NAKATAYO na ngayon si Roarke sa stage habang binabasa ang pagbati ni King Royale para sa mga Filipino kasunod ang ‘royal decree’ nito para sa Polaris Academy na nagpapaalam din sa lahat ng misyon niya sa pagpunta sa Pilipinas– partikular na sa pagpasok niya sa private school na `yon.
Nakaharap siya sa senior high students na pumuno sa buong hall pero tahimik at maayos naman na nakapila ang mga ito. Nasa likuran niya si Principal Veneracion at ang buong faculty staff ng school. Sa harapan niya, walang tigil sa pagkislap ang mga camera mula sa mga piling reporter na pinayagang makapasok sa loob ng Assembly Hall para ma-cover ang speech niya.
“To wrap it up, the king himself sent me here to finalize the partnership between Polaris Academy and Elestia’s Magnolia High to establish the student exchange program that we discussed to the board of directors from both schools by being the first student for the project,” pormal na pag-summarize ni Roarke sa utos ng hari. Ang Magnolia High ang number one private institution sa kanila at iyon din ang alma mater ng royal family at iba pang may mataas na posisyon sa kanilang society. In fact, do’n din siya nag-aaral bago siya nagdesisyong kausapin si King Royale para i-suggest dito ang pagkakaro’n ng partnership sa pagitan ng number one private school ng Pilipinas at Elestia para mas lalong tumibay ang samahan ng dalawang bansa. “Siyempre, kasama ko rin sa pagbisita na ito ang delegates ng Magnolia High para mas lalong mapagtibay…” A chorus of ‘ohh’ erupted from the audience. Dahil ba `yon sa pag-ta-Tagalog niya? Medyo napangiti siya habang iiling-iling. “Hey, I’m half-Filipino and my mother banned me from speaking English and French at home. Kailangan ko raw i-straighten ang dila ko sa pagta-Tagalog so I need practice, you know?”
Isang malakas na tawanan ang naging sagot ng audience sa biro niya. Kahit sanay siya sa pagiging pormal, marunong din naman siyang magbiro lalo na kung nasa presensiya ng ibang lahi. Bilang prinsipe, pinag-aaralan din niya ang pakikisama sa ibang bansa para sa ikabubuti ng Elestia.
Ipinagpatuloy niya ang speech niya at sunod naman niyang na-tackle ang mission and vision ng Magnolia High na nag-be-blend din sa mission and vision ng Polaris Academy.
Sa Elestia, isa siya sa mga young ambassador of education na nag-e-encourage sa mga kabataan na i-prioritize ang pag-aaral himbis na bisyo. May mga advocacy din siya sa Magnolia High gaya ng paglaban sa bullying na gusto niyang ipagpatuloy dito sa Polaris Academy. Which reminded him…
“While I’m here at Polaris Academy, I want to live like a normal person– a normal high school student at that,” pagsisimula niya sa personal speech na niya dahil na-cover naman na niya ang lahat ng kailangan niyang i-announce bilang prinsipe. “Please don’t be too formal with me.” Bahagya niyang nilingon at nginitian ang mga school official sa likuran niya. “Please talk to me like how you usually talk to the students. Okay lang kung pagalitan, sigawan, o pagsabihan niyo ko kung may nagawa o nasabi akong masama. I’d appreciate it if you point out my mistakes so I can also learn outside the textbooks while I’m here. Please don’t hesitate to call me out if needed.” Nang tumango at ngumiti ang mga ito, humarap uli siya sa mga schoolmate niya at pinasadahan ng tingin ang bawat row na nakapila sa buong Assembly Hall. Pero sa totoo lang, wala siyang masyadong maaninag na mga mukha dahil nasisilaw siya sa nagkikislapang mga camera sa harap niya. “As a Grade 12 student, mas madalas ko sigurong makakasama ang senior high students dito sa Polaris. Most of you must be of the same age as me. If not, siguro magkakalapit pa rin naman ang age natin. I’d appreciate it if you treat me like a friend instead of a prince. Don’t worry, I’m good at running and hiding away from my Knights so we can hang out at computer centers. Princes like video games and arcades, too.”
Nagtawanan na naman ang audience niya. May mga pumalakpak at sumigaw pa nga para ayain siyang mag-cut class. Pero isang saway lang ni Principal Veneracion, tumahimik na uli ang lahat.
“I’m looking forward to having good harmony with everyone,” seryoso at sincere na sabi niya. Siguro nga ay may iba siyang dahilan sa pagpunta sa Polaris Academy. Pero ngayong nandito na siya, gusto niyang gawin ng maayos ang ‘prince duties’ niya. He was an ambassador of education back home and he planned to bring his advocacy in this school. “Let’s be good to each other, shall we?”
“WELCOME to Borealis Dormitory, Prince Roarke.”
“Just ‘Roarke’ is fine, Principal Veneracion,” pagtatama ni Roarke dito sa mas gentle na boses kesa sa normal niyang pagiging pormal habang naglalakad sila papasok ng dormitory for boys para sa senior high students. Pagkatapos ng speech niya sa Assembly Hall kanina, sumagot lang siya ng ilang tanong mula sa mga reporter bago siya nag-aya na sumilip sa dormitory kung saan siya mag-i-stay. “Starting today, I’m a student here at Polaris, sir. I appreciate your generosity but I want to be fair to my schoolmates so I’d prefer it if you don’t give me special treatment.”
“You’re a very honorable young man, Roarke,” nakangiting sabi naman ng prinicipal. “Kung `yan ang request mo, pagbibigyan kita. Kakalimutan ko muna na isa kang Elestian prince.”
Tumango lang siya. Alam naman niyang halos imposible ang gusto niyang mangyari sa kabila ng pag-uusap nila ngayon ng principal. Ngayon pa nga lang, mahirap nang isipin na maayos siyang nag-be-blend sa crowd dahil sa nakabuntot niyang mga Knight. Bukod kay Creed, may limang Knights pa itong kasama at limang bodyguard naman mula sa security team na inutusan ng mommy niya para bantayan siya. Siyempre, meron ding ipinadalang sariling security team para sa kanya ang Polaris Academy at ang mismong gobyerno ng Pilipinas. Sigurado siyang merong pa siyang mga naka-disguise o nakapang-civilian na bantay para masiguro ang safety niya.
Naiintindihan naman niya kung bakit ganito kahigpit na security pa rin ang ibinibigay sa kanya sa kabila ng request niya. No’ng isang taon lang, na-kidnap sa bansang iyon si Prince Ross. Granted na Elestians ang mga terorista at ang mismong uncle pa nila ang nagpa-kidnap sa pinsan niya, pero hindi pa rin maiiwasang masisi ang Pilipinas dahil sa ‘mahinang’ security team niyon.
Kaya siguro sa pagkakataong `yon, gustong bumawi ng gobyerno para mapatunayang ligtas pa rin ang Pilipinas. Sa totoo lang, gusto rin nina King Royale at Prince Ross na mabura na ang insidenteng `yon sa isipan ng ibang lahi– lalo na ng mga kababayan– kaya pumayag ang mga pinsan niya sa binigay niyang suggestion tungkol sa student exchange program na `yon. Parehong mahal nina King Royale at Prince Ross ang Pilipinas at gusto ng mga ito na ipakita sa mundo na walang dapat ikatakot ang mga tao sa bansang may pinaka-hospitable na mga mamamayan.
“Roarke, I’d like to introduce you to the boys of Borealis Dormitory,” halatang proud na sabi ni Principal Veneracion nang makarating sila sa common area ng dorm kung saan nakapila ang mga boarder gaya kung pa’no nakapila ang mga estudyante sa Assembly Hall kanina. Nakasuot pa rin ng school uniform ang mga ito, halatang do’n dumeretso pagkatapos ng speech niya. “And this is Chase Serranilla, the Dorm Leader. I’m sure you already know each other.”
Tumango lang si Roarke. Alam naman ng lahat ng nakakilala sa pamilya Serranilla na magpinsan sila ni Chase bilang pamangkin ito ng mommy niya na sikat na public figure sa Pilipinas. Binigyan niya ng seryosong tingin at iritadong ngisi ang pinsan niya. “Chase, my favorite cousin.”
Lumapit naman sa kanya si Chase at ngumisi rin. Hindi sila magkasundo pero para protektahan ang pamilya at kanya-kanya nilang image, itinatago nila sa publiko ang sirang koneksyon nila bilang magpinsan. “Welcome to our dorm, cousin,” sabi nito sa kanya, sabay tapik sa balikat niya. “Would you like me to give you a tour?”
“Why not?” pagpayag naman niya dahil kailangan din naman niyang makausap ang magaling niyang pinsan na ngayon niya lang uli nakita pagkatapos ng eksenang ginawa nito sa mansiyon ng mommy niya no’ng isang gabi. “Gusto ko na rin namang malaman kung saan ang magiging kuwarto ko sa dorm na `to.” Nilingon niya si Principal Veneracion. “Sir, thank you for escorting me here.”
Mukhang naintindihan naman ng principal na dini-dismiss na niya ito dahil tumango at ngumiti ito sa kanya. “Right. You’re a big boy. You don’t need us here,” natatawang biro pa nito na nginitian niya lang. “I’ll go ahead, Roarke. `Wag kang mahihiyang tumawag o lumapit sa’kin kung may iba ka pang kailangan.” Nang tumango lang siya, nilingon naman nito si Chase. “Dorm Leader, ikaw na ang bahala sa new student natin. Alam mo na kung ano ang gagawin, `di ba?”
His douche of a cousin gave the principal a mock salute. “Yes, sir. Ako nang bahala kay Roarke. I’ll do as you instructed me.”
Tumango ang principal na halatang natuwa sa pinsan niya. “Very good, Mr. Serranilla.”
“Creed,” pagtawag naman ni Roarke sa Knight niya na mabilis lumapit sa kanya. “Please tell your subordinates to leave as well. Masyado nang crowded dito sa loob. Ikaw na lang ang maiwan dito.”
Pinatong ni Creed ang kamay sa dibdib nito at magalang na yumukod sa harap niya. “As you wish, Your Highness.”
Mayamaya lang, umalis na ang principal kasama ang kanyang legion of security team sa loob ng dorm at si Creed na lang ang naiwan na nakabuntot sa kanya. Pero tahimik at halos hindi naman niya nararamdaman ang Knight niya kaya kahit pa’no, nakahinga na siya ng maluwag.
Pagkatapos niyang bumati sa mga bago niyang dormmate, inutusan ni Chase ang mga ito na bumalik na sa kanya-kanyang kuwarto. Pagkatapos ay inakbayan siya ng pinsan niya at inakay palibot sa common area.
“So, dear cousin,” sarcastic na pagsisimula naman ni Chase habang minumuwestra ang paligid gamit ang libre nitong kamay. The area had a huge flat screen TV hanged on the wall, table and chairs on the left side for studying perhaps, and couches and lovechairs probably for enjoyment. “This is the lounge-slash-study area blah-blah-blah. Hindi ka naman bulag kaya nakikita mo naman siguro na may common kitchen and comfort room din sa floor na `to.” Sunod naman siya nitong inakay paakyat ng hagdan. “As you can see, may apat na floors dito at depende sa Academic Track mo kung saan ka mapupunta blah-blah-blah.” Binitawan na siya nito at binigyan siya ng mayabang na ngisi. “Each room is good for three students at may sarili na ring banyo ro’n blah-blah-blah.”
“Stop being an asshole, Chase,” iritadong saway ni Roarke dito, saka niya ginalaw ang balikat para mapilitan ang pinsan niya na alisin ang braso nito sa katawan niya. Huminto siya sa paglalakad para bigyan ito ng matalim na tingin. Naramdaman niyang huminto rin si Creed sa likuran niya pero malayo-layo naman ang Knight niya para siguro bigyan sila ng privacy, pero alam niyang sapat pa rin ang distansiya na `yon para malapitan agad siya nito kung kinakailangan. “Hindi ko kailangan ang wala kuwentang itinerary mo sa “tour” na `to. I just want to know where my room would be.”
Sumandal ang pinsan niya sa handrail ng staircase at humalukipkip, saka siya nito binigyan ng bored na tingin. “A few months ago, this dormitory was renovated without telling us what for. Now I know that the attic was revamped and decorated like a hotel sweet just for you, my dear cousin.”
Napasimangot siya. Ah, so ginawa palang mala-sweet suite ang attic para sa kanya? So much for not giving him special treatment, huh?
Ilang buwan din silang nag-plano ng mabuti para sa partnership ng Polaris Academy at Magnolia High sa pagbuo ng student exchange program sa pagitan ng dalawang private institution. Hindi madaling mag-usap at mag-meeting sa pamamagitan lang ng video call. Kaya minsan sa isang buwan, palihim na nagpupunta sa Elestia ang board of directors ng Polaris hanggang sa makabuo na ng agreement ang dalawang school. Sekreto rin ang naging paghahanda para sa pagdating niya at nagbilin naman siya na huwag gawing big deal ang plano niyang pagpasok sa academy.
Now he knew no one listened to his simple request.
“I want to use a normal room,” sabi ni Roarke sa frustrated na boses. “Gusto kong ma-experience ang magkaro’n ng roommates.”
“Stop being a royal pain in the ass, Roarke. Your room is already prepared.”
“You’re the Dorm Leader so you have the authority here. O baka naman hanggang pangalan lang ang authority na meron ka rito?”
Napatayo ito ng deretso, halatang napikon sa sinabi niya. “I can transfer you to any damned room you prefer, you arrogant prince. Saka teritoryo ko `to kaya mag-ingat ka sa mga sinasabi mo.”
Ipinaikot niya lang ang mga mata dahil sanay na siya sa mga pagbabanta nito na hanggang salita lang naman. Sa pagkakataong `yon, siya naman ang sumandal sa railing at humalukipkip. “I want to be in the same room as Koji Takishima.”
Kumunot ang noo nito, halatang nagulat. “What?”
Tumingin muna si Roarke sa paligid para masigurong walang ibang tao na nakikinig sa usapan nila. Tiningnan niya si Creed at sumenyas naman ito na wala ngang eavesdropper sa paligid. Pagkatapos, hinarap niya uli ang pinsan niya na halatang hinihintay ang paliwanag niya. “I know about the Flower’s feelings for that guy.”
‘Flower’ was the code name for Princess Cassiopeia. Lahat ng member ng royal family, may code na ginagamit para protektahan ang identity kapag nasa ibang lugar. ‘Pebble’ naman ang kanya.
“I asked one of the Knights from her security team to investigate the probable reason why she refuses to go back to Elestia,” paliwanag niya sa mahinang boses. “Alam ko namang hindi magsasalita si Xia kahit ako pa mismo ang magtanong sa kanya kaya ibang Knight ng Flower ang inutusan ko. According to that person, the Flower has been chasing that Koji Takishima since junior high.”
Tumaas ang kilay ng pinsan niya. “I know you so I’m assuming you already ran a background check on Koji. So, what do you think?”
“I don’t want a guy with a huge debt for the Flower,” matapat na sagot niya. “Pero naisip ko na hindi niya magugustuhan ang lalaking `yon ng walang dahilan kaya nag-decide ako na kilalanin muna ang Koji Takishima na `yon. Saka ako magdedesisyon kung matatanggap ko ba siya o hindi.”
“Koji is gay,” deklara naman ng pinsan niya, pagkatapos ay kunot-noo siya nitong nilingon. Napansin niyang humina ang boses nito nang muling nagsalita. “Roarke, ilayo mo si Blossom sa lalaking `yon. Ang alam ng mga tao dito, little sister ko ang kapatid mo. Ako ang napapahiya sa tuwing pinagtatawanan siya ng schoolmates namin dahil sa paghahabol niya sa baklang `yon, eh.”
Kumunot din ang noo ni Roarke sa pagtataka. Minsan talaga, hindi niya maintindihan kung galit o concerned ba sa kanila si Chase.
Naalala niya `yong nangyari no’ng isang gabi. Pagdating niya sa mansiyon ng mommy niya kasama ang mga Knight niya, naabutan niyang nagbabantay sa main door si Xia na halatang hindi masaya sa naririnig na pag-aaway nina Cassiopeia at Chase sa loob.
Pagsilip niya, nakita niyang hinablot ni Chase ang kuwelyo ni Cassiopeia na napapikit naman. Umangat ang kamay ng pinsan niya na parang sasaktan ang kakambal niya. Pero bago pa man din siya sumigaw no’n, kusa nang huminto ang kamay ni Chase sa ere at nakita naman niya sa mukha nito ang pagkagulat at guilt sa muntik na nitong magawa sa prinsesa.
Bumuka ang bibig nito na parang mag-so-sorry pero huli na. Sumigaw na siya no’n at hinablot na ito ni Xia. Maging ang mga Knight na malalapit sa kanya at alam ang totoong pagkatao ni Cassiopeia, kumilos na rin sa pag-aalalang baka masaktan nga ang kapatid niya.
Ngayon naman, hindi niya maintindihan kung gusto ba ni Chase na ilayo si Blossom kay Koji Takishima dahil nag-aalala ito o kung ayaw lang talaga nitong mapahiya sa ibang tao.
Family is a very complicated thing, isn’t it?
“Ako mismo ang mag-o-observe kung bakla ba talaga siya o hindi,” sabi ni Roarke kay Chase para matapos na ang usapan nila. “For now, I want you to transfer me to Koji Takishima’s room.”