ROXY CITY SERIES 3 (THEN ALONG CASSIE CAME) Chapter 8

“This is it.” Ani Lourd nang maihimpil ang kotse. Sinilip niya ang kabahayan. May ilaw pa ang sala. Hindi pa nakasara ang bahay. Hinihintay pa siya marahil ng lola niya.

“Salamat. I had a good time.” Sabi niya sa binata nang harapin niya ito.

“Talaga? Kahit na…” nakaangat ang kilay nitong tugon.

“Oo nga. Eh ‘di huwag kang maniwala.” Aniya. Ngumiti ito.

“Okay, naniniwala ako.” Sabi nito at sabay silang napabuntong-hininga. Pareho tuloy silang napatawa.

“I have to go.” Saad niya.

“Sige. Goodnight.” Tugon nito. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya upang marahil magpaalam. She waited.

Inasahan niya na pisngi lamang siya nito hahalikan ngunit dumampi ang labi nito sa kanyang labi. Muli ay napapikit siya dahil sa sensasyong nararamdaman niya.

The kiss was tender and passionate. Humihingi ng tugon at hindi naman niya ipinagdamot ang pagtugon. She opened her mouth to welcome his kiss. It became more intense. He tasted him inside. Hinawakan niya ang pisngi nito. Patuloy pa rin ang paghalik nito na siya namang tinutugon niya. She cannot but to kiss him back.

Naramdaman niya ang pag-abot nito sa mukha niya upang lalong ilapit siya dito. His mouth opened wider. Lumawig ang pagnanasang nararamdaman niya. Narinig niya ang marahas nitong paghinga sa pagitan ng mga halik nila.

“Lourd.” Anas niya nang minsang makawala sa mga labi nito.

“I want you, Cassie.” Agap nito at muli siyang siniil ng halik.

Hanggang kumilos ito patungo sa kanya at walang sabi-sabing naibaba nito ang recline ng upuan niya. That made her almost lying. Pumatong ito sa kanya. Nakaramdam siya ng kaba. Baka mahuli sila.

“B-baka may makakita sa’tin.” Bulong niya dito.

“Wala. Tulog na sila.” Saad nito at muli siyang hinalikan. She felt electrified. Paano niyang nagagawang tapatan ang intensidad ni Lourd?

“Lourd.” Pigil niya nang bumaba ang labi nito sa kanyang leeg. Tila mauubusan siya ng hininga dahil sa kakaibang kiliting kanyang nararamdaman.

“Yes.” Anas nito sa gitnang ng paghalik. His hands were moving everywhere. Nakapasok na iyon sa lood ng dress niya. Massaging her thighs and legs. She got alarmed. Hindi niya kayang pahintulutan ang maaaring mangyari. Baka may makakita sa kanila. Isiping nasa labas lamang sila ng tahanan niya.

“Lourd, no.” buong pagpipilit niyang saway dito. Tumigil ito sa ginawa. “Hindi tama ‘to.”

Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa nito at napipilitang kumalas sa kanya. Muli itong humarap sa manibela. Inayos niya muli ang kanyang upuan.

“I just-”

“It’s okay. Naiintindihan ko. Sige na. Pumasok ka na sa loob.” Tugon nito ngunit naroon ang panghihinayang. But he smiled.

“Goodnight.”

“Mag-iingat ka.” Sabi niya saka bumaba. Isinara niya ang pinto ng kotse at kumaway bago pa nito pinausad ang sasakyan.

Sinalubong siya ng kanyang lola nang marating niya ang living area. Nagmano siya dito ngunit nagpaalam na rin upang matulog. Ngumiti ito sa kanya.

“Sana’y ‘wag ka nang magtampo sa lolo mo. Nag-aalala lang ‘yon sa’yo.” Sabi nito bago siya umakyat ng hagdan.

“Granma, hindi naman mangyayari ‘yon. I love you, both.” Tugon saka tuluyang umakyat.

Pagdating sa kwarto niya at kaagad niyang inalis ang wedge niya. Saka isinunod ang gloves niya. Napatingin siya sa pilat. Naupo siya sa kama habang nakatitig sa mga palad niya. Magaling na ang sugat. Halos kakulay na ng balat niya ang pilat sa dalawa niyang palad ngunit halata pa rin dahil nakaumbok iyon.

Inaalis naman niya ang kanyang dress nang mag-ring ang cellphone niya. Si Lourd. Napuno ng excitement ang dibdib niya.

“May nakalimutan ka ba?” bungad niya nang sagutin niya ito.

“Meron.” Anito.

Napahagikhik siya. “Hmm, let me guess. Nakalimutan mong mag-thank you kasi nag-enjoy kang kasama ako.”

Narinig niya ang pagtawa nito. “Ahm, yeah.”

“Oh, are you driving? We should hang up. Delikado ang ginagawa mo.” sabi nito. Tumapat siya sa kanyang bintana.

“Mas delikado ang ginagawa mo.” Sabi nito na ikinataka niya.

“Ako-”

“You’re making me fall for you, Cas.” Sabi nito. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone niya saka mariing napapikit. “Hindi ba’t delikado ‘yon?”

“May choice ka namang labanan ‘yon.” Kinikilig niyang sagot.

“Alam ko. But I choose to let the danger take me.”

Hindi niya mapigilang mapatawa. “Talaga lang, ah.”

“I’m serious. Gusto talaga kita.” Agap nito na tumapos sa tawa niya. Wala sa loob siyang napahawak sa dibdib niya dahil sa bilis ng tibok niyon.

“A-Ako din.” Halos pabulong niyang tugon.

“I think that closes something between us. Agreed?” Saad nito.

“Ows?” pagbibiro pa niya sabay hagikhik. Sa totoo lang ay wala naman siyang pagtutol doon. Sa katunayan ay para siyang inililipad sa alapaap nang mga oras na iyon.

Tumawa ito. “Don’t do that.”

“Ang alin?” painosente niyang tanong.

“That teasing sound. Lalo akong mahihirapang mag-drive n’yan.” Tila reklamo nito.

She sighed. “Fine. Sige, uuwi ka pa. Goodnight.”

“Night. Sweet dreams, honey. My bed will surely miss you.” Pabulong nitong tugon.

Mariin siyang napapikit kasabay ng tila boltahe ng kuryenteng kumalat sa kanyang buong katawan. “Bye, Lourd.”

Mabilis ang galaw ni Cassie sa dance floor. Hip-hop night at launching party na isang movie soundtrack ng isang Hollywood dance film. Roxy City ang napiling venue dahil LinkMusuc ang distributor ng naturang soundtrack.

Suot ang bionic themed costume ay pawisan sina Cassie na nagru-routine. Mismong amerikanong choreographer ang kasama nila. Welcome party rin nila ito sa naturang sikat na choreographer.

Inspired na inspired siya. Wala siyang pakialam kahit na mahirap ng choreography ang ipinagawa sa kanila dahil sa tema ng pelikula. Kailangan iyon para sa promotion ng album. At bilang sila ang pinakasikat na dance troupe sa bansa ay hindi nakakapagtakang sila ang magpresent noon.

Walang ibang ingay na naririnig sa buong club kundi ang malakas na up beat song na sinasayaw nila. Madilim ang buong paligid at ilang laser lights lamang ang nag-iilaw sa kanila. Luminous ang suot nila kaya humahalo sa up beat ngunit gothic na effects ng performance nila.

She made her full turn. Napangiti siya. She made it perfectly. Nagpatuloy ang hard hitting dance nila at pawisang nakipagsabayan sa tugtog.

Natapos ang tugtog kasabay ng outro pose nila. Kasunod noon ang pagliwanag ng paligid. At inaasahan na niya ang kasunod na nangyari. People shouted and clamored in response. Hindi itinatago ang paghanga at kasiyahan sa nasaksihan. Umalingawngaw ang tinig ni Eben Jay.

“Give it up for, Bam Lewis!” pakilala nito sa amerikang choreographer at nag-ingay ang buong club.

“Whew!” sigaw pa nito. “Thank you, ‘Xquizit for the great, smashing, daring performance. More applause, people!!”

Kumaway sila at sabay-sabay na nag-bow bilang pasasalamat. Hindi maikakailang nag-enjoy ang lahat ng naroroon.

Nagtatawanan silang pumasok sa artists lounge. Si Bam naman ay inasistehan patungo sa sarili nitong dressing room. Hindi sila makapaniwalang nagawa nilang napakahirap na dance routine na itinuro sa kanila ng banyagang choreographer.

“Damn, magpapa-spa ako, promise. Ang sakit ng katawan ko.” Reklamo ni Geri.

Tumawa si Thia. “Bakal ‘ata ang katawan ni Bam.”

“Hoy, Anastacia. Pinanood ka ng ex mo.” Aniya habang nagpapalit ng damit. Bago silang magpunta sa dance floor ay nakita niya sa Seoff Munez na nakaupo hindi kalayuan. Marahil sinundan nito ang kaibigan niya.

“Weh? Di nga? Hindi ‘yon mag-aakasaya ng oras dito.” Ani Thia.

Umangat ang kilay niya. “Nakita ko nga s’ya.”

“Cassie’s right? Nakita ko rin s’ya.” Si Amber.

“See? Arte neto. Kilig ka ‘no?” panunudyo niya.

Umismid ito. “Wasted na ‘ko pero hindi mangyayaring kikiligin pa ‘ko sa kanya. Tigilan mo nga ako, Cassandra.”

Nagtawanan sila. Halatang pikon si Thia. Hindi kayang itanggi ni Thia na mahal pa rin nito ang ex-boyfriend nito kahit panay pa rin ang away ng mga ito sa muling pagkikita ng mga ito.

Nakarining sila ng katok.

“We’re good! Come in!” sigaw ni Cleo sa intercom nang masigurong nakadamit silang lahat. Sound proof kasi ang kwarto kaya kailangang may ganoon.

Bumukas ang pinto. Iniluwa noon kundi Lourd.

Kaagad na nag-iba ang tibok ng puso niya Cassie nang makita ito. Mataktika siyang tumalikod kunwa’y abala sa mga gamit niya.

“Sir Lourd! Bago ‘to ah. Naligaw ka.” May gulat na sabi ni Geri. Hindi kasi nito ugali na puntahan sila sa lounge. Para dito ay lugar nila iyon at hindi ito interesado. Madalas na nasa VIP floor ito o sa Lou Room’d. Ito ang madalas nag-eestima ng mga exclusive members.

“May pinupuntahan ang prinsipe ng Roxy.” Pakantang saad ni Cleo sabay sulyap sa kanya.

“Ay…oo nga.” Segunda naman ni Amber. Kumilos ang mga ito na tila lalabas ng lounge.

“Wait. Tapos na kayo?” pigil niya sa mga ito. Ayaw niyang maiwan doon kasama ni Lourd. Hindi siya kumportable.

“Congrats, girls.” Sabi naman ni Lourd habang hinayaang lumabas ang mga kaibigan niya. Nairita siya. Hindi niya alam ang gagawin. Kung susunod siya sa mga ito o kung mananatili doon dahil alam naman nilang lahat na siya ang dinayo ni Lourd.

Nanaig ang una niyang naisip.

“Tapos na rin ako.” Aniya at lumapit sa pintuan ngunit pinigil siya ng binata.

“Saan ka pupunta?” tanong nito habang hawak ang braso niya.

“Kakain.” Iyon ang lumabas na bibig niya. Nalilito kasi siya. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan.

“You want to eat?” tanong nito na hindi siya hiniwalayan ng tingin. Isinara nito ang pinto sa pamamagitan ng pagsipa doon.

‘Patay.’ Hiyaw ng isip niya.

“Y-yeah. May sasabihin ka ba?” nauutal niyang sagot sabay talikod. Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito. Lalo na ang presensya nito.

“Come here.” Anito at hinila siya pabalik. Kaagad na inabot nito ang batok niya at walang paalam na lumapat ang labi nito sa kanya.

Napamulagat si Cassie. Muli na namang inangkin ni Lourd ang pahamak niyang labi. Paano niya lalabanan iyon kung iyon din ang nais niyang gawin nito?

She missed him. Ngunit nakakatakot ang pakiramdam na iyon. Parang hindi niya kayang labanan ang nararamdaman niya. Kung noon ay gusto niyang pagtuunan siya ng pansin ni Lourd, tila nag-iba na iyon. Bigla siyang natakot. Hindi para dito kundi para sa sarili niya dahil tumitindi ang pagtingin niya para dito.

Tinapos nito ang halik na iyon ng isang mabilis na halik din. Hindi siya binitawan nito at nanatiling nakasara ang mga mata nito. Pinagdikit nito ang mga noo nila. Siya ay nakatitig sa gwapong mukha nito.

“Congrats. Ang galing mo kanina.” Sabi nito. Natawa siya.

“Ako lang?”

“I mean all of you.” Sabi nito saka tumingin sa kanya. “Let’s go.”

“Ano?” nagulat niyang tanong.

“Sabi mo gusto mong kumain.” Saad nito at hinawakan ang kamay niya. Binuksan nito ang sound proof na pinto. At sabay pa silang nagulat ni Lourd nang halos saluhin nila ang mga kaibigan. Umikot ang mga mata niya.

“What an idiot? Sound proof ang lounge di’ba? Anong kalokohan n’yo?” paninita niya.

Ang mga ito ay panay iwas ang tingin. Si Amber ang unang nakabawi.

“Nakasandal kami, actually.”

Hindi napigilang mapatawa ni Lourd. “I see. Kakain lang kami. I promise. I’ll take care of her.”

“Sir Lourd naman.” Si Geri. “Ang daming babae d’yan sa labas. Kanina ka pa inaabangan. Baka ‘tong si Cassie kuyugin. Akalaing holdaper. Holdaper ng gwapo.”

Lourd laughed louder this time. “Geri, kilala mo, n’yo, ako. We’ll be back.”

“Akala ko ba, wala.” Si Amber sa kanya.

“Alis na kami.” Ani Lourd. Hindi na siya nakasagot sa mga ito dahil hinila na siya nito palayo sa mga kaibigan niya. Humihingi ng paumanhin siyang ngumiti sa mga ito.

“Akala ko ba kakain tayo.” Nagtataka niyang sabi nang mapansing hindi naman sila umalis. Lumipat lamang sila sa Lou Room’d. Hindi siya binibitawang sumakay sila ng elevator.

“Oo nga.” Tugon nito.

“Puro kwarto dito. Walang pagkain.” Protesta niya sa kabila ng matinding excitement na nararamdaman.

“Sa suite ko meron.”

“Ano?” bulalas niya sabay bawi ng kamay niya. Hinarap niya ito. Narating nila ang second floor.

“I just need to be next to you, ‘yon lang.” saad nito. Kitang-kita niya ang intensidad at kasiguraduhan sa tinig nito. Napatitig siya dito.

“I’m next to you right now. What exactly do you want?” agap niya. Hindi niy alam kung tama ang tanong iyon.

“Ikaw.” Tugon nito. Hinila siya palabas ng elevator ngunit nasa gitna sila ng hallway nang mapako ang mga paa niya sa kinatatayuan. Nilingon siya nito.

“B-babalik na ‘ko sa club.” Sabi niya. Hindi ito tumugon. Hawak pa rin nito ang kamay niya. Nakatitig ito sa kanya. Tila tinitimbang nito kung totoo sa kanya ang sinambit niya. Kung totoong gagawin niya iyon.

“Lourd naman eh.” Tila gusto nang sumuko niyang sabi. Hindi niya kaya ang titig nito.

“Say one more word and I will rip you clothes off right at my hallway.” May pagbabanta nitong saad niya.

“Hindi mo gagawin ‘yan.” Nagbabanta rin niyang tugon. Salita lamang iyon. Kilala niyang gentleman si Lourd.

“Try me.” Anito. Wala na siyang nagawa kundi magpahila dito.

“Next time kung hahawakan kita ay wala na sanang balot ‘yang kamay mo.” Sabi pa nito nang buksan ang suite nito.

“That would never happen.” Sabi niya.

“At bakit?” naka-angat ang kilay nitong tanong. Nakapasok na ito ngunit siya ay nasa bungad pa rin.

“Dahil wala nang next time.” Hindi ngumingiti niyang sabi.

He grinned. “I said try me.”

At ganoon na lang ang ikot ng mga mata niya nang hilahin siya nito papasok sa suite.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.