ROXY CITY SERIES 3 (THEN ALONG CASSIE CAME) Chapter 6

“Good morning.” Nakangiting bati ni Cassie kay Tina, tauhan nila sa shop sa Alabang.

“Good morning po, Ma’am.” Sagot naman nito habang isinasalansan ang mga bulaklak.

“How’s it going? Marami bang orders?” tanong niya habang lumalapit sa office area nila. Ilang araw din siyang hindi nakapunta sa shop dahil sa mga meet ups niya sa mga online customers niya.

“Marami po, ma’am.” Tugon nito.

Inilapag niya ang kanyang shopper handbag, itinali ang buhok at tumuloy siya sa likod na bahagi ng shop. Doon ay nakatago ang mga supplies at dito din siya nag-aarange ng bulaklak. Umupo siya high wooden stool at inumpisahang ayusin ang mga lalag na bulaklak. Madalas na iyon ang ginagawa niya kapag nasa shop kung hindi nasa cashier area. At kung ginaganahan pa ay nag-uuwi siya ng isang arrangement para sa lola niya.

Halos mabubuo na niya ang isang arrangement ng tawagin siya ni Tina.

“Ma’am, may naghahanap po sa inyo.” Sabi nito.

“Ah, okay.” Nilingon niya ito. Tumayo siya at hawak ang dalawang pirasong orchids na hinarap ang naghahanap.

She nevertheless thought of him looking for her. It wasn’t so much that she was though she will admit of having thought about that. Again, her heart pounded so hard. She wished that it will not bleed.

‘What a stupid wish?’ she thought to herself. Bakit naman dudugo ang puso kung tumitibok lang nang malakas?

Hanggang sa namalayan na lang niya ang sariling tumakbo papalapit dito at niyakap ito.

“Kumusta?” tanong niya. Hindi niya alam ngunit parang hindi siya makakapagyag na hindi niya yayakapin ito. Call it being possessive or what but that’s what she felt. Unti-unti nang tila pumapasok si Lourd sa sistema niya at tila minamanipula siya.

“Okay naman.” tugon nito na tinugon ang yakap niya. Naramdaman ni Cassie ang reaksyon ng kanyang katawan kaya dahan-dahan siyang bumitaw dito. Nagbuga siya ng hangin.

“Bibili sana ako ng flowers.” Nakangiti nitong sabi.

Tinitigan niya ito at ganoon din ito. Inisip niya kung anong ibig sabihin ng titig na iyon. Mabilis niyang ibinaba ang tingin. Hindi niya gusto ang epekto noon sa kanya. Baka ipahamak siya noon sa harap ng binata.

“Sure, pili ka.” Pilit pinakakalma ang sarili niyang sabi.

Alanganing ngumiti si Lourd at napakamot sa ulo. “Masyadong marami. Pwede, ikaw na lang ang pumili?”

Nahawa na rin siya sa ngiti nito. Ano bang meron si Lourd at ang bilis nitong nakukuha ang loob niya?

“Okay. Ano bang okasyon? Para kanino?” tanong niya. Naipanalangin niyang huwag sana para sa bagong girlfriend nito ang naturang bulaklak. Baka bulaklak ng patay ang ibigay niya dito. Lihim niyang nasaway ang sarili sa naisip. How mean?

“Wala naman. Gusto ko lang siyang bigyan. To make her feel better.” Komento nito at pinagmasdan ang mga bulakalak.

The natural cheerfulness came out from Cassie. She scanned his face as he wore the look. Tila hindi talaga nito alam kung anong kukunin.

“Let’s see here…” sabi niya habang nilibot ng tingin ang mga bulaklak habang hawak ang orchids. And a cute arrangement of red roses and white daisies captured her. Binitawan niya ang orchid at kinuha ang arrangement. Nakalagay ito sa isang basket na siya mismo ang nag-ayos. Ang Mommy niya ang nasa isip habang ginagawa ang arrangement na iyon.

“Heto. Ano sa tingin mo?” tanong niya habang hawak ang bulaklak. “Siguro naman masasabi na ng pagbibigyan mo na sweet ka.” biro niya.

“It’s for my mom. I think she’ll love this.” Sagot nito sabay kuha sa bulaklak.

“Oh.” She said in relief. Ngunit napahiya siya sa paraan ng sagot nito. Ang buong akala niya ay may bago na itong kasintahan.

“Kukunin ko na.” Anito.

“Okay.” Pinalapit niya ito kay Tina na nasa cashier. Si Tina na rin ang magpapack noon.

She was waiting for him to start talking while waiting for the receipt but it didn’t happened. Nakaramdam siya ng inis. Bakit parang kulang ang sweetness na ipinapakita nito? Nais kutusan ni Cassie ang sarili sa naisip.

‘Asa ka naman!’

“I’ll go ahead.” Paalam nito. Tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Cassie. Gusto pa naman sana niyang makasama ito nang matagal.

“Okay, ingat ka. Nice seeing you.” Sabi niya na pilit ng ngumingiti.

Dala ang bulakalak ay tinungo nito ang glass door. Dismayadong tumalikod si Cassie upang balikan ang pag-aayos nang marinig niya ang boses ng binata.

“Yes?” Mabilis niya itong nilingon. Her heart quickly filled in anticipation. Hoping something good would happen.

“Libre ka ba mamaya?” tanong nito. Hindi siya kaagad nakasagot dahil sa pagkabigla. “I guess not, mukhang may lakad ka.”

“No! I-I mean…actually I’m free.” Mabilis niyang sabi.

“So, it’s a date.” Pagkukumpirma nito.

“Ahm…” she trailed off. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang binata.

“I pick you up at seven, in your house. I-text mo na lang sa’kin ang address mo.” Hindi iyon tanong kundi pagkumpirma. Marahil napansin nito na hindi niya alam ang sasabihin gayong hindi naman niya maikaila ang gusto rin niya.

“Sharp.” Sa wakas ay naitugon niya.

Ngumiti ito at tumalikod niya. Sinundan niya ito ng tanaw hanggang sa makalayo. At nang masigurong wala na ito ay saka pa lang niya naibulas ang kanina pang pinipigil na tili. She screamed in excitement and laugh. Napansin naman niya na nakatingin sa kanya si Tina.

“Trabaho ka na.” nakangiti niyang sabi niya dito at siya naman ay tahimik na bumalik sa stool sa likod. Mukhang marami siyang maaayos na ararangement dahil sa inspirasyon.

Hindi alam ni Cassie kung paanong ngiti ang gagawin sa harap ng salamin. She was wearing a v-neck shirt dress that was color blue and purple and accessorized it with bangle. Pinaghalong kaba at saya ang nararamdaman niya. It is her first date with Lourd.

Katok sa pinto ang umagaw ng atensyon niya mula sa salamin. Excited siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon.

“Granma, dumating na ba siya?” kinakabahan niyang tanong nang makita niya ang lola niya.

“Hindi pa. Excited ang apo ko.” Sagot nito. Nilawakan niya ang bukas ng pinto upang papasukin ito.

“Ano ‘yan, Granma?” tanong niya habang umuupo sa kama dahil pakiramdam niya ay nanginginig ang tuhod niya.

“Kanina ko lang natapos.” Sabi nito sabay iniabot sa kanya ang isang pares ng braided lace fingerless gloves. Kakulay ito ng kanyang suot.

“Thank you.” Nasisiyahan niyang sabi. Ito na ang nag-suot noon sa kanya.

“Ayan.” Sabi nito habang nakatingin pa rin sa mga kamay niya.

“Ang ganda.” She said.

“Sino ba itong swerteng lalaking makakapanhik sa bahay natin?” tanong nito habang inaayos ang suot niya.

She chuckled. “S’ya ang part-owner ng Roxy City, Granma. Si Lourd Fortes.”

Tumaas ang kilay nito sa pagkagulat. “Fortes?”

“Yes.” Napansin niya ang kakaibang emosyon nito. “Fortes. Bakit po?”

Hindi kaagad ito nakatugon. Nag-iwas ito ng tingin at tila may malalim na inisip. Nagsalubong ang kilay niya. Kilala ba nito si Lourd?

“M-may idea ka ba kung aling angkan ng Fortes siya galing?” Sabi nito.

Tumikom ang labi niya at matiim na nag-isip. Noon lang din niya nawari na hindi pa pala niya lubos na kilala si Lourd. Buong pangalan lang nito na Lourd Kristof Fortes ang alam niya at pamilya rin nito ang naghahawak ng mga legal concerns ng artist nito sa LinkMusic dahil may law firm ang pamilya nito.

Napangiti siya sa nakitang pag-aalala sa lola niya.

“Granma, it is just a date. I’m not getting married.” She glinted in amusement.

“Can I have minute?” Anang tinig ng lolo niya sa gawing pinto at sabay silang napalingon ng lola niya. Noon ay tuluyan nang pumasok ang lolo niya. Tiningnan niya ito.

“So, manliligaw mo ba ang bisita mo?” deretsong tanong ng lolo niya.

“Ahm…hindi naman-”

“Bakit kayo lalabas ngayon kung hindi ka niya nililigawan?” muli nitong tanong.

“Granpa, it was-”

Malakas na nagbuntong-hininga ng lolo niya. Alam na nila ng lola niya na hindi ito natutuwa. Na pinagtakhan niya. Hindi naman mahigpit ang mga ito sa kanya. Naiintindihan niya na nag-aalala ito sa kanya. Na may takot sa mga ito na muli siyang mapahamak. Ngunit bakit tila nagiging judgemental kaagad ito gayong hindi pa naman nakikilala ng mga ito si Lourd?

“Gaano mo kakilala ang binatang ito, Cassandra?” tanong ng lola niya. Napatingin siya dito. Paano ba niya sasagutin iyon?

“Sino ba itong pupunta dito?” tanong naman ng kanyang lolo.

“Lourd Fortes daw ang pangalan.” Ang kanyang lola ang sumagot.

Marahas na napalingon ang kanyan lolo sa kanya. Salubong ang kilay nito at tulad ng lola niya ay tila nagulat nang malaman kung sino si Lourd. Nagkatinginan ang mga ito at tila napuno ng pag-aalala ang mga ito.

“Sinong mga magulang niya?” tanong nito.

“A-ano…ahm, ang totoo, Granpa, hindi ko talaga kilala ang parents n’ya. Ang alam kong lang may law firm ang family n’ya. Granma…”

Hindi nito pinansin ang pagtawag niya bagkus hinarap ang asawa. Hindi talaga niya lubos na maintindiha ang ikinikilos ng mga ito. Bakit ba parang may hindi sinasabi ang mga ito?

“It was just a date, Granma, Granpa. Nasa tamang edad naman na ‘ko, hindi ba? Wala namang masama kung susubukan ko.” May pagsusumamo niyang sabi sa mga ito.

“Sa tingin ko kailangan muna nating pag-usapan ito. Call him. Sabihin mong hindi kayo tuloy.” Anang lolo niya. Hinilot nito ang sariling noo na tila sumakit iyon.

“Granpa, what’s wrong with him?” naguguluhan niyang tanong.

“Everything.” Agap nito.

“Ano?” aniya sabay tayo. “Hindi ko kayo maintindihan. Maayos s’yang haharap dito. Maayos na magpapaalam. ‘Wag naman sanang tama ang nasa isip ko na nagiging mapanghusga na kayo kaagad. Hindi n’yo pa s’ya kilala. Don’t dislike him quickly.”

“Cassandra, apo. Nag-alala lang kami sa’yo. Alam mo na-”

“Granma naman. Wala naman akong gagawing masama. Pagkatapos ba naman ng lahat ng nangyari sa’kin hindi pa ako natutong mag-ingat?”

“Then tell us. Sino ang lalaking ito? What do you know about him?” seryosong tanong ng lolo niya.

Muli siyang naupo. “Nasabi ko na, part-owner s’ya ng Roxy. May-ari s’ya ng isang record label. Dati s’yang member ng banda pero na-disband na. S’ya si Lourd Kristof Fortes. Thirty-two years old. ‘Yon lang. W-wala pa akong alam masyado sa personal na buhay n’ya.”

Isang pagkabigat na buntong-hininga ang ginawa ng lolo niya.

“Hindi ka ba nag-aalala na baka masaktan ka lang?” tanong naman ng lola niya. Muli itong naupo sa tabi niya. Ang lolo naman niya ay palakad-lakad sa harap nila.

“Hindi po ba…hindi ko naman malalaman ‘yon kung hindi ko susubukan?” Aniya. Suminghal ang lolo niya.

“At gusto mo pang mangyari ‘yon? Are you insane, Cassie? Hindi ka namin pinigilan sa lahat ng gusto mo. When your mother died and after your counseling, ipinangako ko na sa sarili ko na ibibigay ko lahat ng pangangailangan at gusto mo. You are our princess. ‘Tapos ay ganito? Sasabihin mo sa’kin ngayon na hahayaan mo na lang na saktan ka lang?”

Noon nangilid ang luha niya. She was touched. Hindi naman niya itinatanggi ang pagmamahal ng mga ito sa kanya. At mahal na mahal din niya ang mga ito. Subali’t hindi rin niyang kayang basta na lang bitawan ang pagkakataong mahalin din ni Lourd.

“Granpa, alam ko naman po ‘yon?” She said.

“Hindi ko s’ya kilala. Hindi ko alam kung ano talagang pakay niya sa’yo. Kaya bago pa lumawig ang nararamdaman mo sa kanya ay tigilan mo na.” tugon nito.

Naramdaman niya ang paghawak ng lola niya sa kamay niya. Napatungo siya. Muli ay may kumatok sa pinto at tinungo iyon ng lola niya.

“Dumating na po ang bisita ni Ma’am Cassie.” Narinig niyang sabi ni Mildred.

“Salamat.” Sago ng ginang at lumingon sa kanila.

Tumayo si Cassie at kunuha ang denim short sleeves blazer niya. Hawak ang silver pouch ay nilingon niya ang lolo niya.

“Alam ko ang ginagawa ko, Granpa. I’m a big girl now. Kaya ko na ang sarili ko.” Maluha-luha niyang sabi. Nagbuntong-hininga lamang ito at tahimik nang lumabas siya ng kwarto tanda na hindi pa rin ito sang-ayon sa gusto niya.

Tila hindi na lumilipas ang bawat sandali na hindi tumatakbo sa sistema niya si Lourd. Gestures pa lang nito ay nakukuha na ang buong loob niya. At sa mga sandaling iyon ay hindi niya ipagpapalit sa kahit na anong bagay ang pagkakataong kasama niya ang binata. Kahit pa magkasamaan sila ng loob ng lolo niya.

Lourd arrived on their house on time. Natural, nakasuot ito ng jeans at sa bahagya niyang gulat ay nakapolo ito at pinatungan ng vest. Casual yet, still stylish and rugged. And his scent was dragging to her nose trill up to her nerves.

Bago sila umalis ay kinausap muna ito ng lolo niya. At habang kausap ito ng lolo niya ay napansin niya ang pagtiim ng bagang paminsan-minsan ng lolo niya.

Nagpasalamat pa rin siya na pinakitunguhan pa rin ng mga ito nang maayos si Lourd.

“What made you say yes to this date?” tanong sa kanya ni Lourd. Kasalukuyan silang nasa byahe at wala siyang ideya kung saan sila pupunta. Katatapos lang nilang kumain ng hapunan sa isang restaurant at sinabi nito sa kanya may pupuntahan pa sila.

“Bakit ayaw mo?” Nakangiti niyang sagot. “Saan ba tayo pupunta?”

Noon ito tumingin sa kanya at bahagyang ngumiti.

“Somewhere.” Sagot nito at muling ibinalik ang tingin sa daan. Napuno siya ng excitement. Kinakabahan man ay hindi pa rin maalis sa kanyang isipin ang maaaring mangyari.

“Naiintriga tuloy ako.” Naisip niyang sabihin upang bumukas ng usapan.

“Bakit?” simpleng tanong nito.

“I don’t know. Dahil siguro wala akong idea.” Biro niya.

“Just relax.” And he followed a bit of smile.

She could have been more wrong. For Lourd led to something strange. Huwag naman sanang paglaruan lang siya ng binata. Dahil naisuko na niya ang puso dito. Handa na siyang tuluyang gumaling at hayaan ang sariling magmahal.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.