Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 23

“KUMUSTA na ang pinsan mo?” nag-aalalang tanong ni Baste nang magkita sila sa coffee shop malapit sa opisina ng in-apply-an niyang modeling agency. Nabanggit niya rito ang tungkol kay Michaela, na kailangan niya itong dalawin paminsan-minsan sa bahay nito para malaman na rin ang kalagayan nito matapos ang insidente.

“Okay na siya. Nagpapagaling na lang.”

Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang makalabas si Michaela sa ospital. Maayus-ayos na ang kalagayan nito, nakakalakad na nang mag-isa at kaunti na lamang ang bakas ng pambubugbog sa katawan.

“Gusto mo samahan kita sa susunod na pagbisita mo sa kanya? Baka may maitulong ako.”

Tumango siya at ngumiti. “Sige. Dalhan natin siya ng prutas at bulaklak kapag dumalaw tayo.”

“Kawawa rin ‘yung pinsan mo, ano? Grabe naman pala ‘yung Max na ‘yon,” napapailing na sabi ni Baste. “Teka nga pala, paano ‘yon, may kasama ba siya sa bahay na mag-aalaga sa kanya?”

“Nag-hire siya ng private nurse para may magbabantay sa kanya.”

Nang maubos ni Sahara ang laman ng tasa ng kape ay sabay silang tumayo ni Baste at magkahawak-kamay na lumabas ng coffee shop. Ito ang may bitbit ng malaking itim na paper bag na naglalaman ng kanyang mga damit na ginamit sa photoshoot.

“Parang dapat mag-hire rin siya ng security. Paano kung balikan siya nung gumawa sa kanya no’n?”

“’Yun rin ang sabi ng mga pulis kaya sila na ang nag-presinta na magbantay kay Michaela.”

Kahit si Sahara ay natatakot rin para sa kanyang sarili. Alam niyang sinusundan-sundan pa rin siya ni Max at kahit anumang oras ay maaari siya nitong gawan ng masama. At hindi rin malayong madamay sa gulo si Baste kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip na tumulong sa kaso. Siya na mismo ang sumadya sa tanggapan ng pulisya para magbigay ng testimonya laban kay Max, para maidiin ito sa krimeng ginawa nito kay Michaela.

Pero kahit magkaganoon, hindi pa rin siya nakakasiguro sa kanyang kaligtasan, lalo na’t nagtatago pa rin si Max hanggang sa mga oras na iyon. He could easily come to her new apartment and take her hostage. But life has to go on. Hindi naman puwedeng matakot siya sa taong iyon habang buhay. She just hopes that the manhunt would soon be over.

“Uy, tahimik na naman ang girlfriend ko.”

Nang ihatid siya ni Baste sa bagong tinutuluyang townhouse na pagmamay-ari nina Karen, agad siyang naghanda ng dalawang baso ng orange juice. The apartment was actually huge for her – it has two bedrooms with bath, a large living area, a very nice kitchen, laundry area and even a roof deck. Sa totoo lang ay nahihiya si Sahara na tumira roon nang libre, pero hindi naman niya matanggihan si Karen. The apartment was actually for Karen, pero dahil sa mas gusto nito ang condominium unit na kasalukuyan nitong tinitirahan, wala rin naman raw ookupa doon kaya mas mabuti na raw na siya na ang tumira kaysa ibigay pa raw iyon sa isa sa mga babae ng Papa nitong isang inhinyero. Sabi nga ni Karen, she’s actually giving her a favor by staying at that townhouse.

“Problema?”

“Wala,” pagsisinungaling niya sabay iling.

“May sasabihin ka nga pala sa akin, hindi ba? Kaya mo ‘ko tinawagan kagabi?”

Oo. Kailangan na niyang sabihin rito ang tungkol kay Max pero paano niya iyon sisimulan?

“Teka, bakit ka nga pala biglang lumipat dito?” nag-aalalang tanong ni Baste. “May problema ba kayo ni Karen?”

“Wala. Siya pa nga ang tumulong sa akin na makalipat. Ano lang kasi…” May pinagtataguan ako. “…plano ni Karen na makipag-live in sa boyfriend niya…nakakahiya naman kung makikitira pa ‘ko sa kanya.”

Tumangu-tango si Baste. “Ah…sabagay. Mabuti ngang lumipat ka na lang. Baka mamaya, makursunadahan ka pa ng boyfriend ni Karen, mahirap na.”

“Hindi naman.”

“Aba, hindi imposible ‘yon, Sahara. Aware naman ako na maraming nagkakagusto sa ‘yo eh. Sa sobrang ganda mo kasi, hindi imposibleng lahat ng lalaki, mabaliw sa ‘yo.”

Kinurot ni Sahara ang ilong ng kasintahan. “Talaga? Tingin mo ba, maganda ako?”

Kunwari’ng pinaikot ni Baste ang mga mata. “Tinatanong pa ba ‘yan? Maganda ka. Actually, hindi lang maganda. Sobrang ganda…at sobrang sexy. Sobrang ma-appeal. Kaya nga hindi ko alam kung paano ba kita na-bola e.”

“Kaya love na love kita eh.” Isang kurot pa sa ilong nito ang ginawa ni Sahara bago niya ito binigyan ng isang magaan na halik sa labi.

“Hay. Sobrang mahal rin kita.” Niyakap siya nito nang matagal. “Huwag mo ‘kong iiwan, ha? Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala ka. Ikaw lang ang minahal ko ng sobra, eh. Sigurado ako, wala nang susunod pa.”

She actually felt the same way. She genuinely loves him at hindi niya alam kung kakayanin niya kung mawala ito sa kanya.

“Siya nga pala, gusto ko sana, makapag-celebrate tayo para sa graduation.”

“Celebrate? Ano’ng klaseng celebration naman?” natatawa niyang tanong.

“’Yung tipong out of town. Sa Baguio…sa Tagaytay…sa Boracay…” Nakatingala si Baste na tila ba nangangarap at nakakuha na naman iyon ng isang pisil sa ilong mula kay Sahara.

“Sige pa, mangarap ka pa, Mr. Castillo.”

“Aba, hindi naman masamang mangarap,” anito habang hawak ang namumula nang ilong. “Sahara, pangako ko sa’yo, pagdating ng araw, mararating rin natin ‘yang mga lugar na ‘yan at hanggang sa ibang bansa pa – kahit saan mo pa gusto – sa Amerika, sa Paris... Pero sa ngayon, tiis-tiis muna tayo sa mall, sa park, sa fishball diyan sa kanto…okay lang naman sa’yo ‘yon, hindi ba?”

Tumangu-tango siya. “Oo naman. Basta kasama ka.”

“Hay, salamat ha. Napagtitiisan mo ‘tong pobre’ng nobyo mo. Pero kahit mahirap ‘to, solve na solve ka naman sa ka-pogi-an ko, diba?”

“Solve na solve!” sabi niya at natawa siya nang malakas.

Hinalikan siya nito sa noo at tsaka niyakap nang mahigpit. “Siyanga pala, ang ganda nitong bago mong tinutuluyan, ha,” bati ni Baste habang inililibot ang paningin sa living area. Halatang mamahalin ang mga gamit na naroon.

“Ang suwerte ko nga eh. Biruin mo, libre akong p’wedeng tumira dito.”

“Mabait ka kasing kaibigan, kaya sobrang bait rin niya sa’yo.”

Nagkibit-balikat siya. Wala naman siyang maalalang bagay na nagawa niya para maging sobrang mabait si Karen sa kanya. Pero nabanggit nito noon sa kanya na itinuturing na siya nitong kapatid dahil nga sa wala naman itong kapatid, at wala rin namang ibang kaibigan. At siya lang raw ang nakakapagtiyaga sa mga kalokohan niya.

Oh well, the feeling was actually mutual.

“Mag-iingat ka kapag nagpunta na ‘ko ng Cebu, ha. Wala ako para sunduin at ihatid ka.”

Isang linggo raw itong magtatagal roon para sa internship. Baste couldn’t hide his excitement because aside from the fact that it was his first out of town trip, he could have the chance to visit his mother in Cebu na halos dalawang taon na nitong hindi nakikita.

“Basta, tatawagan kita parati, ha. Kapag may pagkakataon, videocall tayo para hindi naman kita masyadong ma-miss.”

Ngumiti si Sahara. Inilapag niya ang inihandang orange juice sa kahoy na center table doon sa sala bago tumabi kay Baste. “Gusto sana kitang samahan para makilala ko ang nanay mo, kaya lang medyo nag-aadjust pa ‘ko sa opisina, eh.” Natanggap na rin siya sa in-apply-an niyang Ad Agency noong nakaraang buwan at sa totoo lang ay mas madali ang trabahong iyon kaysa sa inaasahan niya.

“Okay lang.” sabi nito sabay akbay sa kanya. “Basta pagbalik ko, tayo pa rin, ha?”

Kinurot ni Sahara ang ilong ni Baste, na ginantihan naman nito ng isang kurot sa kanyang pisngi. And then, she started stroking his lips with her thumb.

Before she could say and do anything further, he kissed her lips. He kissed her lips hard. Kapwa sila naging abala sa kani-kanilang buhay lalo pa’t katatapos lang ng kanilang graduation kaya bihira na lamang silang magkita. Suwerte na iyong dalawang beses sa isang linggo, at minsan nga ay puro tawag na lamang sa telepono ang nangyayari. She missed him more than ever, lalo na ngayon.

At buong puso niya iyong ipinadama kay Baste. Hinalikan niya ito na para bang iyon na ang huli. She immediately felt his hands tighten their grip on her waist, keeping her closer to his body. She abruptly ended the kiss and looked at him.

His eyes were still closed, his breathing, heavy. Muli niyang dinampian ng magaan na halik ang namumula nitong labi at agad nito iyong tinugunan. It’s pretty obvious, Baste missed her as much as she missed him at kung iba-base sa paraan ng paghalik nito sa kanya, iisipin niyang mas higit pa sa halik ang gusto nitong mangyari sa mga oras na iyon.

And then he stopped. “Sahara…” he cupped her face with both hands. “Pagbalik ko…itutuloy natin ito. Pagbalik ko, kapag nakapagbakasyon tayo, ituloy natin ito. Basta, pagbalik ko galing Cebu…mag-uusap tayo, ha?”

Tumango na lang si Sahara at yumakap sa kasintahan. Whatever it was that they will talk about, it was something good, she’s positive about it.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.