Royal Secret/Royal Engagement Duology Chapter 5

NAPABUGA ng hangin si Koji nang mabasa ang text message sa kanya ng mommy niya: “`Wag ka nang mag-overwork, anak. Akong bahala sa titulo natin. Just be good to Blossom.”

Binulsa na lang niya ang phone niya at tumayo sa harap ng full-length mirror sa loob ng kuwarto nila sa Borealis Dormitory– ang counterpart ng Aurora Dormitory na para naman sa mga babae.

Malaki ang mga dorm nila pero pinagawa at available lang `yon para sa mga senior high students. Ang Aurora at Borealis Dormitory, parehong four-storey building at magkatulad din ng disenyo at sistema. Bawat palapag din, naka-allot sa apat na Academic Tracks ng Polaris Academy.

The first floor was for students from ABM Strand, the second floor was for the STEM Strand, the third floor was for the HUMSS Strand, and the fourth floor was for the General Academic Strand.

Ayaw na sanang mag-dorm ni Koji dahil dagdag lang `yon sa tuition fee na hindi na sakop ng scholarship niya. Pero mapilit ang mommy niya kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito.

Sa totoo lang, hindi naging madali ang buhay nila simula nang nawala ang daddy niya. Bukod sa wala itong naiwang mana o malaking halaga ng pera para sa kanila ng mommy niya, hindi rin sila tinulungan ng mga relative ng kanyang ama na noon pa man ay hindi na sila gustong mag-ina.

`Yong naipong pera ng mommy niya, pinambayad lang sa mga utang ng daddy niya kaya halos wala nang natira para sa kanila. Fourteen years old lang siya no’n pero naiintindihan niya ang sitwasyon kaya sinabi niya sa kanyang ina na gusto niyang lumipat sa mas murang school. Pero hindi ito pumayag at nangako pa ito na gagawin ang lahat para mapagtapos siya sa Polaris Academy.

Nakita niyang determinado ang mommy niya kaya himbis na makipagtalo, tumulong na lang siya sa pamamagitan ng pag-a-apply ng scholarship. Nagtrabaho na uli ang kanyang ina at ayaw niyang maging pabigat dito kaya nag-aral na lang siyang mabuti para hindi mawala sa pagiging scholar.

Siyempre, hindi rin naging madali `yon dahil sa mga bully. But then again, kahit naman no’ng ‘VIP’ pa siya, alam niyang pinagtatawanan na siya ng mga kaklase niya kapag nakatalikod siya dahil ‘entertainer lang’ naman daw ang mommy niya noon sa Japan bago ito nagpakasal sa daddy niya.

Nang ‘bumagsak’ siya sa ‘Class C,’ naging lantaran na ang pang-iinsulto sa kanya. Kinalat pa nga ng grupo ni Chase ang malisosyong tsismis tungkol sa ‘sexual relationship’ daw nila ni Yuki kaya walang ibang gustong maging roommate nila.

Chase and his stupid gang was a bunch of homophobic after all.

No’ng una ay nakikipag-away at nakikipag-suntukan pa siya kapag may umiinsulto sa mommy niya o sa best friend niyang si Yuki. Pero eventually, napagod din siya kaya hindi na lang niya pinatulan. Na-realize kasi niya na siya lang ang napapasama sa tuwing papatol siya sa pag-provoke ng bullies.

Plus, Blossom hates it when I get hurt.

Tinatali na ni Koji ang maroon plaid necktie niya nang makita niya sa salamin si Yuki na kalalabas lang ng banyo. Nakasuot na ito ng white T-shirt at black pants habang tinutuyo ng tuwalya ang shoulder-length nitong buhok. Natigilan ang best friend niya at napatingin pa sa kanya.

“Ang aga mong mag-ayos, ha?” mayamaya ay nakangising bati sa kanya ni Yuki na nag-iisa rin niyang roommate. Bawat kuwarto sa dorm nila, may isang single bed at isang bunk bed kaya enough `yon para sa tatlong Polarian. Pero wala nang ibang gustong sumama sa kanila ni Yuki dahil sa malisosyong tsismis sa kanila. “May breakfast date ba kayo ni Blossom?”

Bumuntong-hininga si Koji, pagkatapos ay tumingin siya sa left side ng kuwarto kung nasa’n ang single bed na ginagamit niya. Sa dingding sa gilid ng kama, nakadikit ang malaking poster ng picture nila ni Blossom kung saan nakayakap sa braso niya ang dalaga habang nakapikit at naka-pout ang lips na parang may plano itong halikan siya sa pisngi. Tulog siya sa picture kaya hindi rin niya matandaan kung kelan eksakto kinunan `yon.

Si Blossom din ang nagdikit niyon sa kuwarto nila at hindi niya `yon maalis dahil umiiyak ito sa tuwing tinatanggal niya ang poster.

“Bakit ba ang aga-aga pa, tungkol kay Blossom na agad ang sinasabi niyo sa’kin?” frustrated na tanong niya. “She’s just a friend, Yuki.”

“Sure,” natatawang sabi naman nito, halatang hindi naniniwala sa sinabi niya. “But seriously, Koji. You know Blossom is sincere and loyal to you. Wala siyang pakialam sa status ng pamilya mo ngayon. Gano’n siya ka-in love sa’yo. And as your best friend, I like her for you.”

Hindi na lang siya nag-comment dahil ayaw na niyang pahabain pa ang topic na `yon. Kinuha na lang niya ang knapsack niya na nakasabit sa dingding at mabilis `yong sinukbit sa mga balikat niya. Binalingan niya ang kaibigan. “I’ll go ahead, Yuki. See you at lunch later.”

Nag-‘okay’ sign ito sa kanya. “Hai.”

Tumango lang siya, pagkatapos ay tumayo siya sa harap ng pinto at nagbilang sa isipan niya gamit ang Nihonggo. Pina-practice pa rin niya `yon dahil ayaw naman niyang makalimutan ang Japanese language dahil lang wala na ang daddy niya para kausapin siya. Ichi. Ni. San…

Malakas na katok.

I knew it.

Binuksan ni Koji ang pinto ang sumalubong sa kanya ang maganda at maamong mukha ni Blossom. Magkaklase sila sa apat na taon nila sa junior high at nagkahiwalay lang sila dahil sa magkaibang Academic Track nila ngayong senior high. Nasa HUMSS ito at nasa STEM siya.

Was it just him or she really got prettier each year?

“Ohayou gozaimasu, Koji-kun!” masiglang bati sa kanya ni Blossom sa cute Japanese accent nito. Her face always lit up whenever she smiled. He couldn’t help but stare at her beautiful features. Liquid brown eyes, pointed nose, naturally rosy cheeks, pinkish lips. And her hair… it was long and wavy, just like a mermaid’s. “Let’s go to school together. First day ngayon ng class kaya kailangan kitang bakuran sa mga freshman na magkaka-crush sa’yo. They have to know that you’re already mine.”

“I’m not yours, Blossom.”

“They have to know that you will be mine soon,” tumatango-tangong pagtatama nito sa sarili. “Very, very soon.”

Magrereklamo pa sana siya. But then she smiled sweetly at him. Okay, I lost.

Marahan siyang tinulak ng dalaga para sumilip at kumaway sa loob ng kuwarto. “Ohayou, Yuki-kun! Sosolohin ko muna si Koji, ha?”

“Sure!” mabilis at natatawang sagot ni Yuki. “My best friend is all yours. Gambatte, Blossom-chan!”

Sasawayin sana ni Koji ang magaling niyang kaibigan na pinapamigay siya. Pero na-realize niyang ang lapit pala ni Blossom sa kanya. Matangkad ito para sa average Filipina height dahil halata namang may foreign blood ito. But still, umabot lang ito hanggang sa balikat niya.

I can smell her shampoo… is it strawberry-scented?

Damn, this girl smelled really, really good.

Biglang tumingala sa kanya si Blossom. Ah, naalala tuloy niya na favorite niya ang ‘eye-smile’ nito dahil hindi pa man din kumukurba ang mga labi nito, nakangiti na agad ang mga mata nito. “Let’s go, Koji.” Gaya ng madalas, yumakap ito sa braso niya at inakay siya pababa ng hagdan. “Did you get enough sleep? Ang sabi ni Yuki sa’kin, muntik ka na raw abutan ng curfew kagabi.”

Namulsa si Koji dahil kung minsan, pasimpleng hinahawakan ng dalaga ang kamay niya. Mabuti na ang sigurado. “I’m fine,” simpleng sagot niya. Pagbaba nila sa common area, napansin agad niya na nakatingin ang mga lalaki kay Blossom. The boys were obviously mesmerized by her beauty and it pissed him. “Blossom, alam kong adoptive brother mo si Chase na Dorm Leader dito sa Borealis.” Binalingan niya ang babae na inosenteng nakatingala sa kanya. “But please don’t abuse your brother’s authority to trespass our dormitory. Kapag may teacher na nakakita sa’yo dito, malalagot ka.”

Nag-pout ito, halatang nagpapaawa. She would have been annoying– acting like a child and all– but damn, she looked so adorable that he couldn’t stay mad at her. “Okay. Starting tomorrow morning, I’ll just wait for you outside the dormitory.”

Napabuga siya ng hangin at sasabihin sana niya rito na hindi naman `yon ang gusto niyang sabihin. Pero natigilan siya nang makita si Chase na kalalabas lang ng common kitchen habang may hawak na mansanas. Sa kanila ito nakatingin at nakangisi, halatang mang-aasar na naman.

“Good morning, dear sister,” malakas na bati ni Chase kay Blossom habang naglalakad palapit sa kanila. “Ah, you’re still chasing the same guy, huh? Can’t you see that he’s not interested in you?”

“Good morning, dear adoptive brother,” nakangiti pero halatang naiinis na bati naman ni Blossom sa lalaki na humarang sa daan nila. “Can you please get out of our way?”

Ngumisi si Chase, pagkatapos ay marahang tinapik-tapik nito ang ulo ng dalaga na matalim ang tingin dito. “Dear sister, I’m just worried about you,” sabi pa nito na may exaggerated ‘concern’ sa boses. “Ayoko lang nakikitang naghahabol ka sa lalaking hindi naman interesado sa’yo.” Binalingan siya nito. “Clearly, Koji is not interested in girls.”

Nagtawanan ang mga ka-dorm nila na nakikinig at nanonood na pala sa ‘eksena.’

Naikuyom ni Koji ang mga kamay na nasa loob ng mga bulsa niya kasabay ng pagtatagis ng mga bagang niya. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang titigan ng masama si Chase. Kung sasagot pa siya, lalo lang itong mang-a-asar.

“Blossom, Koji is gay,” nakangisi pa rin na pagkausap ni Chase sa adoptive sister pero sa kanya naman ito nakatingin. Halatang pino-provoke siya ng loko. “He will never like you back unless you have the thing that Yuki has.”

Tumawa ng malakas ang mga lalaking naintindihan agad ang bastos na meaning ng sinabi ni Chase. Nagsunod-sunod na rin tuloy ang mga bastos na side comment ng mga schoolmate nila.

“Ohhh… that thing.”

“I bet Koji enjoys that thing every night.”

“Hey, Koji. You already have Yuki’s thing. Can I have Blossom’s blossom?”

Marahas na nilingon ni Koji ang lalaking nambastos kay Blossom. Mumurahin sana niya ito pero natigilan siya nang makitang tumama sa mukha nito ang isang mansanas. Malakas yata ang impact dahil natumba sa sahig ang gago habang nakahawak sa dumudugo nitong ilong.

“Tarantado ka, ha!” galit na sigaw ni Chase habang pasugod sa bastos na lalaki. “Kapatid ko `yon!”

Tutulungan sana ni Koji si Chase pero hinila na siya ni Blossom palabas ng dorm. Nang makita niyang namumula ang mukha nito sa pagkapahiya siguro, hinayaan na niya itong akayin siya paalis. “Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa dalaga no’ng nakalayo na sila sa Borealis at naglalakad na sa Botanical Park kung saan nagkalat ang naggagandahang puno gaya ng golden shower, flame tree, at bougainvillea. May mga concrete tables and benches din na tulad sa mga picnic area kaya kapag break time o uwian, maraming tumatambay do’n. “I’m sorry, Blossom. Nadamay ka dahil sa’kin.”

Humugot ng malalim na hininga si Blossom bago sumagot. “It’s fine, Koji.” Binitawan na nito ang braso niya. “Hindi mo naman kasalanan `yon. Marami lang talagang bastos sa mundo.”

“I hate Chase but right now, I’m grateful that he’s there to defend you.”

Tinawanan `yon ng dalaga habang iiling-iling. “Chase didn’t defend me because he’s concerned about me. Ginawa lang niya `yon para protektahan ang family name namin. Serranillas don’t take insults and malicious comments from other people well. Chase probably thought that it’s his duty to defend my honor because I’m a Serranilla.”

“Hindi talaga kayo magkasundo ni Chase.”

“Well, my family is complicated. Parang mortal sin sa’min ang magpakita ng affection. Ang mas mahalaga, hindi namin i-tarnish ang family name namin kaya may duty kami na i-look out ang isa’t isa.”

Ewan ba ni Koji pero nakaramdam siya ng simpatya para kay Blossom kaya nilabas niya sa bulsa ang isang kamay niya para haplusin ang buhok nito bilang pag-comfort sa dalaga. Hindi niya alam kung ano ang tamang sabihin sa gano’ng sitwasyon kaya tumahimik na lang siya.

The silence between them wasn’t bad anyway. Even without talking, he knew they still both felt comfortable with each other. Walking with her was more than enough to make him feel… happy.

“Koji, look!” excited na sabi ni Blossom na huminto sa paglalakad at hinila ang sleeve ng white button-down shirt niya habang may tinuturo. “The Flame Tree is still in bloom!”

Tumayo siya sa tabi ng dalaga at tiningnan ang tinuturo nito. Medyo napangiti siya nang makita ang ‘Flame Tree’ na sinasabi nito. Nasa gitna ng Botanical Park ang puno at dahil sa kulay ng mga bulaklak niyon, naging pansinin `yon. Sa pagkakaalam niya, Delonix regia ang tawag sa puno.

The tree probably got its moniker because of its orangey flowers. Dahil nagkumpulan sa tuktok ng puno ang mga bulaklak niyon, naging dark ang shade niyon at nagmukhang pula. Para nga `yong nagliliyab na apoy sa ibabaw ng mga berdeng dahon niyon. Hence, it was called ‘Flame Tree.’

“I want our first kiss to happen under the Flame Tree.”

Biglang nasamid si Koji dahil sa deklarasyon ni Blossom. Nang lingunin niya ang dalaga, nagulat pa siya nang makitang nakatingala at nakangiti ito sa kanya. Napaatras tuloy siya, nag-iinit ang mga pisngi. “W-what are you saying, Blossom?”

“Binibigyan lang kita ng idea sa gusto kong setting kapag naisipan mo na kong i-kiss,” natatawang sagot nito habang naglalakad paatras mula sa kanya. “I hate to say this but we have to part ways here. Naalala ko kasi na may papanuorin nga pala kaming movie sa Auditorium Hall for our first period.” Nag-pout na naman ito. “Ang hirap talaga kapag LDR.”

“Pa’no tayo naging LDR eh nasa isang school lang tayo?” tanong niya, pero na-realize niyang hindi dapat `yon ang i-deny niya. Tumikhim muna siya bago nagpatuloy. “I mean, we’re not in a relationship.”

Tinawanan lang `yon ng dalaga. “LDR tayo kasi magkaiba ang Academic Track natin– magkahiwalay din tuloy tayo ng class. Pero okay lang kasi para naman `to sa future natin.” Pinaghugis-puso nito ang mga kamay. “Gambatte, Koji-kun. Hurry up and become a successful engineer.” Nag-flying kiss pa ito sa kanya. “Then marry me!”

After that brave declaration, she ran away.

Nabilisan si Koji sa mga pangyayari kaya napatitig na lang siya kay Blossom na nakatalikod mula sa kanya habang tumatakbo palayo. Tinatangay ng hangin ang mahaba at aalon-alon nitong buhok, gano’n din ang skirt nito. Naramdaman yata ng dalaga na nakatingin pa rin siya rito dahil habang tumatakbo ito, ipinatong nito sa ulo ang mga kamay nito na nakahugis-puso.

He couldn’t help but laugh softly at her silly antics.

Kawaii.

WHAT’S happening?

Hindi alam ni Koji kung bakit biglang ipinahinto ang mga klase at pinatawag ang lahat ng senior high students sa malawak na Assembly Hall ng main building. Pinapila sila ng dalawang linya ayon sa kanilang Academic Track at class number. Ang mas nakakapagtaka pa, napansin niyang kumpleto ang faculty members na nasa stage. Nag-uusap-usap ang mga ito at halatang natataranta.

Ang kalmado lang ay si Principal Arthur Venaracion na nakatayo sa harap ng microphone habang may binabasa sa hawak nitong folder. The man was in his early fifties and his hair was grayish but he still looked strict and athletic that made him look like a military general instead of a school principal.

“Ano kayang meron?” mahinang tanong sa kanya ni Yuki na katabi niya sa pila. Nasa pinakadulo sila dahil sila ang pinakamatangkad sa klase. “Wala namang announcement na merong assembly meeting ang senior high students ngayon. And the teachers look frantic for some reason.”

Tumango si Koji bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ng best friend niya. “Mukha ngang si Principal Veneracion lang ang kalmado. Siya lang siguro ang nakakaalam kung para saan `tong biglaang assembly meeting. Baka pati ang buong faculty, ngayon niya lang din sinabihan.”

“I just hope it’s not an earthquake drill.”

Napapiksi si Koji sa gulat nang marinig ang boses na `yon. Bago pa siya makalingon, sumingit na si Blossom sa pagitan nila ni Yuki at yumakap ang dalaga sa braso niya. Binigyan niya ito ng nananaway na tingin. “Blossom, go back to your class.”

“I don’t want to,” sagot ng dalaga sa stubborn na boses. “Nag-check na ng attendance ang class president namin. Dito na lang ako. Hindi na mapapansin ng teachers na nandito ako since mukha naman silang busy at frantic do’n sa stage, eh.”

Bumuga siya ng hangin. Bakit ba ang tigas ng ulo ng babaeng `to?

“I’m scared, Koji,” naka-pout na sabi ni Blossom habang nakatingala sa kanya. “Kapag nagkakaro’n ng earthquake drill sa school, naiisip ko na baka bigla ngang lumindol ng malakas. Ayoko nang ma-experience uli `yong malakas na lindol. It’s really, really scary.”

“Just let her stay here,” sabi naman ni Yuki.

Napabuntong-hininga naman si Koji. Nang tingnan niya uli ang nagpapaawang mukha ni Blossom, hindi na niya ito natiis kaya heto, siya na naman ang sumuko. “Behave, okay?”

Ngumiti ang dalaga at mabilis na binitawan ang braso niya. Pagkatapos, tumayo ito ng deretso at pinatong ang mga kamay sa tiyan. The way she stood right now looked regal and for some reason, it wasn’t very hard to imagine her as a real life princess. “Okay. I’ll behave.”

Tumango lang siya at tumingin na uli sa stage bago pa siya ma-distract sa ganda ng dalaga. Mabuti na nga lang din at nagsimula nang magsalita si Principal Veneracion.

“Good morning, senior high Polarians,” pormal na bati sa kanila ng principal. “I’ll skip the formalities and head straight to the urgent matter that I have to announce.” Sandali itong huminto para siguro sa isang dramatic pause habang pinapasadahan ng tingin ang mga estudyante sa harapan nito. “Prince Roarke of Elestia– the youngest cousin of King Royale – is here in the Philippines.”

Ilang segundong katahimikan.

Malakas na bulungan.

Impit na tilian mula sa mga babae.

Suddenly, everyone was excited.

“Prince Roarke,” nakangiting sabi naman ni Yuki. May dreamy look pa sa mukha ng lalaki. Ah, na-mention nga pala ng best friend niya noon na crush nito ang teenage prince. “Out of all the young princes across the world, Prince Roarke is definitely the most handsome. Well, guwapo rin naman ang pinsan niyang sina Prince Ross at King Royale. But Prince Roarke simply stood out among the Elestian royalties. He looks so debonair and he’s oozing of charisma. Sobrang princely niya, eh.”

“He’s not princely. Not at all,” mariing kontra naman ni Blossom dahilan para mapatingin sila ni Yuki dito. Napansin ni Koji na namumula ang mukha nito na parang naiinis ito. Para ngang sarili lang nito ang kausap dahil deretso ang tingin nito. “His face is beautiful– but the rest of him is ugly. Mayabang siya, narcissist, bossy, medyo bully, pikon, stubborn, at sobrang selfish din siya.”

“Pa’no mo nalaman?” sabay na tanong nina Koji at Yuki sa dalaga.

Napakurap-kurap si Blossom na parang no’n lang natauhan. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanila bago ito yumuko na parang nahihiya. “Uhm, I’ve read some articles about the prince.”

“Ahh,” tumatango-tangong sabi ni Yuki, saka nito tinapik ang balikat ng dalaga. “`Wag kang nagpapaniwala agad sa mga gano’ng article, Blossom. Baka sinisiraan lang nila si Prince Roarke. Malakas ang feeling ko na mabait siyang prinsipe.”

Ngumiti lang si Blossom pero halatang pilit `yon.

Kumunot ang noo ni Koji sa pagtataka. Hindi normal ang kinikilos ng dalaga. Mukha lang itong kalmado pero nakikita niya sa mga mata nito na natataranta ito. Pero bakit?

“As of now, Prince Roarke is in the Malacanang Palace for courtesy call,” pagpapatuloy ni Principal Veneracion na kumuha uli sa atensiyon niya. “To be honest, only a select few were informed about the prince’s arrival. Naging confidential ang tungkol sa pagpunta niya rito sa Pilipinas at kahit ang media, ngayon lang din nalaman ang pagdating ng prinsipe. Nag-ingat ang gobyerno natin para masigurong hindi na mauulit ang nangyaring pag-kidnap kay Prince Ross no’ng isang taon.”

“Why is he here?” bulong ni Blossom sa iritadong boses habang masama ang tingin sa stage.

Lalong kumunot ang noo ni Koji sa pagtataka. Interesado lang ba ang dalaga na malaman kung bakit nandito ang prinsipe o may mas malalim pang dahilan?

“Natutuwa akong ipaalam sa inyo na isa ang inyong lingkod sa iilan na napiling pagsabihan ng tungkol sa pagdating ni Prince Roarke,” anunsiyo ni Principal Veneracion sa halatang proud na boses. “Alam niyo ba kung bakit?”

Biglang nagsigawan at nagtilian ang mga estudyante. Natawa naman si Principal Veneracion sa reaksyon ng mga Polarian. Hindi naman mahirap hulaan ang sagot sa tanong ng principal.

“The prince is coming to our school!” excited na bulalas ni Yuki na nagtatatalon pa sa tuwa habang pumapalakpak. “Makikita ko si Prince Roarke sa personal!”

Wala namang naramdaman si Koji na excitement dahil hindi siya interesado sa monarchy ng kahit anong bansa. Isa pa, nag-aalala siya kay Blossom na mariing nakapikit habang kagat-kagat ang lower lip nito. Ngayon, sigurado na siyang may problema ito sa pagdating ni Prince Roarke. `Yon nga lang, hindi niya maisip kung bakit apektado ang dalaga sa balita tungkol sa Elestian prince.

“Yes, my dear Polarians– the prince will come over and he has a very good news to all of us,” nakangiti nang deklara ni Principal Veneracion. Wow, ngayon niya lang yata nakitang ngumiti ang matanda. “Pero hindi ko aagawin sa prinsipe ang chance na i-announce sa inyo ang magandang balita na dala niya sa pagdalaw niya dito sa Polaris Academy.” Huminto ito nang muling maghiyawan ang mga estudyante. Pero nang sumenyas ito na tumahimik muna ang lahat, sumunod naman ang mga Polarian. “Bukas ng umaga darating dito sa school si Prince Roarke. Kaya ngayon, i-ka-kansela ko ang lahat ng klase niyo para makapaghanda ang lahat sa pagdating ng prinsipe.” Iminuwestra nito ang mga teacher na nasa likuran nito. “Ituturo sa inyo ng mga teacher niyo kung ano ang dapat, hindi dapat, puwede, at hindi puwedeng gawin o sabihin kapag nand’yan ang prinsipe…”

Nawala na ang atensiyon ni Koji sa principal nang makita niyang kumilos si Blossom na may kung sinong tinawagan gamit ang phone nito.

“Chase, come here,” utos ni Blossom sa kapatid. Ngayon niya lang narinig na gamitin nito ang gano’ng tono sa iba. “We have to go home. Now.”

Mas lalo niyang ikinagulat nang ilang segundo pa lang ang lumilipas, meron nang bumunggo ng malakas sa balikat niya– si Chase. Sisitahin niya sana ang lalaki pero natigilan siya nang lumapit agad dito si Blossom at nagsalita ang dalaga sa halatang natatarantang boses.

“Alam mo ba `to?” sita agad ni Blossom sa adoptive brother nito sa istriktong boses. “Am I the only person who doesn’t know that the Pebble is–”

“Shh!” mariin at kunot-noong saway ni Chase dito sa dalaga na mukha namang natauhan dahil napakurap-kurap ito at tumingin sa paligid. “`Wag ka ngang mag-panic d’yan,” iritadong dagdag pa ng lalaki, saka nito hinawakan sa siko ang adoptive sister at inakay paalis. “Let’s go home first.”

And just like that, the siblings were gone.

“That was weird,” komento ni Yuki habang nakatingin sa exit ng Assembly Hall kung sa’n nawala sa paningin nila ang magkapatid. Pagkatapos, tiningnan siya ng best friend niya. “Ngayon lang umalis si Blossom nang hindi nagpapaalam sa’yo.”

Nagkibit-balikat lang si Koji. Pero sa totoo lang, curious siyang malaman kung bakit parang nagkaro’n ng panic attack si Blossom kanina. Mukhang alam ni Chase kung bakit.

What’s the big secret, Serranilla siblings?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.