls for a celebration.” dagdag nito na sinabayan ng tawa.

Lourd felt better. Nawala ang bigat ng dinadala niya. He was more willing to let go and find his own life again.

Papasok na sila nang biglang nagring ang cellphone ni Jared. Sinagot nito iyon. Hindi na rin muna siya pumasok.

“Mommy.” Anito nang sagutin iyon. “W-what?”

Napakunot ang noo niya nang makita at gulat sa mukha nito at tumingin sa kanya.

“Why?” nag-aalala namang tanong niya.

“S-si lolo.” Anito. Kaagad naman niyang nakuha ang nais nitong sabihin. May sakit na ang lolo nito sa ama na si Emilio de Veya, isang sikat na senador.

“Alright, Mommy, I’m on my way.” Sabi pa nito saka humarap sa kanya.

“Jared.”

“I have to go.” Nagmamadali nitong paalam sa kanya at kahit na hirap ay sumakay siya sa kotse niya.

“Text me where. Susunod ako.” Sabi pa niya at tumango ito. He prayed that nothing serious happened. Mag-aalala sila nang husto para dito. Lalo na si Kathryn.

Naiirita na si Cassie dahil halos kalahating oras na siyang nakatayo sa harap ng counter habang hinihintay ang sales lady na bumalik dala ang hinihingi niyang tamang kulay ng lipstick na napili niya. Maraming customer noon sa Beauty Bar at gusto niyang magsisi na pumasok pa siya. Wala naman siyang balak na bumili. Napadaan lang naman siya sa boutique. Hindi lang niya napigilan ang sariling pumasok dahil sa hilig sa make-up.

Nasa Alabang Town Center at papunta sa shop niya. She pouted her lips out of boredom and annoyance. Saka napabuntong-hininga nang makitang papalapit na ang sales lady. Mabilis itong ngumiti nang makita ang hitsura niya.

“Pasensiya na po, Ma’am.” hinging paumanhin ng babae. Iniabot sa kanya ang lipstick. Pinagmasdan niya ito ngunit muling ibinalik sa sales lady.

“Hindi ko na siya kukunin.” nakangiti niyang sabi niya sa sales lady.

“Po?” gulat na tanong nito sa kanya.

“Nagbago na ang isip ko.” sagot niya at iniwan ang babae. Wala na siya sa mood kaya aalis na lang siya. Hindi naman siya nagsungit. Gusto lang niyang inisin ang babae dahil pinaghintay siya nito.

Naglakad siya papunta sa escalator. May mga lumilingon sa kanya dahil nakasuot siya ng mini skirt at sleeveless blouse at puting flipflop. Suot niya sa kamay isang pares ng puting cotton fingerless gloves. She attracted men unintentionally.

Pasakay na siya sa escalator nang may mahagip ang mata niya. She saw him and quickly admired the man. Nakasuot ito ng loose jeans, faded designer’s blue shirt and of course, his trademark, a Vans skate shoes.

Her heart pumped faster when she saw Lourd moved his eyes to her direction. Ngingiti na sana siya nang napansin niyang tila hindi naman siya nakita nito. Nang makalapit ito sa escalator ay mabilis siyang sumunod dito.

Magkasunod sila sa escalator. Hindi siya napapansin nito at may ilang baitang ang pagitan nila. She secretly stared at his back. She fantasized him. Para siyang teenager

na pasimpleng sumisilay sa isang crush. Makita at mapagmasdan lang ito ay sapat na para sa kanya.

Nanginigti si Cassie habang bumababa ang escalator. Hindi niya pansin ang ibang kasabay. Tila naramdaman ni Lourd na may nakamasid dito dahil bigla na lamang itong lumingon sa gawi niya. Mabilis niyang binawi ang tingin sabay lingon din sa kanyang likuran.

Nang makababa sa second floor ay inunahan kaagad ni Cassie ang ibang kasabay. May naisip siyang kapilyahan. Binilisan niya ang lakad ay kunwa’y sa iba nakatingin kaya siya may nabangga.

“Oh, sh…I’m sorry.” Natataranta niyang sabi nang banggain ang likod ni Lourd. Saka naman itong lumingon sa kanya saka siya kunwa’y nagulat.

‘Got ya!’ There was a triumph in her silent voice. Saka siya ngumiti. Ngiting huhulihin ang binata na kanya nakatitig.

“Cassie?” gulat na pangingilala ni Lourd sa bumangga sa kanya mula sa likuran.

“Oh, Hi, Lourd. Kumusta? Sorry, nabangga kita.” Nakangiti nitong sagot.

“Okay lang.” Tugon niya at lalo naman itong ngumiti.

“So, bakit narito ka? May date? Anong nangyari sa’yo?” panay tanong nito.

“Wala ‘to. Just some boys fight.” Sagot niya sa huling tanong nito dahil napansin nito ang sugat niya sa gilid ng bibig niya. NNgumiti ito. He found Cassie very classy and pretty. Noon lamang niya ito nakitang walang make up. And he seemed to like it better. Maganda ito, hindi maikakaila. Ngunit iba ito kung tingnan nang oras na iyon.

Nakilala niya ito nang mabuo ang ‘Xquizit. Si Roxanne ang nagpakilala sa kanya dito at kay Amber tulad ng ibang naging miyembro ng troupe. Ngunit hindi naman sila naging malapit sa isa’t-isa. Si Roxanne ang humahawak sa mga ito. Mas tutok niya ang Private Roxy, ang VIP room sa club. Sa ipinatayo niyang two-storey manor na Lou’ Room’d. Para iyon sa mga eksklusibong member ng club na gustong magkaroon ng suite. Sinusuybayan din niya ang mga artists ng club na regular ang gig sa Roxy.

Hindi siya naghahanap ng artist nang mga panahong binuo ang Xquizit. Mas gusto niyang maging live band jamming ang tema ng club ngunit palibahasa’y pangalan ng babae ang Roxy, naisip nila na mame-maintain ng club ang mas malaking market. Ginawa lamang niyang mas modern at innovative para hindi maging low class. Idagdag pa na si Roxanne talaga ang may gusto noon.

“I just visited my friend. May tattoo clinic siya sa third floor. How ‘bout you?” dugtong niya. Magkapanabay sila na naglalakad.

“Tiningnan ko lang ang shop.” sagot nito.

“Shop?” napahinto siya sa paglalakad at hinarap ito.

“Yeah.” tatangu-tango nitong sabi. “A flower shop.”

“Ah.” tanging sagot niya. “Matagal na tayong magkakilala pero hindi ko alam na may iba ka pa lang pinagkakaabalahan.”

“Talaga? Baka nakalimutan mo lang na alam mo.” Sagot nito.

“Really? Alam ko na ngayon.” Komento niya. Napatawa ito. “Wala ba kayong gimik nina Amber?”

“Wala naman. Alam mo naman mga ‘yon, busy. Dapat magkikita kami ni Geri kaso biglang may lakad.”

Tumangu-tango si Lourd saka nabigla nang naramdaman sa braso niya ang braso ni Cassie.

“Snack tayo.” nakangiti nitong sabi sa kanya. Nakadikit ang katawan nito sa kanyang tagiliran.

He looked at her. Nakatitig ito sa kanya. Sa ilang taon niyang kilala, ngayon lang niya napansin na maganda ang mga mata nito. She has a pair of long eyelashes. Sa magkakaibigan ay ito ang pinakamakulit. Madalang niya itong makitang nakasimangot. Sa tingin nga niya ay parang naglalaro lang ito sa buhay. A little tease and flirt but cute.

He got turned on the closeness of her. Nararamdaman niya ang dibdib nito sa kanyang brasong yakap nito. She was so sweet and innocent kaya hindi nito alintana ang posisyon nila. She was just being friendly.

“Are you sure you?” he gently asked trying to control not kiss her. What? Kiss her? Naalala niya ang nangyari may dalawang linggo na nakakaraan. Aksidenteng naglapat ang mga labi niya. Lihim siyang napangiti. Saka naisip ang lambot na labing humalik sa kanya.

He saw her eyes glitter with admiration. And he got confused suddenly and cannot took his stare off her. At pakiramdam niya ay ganoon din ito.

“Of course.” tumatawang sabi nito sabay hila sa kanya.

“Saan?” tanong niya sa dalaga. She was still holding his hand. Nagpauna ito at paatras na naglakad dahil nakaharap ito sa kanya.

“I love coffee.” sabi nito sa kanya sabay turo sa Bo’s Coffee.

Magkasabay silang naglalakad at kung iba ang makakakita sa kanila ay aakalaing magkasintahan sila dahil hindi binibitawan ni Cassie ang kamay niya. And he liked what she was doing. Hindi niya maintindihan kung bakit.

Hindi makapaniwala si Cassie na kasama niya si Lourd. Ngunit hindi niya kayang palampasin ang pagkakataon na makausap ito nang matagal. She was really praying for a chance like this. And she was very excited.

Ilang taon na pagkakakilala nila. Halos maituring na ring magkaibigan. Hindi nga lamang malapit sa isa’t-isa. At sa panahong iyon, kasabay na naalagaan ang isang lihim na pagtatangi. Noon pa man ay may nararamdaman na siya para sa binata. Hindi lamang niya masabi iyon dahil sa takot na mapahiya dahil alam naman niyang wala itong pagtingin sa kanya. Idagdag pa sa takot niya na hindi nito matanggap ang nakaraan niya.

Sa bawat malalaman niyang may girlfriend ito ay nasasaktan at naiinis siya. Madalas ay naiisip niya na siya na lamang sana ang niligawan nito. Siya na lamang sana ang minahal nito. Ngunit madalas ding hindi nangyayari iyon.

Ngunit kahit ganoon pa man, hindi niya magawang magmahal ng iba. Kahit na nariyan ang mga gusto manligaw sa kanya. Sinubukan naman niyang bigyan ng pagkakataon ang sarili na magmahal ng iba. Ngunit sadyang si Lourd lamang ang nasa puso niya. Hindi niya alam kung bakit at ayaw na niyang alamin.

At kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gagawin niya ang lahat upang mapansin nito at magawa niyang makapasok sa puso nito. Upang maging siya ang itinatangi nito. Sana ay mangyari nga iyon. Hiling ng puso niya.

“Pwedeng magtanong?” tanong niya sa binata. Nakaangat ang kilay itong nakatingin sa kanya.

“Bakit wala na kayo ni Amanda?” painosente niyang tanong sabay higop sa kanyang paboritong blended iced coffee na Froccino Caramelo.

“It didn’t work out, gano’n.” sagot nito. He sipped his freshly brewed tea.

‘Ang sexy niyang uminom.’ Aniya sa sarili. Mahina siyang umubo upang maitago ang kakaibang sensasyon nang makita niya ang ginawa nito.

“It’s better that way. Nagkakasakitan lang kami. Ikaw, wala ka bang boyfriend ngayon?” dagdag nito. Iling lang isinagot niya habang maganang humigop muli.

“Why?” pangungulit nito.

“Because…” she answered and rolled her eyes. Napatawa ito.

“Ikaw ang pinakamaraming admirer sa ‘Xquizit. Amber told me that.” patuloy ni Lourd.

Biglang gustong mabulunan ni Cassie sa narinig. Hindi niya napigilan ang mapatawa. She was flattered but a bit insulted. Baka isipin nito na palikera siya.

“Si Amber talaga.” naiiling at tumatawa na sabi niya.

“Bakit? Totoo ba?” nakangiti nitong tanong. Hinimas-himas pa nito ang goatee nito.

“Ikaw na ang bahalang mag-isip.” balewala niyang sagot. “Basta ako-”

Naputol ang sasabihin niya dahil biglang nagring ang cellphone niya. Kinuha niya ang phone mula sa bag at nakita niyang landline sa bahay ang nakarehistro doon.

“Excuse me.” hingi niyang permiso sa binata upang sagutin ang tawag. Tumango si Lourd bilang tugon.

“Hello…yeah. Uuwi na ‘ko. Wait for me.” Nakangiti niyang sabi dito. Hindi na niya hinintay na sumagot pa ito at nagmamadaling ibinalik ang phone sa bag niya.

“Lourd, I’ll go ahead.” baling niya sa binata habang tumatayo.

“Ah…okay. I can see that it’s urgent.” sabi nito na inayos ang upuan na para umalis na rin.

“Kailangan ako sa shop sa Makati.” nagmamadali niyang sagot.

“Gusto mong ihatid kita?” agap nito.

“No. I have a ride. Thanks anyway.” sabi niya at lumakad palabas ng store. Nakakailang hakbang pa lang siya nang biglang hinila siya ng kung ano pabalik sa binata. She quickly grabbed his neck and kissed him on the lips.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.