“NAISIP niyo ba kung ga’no kalaking kahihiyan ang dinala niyo dito sa Polaris Academy?”
Naikuyom ni Cassy ang mga kamay sa sobrang inis sa tanong na `yon ni Principal Veneracion habang nakaharap sa kanila ang screen ng laptop sa mahogany table nito. Nakabukas ang page ng Polaris Academy Website do’n, partikular na sa nakakasirang article tungkol sa kanya. Pero mas malala naman ang malicious write-up tungkol kina Koji at Yuki na kasama niya rin ngayon sa opisina.
Tiningnan niya ang mga kaibigan niya na magkatabi sa dalawang receiving chari sa right side ng principal. Habang siya naman, mag-isa sa left side ng matanda. Gaya niya, nakasimangot din sina Koji at Yuki na halatang hindi masaya sa tanong ni Principal Veneracion kanina.
“Koji Takishima and Yuki Hinata,” malamig na pagtawag ng principal habang nakatingin sa dalawang lalaki. “Simula mamayang gabi, paghihiwalayin na kayo ng kuwarto. Nakakahiya na kumalat pa ang ganitong balita ngayong roommate niyo na rin ang prinsipe.”
“Pero hindi naman ho totoo ang tsismis…” halatang takot at mahinang katwiran naman ni Yuki.
“Hindi ho kami maghihiwalay ni Yuki ng kuwarto,” malakas at mariing deklara ni Koji dahilan para mapatingin dito ang principal na may gulat sa mukha. “Kung gagawin ho namin `yon, para na rin ho naming inamin na totoo ang malicious rumors tungkol sa’ming dalawa. Wala naman ho kaming ginagawang masama kaya hindi ho natatakot sa tsismis na `yan.” Saglit itong huminto. Nang muli itong magsalita, may kaunting paghihinanakit na sa boses. “The first action you should have made was to put the articles down. Then find the uploader. Sa totoo lang ho, puwede naming idemanda kung sinuman ang nagsulat niyan. That’s character assassination. We can file slander against the writer.”
“Don’t tell me what to do, Mr. Takishima,” sermon ng matanda habang nakatingin ng masama sa binata. “Hindi na mahalaga kung totoo o hindi ang tsismis na `yan. We can do an investigation later. Ang mas importante sa ngayon, gumawa ng paraan para matigil ang pagkalat ng nakakahiyang balita. Kasama niyo sa kuwarto ang prinsipe! Kapag nakarating ito sa royal family niya sa Elestia, baka hindi matuloy ang partnership sa pagitan ng Polaris Academy at Magnolia High. Bilang principal ng school na `to, kailangan kong gumawa ng immediate action para protektahan ang image ni Roarke.”
Nagprotesta ang kalooban ni Cassy sa pagiging unfair ng principal pero bago pa niya ma-voice out ang opinyon niya, naunahan na siya ni Koji.
“How about our welfare, Principal Veneracion?” paghihinanakit ni Koji. “Naiintindihan ko ho na hindi lang sa Polaris mahalaga na masigurong safe sa kahit anong aspect ang prinsipe. Alam ko rin ho na nakasalalay sa partnership ng mga school natin ang pagpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at Elestia. But how about us?” Iminuwestra nito si Yuki na halatang nagpipigil lang umiyak. “We’re also students from this academy. You should also protect us. Pagkatao ho namin ang nasisira dito, eh.”
“Exactly,” katwiran naman ng principal pero makikita sa mukha nito na napahiya ito sa mga sumbat ni Koji. “Pinoprotektahan ko kayo kaya nga ang gusto ko, maghiwalay na kayo ng kuwarto ng matigil na ang mga tsismis. Mahalaga pa ba kung sino ang nagsulat ng article na `yon? Matatagalan lang kung i-te-trace natin kung sino ang nag-upload niyon. Like I said, we need immediate action. Kapag nag-die down na ang tsismis, saka na tayo mag-imbestiga. Kailangang mawala agad ang balitang ito bago pa makarating sa delegates ng Elestia na kasamang dumating ng prinsipe dito.”
Ngumisi ng mapait si Koji. “You’re just protecting your own image, Principal Veneracion.”
“Oo nga ho,” pagsang-ayon naman ni Cassy nang hindi na siya makatiis sa pang-aapi kina Koji at Yuki. Kunot-noo siyang nilingon ng principal pero nagpatuloy pa rin siya. “Kailangan ho nating hanapin ang nag-upload ng mga article tungkol sa kanila. `Yong nagsulat ho dapat ang i-confront niyo.”
“Miss Hart, isa ka pa,” sabi sa kanya ng principal sa halatang hindi natutuwang boses. “You should worry about yourself. You know that violence is not allowed here.”
Naikuyom ni Cassy ang mga kamay. Kung hindi lang siya nag-aalala na baka walang mag-back up sa kanya, baka isinumbong na niya ang tungkol sa caste system ng school. `Yon ang totoong ‘violence.’ Pero naisip niya na sa estado ngayon ng principal, halatang wala itong balak makinig sa kanila. Para bang sa isipan ng matanda ay guilty na sila ng mga kaibigan niya.
“Napanood ko ang video kung saan sinipa mo sa mukha si Chase Serranilla,” pagpapatuloy ni Principal Veneracion nang tumahimik lang siya. “Kababae mong tao, nananakit ka ng ibang tao!”
Now you’re being sexist, Mr. Principal.
Hindi na tuloy niya napigilang sumagot. Siniguro na lang niya na kalmado at magalang pa rin ang boses niya kahit sa totoo lang, naiinsulto na siya sa sinasabi ng principal. “Principal Veneracion, may dahilan ho ako kung bakit ko nagawa `yon kay Chase.”
“Hindi na mahalaga kung ano ang dahilan mo,” giit ng matanda na para bang para rito, tapos na ang usapan. “Ang point dito, nagpakita ka ng violence at nanakit ng kaklase mo.” Umiling-iling pa ito. “Ayon sa nabasa ko sa article, kahit sa dati mong school ay madalas kang mapaaway. Kahit mga lalaki, nilalabanan mo raw. Is that how a young lady should act, Miss Hart?”
Nag-init ang mga pisngi niya sa pagkapahiya kaya lalo niyang hindi napigil ang pagsagot kahit alam niyang mali `yon. “This stupid society should really stop telling women what to do or how to act to be a considered a ‘decent lady.’ Hindi ko ho kailangang sumunod sa standards ng kahit sino dahil alam ko naman ho sa sarili ko na higit sa pagiging ‘proper lady,’ disenteng tao ho ako.”
“Miss Hart!”
“Kinakampihan niyo ho ba si Chase dahil lalaki siya?” hindi napigilang sumbat niya sa principal na namumula na sa galit. “O baka naman ho natatakot kayong humarap sa family niya kapag nalaman nilang nasaktan ang Serranilla prince sa loob ng Polaris Academy?”
Binagsak ni Principal Veneracion ang mga kamay sa mesa. “Tama na, Miss Hart!”
“Calm down, sir,” halatang sarcastic na sabi naman ni Koji. “Violence is not allowed here, right?”
Sumigaw ang principal na parang kinakalma ang sarili, pagkatapos ay humawak ito sa batok at sumandal sa kinauupuan. “Tumataas yata ang presyon ko sa inyong mga bata kayo!”
Kinagat ni Cassy ang lower lip para pigilan ang sariling matawa, pagkatapos ay tiningnan niya si Koji na nginitian niya. Tumango lang ang lalaki bilang sagot, saka nito binunggo sa balikat si Yuki na halatang kalmado na, hindi gaya kanina na para itong maiiyak.
Mabuti na lang at may rapport at loyalty silang magkakaibigan kaya nagawa nilang back-up-an ang isa’t isa sa harap ng school principal.
“Mr. Veneracion!”
Napatingin si Cassy sa pinto nang bumukas `yon. Kumunot agad ang noo niya nang makita ang vice principal na si Mrs. Hipolito. Halata sa maliit na mukha ng matandang babae ang pag-aalala.
“What is it, Vice Principal Hipolito?” nagtatakang tanong ni Principal Veneracion.
“The prince is outside,” pagbabalita ni Mrs. Hipolito sa natatarantang boses. “And he said he needs to talk to you now.”
“Then let him in,” mabilis na sabi naman ng principal at tumayo pa talaga ito. “Don’t make the prince wait outside.”
“Yes, sir,” sagot ni Mrs. Hipolito na nagmamadaling lumabas ng opisina.
Nagtaka naman si Cassy. Ano naman ang gagawin ni Roarke sa principal’s office? Tiningnan niya sina Koji at Yuki na parehong nagkibit-balikat. Ah, pare-pareho lang silang walang alam sa nangyayari.
Nabalitaan ba ng prinsipe ang pagpapatawag sa’min dito sa principal’s office?
Bumukas ang pinto at sa pagkakataong `yon, kasunod na ni Mrs. Hipolito si Roarke. Pero mabilis ding lumabas ng opisina ang vice principal. Ang prinsipe naman, tumingin at tumango lang sa kanila nina Koji at Yuki bago ito tumayo sa harap ni Principal Veneracion.
“Roarke,” masiglang bati ng principal dito. “Hindi ko in-e-expect ang pagdating mo pero welcome ka naman dito sa office ko anytime.” Tiningan siya ng matanda, gano’n din sina Koji at Yuki, at kinausap sila habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang tatlo. “Miss Hart, Mr. Takishima, and Mr. Hinata, you’re dismissed for now. Ituloy na lang natin ang usapan na `to bukas ng umaga… kasama ang mga magulang niyo.”
Sabay-sabay napatayo sina Cassy, Koji, at Yuki na sabay-sabay ding napasigaw. “Principal!”
“Shh,” saway sa kanila nito, sabay turo sa pinto. “You can leave now.”
Mangangatwiran pa sana si Cassy pero naunahan siya ng prinsipe sa pagsasalita kaya natigilan siya at napatingin na lang dito.
The prince looked stiff and serious while talking to the principal.
“Let them stay since I’m here to talk about their situation, Principal Veneracion,” pormal na sabi ni Roarke sa boses nitong walang emosyon. Para itong estatwa sa sobrang straight ng pagkakatayo. Even the features of his face seemed harder and sharper than usual. “Nabasa ko ang articles tungkol kina Miss Hart, Mr. Takishima, at Mr. Hinata na naka-upload ngayon sa Polaris Academy Website.”
“Prince Roarke, we’ll fix this as soon as possible,” mabilis at halatang natatarantang sabi ni Principal Veneracion. “I’m sure you’re bothered by the rumors but rest assured, this is the first time that something like this happened in Polaris. Hindi namin tino-tolerate ang violence dito…” Pinasadahan nito ng tingin si Cassy bago binigyan ng makahulugang tingin sina Koji at Yuki. “Gano’n din ang inappropriate relationship sa loob ng academy. Sisiguraduhin kong mabibigyan sina Miss Hart, Mr. Takishima, at Mr. Hinata ng parusa para sa violations nila.”
“What have they done wrong to receive punishment?” malamig na tanong ng prinsipe.
“Hmm?” halatang nabiglang tanong ng principal. “Pardon?”
“Principal, nandito ako para tulungan silang linisin ang mga pangalan nila,” paliwanag ni Roarke. “Alam kong wala akong kinalaman sa nangyayari sa kanila pero bilang new Polarian, iniisip ko nang parte na talaga ako ng school na `to kaya hindi ko kayang manahimik lalo na’t alam ko ang totoo.” Tinuro ng prinsipe ang laptop sa mesa. “Sir, please refresh the page.”
Halatang nagtataka si Principal Veneracion pero sumunod pa rin ito. Yumuko ito at hinarap ang laptop dito. Mayamaya lang, nanlaki ang mga mata nito na parang nagulat. “The articles were taken down…” Nag-angat ito ng tingin sa principal. “May anonymous apology letter din na nagsasabing hindi totoo ang mga naunang post sa website kanina at ginawa niya lang daw `yon para siraan sina Miss Hart, Mr. Takishima, at Mr. Hinata.”
Nanlaki ang mga mata ni Cassy. “Really?”
Tumingin sa kanya ang principal, pagkatapos ay hinarap nito sa kanila ang laptop.
Yumuko siya para makitang mabuti ang apology letter, gano’n din sina Koji at Yuki. Gaya ng sinabi ni Principal Veneracion kanina, wala na nga `yong mapanirang articles tungkol sa kanila ng mga kaibigan niya. Napalitan `yon ng apology letter.
“The articles posted about Miss Cassy Hart, Mr. Koji Takishima, and Mr. Yuki Hinata are all false reports intended to tarnish their reputation– an action we deeply regret. We’re very sorry to everyone we’ve hurt by the published write-ups. We hope that the mistake we made doesn’t reflect on the good name of Polaris Academy.”
Hindi pa rin siya makapaniwala. Pa’no nangyari `yon sa loob lang ng kalahating oras na nasa Principal’s Office sila?!
“Nabasa ko ang apology letter na `yan kaya naisipan kong pumunta dito bago ka pa makagawa ng malaking pagkakamali sa mga inosenteng Polarian, Principal Veneracion,” seryoso pa ring sabi ni Roarke, nakatingin pa rin sa principal. “`Yong tungkol naman sa pananakit ni Cassy Hart kay Chase Serranilla, alam kong mali `yon. Pero may isang estudyante ang nagpasa sa’kin ng full video kung pa’no nagsimula ang away nila. Kung ako ang tatanungin, parehong may kasalanan sina Miss Hart at Mr. Serranilla.” Sa pagkagulat niya, bigla na lang ngumiti ang prinsipe– ngiti na para bang may naiisip itong kalokohan. “Kaya unfair kung si Cassy lang ang makakatanggap ng parusa. `Di ba, Principal?”
NA-RELIEVE si Koji na naayos ang problema nang hindi pinapatawag ang mommy niya at nanatiling safe pa rin ang scholarship niya. Nakalagay kasi sa rule ng Polaris Swordsmen Association na `yong mga scholar na ma-i-involve sa malaking gulo, matatanggalan ng scholarship. Isa `yon sa mga dahilan kung bakit tinitiis niya noon ang pam-bu-bully sa kanya ni Chase at ng mga kampon nito.
I’m really glad the fiasco ended peacefully.
“Koji!”
Nalingunan ni Koji si Blossom na nakaupo sa ledge ng terrace sa tapat ng principal’s office. Mukhang kanina pa siya hinihintay ng dalaga. “Hey, it’s dangerous there. `Wag kang umupo d’yan,” marahang saway niya rito habang naglalakad palapit dito. Nasa second floor sila at nag-aalala siya na baka ma-out of balance ito at mahulog kaya nilahad niya rito ang kamay niya. “Here.”
Ngumiti naman si Blossom at hinawakan ang kamay niya, pagkatapos ay hinayaan siya nitong alalayan ito sa maingat na pagbaba sa ledge. Napansin niyang binitawan agad siya nito, hindi gaya noon na sinasamantala nito ang bawat pagkakataon na puwede nitong mahawakan ang kamay niya.
Shut it, Koji Takishima, saway niya sa sarili. You’re being too arrogant. Her universe doesn’t revolve you. Not anymore, at least.
“Nasa’n na nga pala sila?” kunot-noong tanong ng babae habang nakatingala sa kanya. Sa pagkakataong `yon, sumandal naman ito sa balustre pero mataas-taas naman `yon kaya hindi siya masyadong nag-alala na baka mapasobra ang liyad nito at mahulog ito bigla. “Bakit ikaw pa lang ang lumalabas ng principal’s office?”
“Kausap ni Principal Veneracion sina Chase at Cassy,” sagot niya, saka siya sumandal sa tabi ng dalaga pero siniguro naman niyang may enough space sa pagitan nila para hindi sila magkadikit. Hindi sa ayaw niya itong madikitan. Natatakot lang siya na baka mawala siya sa kontrol kapag nahawakan niya uli ito sa paraang gusto niya. “Pareho silang mabibigyan ng punishment dahil sa pag-aaway nila. Nando’n si Roarke para siguruhing magiging fair ang parusa sa dalawa. Yuki decided to stay to… well, accompany the prince?” Napapalataktak siya habang iiling-iling. “The boy is smitten. Ang tagal ko na siyang sinasabihang ipaglaban ang sarili niya kasi hindi naman sa lahat ng oras eh magkasama kami. Pero sa isang prinsipe lang pala siya makikinig. Yuki decided to fight back because of the prince.”
Natawa ng mahina ang dalaga habang iiling-iling. “Uyy, someone is jealous.”
Napangiti lang siya dahil alam naman niyang good natured ang panunukso nito. Kahit anong pagdududa sa kanya ng mga schoolmate niya noon tungkol sa sexuality niya o kahit ilang beses pa siyang sabihang bakla ng iba, hindi siya natakot na baka maniwala si Blossom sa mga tsismis. Confident naman siya sa sarili niya. And this wonderful girl always looked at him like he was the manliest man she had ever met. “I’m happy for Yuki though,” pag-amin niya mayamaya. “Hindi naman ako natatakot na baka masaktan siya kasi alam kong alam niya na straight ang prinsipe. Alam naman ng best friend ko ang limitations niya. Natutuwa lang ako na inspired siya at nag-decide na magkaro’n ng backbone laban sa mga bully ng dahil sa encouragement ni Roarke. I just hope that the prince won’t feel awkward or disgusted kapag nalaman niya ang feelings ni Yuki. Hindi malayong mangyari `yon, eh. That guy doesn’t know how to stare discreetly.”
“Don’t worry, Koji. Roarke respects Yuki. The prince can deal with this without breaking your best friend’s heart and confidence.”
Natahimik si Koji bigla. Napansin kasi niya na gentle at may admiration na ang pagbanggit ni Blossom kay Roarke hindi gaya noon na parang galit na galit ang dalaga sa prinsipe. Siguro naging close ang magpinsan no’ng gabing nakita niya si Roarke na iligtas si Blossom.
Yes, he was there too.
“I have to go, Koji,” paalam ni Blossom mayamaya. “Mag-de-date kasi kami ng mommy ko ngayon at i-a-assure ko siya na deserved ni Chase ang nangyari sa adoptive brother ko.”
Nag-init ang mga pisngi niya. Naaalala niya si Mrs. Mira Serranilla– ang mommy nina Chase at Blossom– bilang sweet, gentle, at humble na ginang sa kabila ng estado nito sa buhay. Nakikita niyang genuine ang pagmamahal at pag-aalala nito kay Blossom sa tuwing may school activities na kailangan ang presence ng mga magulang nila. And Blossom talked about her adoptive mother with love and respect which proved that though not related, the two had a good mother and daughter relationship.
Lalo tuloy siyang na-guilty.
“I’m so sorry, Blossom,” sincere na sabi ni Koji. “I mean, I don’t regret hitting Chase. Pero aaminin kong napasobra `yong pambubugbog ko sa kanya. And I feel bad that I’ve scared you.”
“Sinadyang magpabugbog ni Chase para lalong mapasama ang lagay niyo sa paningin ni Principal Veneracion so don’t worry about it, Koji. Wala namang masamang nangyari sa kanya.” Tumingala ang dalaga sa kanya para bigyan siya ng matamis na ngiti. “And don’t worry about me. Medyo natakot ako no’ng nakita kong binubugbog mo si Chase. Siyempre, uunahin ko munang i-check ang condition ng adoptive brother ko since siya `yong mas nasaktan sa inyong dalawa. Pero after no’n, nag-worry naman ako sa’yo. `Yon nga lang, hindi agad kita nakamusta kasi pinatawag ka na sa principal’s office.”
Bigla siyang na-relieve. Aaminin niyang para siyang tanga na nagseselos at nagtatampo kanina dahil mas inuna ni Blossom ang pag-asikaso kay Chase. Pero ngayon, masaya siyang malaman na may pakialam pa rin sa kanya ang dalaga. But then again, it made him feel guilty. “Blossom, why are you still good to me even after I’ve hurt you? You should be mad at me.”
“I was mad at first. I even tried to hate you,” natatawang pag-amin naman ni Blossom habang iiling-iling. “But I failed miserably. I can’t even stay mad at you for long.”
Kulang ang sabihing na-touch si Koji sa pagmamahal na naramdaman niya mula sa dalaga. Hindi tuloy siya nakasagot o nakapag-react man lang. He just stood there, staring at her while wondering how a lovely girl like her could love a coward like him.
“I think my love for you is greater than my frustration,” pagpapatuloy ng babae, nakangiti pa rin habang iiling-iling. “Plus, it’s not your fault that you don’t like me back. Pero rest assured, I won’t burden you with my feelings. Hindi na kita kukulitin o pipiliting i-date ako.”
His heart sank at that but he wasn’t stupid to complain after turning her down.
Wala na siyang nasabi o nagawa hanggang sa muling magpaalam si Blossom at tuluyan nang umalis. Para siyang na-estatwa na lang habang nakatingin sa hallway kahit wala na ang dalaga sa paningin niya. Understatement siguro kung sasabihin niyang pinagsisisihan niya ang desisyon niya.
“You’re a fool, Koji Takishima.”
Nalingunan ni Koji si Roarke na nakatayo na pala malapit sa kanya. Hindi niya namalayang lumabas na pala ito ng principal’s office. “Ah, Roarke. Nasa’n sila?”
“Nasa loob pa,” sagot nito, saka ito tumayo at sumandal sa tabi niya. “I just went out to get some fresh air.”
“`Yon lang ba o in-e-expect mong makita si Blossom dito? Kakaalis lang niya.”
Binigyan siya ng prinsipe ng kakaibang tingin. “Wait, Takishima. Are you jealous of me?”
Humalukipkip lang siya at tumingin ng deretso para itago dito ang pagkapahiya niya. Masyado ba siyang halata? “Hindi naman mahirap ma-fall kay Blossom kaya hindi kita masisisi kung nagustuhan mo rin siya. She’s beautiful inside and out.”
“Argh, stop that. I’m getting goosebumps here.”
Kunot-noong nilingon niya ang prinsipe at hindi niya nagustuhan ang nakita niyang disgusto sa mukha nito. “Bakit parang disgusted ka? Do you think Blossom isn’t good enough for you?”
“No, that’s not it,” mariing kaila naman nito habang matigas na umiiling. “Blossom is like a little sister to me. You don’t fall in love with a sibling, you know.”
“You two aren’t blood-related so you can’t blame me for feeling this way,” katwiran naman ni Koji. “I saw the night she ran away. Nag-alala ako no’ng itext ako ni Cassy at sinabi niyang lumabas daw si Blossom ng dorm ng gano’ng oras. Napansin kong umalis ka rin ng room natin so tumakas din ako. Nakita kita sa labas ng academy kaya sinundan kita sa park. Naunahan mo ko sa pagliligtas kay Blossom.” Tiningnan niya ang prinsipe. “No’ng nakita ko kayong magkasama, hindi ko napigilang isipin na bagay kayo. You’re a prince and she’s as good as any princess in the world.”
Bumuga ng hangin si Roarke habang iiling-iling. “Koji, I don’t and I’ll never like Blossom in a romantic way.” Tinapik siya nito sa balikat. “Kung ganyan ang feelings mo para sa kanya, bakit hindi ka pa mag-confess sa kanya? Why do you have to hurt yourself like that?”
Napayuko si Koji dahil nahihiya siya sa aaminin niya. “I don’t think I have the time and money to date Blossom. Sanay siya sa comfortable na buhay pero sa sitwasyon namin ng mommy ko ngayon, wala akong luxury na makipag-date. I can’t even bring her to a fancy restaurant at my current state.”
“`Yan ba ang reason kung bakit ni-reject mo siya?”
Tumango siya. “I want to be at my best when I date her. Pero unfair naman kung maghihintay siya ng gano’n katagal. So I let her go.”
“You’re really a fool, Takishima,” frustrated na sabi ni Roarke. “It’s for Blossom to decide, you know. Hindi mo pa naman siya tinatanong kung anong stance niya sa sitwasyon niyo, `di ba?”
Napaisip si Koji. Baka nga tama si Roarke. Bakit nga ba hindi niya naisip `yon?