Royal Secret/Royal Engagement Duology Chapter 16

“CHASE Serranilla is okay. Thankfully, hindi naman nabali ang ilong niya kaya hindi na natin siya kailangang dalhin sa ospital. Ginamot at nilinis na namin ang mga sugat at pasa niya kaya wala ka nang dapat ipag-alala, Blossom.”

Nakahinga ng maluwag si Blossom sa sinabi ni Dra. Chua sa kanya. “Thank you, Doc. Pupuntahan ko lang muna si Chase.”

Nakangiting tumango ang doktora. “Sure. Tawagin niyo lang ako kung kailangan niyo ko.”

Tumango lang siya, saka siya dumeretso siya sa parte ng clinic kung nasaan si Chase.

Kanina, nang umalis si Koji kasama ang adviser nito, nagpatulong naman siya kay Xia na dalhin ang pinsan niya sa clinic. Kahit pa sabihing madalas silang magkaaway, magkadugo pa rin sila at anim na taon na silang magkasama bilang magkapatid.

No’ng nasa junior high pa lang sila at wala pang dormitory sa school, magkasama sila sa mansiyon nina Tito Martin at Tita Mira– ang mga magulang ni Chase. Maayos at parang tunay na magkapatid naman ang turingan nila no’ng una. Nagsimula lang silang magkaro’n ng problema no’ng mag-hari-harian ito sa Polaris. Pero natitiis pa niya noon ang ginagawa ng pinsan niya. Siguro, tuluyan lang siyang lumayo rito no’ng bumagsak ang pamilya ni Koji kaya pinag-trip-an ng pinsan niya ang binata.

Pero no’ng mahuli niyang binubugbog ni Koji si Chase, lumabas ang pag-aalala niya sa pinsan niya lalo na’t nakita niyang duguan ito. Magkapamilya pa rin naman sila kahit na madalas silang hindi magkasundo pagdating sa stance nila sa caste system na ginawa nito.

But still… he needs to explain to me.

Hinawi ni Blossom ang kurtina at nakita niyang nakaupo na si Chase sa hospital bed. Nakasandal ito sa headboard at nakangisi habang nakatingin sa hawak nitong phone. Naglakad siya hanggang sa nakatayo na siya sa harapan nito. Humalukipkip siya at tumingin pababa dito pero hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa phone nito. “You’re still alive.”

Kanina, sumilip siya sa classroom ni Koji dahil na-mi-miss na niya ito. Wala do’n ang binata pero naabutan niya sina Tray at Vonn na mga kaklase nito. Narinig niya na pinag-uusapan ng mga ito ang plano raw ni Chase na “i-corner” si Koji sa Borealis Dormitory. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon pero nag-alala siya kaya nagpunta agad siya sa dorm. Naabutan niya ang ibang mga boys sa labas na hindi raw makapasok dahil sa utos ni Chase na walang tatapak sa loob hangga’t hindi pa ito lumalabas. Dahil hindi naman siya takot sa pinsan niya, pumasok pa rin siya at naabutan na nga niya ang eksenang binubugbog ni Koji si Chase.

“Yes, dear sister,” nakangising sagot ni Chase nang hindi man lang siya nililingon. “Fortunately, your boytoy hits like a fag that he is so I’m still alive and kicking.”

“Look at me, Chase.”

Kunot-noong nag-angat sa kanya ng tingin ang pinsan niya.

Sinampal niya ito ng malakas sa kanang pisngi nito na hindi naman namamaga. Pero sa lakas at lutong ng sampal niya rito, siguradong `yon naman ang mamamaga mayamaya lang. Ngayong nawala na ang pag-aalala niya dahil na-assure na siya ng doktor na walang masamang mangyayari ito, bumalik na ang matinding iritasyon na nararamdaman niya para sa lalaking ito.

Chase fixed her a flat stare. “What did I do to deserve the princess’ slap, Your Highness?”

Hindi siya nagpatinag sa sarcasm nito. Humalukipkip lang uli siya at binigyan din ito ng malamig na tingin. Naaawa naman siya sa hitsura nito– nakapikit ang isang mata dahil pumutok ang kilay nito, malaking pasa sa kanang pisngi, putok na gilid ng mga labi, at namamagang pisngi. Pero alam niyang may ginawa itong masama kaya ito nabugbog ng ganito. “Hindi ka sasaktan ni Koji kung wala kang ginawa o sinabing foul, Chase. Saka hindi ka magpapabugbog ng walang reason.”

“Wow,” sarcastic na sabi nito habang nag-i-slow clap pa. “Ako na nga `tong nabugbog, ako pa rin ang masama. Thanks for being so supportive, dear sister. I appreciate it, really.”

“Bakit pinatawag si Koji sa principal’s office?”

“I’m not his guardian, Blossom. How the hell am I supposed to know that?”

Binigyan niya ito ng nagdududang tingin, hanggang sa mapansin niya ang phone nito na kanina pa nito hawak. Sinunod niya ang intuition niya kaya inagaw niya ang phone ng pinsan niya.

“Hey!” reklamo nito, sabay abot ng phone nito pero umatras lang siya palayo rito. “Give that back to me, Blossom.”

“No,” mariing sagot niya habang umaatras dito hanggang sa mapasandal siya sa dingding. Nang makita niyang bumuga lang ng hangin si Chase at halatang wala namang planong agawin ang phone, saka niya tiningnan kung anong meron do’n. “Let’s see what you have here…”

Unti-unti rin siyang natigilan nang makitang nakabukas ang Polaris Academy Website page sa phone nito, partikular na sa isang article na naka-post do’n.

Koji Takishima and Yuki Hinata: Real Life ‘Yaoi’

Mahilig si Koji sa anime at manga kaya naman naging interesado rin siya sa panonood at pagbabasa niyon, respectively. Dahil sa na-develop niyang hobby na `yon, may natutunan siyang mga terms na ginagamit ng mga ‘otaku.’ Sigurado siyang ‘gay romance’ ang ibig sabihin ng ‘yaoi.’

Binigyan niya ng masamang tingin si Chase. “Sino ang nag-upload ng article na `to?”

Ngumisi si Chase, halatang nang-aasar. “I don’t know what you’re talking about, dear sister. Nakita ko lang naman `yan dahil viral na `yan sa buong school.”

Hindi siya naniniwalang walang kinalaman ang pinsan niya sa pagkaka-upload ng article na `yon. Nakita niyang may isa pang article na tungkol naman kay Cassy. Mukhang sinadya `yon. Para ipakita ang inis niya sa binata, binitawan niya ang phone nito na mabilis nabasag ang screen nang tumama sa sahig dahilan para mapasigaw ito. Pero himbis na matakot, inapakan niya lang ang phone nito. “I wonder why I still care for you when you’re such an asshole.”

Kumunot ang noo nito na parang nagulat at nagtaka. “You care for me?”

“I won’t be here if I don’t,” iiling-iling na pag-amin niya sa frustrated na boses, saka niya tinalikuran ang pinsan niya.

“Blossom…”

Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Chase at nagtuloy-tuloy lang siya sa paglabas. Nagpaalam muna siya kay Dra. Chua bago siya umalis ng clinic. Nakasunod naman agad sa kanya si Xia na naging mas mahigpit at mas visible na sa pagbabantay sa kanya. Hindi naman unnatural ang bagay na `yon dahil sa Polaris Academy, may mga estudyante talaga na may kasamang bodyguards.

“Xia, please tell the Pebble that I need to talk to him now,” utos niya sa Knight.

“Yes, Your Highness,” magalang na sagot ni Xia, pagkatapos ay kinausap nito si Creed gamit ang bluetooth earpiece. Mayamaya lang, sumabay ito ng lakad sa kanya para mag-report. “Princess Cassiopeia, nasa Boulevard daw ang prinsipe. It’s not a safe zone though…”

“It’s fine,” sabi niya, saka siya dumeretso sa covered walk na papunta sa Polaris Boulevard. “Okay lang na makita kami ng ibang students na magkasama since alam naman nilang magpinsan kami.”

Yumukod lang ang Knight, saka ito bumalik sa puwesto nito sa likuran niya.

Nakita agad ni Blossom si Roarke no’ng naglalakad na siya sa roadside ng Polaris Boulevard. Matangkad ang kakambal niya at ginto pa ang kulay ng buhok kaya hindi ito mahirap makita. Nakasandal ito sa isang puno ng bougainville na kulay pink ang mga bulaklak habang nakahalukipkip. Napansin din niya si Creed sa hindi kalayuan pero bukod sa Knight, wala naman nang ibang tao.

She dismissed her Knight before facing her twin brother who didn’t move an inch but nodded at her as a greeting.

“Prince Roarke,” magalang na pagbati niya sa kapatid. “I think we have a problem.”

“Ramdam ko nga,” sagot ng prinsipe sa seryosong boses. “Bago kami i-dismiss ng adviser namin kanina, may ibang teacher na dumating para sunduin si Yuki. Pinatawag daw siya sa principal’s office.”

“Koji, too,” nag-aalalang dagdag naman niya. “I have a feeling na pati si Cassy, pinatawag na sa principal’s office. Nakita ko kasing may sinulat din na masamang article tungkol sa kanya.”

Kumunot ang noo nito at biglang napaderetso ng tayo. “Do you have any idea about what’s happening, Princess Cassiopeia?”

Tumango lang si Blossom, pagkatapos ay nilabas niya ang phone niya at binuksan ang page ng Polaris Academy Website. Saka niya `yon pinakita sa kakambal niya na mabilis tumingin sa screen ng phone niya. “This is the problem, Prince Roarke.”

ROARKE stormed in the cafeteria like a royalty that he was. He was, of course, followed by Creed and his other three Knights.

Hangga’t nasa Pilipinas siya, ayaw sana niyang gumawa ng eksena o conflict laban sa iba. Pero sa nangyayari ngayon sa Polaris Academy, hindi niya mapigilan ang galit niya. Ang pinakaayaw pa naman niya sa lahat ay ang na-o-oppress ang minority sa isang school. Sa academy na `to, ang mga estudyanteng nagmula sa simpleng pamilya ang pinakakawawa sa lahat.

“Prince Roarke!” nakangiting bati sa kanya ni Brenda na tumayo at kumaway pa.

Huminto siya sa paglalakad no’ng nasa tapat na siya ng mesa na pinagsasaluhan nina Brenda, Eloise, Tray, Vonn, at Chase na halos mabasag ang mukha. Nasabi na sa kanya ni Blossom ang nangyari kaya hindi na siya nagulat sa nangyari sa pinsan niya. Koji did a good job, huh?

Simula nang dumating siya sa Polaris Academy, napansin na niyang ang grupong ito ang de facto leader. Mukhang si Chase ang boss at si Brenda namana ng lady boss. Hindi naman sa hindi lang ang dalawa ang nagmula sa makapangyarihan at maimpluwensiyang pamilya. Ang Serranilla at Zulueta lang ang talaga ang inaabuso ang family background ng mga ito. Thankfully, tahimik naman `yong ibang kasing ‘level’ ng mga bully na `to.

But as they say, ‘when good people are silent, the evil prospers.’

“I’m in a hurry so I’ll make this quick,” deklara ni Roarke, nakatingin sa grupo ng magaling niyang pinsan. Napansin niyang naging seryoso si Brenda at bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Chase. “Everyone, please listen to me.”

Naramdaman niyang tumingin sa kanya ang lahat ng estudyanteng nasa cafeteria ng mga sandaling `yon pero nanatiling nasa isang grupo lang ang atensiyon niya. Ayaw niya sanang magbintang pero malakas talaga ang loob niya na sa squad na `yon nagmula ang kung sinumang nag-upload ng mapanirang article tungkol kina Cassy, Yuki, at Koji.

“Sigurado akong alam niyo nang nasa principal’s office ngayon sina Cassy, Koji, at Yuki,” pagsisimula niya. “May pakiramdam ako na dahil `yon sa mapanirang articles na naka-upload ngayon sa Polaris Academy Website.”

Biglang naging sobrang tahimik ng lahat.

“‘Mapanira?’” nakataas ang kilay na tanong naman ni Chase na unang nakabawi sa lahat. “Dear cousin, sinasabi mo na sinulat at in-upload lang ang articles na `yon para sirain ang new friends mo? Hindi ka ba masyadong nagiging biased niyan?”

“Let’s not be hypocrite here, cousin,” sagot niya, saka siya humalukipkip. “Everyone in this room knows a stupid caste system in this academy exists. Kasi lahat ng nandito ngayon, nakikinabang sa sistemang `yon. Every Polarian here is privileged, am I right?”

Walang sumagot sa kanya.

Tumango-tango siya nang ma-realize niya kung gaano katigas ang bungo ng mga ‘kalaban’ niya ng mga sandaling `yon. This people left him with no choice but to pull out his last card. “You know why I’m here, right? I’ll give you an update on my mission in this academy.” He stopped for a quick dramatic pause. “Nasa final stage na ang partnership between Polaris Academy and Magnolia High. In fact, nagkaroon na ng verbal agreement ang board director ng dalawang school. Hinihintay na lang nilang matapos ang contract para masimulan na ang pag-establish ng student exchange program na bubuksan officially sa susunod na academic year.” Pinatong niya ang kamay sa dibdib. “I’m the first lucky student to experience school life in Polaris Academy. Meaning, sa endorsement ko nakasalalay kung matutuloy ba ang malaking project na `to o hindi.” Pinasadahan niya ng tingin ang lahat ng estudyanteng nasa cafeteria. “I actually liked Polaris so I supported the partnership between the two schools. Pero sa nangyayari ngayon, it seems like I have to retract my initial recommendation.”

Sa totoo lang, halos tapos na ang misyon ng delegates ng Elestia dito sa Pilipinas. Ang board of directors ng Magnolia High na kasama niyang nagpunta sa Polaris Academy, gabi-gabing imbitado sa party ng mga miyembro ng high society sa bansang ito. Pero sa susunod na linggo, kapag napirmahan na ang mga kontrata, mauuna nang bumalik sa Elestia ang mga ito.

“It’s your call, Your Highness,” mayabang na sagot naman ni Chase na tumayo pa at nakapamulsang humarap sa kanya. Hindi ito nakangisi pero nando’n pa rin ang defiance sa mga mata nito. “To be honest, it’s an honor for Polaris Academy to have been chosen as the best private institution in the country. Of course, we’re also pleased to be acquainted with a prince like you. But to be honest? Walang epekto sa’min kung matuloy man o hindi ang partnership between our school and yours. We don’t need students from Magnolia High to validate the excellence of this academy anyway. Our alumni are doing a great job at proving the world that Polarians are capable of great things.”

Smartass.

Tumaas ang kilay ni Roarke. Lalo siyang na-cha-challenge dahil sa pinsan niya. “Does the world you’re speaking of know the existence of the caste system you built?”

Ngumisi si Chase, halatang ayaw magpatalo. “Can you prove its existence?”

“We can try, dear cousin.”

Napangiti siya nang marinig ang boses ni Cassiopeia. Nalingunan niya ang kapatid niya na kapapasok lang ng cafeteria kasunod si Xia…

… at ang maraming mga estudyante na hindi niya kilala.

Tumayo sa tabi niya ang prinsesa at iminuwestra ang mga kasama nito. Kina Chase at Brenda nagpalipat-lipat ng tingin ang kakambal niya. “You know them, right? Mga kaklase niyo sila, eh.”

Hindi nakasagot sina Chase at Brenda pero binigyan ng dalawa ng masamang tingin ang kaklase ng mga ito. Gayunman, nanatiling determinado ang mukha ng mga estudyanteng kasama ng kapatid niya na para bang sinasabing walang planong magpasindak ang mga ito.

“I was looking for Cassy to confirm if she has been summoned to the principal’s office as well,” pagsisimula ni Cassiopeia sa seryosong boses. “Pagdating ko sa classroom niyo at sinabi ko ang reason kung bakit ko siya hinahanap, isa sa mga classmate niyo ang nagpakilala sa’kin…” Iminuwestra nito ang isang female student na mukhang simple lang ang pamumuhay base sa ayos at vibes nito. “Beautiful Astra here shared something really nice to me. Na-touch daw siya sa mga sinabi ni Cassy tungkol sa pagkakaro’n ng self-respect kahit pa ang consequence niyon ay ang ma-bully ng mga RK.”

Napangiti si Roarke nang maalala niyang sinabi niya ang mga bagay na `yon kay Cassy. Did she quote him? Ibig din bang sabihin, may epekto ang mga salita niya sa dalaga? For some reason, it made him really excited.

“But you know what’s more interesting?” nakangiting pagpapatuloy ni Cassioepia na humalukipkip pa at ngumisi habang nagpapalipat-lipat ng tingin kina Chase at Brenda. “Willing daw siyang i-share sa’kin ang pam-bu-bully na na-experience niya dahil sa caste system na ginawa niyo.” Tinuro ng kakambal niya ang iba pang mga estudyanteng kasama nito. “Not only Astra. `Yong mga kaklase niyo na kino-consider niyo na mga VVIP at VIP, sinabing mag-te-testify sila at hindi na mananahimik sa unfair system na meron ang academy na `to sa mga kino-consider niyong “lower class.””

“Then do that,” matapang na hamon naman ni Brenda na tumayo pa at namaywang habang matalim ang tingin sa mga kaklase. “You all know na walang physical evidence na puwedeng mag-prove sa caste system na `yan. It’s not like ginawan namin kayo ng ID based on your ‘status.’ Hindi namin kasalanan na may sumunod sa trend namin. Lahat ng statement niyo, magiging invalid lang.”

Napasimangot si Roarke. Mahirap ngang i-claim ang bullying na nagaganap kung walang ebidensiya. Nagmula sa mayayaman at influential na mga pamilya ang karamihan sa makakalaban nila. Siguradong hindi papayag ang mga magulang ng mga ito na masira ang pangalan ng mga anak.

Damn.

“We’re not aiming to prove that the caste system exists,” deklara naman ni Blossom. “We only aim to spread awareness. `Yon ang mas importante sa’min. Kailangang maging aware ang school officials sa nangyayaring bullying dito dahil sa caste system na `yan. Gusto rin naming maging aware ang ibang ‘good people’ na i-break na ang silence nila dahil marami kaming gusto na ring wasakin ang sistema na `to.” Saglit itong huminto na parang nag-ipon ng tapang bago nagpatuloy. “To be honest, I kept my silence for long not because I’m afraid of you. Hindi rin ako umiiwas na magkaro’n ng conflict sa ibang family. The truth is I was afraid that the minority will only suffer more if I try to protect them. Like what’s happening right now. The prince and I stood up against you but you attacked the weak instead of facing us head-on.”

Napatingin si Roarke sa kakambal niya. Ah, ngayon niya lang naintindihan kung bakit nanahimik ito. Hindi natatakot ang prinsesa para sa sarili nito. Natatakot ito na lalong mapag-initan ang minority at iyon ang eksaktong nangyayari ngayon. Hindi niya `yon naisip agad kaya bigla siyang na-guilty.

I put Cassy and the rest on jeopardy by convincing them to fight back.

“Pero nang nakausap ko ang classmates ni Cassy na na-inspire lumaban dahil sa kanya, na-realize ko na kaya naming protektahan ang mga student na binu-bully niyo,” pagpatuloy ni Cassiopeia sa determinadong boses. “Alam naming hindi agad-agad ma-pu-prove ang claims namin pero siguradong magsisimula ng investigation ang school tungkol sa i-fa-file naming complaint. We will make sure na hindi kayo matatahimik kapag nangyari `yon.”

Natahimik sina Brenda at Chase, gano’n din ang iba pang mga kaibigan ng dalawa. Halatang nag-pa-panic ang mga ito habang nagtitinginan.

“Delete the articles now and post an apology letter,” demand ni Roarke sa mariing boses. “Kung hindi niyo `yon gagawin ng voluntary, ipapa-trace ko kung sino ang nag-upload niyon para masampahan ng formal complaint. Mas malaking gulo `yon, `di ba?”

Walang nakasagot sa kanya.

“I’ll give you a chance to redeem yourselves,” pagpapatuloy ni Roarke. “Kung tatanggalin niyo ang articles na `yon, i-ko-consider namin na act of conceding niyo `yon at hindi niyo na uli gagamitin ang caste system para mam-bully ng iba. Pero kung hindi niyo aalisin ang articles, i-ko-consider namin `yon na itutuloy niyo pa rin ang laban na `to. Kung `yon ang choice niyo, wala kaming magagawa kundi ang i-report na sa school officials ang tungkol sa bulok niyong caste system.”

“Why are you doing this, Roarke?” galit na sumbat sa kanya ni Chase. “It’s not like you’re going to be here permanently.”

“Do I need a reason to do the right thing?” sagot ni Roarke. “I’m just being a decent human being, dear cousin.” Tinalikuran na niya ito. “You should try doing the same for a change.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.