NAPANGITI si Blossom nang mabasa niya ang message ni Nikita sa private chat nila. Pauwi na ito ng Pilipinas sa susunod na linggo. Finally, makakasa na uli niya ang best friend niya!
“Bakit parang masaya ka?”
Napasinghap siya sa gulat nang marinig ang boses ni Koji paglabas niya ng Aurora Dormitory. Nakaupo ito sa ledge ng santan flower hedge sa tapat ng dorm. Napakurap-kurap siya habang nakatitig sa binata. Totoo ba ang Koji Takishima na nakaupo ngayon do’n habang nakahalukipkip at titig na titig sa kanya? Hindi ba ito panibagong product lang ng imagination niya?
Para makasiguro, naglakad siya palapit sa binata at marahang tinusok-tusok ng daliri ang maputi, makinis, at malambot nitong pisngi.
Ah, he’s warm.
“I’m real, Blossom,” nangingiting sabi naman ni Koji, saka nito hinawakan ang kamay niyang nangingialam sa mukha nito. He gently pulled her closer until she was standing between his legs and still, he didn’t let go of her hand– he even entwined their fingers together. “Good morning, my love.”
My love?!
Napakurap-kurap uli siya. Hindi pa rin siya makapaniwalang si Koji nga ang kaharap niya kaya `yong isang kamay naman niya ang umangat para pisilin ang kabilang pisngi nito. Mainit at makinis pa rin ang balat nito. “You’re not an imagination, are you?”
Umiling ang binata, pagkatapos ay kinuha uli ang isa pa niyang kamay. “I’m not.”
“So… what’s happening?” kabadong tanong niya.
“Blossom, gusto ko sanang bawiin `yong una kong sagot tungkol sa pag-de-date natin,” maingat at gentle na sabi ng lalaki. “Pero bago `yon, gusto kong makinig ka muna sa mga sasabihin ko bago ka mag-decide kung tatanggapin mo ba ko o hindi na.”
She was still dumbfounded so she just nodded her head.
“I like you so much so I’ve been too embarrassed to admit this before but now, I’ve decided to become honest,” pagsisimula ni Koji sa seryosong boses. “The truth is I don’t have the luxury to date you even if I want to, Blossom. Nagtatrabaho ako pagkatapos ng klase ko kaya kung mag-de-date tayo, siguradong between breaks lang tayo magkakasama– pinakamatagal na ang lunch break. We can go out on weekends but I can’t bring you to fancy restaurants or expensive coffee shops that you love. I won’t even be able to pamper you with lavish stuff that I know you’ll like.”
Napasimangot si Blossom. Mukha ba siyang materialistic na babae sa paningin ng binata? “`Yan lang ba ang reason mo kung bakit mo ko ni-reject?”
“I had everything before so it’s hard for me to accept the fact that I can’t even bring my girl to her favorite restaurant anymore,” pag-amin nito sa halatang nahihiya at guilty na boses. “But I realized that my pride isn’t important here. Kaya nandito ako ngayon sa harap mo para bawiin ang desisyon ko noon.” Saglit itong natigilan na para bang nag-ipon muna ng lakas ng loob bago nagpatuloy. “Blossom, I can’t pay for your everyday lunch but I can cook for you from time to time. Tuwing weekends naman, i-de-date kita sa mga fast food chain na gusto mo at maghahanap tayo ng activities na puwede nating i-enjoy nang hindi tayo gumagastos ng malaki. Siyempre, sagot ko na `yon. But don’t worry kasi may ipon naman talaga ako para sa sarili ko. This time, gagamitin ko `yon para makapag-date tayo. I promise that I’ll make you happy each time we go out, kahit hindi extravagant ang mga date natin. I’ll take care of you, my love.” Ngumiti ito at marahang pinisil ang mga kamay niya, halata ang kaba sa mga mata. “Are you okay with that, Blossom? Are you okay with someone like me?”
Mabilis na tumango si Blossom. Hindi na siya makapagsalita kasi masakit na ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. Ang tagal niyang hinintay na marinig `yon kay Koji kaya na-overwhelm siya sa mga confession nito. “I’ve already told you before that you are and you’ll always be my one and only king, Koji Takishima. I believe in you kaya alam kong temporary lang ang sitwasyon mong `yan, love. Saka sigurado ako na magiging masaya ako kahit ga’no kasimple ang magiging mga date natin kasi ikaw ang kasama ko.” Nag-pout siya nang maalala ang tampo niya rito. “Hindi naman ako materialistic kaya hindi ka dapat nahiyang magsabi agad sa’kin ng worries.”
“I’m sorry,” sincere namang sabi nito at marahan pang pinisil ang mga kamay niya. “Hindi ko naman inisip na materialistic ka, Blossom. As a boyfriend, I just want to give my girl all the best things I can offer her. Pero naisip ko na kung hindi kita ma-i-spoil sa mga expensive stuff na gusto kong ibigay sa’yo, i-pa-pamper na lang kita sa oras, attention, at… well, pagmamahal.”
Natawa ng mahina si Blossom nang makitang nag-blush si Koji dahil sa huling sinabi nito. Maybe he realized how cheesy he sounded. “Aishiteru, Koji.”
“Je t’aime, Blossom,” nakangiting sagot naman ni Koji dahil alam nitong marunong siyang mag-French (at madalas siyang magsabi ng ‘Je t’aime’ dito noon). Ang excuse niya, may foreign language class sila ni Chase noon tuwing summer at isa sa mga napag-aralan niyang salita ang French. Totoo naman `yon dahil no’ng dumating siya sa Pilipinas, may French lesson si Chase. Hirap pa kasi siyang mag-Filipino no’n at hindi rin niya madalas gamitin ang English. “Will you be my girlfriend?”
Nakangiting tumango siya. “I’d love to be your girlfriend, Koji.”
“GOOD JOB,” nakangiting sabi ni Roarke sa grupo nina Chase at Brenda na gaya kahapon, magkakasalo sa pahabang mesa sa cafeteria. Maaga pa niya niyon kaya sila pa lang ang mga estudyanteng naroon. Sinadya niyang makipag-meeting sa mga ito ng gano’ng oras. “Dahil tinanggal niyo ang articles at nag-post kayo ng apology letter, tinatanggap ko ang pag-surrender niyo. And since it also means you’re breaking the caste system, sasabihan ko si Blossom na itigil na ang pagkuha sa statement ng mga Polarian na gustong mag-testify laban sa inyo.”
Nanatiling tahimik ang grupo pero ang lahat ng ito, nakasimangot at halatang hindi masaya.
May pakiramdam siya na hindi sila matutulungan ng school officials sa paglaban sa mga bully na puro anak-mayaman kaya nagdesisyon siyang sa ganitong paraan na lang tapusin ang problema. Ang mas mahalaga naman, matitigil na ang caste system sa academy.
Nakita niya kahapon na ilag si Principal Veneracion kay Chase Serranilla pa lang. Himbis na turuan ang lalaki na `wag mang-harrass ng schoolmate– lalo na kung babae– ay binigay lang agad ng matanda ang parusang ‘community service’ para kina Chase at Cassy. “Huwag na raw palakihin ang gulo” at “magpatawaran” na lang alang-alang sa Polaris Academy.
Hindi niya `yon nagustuhan pero wala na sa kapangyarihan niya ang pangingialam sa system ng academy, lalo na ang desisyon ng school principal kaya nanahimik na lang siya. Lumabas siya saglit para kalmahin ang sarili at do’n nga niya nakita at nakausap si Koji.
Anyway…
“One more thing,” dagdag niya bago siya umalis, saka niya tiningnan si Chase. “Don’t even dare lay a finger on Cassy Hart.” Pinasadahan niya ng tingin ang lahat ng nasa mesa. “That goes for everyone. Ipagkalat niyo na rin sa buong academy ang tungkol sa warning ko na `to.”
Ngumisi si Chase. “Aren’t you abusing your power as a prince?”
“I’m not asking this as a prince,” sagot naman ni Roarke, saka siya tumalikod sa mga ito habang patuloy lang sa pagsasalita sa malakas at malinaw na boses para marinig ng lahat. “I’m warning you to leave Cassy alone as a man who wants to protect his girl.”
“ANG SARAP talaga ng beef ribs with sweet-and-sticky sauce ng cafeteria,” hindi maka-move on na komento ni Cassy habang tinatapik-tapik pa ang tiyan niya. “At mas komportable palang kumain sa loob ng cafeteria. Ang cozy. I can’t believe na pinayagan kong ma-monopolize ng certain group of students ang canteen noon.”
“Well, that’s over now,” sabi naman ni Roarke na katabi niyang naglalakad, pagkatapos ay may pasimple itong nginuso. “Look at that.”
Napatingin siya sa direksyong tinuro ng prinsipe. Napangiti siya nang makitang confident nang pumapasok sa cafeteria si Astra kasama ang mga kaklase nilang mix ng yayamanin at `yong mga simple lang din gaya nila. “The caste system is gone.”
Hindi na nag-re-react sina Chase at Brenda– at ang kampon ng dalawa– sa pagbabalik sa normal ng Polaris Academy. Masasabi niyang tumigil na ang pang-aapi sa minority o sa mahihirap na estudyante sa school at naibalik na sa kanila ang mga karapatan nila gaya ng paggamit ng cafeteria at CR kahit pa nando’n ang mga former VVIP at VIP (‘former’ dahil in-a-assume nilang gumuho na rin ang social ranking kasama ng caste system). Pero ramdam niya na hindi masaya ang mga bully sa nangyayari kaya inaasahan na niya ang pagganti ng mga ito kapag nagkaro’n ng pagkakataon.
Sa ngayon, i-e-enjoy niya muna ang katahimikan ng academy.
“Kaya palang labanan ang bully kung matututo kang ipaglaban ang sarili mo at humingi ng tulong sa ibang tao,” amazed na komento ni Blossom mayamaya. “And I realized that being a good person isn’t enough– you also have to be compassionate to know when to break your silence for the sake of other people. `Yong mga schoolmate nating hindi lumalaban noon dahil ayaw madamay sa gulo pero nakaipon din ng courage para ipaglaban ang minority na gaya namin nina Koji at Astra, sila talaga `yong naging key kung bakit natalo natin sina Chase at Brenda.” Saglit siyang huminto. “For now.”
“All’s well that ends well,” sabi naman ng prinsipe. “`Wag ka na masyadong mag-alala dahil naaayos naman na ang problema sa academy. You should worry about your love life.”
Kumunot ang noo niya sa pagtataka. “Ano bang problema ko sa love life eh wala nga ako no’n?”
“Koji and Blossom are officially dating now.”
Tumingala siya sa makukulay na bougainvillea trees sa Polaris Boulevard kung saan sila naglalakad ng prinsipe para pababain ang kinain nilang lunch sa cafeteria kanina. “Alam ko, saka masaya ako para sa kanila. Sinabi ko namang crush ko lang si Koji, `di ba? Harmless lang naman ang feelings ko for him.”
Napahinto siya nang makakita ng bougainvillea flowers sa parang nagkulay fuschia na. Pero alam niyang pinkish orange ang totoong kulay niyon. Still, they looked stunning which made her smile.
“I hate it,” deklara ng prinsipe mayamaya. “I hate it even if it’s just a petty crush.”
Kunot-noong pumihit siya paharap sa binata na nakatayo sa harap niya, nakapamulsa habang seryosong nakatingin pababa sa kanya. Tumingala naman siya at humalukipkip para bigyan ito ng nagdududang tingin. “Ano bang pakialam mo kung crush ko si Koji? Saka kanina ka pa English ng English, ha? Gusto mong pitikin ko `yang noo mo?”
“Stop having a crush on Koji Takishima,” utos ni Roarke pero dahil sa childishness sa boses nito, mas nagtunog pagmamaktol `yon. “Sa’kin mo na lang ibuhos ang feelings mo, Cassy Hart.”
Umihip ang malakas na hangin.
Lumipad sa paligid ang makukulay na boungainvillea flowers hanggang sa matakpan ng mga iyon ang line of vision niya.
Nang mawala ang mga `yon, nagulat siya nang makitang pababa ang mukha ni Roarke sa kanya.
Cassy couldn’t help but close her eyes even though she didn’t know why she was waiting for the prince’s kiss…