Royal Secret/Royal Engagement Duology Chapter 9

NAPASANDAL si Cassy sa dingding nang humakbang palapit sa kanya ang mga kaklase niya sa pangunguna nina Brenda at Eloise. May mga unfamiliar faces din siyang nakikita sa likuran ng dalawang babae. Dahil sa pagdating ng prinsipe, busy ang buong school kaya sinabihan muna ang senior high students na mag-“self-study.”

Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari, hindi na sana siya pumasok ng school. Eh di sana, hindi rin siya ginigisi ng schoolmates niya ngayon! Aminin man niya o hindi pero kinakabahan talaga siya ngayon. Puro babae ang nando’n dahil kanina, pinabalik ang male students sa Borealis Dormitory para raw salubungin ang prinsipe na sa dorm din titira habang sa Polaris Academy pumapasok.

“Answer us, Cassy Hart,” halatang naiinis na banta sa kanya ni Brenda na nakahalukipkip pa at matalim ang tingin sa kanya. “When and where did you meet the prince?”

“And why did you go to school together?” naka-pout na tanong naman ni Eloise na nakapamaywang at parang maiiyak na sa inggit. “Magkatabi pa kayo sa car! Anong ugali ni Prince Roarke `pag walang camera? Naamoy ko agad `yong perfume niya no’ng dumaan siya sa harap namin and he smelled really good. Pa’no pa kaya kung magkatabi kami?” Binigyan siya nito ng iritadong tingin. “You’re one lucky girl, aren’t you?”

Ngumiti ng pilit si Cassy. Sa totoo lang, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. `Yong lalaking tinawag niyang ‘hoy’ at aksidenteng tinuruang magmura, prinsipe pala! Mapaparusahan kaya siya dahil sa mga nagawa niya? `Yon ang mas kinakatakot niya kesa sa mga bully na `to.

“Bakit hindi ka sumasagot?” frustrated na tanong naman ni Brenda, pero mabilis din itong natigilan at napangisi. “Ah. I know.” Nilabas nito ang wallet mula sa hawak nitong handbag. “You want us to pay before you spill the beans `no?”

Sanay si Cassy na binabayaran kapag may inuutos sa kanya ang mga schoolmate niya dahil siya naman talaga ang unang nag-offer ng “service” niya. Mahigit isang taon na rin siya bilang ‘Errand Girl’ kaya sanay na siya sa gano’ng buhay. Pero hindi niya maintindihan ngayon kung bakit nakaramdam siya ng pagkainsulto sa pag-o-offer ni Brenda ng pera para lang sagutin niya ang tanong nito.

“Right, you’re Errand Girl nga pala,” natatawang pagsang-ayon ni Eloise habang naglalabas din ng wallet. “I want detailed answers so I’ll give you one thousand pesos instead of your usual 500 peso service fee. Okay na ba `to?”

“Oh, I’ll double your service fee din,” sabi naman ni Brenda na naglalabas uli ng pera. “I want exclusive answers to some of my questions.”

Umungol sa reklamo ang ibabang babae na nagsipaglabasan din ng pera dahil may itatanong din daw sa kanya ang mga ito tungkol sa prinsipe.

“Why are you letting them step on you just because of your social status?”

Naikuyom niya ang mga kamay nang sabay na iabot sa kanya nina Brenda at Eloise ang tig-dalawang five hundred peso bill. May iba pang mga babae ang sabay-sabay ding nag-abot ng pera. Masakit nga lang sa tainga ang magkakasabay ding pagsasalita ng mga ito habang iba-iba ang tanong. Pakiramdam tuloy niya, parang may buzz sa isipan niya na nagpapasakit sa sentido niya.

I have to survive here, paalala niya sa sarili. Mas okay na `yong ganitong Errand Girl nila ako kesa naman pinag-ti-trip-an nila ako araw-araw. At least, nagkakaro’n pa ko ng income dito.

Humugot si Cassy ng malalim na hininga pero hindi pa rin gumaang ang pakiramdam niya. Gayunman, pilit pa rin siyang ngumiti sa harap ng mga kliyente niyang halatang naiinip na sa kawalan niya ng reaskyon. “Okay, dear clients. Hindi ko kaya kayang sabay-sabay na i-accommodate so please make a straight line. Bahala na kayo kung sino ang mauuna.”

Siyempre, ang ‘caste system’ na naman ang ginamit ng mga schoolmate niya sa pagpila. Mabilis at systematic ang naging proseso kaya ilang segundo pa lang ang lumilipas, may tuwid na linya na sa harap niya. Si Brenda na considered bilang ‘VVIP’ ang nasa unahan, kasunod si Eloise.

“Okay, Miss Zulueta,” sabi niya sa ‘friendly’ na boses aka ‘business tone.’ “What’s your question?”

“How did you meet the prince?” nakataas ang kilay na tanong ni Brenda.

“Nag-pa-patrol ako do’n sa park na parating pinupuntahan ng mga high school gangster `tapos nakita ko siyang binu-bully–”

“The prince was bullied by those stupid-looking gangsters?!” tanong naman nito sa exaggerated na boses na ginaya pa ng iba. “Sumosobra na talaga those people! Should we do something to make pasara their school? Nakaka-stress na kasi ang pag-threaten nila sa’tin, eh.”

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. “Kaya niyo bang ipasara ang isang school?”

Binigyan siya ni Brenda ng kakaibang tingin. “Of course, duh. I heard na that school is not doing well naman since the students are basaguleros nga.”

Mabilis siyang umiling habang iwinawasiwas ang mga kamay. “Ah, hindi naman kailangang umabot sa gano’ng point.” Akmang magrereklamo ang babae kaya nagsalita agad siya para ma-distract. Being in the “service industry” for more than a year, she already knew how to be a people pleaser when she needed to be. “The prince was very manly.”

Nanlaki ang mga mata ni Brenda, halatang curious sa sinabi niya. “How?” Nilingon nito ang mga babae sa likuran niya. “I want to hear the story exclusively.”

Nagreklamo ang mga babae sa likuran pero wala namang pumigil kay Brenda nang hawakan siya nito sa siko at dalhin sa corner ng classroom para makapag-usap daw sila “in private.”

“So what happened?” curious na curious na tanong ni Brenda. Binitawan siya nito at humalukipkip ito habang titig na titig sa kanya. “Bakit mo nasabing manly si Prince Roarke?”

“Muntik na kasi siyang makipagsapakan sa mga gangster,” sagot niya na nagpasinghap kay Brenda. “Nakasakay siya sa bike no’n, eh. `Tapos bumaba siya at pumorma ng ganito…” Pinasok niya sa bulsa ng skirt niya ang kamay niya habang ang isa naman, ginamit niya para luwagan ang suot niyang ribbon. “Niluwagan niya `yong necktie niya. Then he spoke in a deep, cold, baritone voice.” Tumikhim muna siya bago niya pinalalim ang boses niya habang naka-chin up pa. “‘Bring it on.’”

Impit na tumili si Brenda na itinakip pa ang mga kamay sa bibig, halatang kinikilig. “OMG! He looks prim and proper when people are watching pero when he’s alone pala, he acts like an alpha male!”

Napaisip si Cassy. Kapag alpha male kasi ang pinag-uusapan, si Koji Takishima ang unang pumapasok sa isipan niya. Nag-init ang mga pisngi niya sa naiisip niya at bigla rin siyang na-guilty nang maalala niya si Blossom kaya umiling-iling siya para alisin ang thought na `yon sa utak niya.

“Why are you shaking your head?” sita naman sa kanya ni Brenda sa halatang naiinis na boses. “Hindi ka ba agree na alpha male si Prince Roarke?”

Nakagat niya ang ibabang labi. Mahirap kausap ang babaeng `to kaya nag-isip agad siya ng effective way para utuin uli ito. Pero bago pa siya makapagsalita, may tumawag na sa kanya.

“Miss Hart, come here for a minute.”

Nakahinga si Cassy ng maluwag nang makita sa pintuan ang homeroom adviser nilang si Miss Crisostomo. “Yes, Ma’am,” mabilis na sagot niya, saka siya nagpaalam kay Brenda bago siya tumakbo palabas ng classroom at lumapit sa teacher nila. “Bakit po, Miss Crisostomo?”

“Pinapatawag ka ni Principal Veneracion,” sagot naman ni Miss Crisostomo. “Hindi ko rin alam kung bakit, eh.” Ngumiti ito at pinisil siya sa braso na para bang in-e-encourage siya. “Pero mukha namang good mood siya kaya `wag kang matakot.”

Ngumiti siya at tumango. Baka tungkol lang `yon sa scholarship niya dahil madalas naman, pinupuri siya ng principal dahil sa pag-maintain niya ng matataas na grades. Pero gano’n naman ito ka-generous sa lahat ng scholar ng PSA. Despite his tough exterior, he was a gentle man. “Sige po, Ma’am. Pupunta na ko kay Principal Veneracion. Thank you po.”

Pagkatapos makipag-usap sa homeroom adviser ay naglakad na siya papuntang main building kung nasaan ang Principal’s Office. Pagkatapos lang ng tatlong katok, pinapasok na siya nito. Siyempre, hinanda agad niya ang masigla niyang ngiti para sa pagbati dito.

“Good day, Principal Veneracion…”

Unti-unting nawala ang ngiti ni Cassy nang makitang hindi nag-iisa si Principal Veneracion sa opisina nito. Bukod sa matangkad at stiff na lalaking deretsong nakatayo lang sa sulok ay may iba pa itong kasama. He was in the lounging area of his office while having tea with the prince.

Ang prinsipe na tinawag niyang ‘hoy’ at aksidenteng tinuruang magmura.

Nagtama ang mga mata nila ni Roarke habang elegante itong sumisimsim ng tsa. Pero nang maingat at dahan-dahan nitong ibaba ang tasa sa mesa sa pagitan nito at ng principal, napansin niya ang pagngisi ng prinsipe na para bang pinagbabantaan siya.

Sa pagkagulat niya, tumayo si Roarke na halatang ikinagulat ng principal nila. Nang makabawi, mabilis ding tumayo ang matandang lalaki.

Jusko! Paparusahan nga ako ng prinsipe! Lagot na ko!

“Come here, Miss Hart,” nakangiting sabi ni Principal Veneracion na lalong nagpakaba sa kanya dahil hindi naman ito palangiti. “Join us for tea.”

Tumango naman si Roarke at ngumiti– iyong ngiti na halatang may pinaplanong hindi maganda! “The tea the principal prepared is good, Miss Hart. You should try it.”

Napalunok si Cassy sa kaba pero tumango rin naman siya at parang robot na naglakad papuntang lounging area. Para ngang wala siya sa sarili simula nang umupo siya sa katabing sette ng principal hanggang sa ito na mismo ang nagsalin ng tsa sa maliit na tasa sa harap niya.

Nanatiling nakababa sa tsa ang tingin niya dahil ramdam niyang nakatingin sa kanya si Roarke. Pinaplano na ba ng prinsipe kung pa’no siya paparusahan? Jusko, daig pa niya ang lumaklak ng isang drum na kape sa mala-palpitation sensation na nararamdaman niya!

“Miss Hart, may nabanggit sa’kin ang prinsipe kani-kanina lang,” pagsisimula ni Principal Veneracion matapos nitong ibalik sa gitna ng mesa ang teapot.

Mariin siyang pumikit, nakakuyom ang mga kamay niya sa kandungan niya.

“Tungkol daw sa ginawa mong ka–”

“I’m so sorry, Prince Roarke!” malakas na sabi ni Cassy nang naisip niyang ‘kalokohan’ ang sunod na sasabihin ng principal. Nagmulat siya ng mga mata para tingnan ng deretso ang prinsipe na halatang nagulat sa sinabi niya dahil napakurap-kurap ito habang nakatingin sa kanya. “Hindi ko sinasadya ang lahat ng nagawa at nasabi ko sa’yo kaninang umaga. I’m really, really sorry. Magiging extra careful na ko at kung gusto mo, kaya ko ring mag-disappear sa paningin mo buong school year!” Pinagdikit at pinagkiskis niya ang mga kamay habang nagpapaawa ng mukha nito. “`Wag mo lang akong parusahan o tanggalan ng scholarship. I’m begging you.”

Biglang nagkaro’n ng awkward silence habang binibigyan siya ng kakaibang tingin ng tatlong lalaki na nasa opisina. Yes, even the prince’s Knight.

Okay, anong nangyayari?

Tumikhim naman si Roarke na unang nakabawi sa pagkabigla dahil naging formal na uli ang disposisyon nito. “Hindi ko alam kung bakit mo naisip `yan pero hindi `yan ang reason kung bakit pinatawag ka ni Principal Veneracion dito, Miss Heart.”

Hindi?

Napalitan na ng curiosity ang kaba ni Cassy kaya binigyan niya ng nagtatakang tingin ang principal na mukha namang nasa huwisyo na rin. “Ano po bang nangyayari, Mr. Principal?”

“Nabanggit sa’kin ni Roarke na iniligtas mo ang buhay niya kanina,” parang proud na sagot ng matanda. “Ipinatawag kita dahil gusto ng prinsipe na personal kang pasalamatan sa ginawa mo dahil hindi raw siya nagkaro’n ng pagkakataong magawa `yon ng maayos dahil naging busy siya.”

Sobrang understatement kung sasabihin niyang nagulat siya kaya bago pa niya maisip ang ginagawa, binigyan na niya ng nadududang tingin ang prinsipe.

“Thank you for saving me, Miss Hart,” sabi ni Roarke sa pormal na boses. Ni hindi nga ito nakangiti. But for some reason, she could see a glint of evilness in his green eyes. “Pinakita mo sa’kin na matatapang at righteous ang mga Polarian.”

This jerk.

Alam naman ni Cassy na naging sarcastic ang prinsipe. Alam na nito ang tungkol sa nakakasukang caste system sa Polaris Academy kaya sigurado siyang hindi ito sincere sa mga sinabi nito. Saka kanina lang, napaka-ungrateful nito sa ‘pagliligtas’ niya rito. Tinawag pa nga siya nitong ‘scam.’ “You’re welcome, Roarke,” nakangising sabi naman niya. Malinaw sa speech nito kanina na ayaw nito na tawaging prinsipe kaya wala namang masama kung tatawagin niya ito sa pangalan lang. Kayang-kaya niyang sakyan kung anuman ang pinaplano nito. “Ginawa ko lang ang tama.”

“Miss Hart, may isa pang dahilan kung bakit ka namin ipinatawag dito,” sabi naman ni Principal Veneracion. “Roarke, ikaw na ang magsabi sa kanya.”

Kumunot ang noo ni Cassy habang nakatingin sa prinsipe. “Anong meron?”

“I have a favor to ask,” sagot naman ni Roarke habang bahagyang nakangisi. “Please be my Filipino tutor, Cassy.”

“BAKIT AKO? Ang dami namang iba d’yan na siguradong willing maging Filipino tutor mo, eh. Mahal na Prinsipe, busy person ako.”

Namulsa si Roarke bago pa mangati ang mga kamay niya na tirisin ang babaeng `to. Deretso lang ang tingin niya habang naglalakad ng mabilis pabalik ng Borealis Dormitory. Nasa likuran nila si Creed na hinaharang ang mga estudyanteng patakbong ‘sumusugod’ sa kanya habang may hawak na phone. Binibigyan na lang niya ng tipid na ngiti ang mga ito para hindi sumama ang loob.

Cassiopeia was right when she said the Filipinos would treat him like a celebrity.

“Your grades are impressive, Cassy,” sagot niya, deretso pa rin ang tingin. Sa kabila ng mga nagkakagulong estudyante sa paligid niya, na-appreciate na medyo presko at hindi gano’n kainit ang nilalakaran nila dahil sa mga puno sa paligid. Ngayon pa lang, nagugustuhan na niya ang mga `yon. “Mataas din ang grade mo sa Malikhaing Pagsulat. No’ng i-check ko naman ang previous grades mo no’ng junior high, napansin kong mataas din ang grades mo sa Filipino subject. No’ng sabihin ko kay Principal Veneracion na kailangan ko ng Filipino tutor, kinunsulta raw niya ang Filipino Department ng Polaris at lahat ng teachers, ikaw daw ang tinuro.”

“Bakit naman kasi student ang kailangan mong tutor? Wala ka bang formal lesson? At Filipina naman ang mommy mo, ha?”

“Of course I had formal Filipino lessons when I was a kid. Pero wala naman akong nakakausap na Filipino sa Elestia at hindi naman ako natututukan ng mommy ko dahil pareho kaming laging busy.” Sinulyapan niya ang babae na ang haba-haba ng nguso habang nakatingin ng deretso. Kumunot ang noo niya sa inis. Gano’n ba kasama para rito ang gawan siya ng pabor? “Cassy, kakausapin mo lang ako in Filipino kapag magkasama tayo. Natapos ko na ang formal lessons ko at ang sabi sa’kin ng tutor ko before, mas ma-pa-practice daw ako sa pagsasalita ng language niyo kung native speaker ang madalas kong kausap. Kaya kailangan ko ng tutor dito sa academy. Napansin ko na hindi ka pala-English unlike your schoolmates so I think you’d be a good tutor.” Nang hindi pa rin ito nag-react, iniba na niya ang approach niya. “You’ll have perks as my personal tutor, you know.”

Tumingala sa kanya si Cassy, nanlalaki ang mga mata sa excitement. Nakakatawa na nakakaaliw na makitang umaliwalas agad ang mukha nito. “Talaga? Ano naman `yon?”

“You get to spend time with a prince. A handsome young prince, at that.”

Sumimangot ito at halatang nawalan ng gana sa sinabi niya. “Okay.”

“Tsk, you’re so hard to please,” reklamo niya. Pero na-challenge din siya kaya sinubukan uli niya. “How about I teach you French?”

“Wala naman akong planong magpunta sa France o Elestia kaya hindi ko kailangan matuto ng French. Kung may pag-aaralan akong language, Nihonggo na lang since dream country ko ang Japan– the land of anime and manga…” Unti-unti itong natigilan at biglang namula ang mukha. “Sorry. Hindi naman sa sinasabi kong mas magaling ang Japan kesa sa bansa niyo. Mahilig lang talaga kasi ako sa anime saka manga kaya `yon ang dream country ko.”

Nagkibit-balikat lang siya. Hindi naman siya nainsulto dahil hindi naman niya ipipilit ang ibang tao na magustuhan ang bansa nila. “It’s okay. I like Japan, too, so I know what you’re saying.” Saglit siyang huminto nang may maisip siyang last resort para tanggapin na nito ng maluwag sa kalooban ang offer niya. “I’ll feed you.”

“Ha?”

“Kapag mag-uusap tayo, parati tayong mag-uusap nang may kasamang food. Hindi ko naman puwedeng gutumin ang Filipino tutor ko, `di ba?”

“Deal,” mabilis na sagot ni Cassy na nag-thumbs up pa sa kanya. “Dapat kanina mo pa sinabi `yan, eh.” Kunot-noo itong tumingala sa kanya. “Anyway, alam mo naman ang sideline job ko bilang ‘Errand Girl,’ `di ba? Hindi mo naman kailangang humingi ng favor. Puwede namang i-hire mo na lang ako.” Nag-iwas ito ng tingin, saka ito bumulong. “Eh di sana kumita pa ko.”

“Were you waiting for me to offer you monetary compensation?”

“Sinabi ko naman sa’yo na kailangan kong mag-survive dito,” katwiran nito, hindi tumitingin sa kanya. “Hindi mayaman ang family namin pero parang nakakalimutan `yon ng parents ko. Pagka-graduate ko ng senior high, gusto nilang mag-exam ako sa panibagong expensive university for college. Hindi ko sigurado kung makakakuha pa ko ng scholarship by that time kaya ngayon pa lang, nag-iipon na ko para sa future ko. Wala na kong pakialam kahit magmukha akong pera. Money is life.”

“I know that,” sabi naman niya. “Pero ayokong dumagdag sa mga client mo kasi gusto kong maalala mo na kahit kailangan mo ng pera, mahalaga pa rin ang self-respect.”

Huminto ang babae sa paglalakad at tumingala ito sa kanya.

Huminto rin siya para harapin ito pero dahil mas matangkad siya rito, kinailangan pa niyang tumingin pababa para matingnan ito sa mga mata.

He was stunned by the defiance he saw in her beautiful dark eyes.

“Hindi ko naman in-e-expect na maiintindihan ako ng prinsipe na gaya mo,” seryosong sabi ni Cassy, blangko ang mukha. “Sorry pero wala akong pakialam kahit tingin mo sa’kin eh wala ng respeto sa sarili ko. Hindi mo kasi na-e-experience ang nararanasan ng mga tulad ko sa ganitong klaseng lugar. Hindi ko sila kayang labanan pero kailangan kong mag-survive kahit pa sa ganitong paraan.” May sasabihin sana siya pero inunahan siya nito nang itaas nito ang isang kamay. “Sige na, `wag ka nang mag-sorry. Pinapatawad na kita.”

Tumaas ang kilay ni Roarke sa biglaang pagbabago ng mood ng babae na para bang sinadya nitong ibahin ang topic kaya hindi na siya nag-comment sa mga sinabi nito kahit gusto niyang depensahan ang sarili sa mga nasabi niya. “Thank you for your generosity then,” sarcastic na sabi na lang niya. “Anyway, mag-i-stay ako sa dorm for the whole day kaya bukas na natin simulan ang activities natin. I need to unpack my things and bond with my roommates.”

Kumunot ang noo nito. “Akala ko, sa attic ka mag-i-stay? Nakita ko `yong pics no’ng mala-sweet suite mong room sa Polaris Academy Website, eh.”

“Change of plans,” simpleng paliwanag niya. “I’ll be staying with Koji Takishima.” Well, meron pa silang isang kasama pero si Koji lang ang naalala niya. “Kilala mo ba siya?”

Sa pagkagulat niya, napangiti ang dalaga at namula pa nga yata ang mga pisngi. Her face suddenly shined for some reason! “Si Koji ang roommate mo? Suwerte mo, mabait `yon. Tahimik lang siya at mukhang seryoso pero madali naman siyang i-approach. Matalino din siya, responsible, at gentleman. Hindi ka mahihirapang makipag-friends sa kanya.”

Siya naman ang kumunot ang noo. Hindi niya gusto ang nakikita niya sa babaeng `to. “Do you like Koji Takishima?”

“H-hindi `no!” mariing tanggi nito pero pulang-pula naman ang mukha. “Friends lang kami.”

“I heard he’s gay.”

“Hindi siya bakla!” kontra nito. Kung panlakihan siya nito ng mga mata, akala mo naman siya ang nagkalat na bakla ang Koji Takishima na `yon. “Si Chase Serranilla lang naman saka `yong mga kampon niya ang nagkakalat ng malicious rumor na `yon. Mas manly pa nga si Koji kesa sa kanila.”

“You really like Koji, huh?”

“H-hindi nga sabi, eh,” kaila pa rin nito. “Future boyfriend siya ng friend at roommate kong si Blossom. Hindi ako puwedeng magka-crush sa kanya.”

Blossom?

Wow, he couldn’t believe how small the world truly was. So, roommate at kaibigan din pala ni Cassy ang kakambal niya. At parehong may gusto ang dalawang babae sa Koji Takishima na `yon?

“Aalis na nga ako,” deklara ni Cassy mayamaya, sapo-sapo ang namumula pa ring mga pisngi habang matalim ang tingin sa kanya. “Basta hindi ko crush si Koji, okay?”

Nagkibit-balikat lang siya. “Sure.”

Sinimangutan lang siya ng dalaga bago ito tumakbo palayo.

“Crush mo nga si Koji Takishima,” iiling-iling na bulong ni Roarke sa sarili habang pinapanood si Cassy na tumakbo hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Hmm… let’s see if he’s a great guy.

Pumasok siya sa loob ng dormitory at hindi na sumunod si Creed. Inutusan niya itong sa labas lang magbantay dahil ayaw naman niyang mailang ang mga kasama niya. Isa pa, in-assure naman niya na walang masamang mangyayari sa kanya dahil puro schoolmates niya ang naro’n. Kaya rin naman niyang protektahan ang sarili.

“Should I tell the prince to move to another room instead?”

Natigilan si Roarke sa pagpasok sa common area nang marinig ang sinabing `yon ni Chase. Nakatalikod sa kanya ang pinsan niya habang kaharap ang dalawang lalaki na parehong mukhang may lahing Japanese. Mahaba at nakapusod ang buhok no’ng isa.

And then there was Koji Takishima. Nakilala niya ito dahil sa pictures na naka-attach sa natanggap niyang report mula sa Knight na nagsagawa ng background check dito. Gaya ng nakita niya sa litrato, poker-faced nga rin ang lalaki kahit sa personal.

Marami pang ibang estudyante ang nakapaligid sa dalawang Hapon, halatang pinagkakaisahan.

“Pa’no na ang passionate nights niyo kung may istorbo, `di ba?” nakangising tanong ni Chase sa dalawa. Nanatiling pokerfaced si Koji pero `yong katabi nito, parang maiiyak na sa pagkapahiya. “Ah, I know. Bakit hindi na lang kayo ang lumipat sa attic para kunwari, nasa isang hotel kayo for your honeymoon? Mas romantic `yon, `di ba?”

Nagtawanan ang pinsan niya at ang mga “kampon” nito. Ah, itatanong niya kay Cassy sa susunod kung ano ang ibig sabihin ng ‘kampon.’ Sa ngayon, mangingialam muna siya.

“That’s enough, Chase,” sabi ni Roarke sa istriktong boses.

Natigil ang tawanan at napatingin ang lahat sa kanya. Habang naglalakad siya palapit sa grupo, pasimple namang nagsisialisan ang mga tao at pumapasok sa kanya-kanyang kuwarto hanggang sa apat na lang ang natira. `Yong dalawang Hapon, si Chase at ang dalawang kampon nito.

“We were just having fun,” nakangising paliwanag agad ni Chase, pagkatapos ay sinenyasan nito ang dalawang Hapon. “Kayo na ang bahala sa Mahal na Prinsipe.”

And just like that, the bullies were gone.

Sa susunod talaga, i-ko-corner niya si Chase nang mapagsabihan ito tungkol sa ginagawa nitong pag-ha-harian sa Polaris Academy, gaya nga ng sinabi ni Cassiopeia no’ng nakaraan.

Kunot-noong tiningnan ni Roarke ang dalawang Hapon. `Yong may mahaba at nakapusod na buhok, ngumiti sa kanya habang pasimpleng pinupunasan ang mga luha. Si Koji naman, napansin niyang hindi pala pokerfaced gaya ng una niyang akala. Nagtatagis ang mga bagang nito, halatang kinakalma ang sarili. Ah, nagpigil siguro itong patulan si Chase kanina. “Are you okay?”

Tumango lang si Koji bilang sagot sa kanya, pagkatapos ay tinapik nito sa balikat ang kasama. “Yuki, you okay?”

Ah, Yuki pala ang pangalan no’ng isa.

“I’m fine,” sagot ni Yuki, saka ito tumingin sa kanya at ngumiti. “Prince Roarke, let’s go to our room. Nilinis na namin ang kuwarto para sa’yo.”

“You didn’t have to, but thanks,” sagot niya. “And please call me ‘Roarke.’”

Nakangiting tumango naman si Yuki. “Okay, Roarke.”

Sumunod si Roarke kay Yuki na nanguna sa paglalakad paakyat ng hagdan dahil nasa second floor daw ang kuwarto nila. Kasabay naman niya sa paglakad si Koji kaya hindi niya naiwasang mapansin na mas matangkad ito sa kanya.

He already stood 6’ and the Japanese guy was probably one inch taller.

But my built is more athletic. This dude looks like a skinny rock band member.

Napansin yata ni Koji na nakatingin siya rito kaya lumingon ito sa kanya. Wala pa rin itong emosyon pero mas kalmado na ito ngayon kesa kanina. He even gave him a little bow as a greeting.

Tumango lang siya bilang pagbati rito. Masyadong aloof ang lalaking `to kaya tingin niya, mahihirapan siyang mapalapit dito. Hindi naman sa may balak siyang makipagkaibigan dito. Gusto niya lang malaman kung bakit baliw na baliw dito ang kakambal niya.

“We’re here, Roarke,” nakangiting sabi ni Yuki, saka nito binuksan ang pinto. “Welcome.”

Ngumiti lang si Roarke, pagkatapos ay pumasok na siya ng kuwarto. Nang buksan ang mga ilaw, ang unang sumalubong sa kanya ay ang malaking poster sa dingding.

Cassiopeia was almost kissing Koji’s cheek in the picture.

Understatement kung sasabihin niyang nagulat siya. Na-shock siya sa pagiging aggressive ng kakambal niya kaya napatitig na lang siya sa poster na `yon. Prinsesa pa man din ito, pero nakuhanan ito ng litrato habang hinahalikan ang lalaking hindi naman nito boyfriend!

I’m so going to kill you, Cassiopeia St. Clair!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.