Royal Secret/Royal Engagement Duology Chapter 7

NAPANGISI si Roarke nang naging successful siya sa pagtakas kay Creed kaya heto siya ngayon, nag-ba-bike sa malawak na park kung saan siya napadpad pagkatapos siyang iwan ni Cassiopeia. Pinaparentahan ang bike na `yon at dahil hindi pa naman nakakapaso ang sunlight since maaga pa, nag-desisyon siyang magbisikleta muna.

Wala namang problema sa kanya kahit walang-pusong iniwan siya ng kakambal niya do’n dahil napag-aralan na niya ang area na `yon bago pa man din siyang makauwi ng Pilipinas. Alam niyang nasa susunod na block lang ang Polaris Acadeny.

Madali lang naman ang ginawa niya para makatakas sa mga bantay niya. Kanina, habang naghahanda ang convoy na mag-e-escort siya papunta sa Polaris Academy ay pasimple siyang sumakay at nagtago sa backseat ng Sedan ni Cassiopeia. Nakita siya nang kapatid niya pero hindi ito nagsalita dahil may hawak siyang note na pinabasa niya rito: ‘Keep quiet or I’ll ruin Takishima’s life.’

No’ng makalayo na sila sa exclusive village kung saan nakatira ang mommy nila, sinipa na siya ng kakambal niya at basta na lang iniwan sa gilid ng kalsada sa kabila ng protesta ng Knight nitong si Xia. Pero hindi nakinig ang kapatid niya at inutusan lang nito ang babae na mag-drive na.

Cassiopeia’s coldness at times shows that she really has Elestian blood in her.

He had always known that his sister was more of a Filipina than an Elestian princess– she was warm, kind, and very affectionate. Pero pagdating sa kanya, nagiging Elestian ito na cold at formal. Hindi niya in-expect na gano’n kasama ang six-year gap sa pagitan nilang magkapatid. Kahit na nagkikita at nagkakausap naman sila sa anim na taong magkahiwalay sila ng geography, nakakaapekto pa rin pala `yon sa siblings’ bond nila.

Oh, well. Maybe she’s just at her rebellious stage. Most teenagers act like that anyway.

Huminto si Roarke sa pag-pedal nang may limang male high school students ang humarang sa daan niya. Pero puting polo (na medyo yellowish na) at black slacks ang school uniform ng mga ito kaya sigurado siyang hindi taga-Polaris Academy ang mga ito. He knew he’d sound judgmental and arrogant but these guys obviously didn’t attend a private school because their clothes seemed to escape the ironing, they looked rude (glaring at him and all), and they had bruises all over their face.

Gangsters?

“Taga-Polaris ka `no?” tanong no’ng lalaking may shaved head na ngumunguya pa ng chewing gum habang nakatingin sa suot niya. Hindi ito katangkaran pero maskulado ito para sa isang high school student. O baka naman mas matanda talaga ito sa kanila? Repeater siguro. “Ganyan na ganyan din `yong suot no’ng gago, `di ba?”

Napatingin naman siya sa suot niyang school uniform. White button-down shirt folded in the elbows, unnecessary black vest (seriously, the heat in this country wasn’t a joke) with the academy’s crest, maroon plaid necktie, black pants, and athletic shoes (he didn’t like wearing leather shoes).

“Oo, `yan nga ang uniform ng Polaris,” sagot no’ng mataba pero matangkad na lalaki. “Tanungin mo na.”

“Marunong ba `yang mag-Tagalog?” nag-aalangan naman na tanong no’ng isang lalaki na payat man, may suot naman singsing na may matutulis na spikes. Nakatingin ang loko sa blonde niyang buhok. “Mukhang foreigner, eh.”

Natahimik ang grupo, pagkatapos ay sabay-sabay napatingin sa berde niyang mga mata. Kung tingnan siya ng mga ito, para bang alien siya o spectacle sa isang carnaval.

Ah, now I know what Cassiopeia was saying last night.

“Marunong akong mag-Tagalog,” deklara niya para matigil na sa pagtitig sa mga mata niya ang mga lalaking `to. But if pretty girls would ogle his green eyes, he wouldn’t complain. “Ano ba `yong itatanong niyo sa’kin?”

“Buti naman, marunong kang mag-Tagalog,” sabi no’ng kalbo habang naglalakad palapit sa kanya, pagkatapos ay may ipinakita itong picture sa kanya. “Kilala mo ba ang mga gagong `to?”

Muntik nang masamid si Roarke nang makita na isa ang pinsan niyang si Chase sa tatlong lalaki na nasa picture. Mabuti na lang at mabilis niyang nahuli ang sarili kaya hindi napansin ng mga high school gangster na `to ang initial reaction niya. “Bakit niyo naman tinatanong kung kilala ko sila?”

“Ano bang pakialam mo?” angil ng kalbo sa kanya. Ito ba ang leader? “Malaki ang atraso sa’min ng mga gagong `yan. Reresbak kami.”

Kumunot ang noo niya. ‘Gago?’ ‘Atraso?’ ‘Reresbak?’ Ngayon niya lang narinig ang mga salitang `yon kaya hindi niya maintindihan. Pero kung titingnan ang galit na mukha ng mga lalaki, hindi naman mahirap i-assume na mukhang may ginawang mali si Chase sa mga ito. “Pasama ng pasama ang ugali mo, Chase,” iiling-iling na bulong niya sa French. “Kailangan mo nang magpakatino, pinsan.”

“Anong binubulong-bulong mo d’yan?” kunot-noong sita sa kanya ng gang leader. “Saka mag-Tagalog ka nga. Hindi kita maintindihan! Baka mamaya, minumura mo na kami d’yan.”

“Ang sabi ko, ayoko nang makipag-usap sa inyo,” sagot ni Roarke sa wala nang interes na boses, pagkatapos ay pumorma na siya para sa muling pag-pe-pedal. “Please get out of my way.”

“Ay, gago rin `to,” nakangising sabi ng leader, sabay senyas sa mga kasamahan nito. “Ito na lang ang resbakan natin tutal eh taga-Polaris din naman `to.”

Napabuntong-hininga siya habang iiling-iling nang palibutan siya ng limang high school gangster. Seryoso? Did they really plan to beat a person in broad daylight? Was this a trend in this country?

Well, kailangan ko rin naman ng exercise.

The corner of his lips slightly curved into a crooked smile. Aaminin niya, na-excite siya sa posibleng away na maganap. Bilang prinsipe, isa sa mga lesson niya ang self-defense class. Tinuturuan siya ng fencing, archery, at iba’t ibang martial arts gaya ng Muay Thai. Pero dahil sa ‘prince duties’ niya nitong nakaraan, nawalan siya ng oras sa pag-pa-practice. “Bring it on,” hamon niya habang niluluwagan ang necktie niya, saka siya bumaba ng bisikleta na hinayaan niyang matumba sa damuhan. “I have so much pent up anger in my chest that I need to discharge anyway–”

Isang malakas na iyak ng babae.

Napangiwi si Roarke, sabay tingin sa pinanggagalingan ng matinis na boses. Kumunot ang noo niya nang mapansing nasa likuran lang pala niya ang babaeng umiiyak.

The girl was petite and she didn’t look like a Filipina. She was brunette with blonde streaks on her bob-cut hair, she had full bangs that fell right above her brows, pointed nose, pinkish lips, and her cheeks seemed to turn rosy from the heat.

Ang liit-liit ng babaeng `to pero ang lakas umiyak. Ano bang problema niya?

And look, she wore Polaris Academy’s school uniform for girls.

Sa lakas ng iyak ng schoolmate nila, nakuha nito ang atensiyon ng mga tao na nasa park din ng mga sandaling `yon. Lumapit sa kanila ang mga jogger, ang mga yaya na kasama ang mga alagang bata, at ang security guard. Lahat, tinanong ang dalaga kung ano ang nangyari.

Walang sabi-sabi na tinuro ng schoolmate niya ang kalbong gang leader.

Lahat ng tao sa paligid nila, binigyan ng nag-aakusa at nanghuhusgang tingin ang mga lalaki.

“Anong ako?” reklamo ng kalbo. “Wala akong ginagawa sa babaeng `yan `no!”

Pero huli na dahil nilapitan na ng guwardiya at ng mga lalaking jogger ang mga gangster para i-confront habang ang mga babae naman, nagsimula nang i-comfort ang schoolmate niya.

“Thank you po,” humihikbi-hikbing sabi ng female Polarian sa mga taong nag-comfort dito. Sa pagkagulat niya, bigla itong tumingin sa kanya at hinawakan siya sa braso. Pagkatapos ay inakay siya nito palayo sa kaguluhan. Nagsisigawan na kasi ang guwardiya at ang gangsters na ayaw pumayag sa offer ng security guard na ihahatid ang mga ito sa school. “Let’s go, Kuya. Ma-le-late na tayo.”

Kuya?!

Ang gutsy ng babaeng `to para tawagin siyang ‘kuya’ samantalang si Cassiopeia nga, formal at polite sa pagtawag sa kanya ng ‘Prince Roarke.’

But then again, she doesn’t recognize me.

Hindi pa ba in-a-announce sa Polaris Academy ang tungkol sa pagdating niya?

Tumingin si Roarke sa kamay ng babae na nakahawak pa rin sa braso niya. Nang tumingin siya sa paligid, na-realize niyang malayo na sila sa park at naglalakad na sila sa gilid ng kalsada. “Hey, where are you bringing me?”

Binitawan siya ng babae at biglang nawala ang pagiging ‘maamo’ ng mukha nito habang pinupunasan ang mga luha. Acting lang ba ang pag-iyak nito kanina? “Sa convenience store na tayo mag-usap,” sabi nito sa medyo boyish na boses, pagkatapos ay sinuot nito ang mga kamay sa bulsa ng vest nito. Para itong lalaki kung kumilos at maglakad. “New student ka ba sa Polaris? Ngayon lang kasi kita nakita dito.”

Humalukipkip siya at umusad palayo rito. “Bakit? Kilala mo ba lahat ng student sa Polaris?”

Lumingon at tumingala sa kanya ang babae at tiningnan siya ng masama. Nang taasan niya ito ng kilay, bumuga ito ng hangin dahilan para saglit na liparin ang bangs nito na mabilis din namang bumagsak sa noo nito. “Kilala ko ang lahat ng senior high students sa Polaris since hindi naman gano’n kadami ang batch natin.” Nginuso nito ang suot niyang ID lace. “Only Grade 12 students wear golden lanyards. As far as I remember, walang posteng blonde sa batch natin.”

Kumunot ang noo niya habang iniisip kung ano ang ‘poste’ para ma-associate sa pagiging blonde. Poste… post? As in lamppost? Is it because I’m tall? So I’m a blonde lamppost?!

Nilingon niya ang babae at binigyan ito ng matalim na tingin. “Hoy!”

Nanlaki ang mga mata nito, halatang nagulat sa aksidenteng pagtataas niya ng boses. “Bakit mo ko sinisigawan? Saka tinawag mo ba kong ‘hoy?’”

Nakasimangot na tumango siya. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng ‘hoy’ sa mga Filipino at sinadya niyang gamitin `yon sa pagtawag dito bilang insulto. “Hoy, ikaw–”

“Hoy ka rin!” iritadong sabi nito, saka siya tinalikuran para pumasok sa isang convenience store.

He just couldn’t believe that this was happening. Tinawag siyang ‘hoy’ ng babaeng `yon at tinalikuran pa? Ngayon niya lang `yon na-experience. “Not bad,” bulong niya sa sarili mayamaya. As I’ve thought, a normal life is more relaxed than a prince’s.

Namulsa siya at pumasok na rin sa loob ng convenience store. Nakita niya ang babae na kagagaling lang sa counter at may hawak nang dalawang cup ng ice cream. He could see the tip of the twirl of vanilla with chocolate syrup poured on top. Argh, too sweet for his taste.

“O, sa’yo `yan,” sabi ng babae, saka inabot sa kanya ang isang cup na napilitan siyang kunin bago pa `yon dumikit sa uniform niya. Then much to his annoyance, she even curled her fingers to motion him to follow her as if he was a dog. “Mag-usap tayo.”

He was stunned, again. Napakurap-kurap na lang siya habang pinapanood ang babae hanggang sa umupo ito sa table for four sa tabi ng salaming dingding. Kunot-noo siya nitong nilingon, saka uli ito sumenyas para lapitan niya. “Unbelievable girl,” bulong niya sa sarili bago siya naglakad palapit dito. Umupo siya sa katapat nitong silya, saka niya pinatong ang ice cream cup sa mesa. Pagkatapos ay sumandal siya at humalukipkip. “Bakit kailangan nating mag-usap?”

Sa pagkagulat niya, umayos ng upo ang babae. Pagkatapos ay ipinatong nito ang mga kamay sa mesa at ngumiti ng matamis sa kanya.

Okay, she’s acting strange now. Should I call my Knights?

“Hi, new student,” bati nito gamit ang nakaka-goosebump na matamis na boses. Marahang pinatong pa nito ang isang kamay sa dibdib. “Nilibre kita ng ice cream bilang pag-welcome sa’yo as my newest client.” Nang wala siyang naging reaksyon, nagpatuloy ito. “Ako nga pala si Cassy Hart.”

Tumaas ang kilay ni Roarke. “So what?”

Tumabingi ang ngiti ni Cassy at medyo kumunot pa ang noo. “Nag-pa-patrol ako sa park kanina no’ng nakita kita na kausap `yong mga high school gangster,” pagsisimula nito sa kalmadong boses. “Kilala talaga `yong school na `yon sa pang-ha-harass sa mga Polarian. Tumatambay sila sa park na `yon para mambiktima ng mga schoolmate nating napapadaan do’n. Ninanakawan nila ang male students at hinahamon ng walang dahilan. `Yong female students naman, kina-catcall ng mga gagong…” Bigla itong tumahimik at marahang tinapik-tapik ang bibig. “Don’t say bad words, Cassy.”

“‘Gago…?’” interesadong sabi niya na ikinalaki ng mga mata ng dalaga. “What does ‘gago’ mean?”

“Shh!” Kumunot ang noo nito, sabay patong ng daliri sa ilong. “Don’t say bad words…”

“Roarke,” sagot niya para rito. “My name is Roarke St. Clair.”

“Roarke,” tumatango-tangong sabi nito, walang reaksyon sa pangalan niya. Ah, hindi nga siya nito kilala. “`Wag na `wag mo na uling sasabihin `yong word na `yon. Bad word `yon.”

“Ikaw kaya ang unang nagsabi no’n.”

“Slip of the tongue lang `yon,” katwiran naman ng dalaga, namumula ang mga pisngi sa pagkapahiya. Kinuha nito ang ice cream nito at sumubo ng sunod-sunod na scoop bago nagpatuloy. “Anyway, malakas talaga mang-trip `yong mga student na `yon na akala mo eh sa school of gangsters pumapasok. Kaya nga nag-pa-patrol ako sa park para hindi nila mabiktima ang mga schoolmate natin.”

Kumunot ang noo niya. Bakit ito ang nag-pa-patrol? Bago pa siya makapagtanong, nagsalita na uli ang babae kaya nanahimik na lang muna siya.

“Obviously, foreigner ka,” pagpapatuloy ni Cassy sa sinasabi nito, nakatingin sa buhok niya. Pagkatapos ay tinitigan siya nito ng deretsa sa mga mata. Wala siyang nakitang reaksyon mula rito. Thankfully, she didn’t make a big deal out of his green eyes unlike the gangsters he met earlier. “Kaya naisip ko na baka hindi ka marunong mag-Tagalog at napag-ti-trip-an ka na no’ng mga siga. Siga means gangster, just in case you don’t know.” Tumango lang siya, saka ito nagpatulouy. “So, ayun na nga. Nagulat ako no’ng narinig kong pinatulan mo pa `yong pang-po-provoke no’ng mga gago–”

“Don’t say bad words, Cassy,” playful na saway niya rito. Pero mabilis din niyang sinaway ang sarili kaya tumikhim siya at naging pormal na uli ang tono. “Kaka-preach mo pa lang sa’kin, `di ba?”

“Kuwago ang sabi ko, bingi ka lang,” nanlalaki ang mga matang tanggi nito sa kasalanan. This girl was smartass, huh? “Ayun nga. Magkakaproblema kung ma-i-involve ang isang Polarian sa mga gangster na `yon kaya–”

“So you channeled your inner actress and made a scene,” pagtatapos niya para rito. Pinatong niya ang mga siko sa mesa saka siya dumukwang. He fixed her a flat stare while clapping slowly. “Bravo.”

“You’re welcome,” sarcastic at nakangising sagot naman nito. Pagkatapos ay nilahad nito ang mga palad sa kanya. Her smile suddenly turned into a ‘business smile’– one that obviously said she wanted something from him. “Buti na lang at hindi ka slow. Ngayong alam mo na ang ginawa ko para sa’yo, baka naman puwede mo na kong bayaran para pareho na tayong makapasok sa school. Maaga pa naman ang “call time” nating senior high students since darating daw si Prince Roar ng Electrica.”

“‘Prince Roar?!’ ‘Electrica?!’” hindi makapaniwalang pag-uulit ni Roarke, biglang nabagsak ang mga kamay sa mesa na halatang ikinabigla ni Cassy na nanlaki ang mga mata at napasandal pa sa kinauupuan. “Are you for real?!”

Napakamot ito ng pisngi. “Mali ba `yong nasabi ko?”

“It’s Elestia, not Electrica,” angil niya rito. “Don’t you study geography?”

“Weakness ko ang memorization sa foreign places at foreign names,” katwiran naman nito. Umayos na uli ito ng upo at ipinatong ang mga braso sa mesa. “Sorry na. Mapapatawad mo pa ba ko?”

Tiningnan niya lang ito ng masama, saka niya kinuha ang ice cream cup niya. Mahigpit ang hawak niya sa maliit na plastic scoop habang sunud-sunod siyang sumubo ng ice cream. Nakakasuka ang katamisang umaatake sa taste buds niya pero mas mabuti na `yon kesa naman makapagmura siya sa iba’t ibang language na alam niya. Nainsulto siya hindi lang para sa sarili kundi para sa buong Elestia!

Alam naman niyang maliit lang ang kaharian nila kumpara sa ibang monarchy sa mundo. Pero gano’n ba kaliit ang impact at influence nila para hindi matandaan ng isang senior high student– mula sa academy na napili pa man din ng Elestia na maging ka-partner sa isang programa– ang pangalan niya at ang tamang tawag sa bansa nila?

Hindi ba nagbabasa ng news ang babaeng `to?

“Ano ba `yong tamang pangalan ng prinsipe nila?” mayamaya ay tanong ni Cassy, inosenteng nakatingin sa kanya habang kumakain din.

Naiinis na binaba niya ang wala nang laman na cup sa mesa. “Google it. I won’t answer for you.”

“Google?” Natawa ito. “Kuya, nasa Pilipinas ka. Mas mabilis pang mauubos ang patience mo kesa sa pag-connect mo sa internet dito. In my case, sa madaling araw lang malakas at mabilis ang data connection ko kaya nevermind na lang. Makikilala ko pa rin naman ang prinsipe ng Elestia mamaya.”

Napabuntong-hininga na lang si Roarke at napasandal sa upuan. Nangalumbaba na lang siya, sabay buga ng hangin. Nakakapanghina palang kausap ang babaeng `to.

“Bakit ba galit na galit ka?” nagtatakang tanong ni Cassy mamaya. Pero mabilis itong umiling. “Ah, `wag mo nang sagutin `yon. Bayaran mo na lang ako para matapos na `to.”

“Pay you for what?”

“For protecting you from the gangsters,” sagot nito. “`Di ba sinabi ko naman na trabaho kong mag-patrol sa park para siguraduhing walang Polarian na maaagrabiyado ng mga gangster? Niligtas kita kaya dapat lang na bayaran mo ko. My fee is five hundred pesos.”

Mabilis na tumayo si Roarke at namulsa, sabay walk out palabas ng convenience store.

“Hoy!” sigaw ni Cassy na mabilis nakahabol sa tabi niya. Nakatingala ito sa kanya at lumulundag-lundag pa para lang maabot ang line of vision niya dahil deretso lang ang tingin niya habang naglalakad. “Mukha ka namang yayamanin kaya `wag mong sabihing wala kang pera?”

He scoffed at that. “I can buy that convenience store right now if I wanted to.” Huminto siya sa paglalakad at hinarap ang dalaga na biglang tumigil sa paglundag at tumingala na lang sa kanya. Nakapamulsa siyang dumukwang dito para magpantay ang eye level nila, dahilan naman para bhamapaliyad ito. “Pero hindi ako papayag na maging victim ng scam.”

“‘Scam?!’” galit na pag-uulit naman ng dalaga, saka ito umayos ng tayo dahilan para siya naman ang mapaatras at mapaderetso ng tayo. The girl stood on her toes and put her hands on her hips while looking up at him literally. “Excuse me. Hindi `to scam `no. Totoong trabaho ko `to. Kahit sinong student pa ang tanungin mo sa Polaris Academy, siguradong kilala nila kung sino si Errand Girl.” Umayos na ito ng tayo, sabay kiskis ng daliri sa noo. “I’m that famous.”

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Errand Girl?

“Sir Roarke.”

Nalingunan ni Roarke si Creed na nakatayo ng maayos sa harap ng black Rolls-Royce niya. Nakangiti ang Knight niya pero matalim naman ang tingin sa kanya. Ngumisi lang siya bilang sagot. Ah, buti naman at na-trace na nito kung nasa’n siya. ‘Sir Roarke’ ang tawag nito sa kanya kapag nasa presensiya ng ibang tao na nakakasalamuha niya kapag tumatakas siya para hindi nito aksidenteng ma-reveal ang identity niya bilang prinsipe. “You’re here,” sabi niya, saka niya nilingon si Cassy na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kotse. “Hoy, isasabay na kita sa pagpasok sa school.”

“WHAT’S your ID number?”

Binigyan ni Cassy ng nagdududang tingin si Roarke na katabi niya sa sobrang komportableng backseat ng Rolls-Royce nito habang pinagmamaneho sila ng driver-slash-bodyguard daw nito na ipinakilala ng binata sa kanya bilang si ‘Creed.’ “Bakit mo tinatanong?”

Binalingan siya ni Roarke at hinarap sa kanya ang hawak nitong malapad na phone. Nakabukas ang Polaris Academy Website sa tab niyon. “I-che-check ko kung totoong student ka ng Polaris. Titingnan ko rin sa Grade Portal ang grades mo para malaman ko kung nag-aaral ka ba o puro pag-pa-“patrol” lang ang ginagawa mo sa buhay mo.”

Nakasimangot na nilabas niya mula sa loob ng vest ang ID niya at hinarap `yon sa binata. Mukha namang na-gets nito ang ginawa niya dahil himbis na magtanong, tiningnan lang nito ang ID niya, pagkatapos ay naging busy na uli ito sa phone.

Sumandal naman siya sa malambot na upuan at humalukipkip. Ang komportable talaga sa mga luxury car. Ang bango-bango pa sa loob niyon. Pero hindi niya itatanggi na mas mabango si Roarke. Hindi naman sa sinisinghot niya ang lalaki. Talaga lang mabango ang binata at maaamoy ito kahit siguro naglalakad pa lang ito palapit sa kung sino.

Hindi porke mabango eh matino na agad, saway niya sa sarili. Bakit ba basta-basta ka na lang sumasakay sa kotse ng taong ngayon mo lang nakilala?

In her defense, magaling naman siyang kumilatis ng mga tao. Wala naman siyang naramdamang panganib kay Roarke kaya sumama siya rito. Isa pa, ayaw naman niyang ma-late sa school.

“Mahaba pa ang buhok mo ID picture mo,” mayamaya ay komento ni Roarke pero nakatingin pa rin ito sa phone nito. “Why did you cut it short?”

“Hassle, eh. I run errands for our schoolmates and most of the time, kailangan ng physical strength sa mga pinapagawa nila. Mas convenient kapag maiksi ang buhok ko dahil hindi ko na kailangang suklayin o ipusod kapag busy ako.”

“Why do you run errands for other people?”

“New student ka kaya hindi mo pa alam ang tungkol sa unspoken caste system ng Polaris Academy. Pero suwerte ka kasi tingin ko, magiging safe ka naman since mukhang yayamanin ka. Kung hindi VIP, baka nga maging VVIP ka pa.”

Kunot-noo siyang binalingan ng binata. “Wait. Are you saying that the students in Polaris Academy categorize people based on social status?”

Tumango siya. Sigurado naman siyang malalaman din nito ang tungkol sa kakaibang bullying sa school nila kaya wala namang masama kung bibigyan na niya ito ng ‘warning’ sa kung ano ang dapat nitong i-expect sa Polaris Academy. “Matagal na `yong sistema sa school. Masasanay ka rin.”

“So… what ‘class’ are you in?”

“The lowest,” natatawang sagot niya. Tawa ng magkahalong pagkapahiya at consolation sa sarili. Gusto niyang isipin na malakas na siya ngayon para pagtawanan na lang ang nakakaawa niyang sitwasyon. “Class C as in Commoner. Apparently, nasa ibaba ako ng pyramid.”

Mas lalo yatang lumalim ang kunot sa noo nito. “Because you’re a scholar?”

Tumango siya. Nakalagay sa Grade Portal niya ang ilang impormasyon tungkol sa kanya kaya siguro nalaman ng binata ang tungkol sa bagay na `yon. “Oo, saka average lang din ang family ko.”

“Why are you letting them step on you just because of your social status?”

Mas nilakasan niya ang pagtawa pero sa totoo lang, pakiramdam niya ay biglang tumigas ang backseat dahil hindi na siya komportable. “Para namang malalabanan ko ang mga rich kids na `yon. Kailangan kong mag-survive kaya–”

“You’re letting them make a slave of you,” pagtatapos nito para sa kanya. Nawala na ang kunot sa noo nito pero ang tinging ibinibigay naman nito sa kanya, magkahalong simpatya at pagkadismaya. “I get it. ‘Just go with the flow,’ right?”

Nawala na ang ngiti niya. Naiinis siya sa lalaking `to na ilang minuto pa lang niyang nakikilala pero parang kilalang-kilala na agad siya. “You can’t break a system that easily.”

“Have you tried breaking the system?”

Parang biglang bumigat ang loob ni Cassy. Sinubukan niyang labanan ang sistema pero mabilis siyang sumuko dahil wala naman siyang ‘kapangyarihan’ para labanan ang rich kids na nambu-bully sa kanya. Saka maraming mawawala sa kanya kung ipaglalaban pa niya ang prinsipyo niya kaya mas pinili niyang kalimutan na lang ang pride niya para makapag-survive siya.

Akala niya, tanggap na niya ang choice na pinili niya. Pero sa isang tanong lang ni Roarke, bigla niyang kinuwestiyon ang lahat ng major life decision na ginawa niya simula nang tumapak siya sa Polaris Academy. How dare this guy mess up her system this way?

“Cassy,” seryosong sabi ni Roarke mayamaya. “Do you want to break the system?”

Masyado nang nabibigatan si Cassy sa pinag-uusapan nila. Ang lalim naman kasi ng topic para sa first meeting na `yon! “Buksan mo `yong bintana, Roarke.”

“‘R-Roarke?!’” parang nabiglang bulalas naman ni Creed habang nakasilip sa kanya sa rearview mirror. “Did you just call His High–”

“Shut up, Creed,” iritadong saway dito ni Roarke na binababa na ang bintana sa gilid nito.

Tiningnan naman siya ni Creed ng masama bago ito nag-focus uli sa pagmamaneho.

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Bakit ba siya nagagalit sa’kin?

“Why do you want me to open the window?” tanong ni Roarke na nakatingin na sa labas ng bintana. “May makikita ba kong maganda dito?”

Bumuga naman ng hangin si Creed. “Sir, I don’t think you should open the window–”

“Shut up and just drive, Creed,” mariing saway ng binata rito. Nang tumahimik ang driver nito, binalingan siya nito. “So ano bang dapat kong i-expect?”

“Ang ‘cherry blossoms’ ng Pilipinas,” nakangiti at proud na sagot ni Cassy. Tumingin siya sa labas ng bintana at lalo siyang napangiti nang makitang nakalagpas na sila sa malaking arc ng Polaris Academy. “Welcome to Polaris Boulevard, new student.”

Nilingon niya si Roarke para makita ang reaksyon nito. Nakatingin na uli ito sa labas ng bintana pero nakikita naman niya na bahagya itong nakangiti habang titig na titig sa nadadaanan nilang naggagandahan at makukulay na bougainvillea tress sa magkabilang-gilid ng kalsada.

And his profile looked great– long lashes, pointed nose, thick but reddish lips, square jaw…

Magtigil ka, saway niya sa sarili habang marahang tinatampal-tampal ang mga pisngi niya. Hindi naman siya ang nag-iisang guwapong Polarian sa school.

“They’re beautiful,” mukhang amused na komento ni Roarke, saka siya binalingan. “Anong tawag sa mga puno na `yon?”

“Bougainvillea tress,” mabilis na sagot naman niya. “Hindi pa ko nakakakita ng cherry blossoms in person pero I’d like to think na magkasing-ganda lang sila…”

Unti-unting siyang natigilan nang marinig ang malakas na sigawan kasabay ang pagbagal ng pag-andar ng kotse.

Nang tumingin siya sa labas para silipin kung ano ang nangyari, nagulat pa siya nang makitang nakapila ang senior high students sa malawak na quadrangle sa harap ng main building. Pero hindi ang schoolmates niya ang maiingay kundi ang mga reporter na may kasama pang mga cameraman na naglalakihan ang mga camera. Kanya-kanya kasi ng pagsasalita ang mga reporter na para bang may kung anong binabalita. Nakakapagtaka, pero sa direksyon nila nakatingin ang mga ito.

Dumagdag pa sa ingay ang linya ng security team na gumawa ng human barricade para pigilan ang mga reporter at ilang estudyante na umalis ng linya. Sumisigaw din `yong naglalakihang mga bodyguard na mukhang mga foreigner at naka-blacksuit pa. English ang salita ng mga ito at naririnig niyang pinapaatras nito ang mga schoolmate niyang sinusubukang umalis sa linya.

Napasinghap si Cassy nang may na-realize siya. “Nandito na siguro `yong prinsipe!”

Biglang nasamid si Roarke. Nang kunot-noong nilingon niya ito, umiling lang ito habang tumataas ang bintana sa gilid nito. “You get off first.”

Mabilis na tumango naman siya at humawak sa doorknob. “Una na ko, ha? Salamat sa free ride.”

Tumango lang din si Roarke na nagsusuot na ng dark sunglasses ng mga sandaling `yon, saka ito lumingon sa kanya. Wow, he suddenly looked like a hot teenage vampire.

“Aalis na ko,” natatarantang sabi niya dahil habang tumatagal, naguguwapuhan siya sa lalaki. Kalma, Cassy. Hindi mo priority ang mga ganyan.

Binuksan niya ang pinto at sa maliit na siwang pa lang, sumalubong na agad sa kanya ang malakas na sigawan. Nang bahagya siyang sumilip sa labas, nagtaka siya nang makitang bukas ang mga bintana ng mga kuwarto sa main building at nakadungaw ang mga estudyante.

At nang bumaba siya ng kotse, nagulat siya sa malakas at sabay-sabay na chant na narinig niya mula sa Polarians at sa iba pang naro’n din gaya ni Principal Venaracion at ang buong faculty staff na no’n niya lang napansin na nasa harap pala ng pila.

“Welcome to Polaris Academy, Prince Roarke!”

‘Roarke?!’

Nanlaki ang mga mata ni Cassy at nang lumingon siya sa kabilang side ng kotse, mas lalo siyang nagulat nang makitang bumaba na rin pala si Roarke at nakaharap ito sa ‘audience’ nito habang nakataas ang kamay bilang pagbati siguro.

“Ikaw ang prinsipe?!” hindi napigilang bulalas niya.

Napansin niyang biglang humina ang sigawan sa paligid pero wala `yon sa focus niya dahil humarap sa kanya ang prinsipe. Ipinatong pa nito ang mga braso sa bubong ng kotse at kahit naka-shades ito, sigurado siyang nakatingin ito sa mukha niya.

“Hi. I’m Prince Roarke of Elestia,” pormal na sabi ni Roarke pero may kaunting playfulness pa rin siyang narinig sa boses nito. “I hope you remember my name and my country this time, Miss Hart.”

Lagot na!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.