ACE was so excited when he left the office that afternoon. Umalis siya roon nang mas maaga para puntahan si Sahara sa townhouse nito at sorpresahin. He’s going to ask her to move in and live with him. Pinalinis pa niya ang buong bahay nang araw na iyon para ihanda sa pagdating ni Sahara. He has never experienced living with someone else, and this is his first time to have a woman in his home. It thrills him, thinking of the many things they are going to do together – going out of town, movie dates, romantic dinners. Dadalhin niya ito sa mga lugar na hindi pa nito nararating at ibibigay niya ang lahat ng gusto nito. He’d treat her like a princess, because she deserves it.
Kinausap na rin niya ang kanyang travel agent tungkol sa pagsasaayos ng passport ni Sahara, at ng lahat ng papeles na kakailanganin nito kung sakaling gusto nitong ituloy ang balak na umalis sila ng bansa. He never thought that he could do something spontaneous like this. Iyong mag-a-out of the country nang bigla-bigla, iyong maiiwan niya nang basta-basta ang trabaho para lamang sa isang babae. Alam niyang hindi sasang-ayon ang kanyang ama sa oras na malaman nito ang tungkol sa plano niya, pero alam rin niyang matutuwa ito kapag ipinakilala niya si Sahara rito bilang kanyang ‘serious girlfriend’, ang babae’ng handa niyang pakasalan. Madalas nitong sabihin sa kanya na mag-ingat sa mga babae pero nakatitiyak siyang sasang-ayon ito sa naging desisyon niya pagdating kay Sahara.
He tried calling her and sending text messages since yesterday but she’s not answering, which was very unlikely of her dahil dati-rati naman ay agad nitong sinasagot ang mga tawag niya. At ngayon, nakailang katok na siya sa pinto ng tinutuluyan nito pero walang sumasagot roon. Totoo kaya ang sinabi ni Karen na ginamit lamang siya nito?
Kakatok pa sana siyang muli nang sa wakas ay bumukas ang ilaw sa loob ng bahay at kasunod ay ang pagbukas ng pinto. Pero sa halip na si Sahara ang mabungaran niya ay isang matipunong lalaki ang nakaharap sa kanya ngayon.
“Sino ka, ano’ng ginagawa mo rito?” hindi niya napigilang tanong.
Biglang kumunot ang noo ng kaharap niya. “Aba, hindi ba dapat ako ang magtanong sa ‘yo ng ganyan? Sino ka ba at ano ang ginagawa mo rito?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Isinara nito ang pinto at napaatras siya nang mas lumapit pa ito sa kanya.
He cleared his throat before speaking. “I’m here to see Sahara. I’m her…” kaanu-ano nga ba siya ni Sahara? “Friend. How about you, who are you?” taka niyang tanong.
Muli siya nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa tulad ng ginawa nito kanina. “Ako? Tinatanong mo kung sino ako? Ako lang naman ang bagong nagre-renta sa bahay na ‘to. At kung sino man ‘yang Sahara na hinahanap mo, wala siya rito.”
“Pero-“
“Kapag sinabi kong walang Sahara na nakatira rito, wala! Hindi ka ba marunong makaintindi? Umalis ka na kung ayaw mong masaktan.”
Ganoon lamang at pumasok na ang lalaki sa loob ng bahay at padabog na sinarado ang pinto. Muli siyang kumatok dahil hindi naman siya basta-basta papayag na hindi man lang niya makausap si Sahara, o malaman kung nasaan ang dalaga.
“Talaga bang gusto mong masaktan?” bungad nitong tanong pagbukas na pagbukas nito ng pinto. Lumabas ito ng bahay at itinulak siya palayo. Kasing tangkad niya ito, at kasing katawan pero hindi tulad niya, brusko ang lalaking iyon at halatang sanay sa away.
“Please, kailangan ko lang makausap si-“
“Wala na nga rito ‘yung gusto mong makausap. Baka siya ‘yung dating nakatira rito. Bakante na ‘tong bahay ‘nung dumating ako kanina. At huwag mong itanong sa akin kung nasaan ang hinahanap mo dahil hindi ko alam. Kaya p’wede ba, umalis ka na? Ang dami ko pang gagawin, iniistorbo mo ‘ko. Maglalaba pa ako, aba.”
He couldn’t help but remember what Karen has said - that he’s just Sahara’s rebound, she just used him because she’s lonely.
Baste and Sahara were over. And you…were just her rebound. Get it? She didn’t make love to you, Ace. What you had with her last night was…plain sex. No more, no less.
“Ah, teka, teka!” habol ng lalaki sa kanya nang pasakay na siya sa kanyang kotse. “’Yung Sahara ba na sinasabi mo ay maganda, sexy, maputi, mahaba ang buhok…’yung mukhang artista?”
Bahagya siyang tumango at hindi itinuloy ang pagbukas ng pinto ng sasakyan.
“Kanina, pagdating ko, naabutan ko pa siya na naghahakot ng gamit.”
Pero nangako si Sahara na sasama ito sa kanya. Hindi tuloy napigilan ni Ace ang sarili na tawagan si Karen nang makauwi na siya sa kanyang condo. He has to know the truth about Sahara and he couldn’t think of anyone who can tell him about it.
“Nasaan si Sahara? Pinaalis mo ba siya sa townhouse?”
“You called me just to ask me about that bitch?” malakas na sabi ni Karen sa kabilang linya.
“Don’t you ever call her that,” diretso niyang sabi. Hinawi niya ang kurtina sa sala at tumanaw sa labas, na parati niyang ginagawa sa tuwing stressed katulad ngayon.
“I’m gonna call her anything I want and you can’t do anything about it.”
“Tell me, Karen…where is she?” muli niyang tanong.
“I don’t know and I don’t care. She’s probably with somebody else now…somebody richer than you, someone better. Somebody who could give her everything. I warned you already but you didn’t listen. Hinayaan mo pa rin na lokohin at paasahin ka ng babae’ng iyon. She’s gone Ace and you can’t do anything now but suffer the consequences.”
He’s suffering, oh yes. He couldn’t believe that Sahara just used him because she’s lonely. She just took advantage of him and now, she’s with somebody else – richer and probably more accomplished. Mukhang tama nga ang kanyang ama pagdating sa mga babae. Na manggagamit lang ang mga ito at hindi dapat siya nagtitiwala sa mga ito.
~~
ILANG minuto ang ginugol ni Sahara para lamang mabuksan ang lumang pinto ng lumang apartment na iyon. Agad niyang kinapa ang switch ng ilaw sa dingding at makailang-ulit pa iyong nagpatay-sindi bago tuluyang nagbigay-liwanag sa buong kabahayan.
Laglag ang balikat na nanatili siyang nakatayo sa may pintuan habang pinagmamasdan ang nakakalat pa niyang mga gamit doon sa sala, hanggang sa kusina. Ang karamihan sa mga iyon ay nakalagay pa sa loob ng malalaki at maliliit na kahon, samantalang ang iba pang hindi importanteng gamit ay nakalagay lamang sa mga itim na garbage bags.
Hindi na niya hinintay pa na itapon ni Karen ang kanyang mga gamit sa labas ng townhouse at ipagtabuyan siya. Umalis siya sa townhouse nang parehong araw, kahit pa nga hindi na siya nakapasok sa opisina, para lamang makahanap ng pansamantalang matutuluyan. Wala naman siyang malaking pera para makakuha ng magandang apartment kaya nagkasya na lamang muna siya sa isang maliit at nabubulok na paupahan ilang minuto lamang mula sa pinapasukan.
Estero. Ni sa panaginip ay hindi niya inakalang titira siyang muli sa ganoong klaseng lugar. But she had no choice dahil naubos na ang ipon niya sa pangangailangang pangkalusugan ng kanyang ina sa probinsiya.
Isa-isa niyang pinulot ang mga nakakakalat na gamit sa sahig. Matatagalan ba niya ang manatili sa ganoong klaseng lugar? Kahoy na pahabang upuan, lumang telebisyon, kalawanging refrigerator, tumutulong gripo, at kahit yata ang bubong ay tumutulo rin kapag umuulan. At ang kanyang kuwarto sa ikalawang palapag, kasya lamang ang isang maliit na katre’ng gawa sa kawayan, at isang maliit na plastic cabinet.
Walang telepono, walang cable, walang internet. Walang aircon kundi isang maingay na lumang electric fan lamang ang magpapalamig sa kanya tuwing mainit ang gabi. Tiyak rin niyang walang shower roon o water heater, o bathtub kung saan siya maaaring mag-bubble bath bago matulog.
Dahan-dahang napaupo si Sahara sa matigas na upuang kahoy at naramdaman na lang niyang tumutulo na ang kanyang mga luha. Ano ba ang nagawa niyang mali para parusahan nang ganoon?
Kakayanin niya ang panloloko ni Baste at ni Karen, pero ang manatili sa ganoong klaseng lugar ay kalabisan na. She’s certain that she could easily get Baste back but being in this little messy place is a different story. Naranasan na niya kung paano maghirap, at hindi na niya gugustuhing mangyari uli sa kanya ang ganoon.
Naramdaman niyang kumukulo ang tiyan at noon lamang naalala na hindi pa nga pala siya naghahapunan. Nanlulumo siyang tumayo at tumungo sa kusina, binuksan ang naghihingalong ref pero puro bote ng tubig lamang ang naroon sa loob. Kahit ang mga cabinet doon ay wala ring laman ni isang delata, dahil hindi pa naman siya nakakapamili. Hindi niya mapigilang maawa sa sarili. Heto siya, sa isang mabaho at masikip na paupahan, walang makain kahit na bahaw na kanin.
Kaya walang nagawa si Sahara kundi ang maglakad sa madilim at masikip na eskinita palabas para bumili ng pagkain. Alas diyes na noon ng gabi, at kakaunti na lamang ang mga taong naglalakad sa daan. Bukod sa mga magkasintahan na nagnanakaw ng sandali sa dilim ay mga lalaki’ng nag-iinuman sa kanto ang nakakasalubong niya.
Puno ng kaba ang dibdib niya habang binabagtas ang daan. Wala na siyang oras para magpalit ng uniporme niyang kulay maroon na blazer at palda na hanggang itaas ng tuhod ang haba kaya ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya, nanunuri, nangingilala. Kahit sino ang makakita sa kanya ay aakalaing isa siyang mayaman na naligaw lamang sa lugar na iyon.
Natatanaw na niya ang maliit na karinderya sa may kanto nang mag-ring ang kanyang telepono. Handa na siyang patayin iyon sa pag-aakala na mula kay Baste ang tawag dahil ayaw niya itong makausap at kahit na makita pa. It has been two days since that dreadful night but she still couldn’t get those disgusting images off her head.
Pero nang makita niya ang pangalan na naka-rehistro roon ay agad niya iyong sinagot.
“H-hello, Dr. Bernarbe, bakit po kayo napatawag? May nangyari po ba?” kinakabahan niyang tanong – dahil sa tuwing tumatawag ang doktor sa kanya ay tiyak na may hindi magandang balita tungkol sa kanyang ina.
Mahaba ang paliwanag ni Dr. Bernarbe pero hindi na niya kinayang intindihin pa ang lahat ng iyon. Ang pumasok lang sa utak niya ay ang lumalang kalagayan ng ina. Ngayon, kailangan niyang magpadala ng mas malaking halaga para sa kanyang ina sa probinsiya dahil bukod sa bayarin sa private ospital kung saan ito naka-confine ay kailangan pa niyang bayaran ang personal nurse nito, at mga gamot para sa sakit nito sa puso.
Napahinto siya sa paglalakad matapos kausapin ni Dr. Bernabe sa kanyang telepono. Gusto niyang puntahan ito ng probinsiya para makita ang nanay niya pero wala naman siyang pamasahe pauwi dahil naipadala na niya lahat ng naipon niya para sa pampagamot nito.
Ah, she’s going to call Ace and ask for help.
Pero pipindutin pa lamang niya ang numero ni Ace nang biglang may humablot ng kanyang cellphone-
“Ay! Cellphone ko! Magnanakaw!” sigaw niya habang tumatakbo para habulin ang magnanakaw. “Tulong! Magnanakaw!”
Pero walang mangahas na humabol sa mamang kasimbilis ng kidlat ang takbo. Ilang segundo lamang ay nawala na iyon sa kanyang paningin at naiwan siya roong nakatulala, nanginginig sa takot.
“Huwag ka kasing gagamit ng cellphone sa daan, miss. Mukhang mamahalin pa naman ‘yung telepono mo,” narinig niyang sabi ng isang ale’ng nakaupo sa may tindahan. May kandong itong bata’ng walang salawal. “Mabuti nga at cellphone lang ang kinuha sa iyo…e sa ganda mong ‘yan, mabuti at hindi ka na-kidnap.”
So, kasalanan pa niya kung bakit siya nanakawan. Gusto niyang sumigaw, at sigawan ang lahat ng tao roon dahil wala man lamang tumulong sa kanya para mahuli ang magnanakaw na iyon. Gusto niyang sigawan ang lugar na iyon dahil sa kamalasang dulot niyon sa kanya. Paano niya tatawagan si Ace? Paano siya hihingi ng tulong rito?