Cassie was not surprise. Sa Antipolo siya dinala ni Lourd dahil napansin niyang palabas sila ng Maynila. Sa isang sikat na bar sa kahabaan ng Sumulong Highway sila pumunta. Weekend kaya maraming tao sa naturang bar.
Bahagyang nanghinayang si Cassie dahil ang akala niya ay sa mas romantikong lugar sila pupunta. But it ended up being a simple night-out and unexpectedly, Lourd was working overtime. Naroon sa nasabing lugar ang artist ng LinkMusic na Skiptloosemonk. May gig pala ang mga ito. Ganoon pa man, nagkibit-balikat na lang siya. I-eenjoy na lang siguro niya ang lugar.
“Guys!” Pasigaw na sabi ni Lourd sa mga nakaupong kalalakihan dahil maingay ang lugar.
“Oh, sir.” Sabi ng isang nang makita sila. Tumayo ito at inabot ang kamay ni Lourd na animo’y magmamano ito. Natatawang binawi ni Lourd ang kamay at mahinang binatukan ito.
“Kumusta? Tapos na ba kayo?” tanong nito sa mga ito habang nakikipag-high five sa iba. Samantalang siya ay hawak nito sa kamay sa likuran nito.
“May isang set pa kami.” Sagot ni Euan Roswell, ang bokalista. Ito rin ang nag-iisang anak ng boss nila na si Roxanne.
“Alright. Ah, guys…” sabi ni Lourd at bahagya siyang hinila. Lumipat ang kamay nito mula sa kamay niya papunta sa kanyang baywang.
“This is Cassie.” Pagpapakilala nito sa kanya saka tumingin sa kanya.
“Kilala mo na si Euan. Pero itong si Mike, Marlon at Jershian ay hindi pa.” Iniisa-isa nito ang lahat ng nakaupo.
“Hi.” She raised her hand and waived.
“Sir, ang swerte mo naman. ‘Xquizit ang date mo. You’re exquisitely beautiful, Cassie.” tumayo si Mike at kinuha ang kanyang kamay at dinala ito sa labi nito.
“Hindi siya interesado sa’yo, Mike.” Hindi naitago ang inis na saway ni Lourd.
“Okay, boss. Para halik lang eh. Masyado ka naman.” Nakataas ang kamay na muli itong umupo sa silya. Nagkatawanan ang lahat at pati siya ay nakitawa na rin.
These guys were cool. Napapaisip tuloy siya kung bakit naiinis si Amber kay Euan gayong masaya naman itong kasama. May kapilyuhan nga lamang na normal naman sa kagaya nitong artist.
“Basted! Wag kasi epal, pisan!” Pang-aasar ni Jershian sabay hagis ng drumstick. Hindi naman ito nasaktan at tumatawa pang ibinato pabalik ang stick dito. Lalong lumakas ang kantiyawan at tawanan.
“Don’t laugh with them. I don’t like it.” Bulong sa kanya ni Lourd. Idinikit pa nito ang labi sa tainga niya kaya para siyang hinahalikan nito.
Perhaps it could come to her attention the sweet glitter feeling that made her turn her head and look at him.
“Hindi naman masamang tumawa di ba?” mahina niyang tugon. And she blissfully shivered when he pressed her waist trying to show his anger.
“I’m your date.” Tila naiirita nitong bulong.
“Alam ko.”
“Then stop flirting.” He hissed.
“Grabe ka naman. Hindi naman.” She said trying not to laugh.
“Ah…sir, nag-aaway na ba kayo?” singit sa kanila ni Marlon. Marahil na napansin ng mga ito ang palitan nila ng salita sa kabila ng mahina naman iyon.
Inis na binalingan ito ni Lourd. “Just leave us alone.”
Hinila siya nito palabas ng bar at naiwan ang mga nagtatawanang sina Jeuan. They walked heavy but in silent by the tiled floor of the bar towards outside. Gusto niyang magprotesta dahil nasasaktan siya sa higpit ng hawak nito sa kanya.
Pagdating sa labas ay binitawan siya nito. Lumayo ito sa kanya at nakita niyang naglabas ito ng sigarilyo. Sinindihan at hinithit. Halatang may kinainisan ito.
“May problema?” tanong niya habang hinihamas ang tila nabali niyang kamay.
He continued popping the cigarette. He looked a pro in smoking but it never irritated her. In fact, she found it still natural to him yet very masculine.
“I’m sorry. Nasaktan ba kita?” sabi nito at tukoy ang kamay niya.
“H-hindi naman.” Sagot niya kahit na ang totoo’y tila humapdi ang palad niya. Humithit pa ito ng isa. Binitiwan ang sigarilyo at inilaglag sa lupa at tinapakan.
Tumingin ito sa kanya ngunit hindi nagsasalita. He put his hands on his pocket and stared at her.
“I’m sorry, Cassie.” He uttered. “This is not supposed to be our date. Hindi kita dapat dito dinala.”
Nilingon niya ang paligid imbes na sagutin ito. At napansin niya na sa likod ng bar pala siya hinila ni Lourd kung saan kitang-kita ang buong Maynila. Dahil sa sobrang pag-iisip kay Lourd ay nakalimutan niya ang overlooking view na nagpasikat sa Antipolo.
“Maganda naman ang lugar. Okay lang.” sabi niya at muling tumingin dito.
“Honestly Cassie. I don’t know how to prepare a date. Hindi ko alam kung saan dapat dinadala ang isang date. I do go out with women but never a real date.” Sabi nito.
“You mean I’m your first date? Joker ka pala.” she asked smiling but in disbelief. Even at a distance, his warmth assailed to her. And the warmth was magnifying.
“No. It is the first that I treat as a real one.”
Natilihan si Cassie. Tila umurong ang ulirat niya dahil sa kakaibang sayang naramdaman. Nagdiwang ang puso niya. Hindi na niya napigilang mapatawa.
“Pwede pa naman nating ayusin.” She said and walked towards him. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila sa isang park bench na nakaharap sa view. Umupo siya ngunit nanatiling nakatayo ito.
“Halika, tabi tayo.” Utos niya.
“Anong binabalak mo?” naguguluhan nitong tanong.
“Magdi-date.” Sagot niya sabay hila sa kamay nito. Nang makaupo ito ay sumandal siya at pinagsawa ang mga mata sa tanawin. Then she closed her eyes as she whiff the fresh mountain air.
“Dito na lang muna tayo, mag-usap na lang tayo.” Sabi niya habang nakapikit pa rin.
Pinagmasdan ni Lourd si Cassie. At nahihirapan siyang labanan ang sumasaklob sa kanya. He felt helpless every time with her. Nadadamay siya sa nararamdaman nito. Kanina na lang nang makita niya ang pagkadismaya nito nang dumating sila sa bar ay nainis siya sa kanyang sarili. He felt so stupid being a date. Parang napakahalaga para sa kanya ng sasabihin at mararamdaman nito. He knows he should be going and don’t take her seriously. But he need her touch so damn much. Na kung minsan ay nakakalimutan na niya kung sino ito. Hanggang sa lubusan niya itong lapitan at tinangka ang hindi dapat. He bound his head down to her chicks. Hanggang kusa nang hanapin ng labi niya ang labi nito.
Cassie was after her breath when Lourd left her lips but he still touching her. She cleared her throat to wake up herself. Pakiramdamdam niya ay nilalagnat siya sa init ng kanyang katawan.
“Lourd, hindi ba parang napaparami na ang halik mo sa’kin?” tanong ni Cassie.
He chuckled. Bumitiw ito sa kanya at sumandal sa bench. Humarap sa kanya saka dahan-dahang iminulat ang mga mata deretsong tingin sa kanya.
“We both enjoy it.”
“At nasasanay ka na.” Sabi niya nang nakaiwas ng tingin. Nagsasabi ito ng totoo. Ngunit hindi naman siya ganoon kababa para halik lang isipin at hilingin nito. What was that, pure desire? Not more than that?
“Masisisi mo ba ako? You are so inviting.” Hindi niya alam kung magsasaya o maiinsulto sa sinabi nito.
“Pero hindi naman ako ganoon lang.” sabi niya sa pilit itinagong galit na paraan.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Alam ko kung paano ako naipakilala sa’yo. I was a flirt, a tease or even a playgirl but I’m not.” Sabi niya saka lumingon dito.
“Ganoon ba ang akala mong pagkakakilala ko sa’ yo?” tanong nito sa kanya. Lumapit ito at bahagyang tumungo sa kanya.
“Ganoon ba, ha?” tanong ulit nito. Nakababa pa rin ang ulo niyang tugon.
“Okay, let’s play a game.” Maya-maya’y sabi nito.
“Huh? Ano?” she asked blankly.
“Magtatanong tayo sa isa’t-isa and we have to answer it. Baka sakaling may magandang mangyari. Makikilala na natin ang isa’t-isa nang lubusan.” Saad nito.
Nagbungtong-hininga siya at tumango.
“Good, you ask first.” He said. Sandaling nag-isip si Cassie.
“Wala na ba talaga kayo ni Amanda?” gusto niyang masiguro kung malaya na talaga ito. She hates complications, ayaw niya ng sigawan at away. Nahihirapan siyang huminga kapag sinisigawan. Nagugulo ang mundo niya kapag may karahasan.
“Wala na. My turn.” Sabi nito. “Bakit lagi kang may suot na gloves?”
Iglap na napalis ang ngiti sa kanya. Hindi makahagilap ng sagot. Ngunit mabilis ding bumawi ang isip niya.
“Style. Ako naman. Ilan kayong magkakapatid?” sunud-sunod niyang sabi na tila ayaw bigla ng pakakataon si Lourd.
“Apat.” Tugon nito. “Why do you always flirt?”
“Hindi ah! I’m only being nice and sweet. Siguro iba ang dating sa inyo noon.” She answered in defense.
He smiled and laugh, “Tease.”
“Sinabi nang hindi eh!” nakataas ang kilay na sabi niya.
“Alright, alright.” Tumaas ang mga kamay nito upang awatin siya.
“Ikaw naman.” Utos nito.
“Masaya ka ba sa pagiging producer.”
“Oo naman. Ikaw, how many dates have you gone with? Don’t count me in.” Sabay taas ng kamay nito.
She can’t help it but she laugh. “About…ahm, di ko na mabilang eh.”
Tumawa rin ito, “Bakit ba itinanong ko pa ‘yon?”
Napatawa na rin siya. Hindi niya mapigilan mag-enjoy sa ginagawa nila kahit na kinakabahan siya dahil baka may maitanong pa itong hindi niya masagot o ayaw niyang bigyan ng sagot.
Tila nangalay siya sa pwesto niya. Tinanggal niya ang kanyang wedge at itinaas ang mga paa at ipinatong sa bench. Inipit niya ang laylayan ng shirtdress niya sa pagitan ng kanyang mga hita at binti. Para siyang batang inialalay ang ulo sa mga tuhod niya paharap kay Lourd.
“Anong ginagawa mo?” tanong nito sa kanya.
“Wala lang.”
“Nakalimutan mo na bang nakasuot ka ng dress?” He asked to her almost nagging.
“You hit two questions in a row.” Instead she said.
Tinampal nito ang sariling noo at nakangiting umiling. “Oh, damn. I forgot.”
“Why did you ask me for date? bakit hindi si Cleo o si Amber. Or some other girls?” she asked. Alam niyang walang kwenta ang mga itinatanong niya ngunit gusto niyang malaman kung magkapareho ba ang kanilang nararamdaman.
Tumingin ito sa kanya. In a portrait of his face, too much thoughts and wondered was like dancing in his eyes that made his expression unsuitable.
“Hindi ko alam.” He said then he traced his fingers to her legs while his elbow was lazily rested on the backrest of the bench.
“Sigurado ka ba na okay lang na dito lang tayo?” tanong nito na parang napapahiya.
Something unfamiliar savored on Cassie’s heart. Sana ay tama ang nararamdaman niya na mahalaga siya kay Lourd. Iniba niya ang kanyang posisyon habang tumatawa. Umusod siya palapit dito at ibinaba niya ang kanyang tuhod ngunit nanatili pa rin ang mga paa sa bench. Sumandal siya patalikod kay Lourd.
“Okay lang. Sayang naman ang oras ko para magmaktol, it will only ruin this breathtaking view.” Sagot niya habang nakatingin sa view.
Nakaramdam ng kaginhawahan si Cassie nang lumapat ang likod niya sa dibdib ng binata. She felt secured and safe in his arms.
“You are more breathtaking than that view.” bulong nito sa kanya. He clutched to her. Niyakap siya nito at inayos pa ang dress niya na napalilis dahil sa paglikot niya.
“Thanks.”
“Para saan, sa compliment, or sa pag-aayos ko ng dress mo?” he asked while nibbling her ear.
“Lourd, ano ba?” saway niya. Hindi dahil sa ayaw niya ang ginagawa nito, kundi dahil sa bawat dantay ng labi nito sa balat niya ay tila ningas iyon sa kakaibang init. Ngunit parang walang narinig ito. Patuloy pa rin ito sa ginagawa.
“Sinabi nang tama na.” She almost hissed. Iniiwas niya ang sarili dito at hinarap ito.
“Okay, okay. I will stop.” Tumatawang sabi nito.
Kumibot ang labi niya saka nagbuntong-hininga, “Sino na bang magtatanong?”
“Ikaw na lang magtanong.” Sagot nito. Cassie looked at him. Dumako ang tingin niya sa goatee nito at pinagmasdan iyon.
“Gaano na katagal ‘to?” tanong niya habang marahang hinahaplos iyon.
Lourd felt a warm and tender touch from her. Hindi niya nagawang sawayin ito sa ginagawa. It was the first time he let someone touch his goatee. Kahit ang Mama at mga kapatid niya ay kinaiinisan niya kapag pinagdidiskitahan iyon.
“I have it since high school.” Sagot niya saka tumawa. Hindi pa rin nito inaalis ang kamay sa goatee niya.
“Naalala ko pa noong nagalit ang Mama nang malaman niyang nasuspend ako dahil dito.” He just found himself sharing stories with her.
“Bakit?”
“Ako pa ang magtatanong.” Nakataas ang mga kilay na sabi niya.
Lumabi ito. “Sige na, please.”
He sighed. “Strict ang school policy namin noon, alam mo naman sa Catholic schools di ba? Bawal ang ganito, ganyan. Hindi pwedeng ganito, gayan. But I’m the one who love breaking some rules. Umabot ng third offense ang notice sa’kin kaya, isang linggo akong bakasyon. Napilitan tuloy na ang Papa na ang kumausap sa school principal.
“Pagdating sa bahay, para akong nasa cross examination na ginigisa ng Papa. Daig ko pa ang kriminal sa klase ng pagtatanong niya. Ako yata ang pinagpraktisan niya para maging magaling na abogado, eh. But it never made me shave it.” Sagot niya habang natatawa. Narinig niya ang pagtawa nito.
“May gusto ka pang gawing iba?” tanong niya kalaunan habang nakatingin pa rin sa malayo.
“Mmm…ikaw.” Anito. Kumilos ito at ibinaba ang mga paa upang muling isuot ang wedge nito.
Nang makatayo ito ay hindi niya napigilan ang sarili. Hinila niya ito at muli itong napaupo. Bumagsak ito sa kandungan niya. Hinagip niya mukha niya at walang babalang hinalikan. The kiss has different touch his time. The kiss was smooth and slow like nicely sculpturing a masterpiece.
He was hypnotized and patronized by the kiss. He slowly moved his lips to explore her inside. Marami nang labi ang pinangahasan niyang halikan ngunit iba ang epekto ng mga labing iyon sa kanya. Mababaliw siya kung hindi siya tutugunin nito. It was like he always waited for her lips. Na parang siya lamang ang nais niyang hahalik dito.
They were both gasping for air after that hot cracking kiss. Biglang nakaramdam si Lourd ng lamig at bigla at natakot siya na nawawala ito kaya mahigpit niya itong niyakap.
“Don’t you feel the attraction between us?” bulong niya dito habang yakap ito.
“Ano bang sinasabi mo?” tila nagpipigil ng damdamin nitong tanong. Nagawa pa niyang matawa kahit hirap na siya sa paghinga. Pilit pa rin kasi ito sa pagtanggi sa damdamin nito.
“You don’t follow rules, Cassandra. Dapat sasagutin mo ako.” Sabi niya at hindi na ito nagsalita. Humigpit na lamang ang yakap nito sa kanya. He smiled.