Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 46

RAMDAM na ramdam na ni Sahara ang init ng sikat ng araw na nagmumula sa butas-butas na bintana ng kuwarto kaya kahit antok na antok pa siya ay wala na siyang magawa kundi ang tumayo. Ayaw na sana niyang gumising nang umagang iyon, o kahit kailan dahil alam niyang isang nakakaumay na araw na naman ang haharapin niya.

Kalagitnaan noon ng linggo at ilang araw pa lamang siya roon sa lungga’ng iyon pero pakiramdam niya ay parang isang daan taon na siyang nagtitiis. Pakiramdam niya ay kahit ilang beses siyang maligo ay hindi maaalis ang alikabok sa kanyang katawan. Pagkatapos i-ipit ang mahabang buhok at tiklupin ang kumot ay bumaba na siya sa marupok na hagdan. Yari iyon sa iba’t-ibang klase ng kahoy, na sa sobrang luma ay makariringgan ng ‘crack’ sa tuwing tatapakan.

Alas sais na ng umaga, at dapat ay nakabihis na siya sa ganoong oras. Pero ni hindi pa siya nakakapag-almusal, o nakakapaligo. Nanlalata siyang kumuha ng isang lata ng corned beef at binuksan iyon. Lamig na kanin, corned beef, tubig na mula sa gripo. Iyon lamang ang almusal niya tuwing umaga, simula nang lumipat siya sa paupahang iyon. Nami-miss na niya ang bacon, cheese, hotdog, ham at mainit na kape sa almusal. Nami-miss na niya ang malamig na airconditioned na kuwarto at ang hot water sa shower. Pati ang malambot na kama at magandang tanawin sa bintana sa tuwing titingin siya sa labas.

Naupo siya at tinitigan lamang ang nakahain sa kanyang harapan. Kahit gutum na gutom na siya ay wala siyang ganang kumain. Sino ba naman ang gaganahan sa buhay niya ngayon?

At ngayon, kailangan pa niyang maglaba nang walang washing machine. She used to just go to the laundry shop to get her clothes cleaned but now, she has to wash everything with her bare hands.

Mabilis niyang pinahid ang luhang nagbabadya na naming tumulo sa kanyang pisngi. Hinding-hindi na siya iiyak, iyon ang pangako niya sa kanyang sarili. She’s been into this kind of misery in the past and she’s sure that she would be able to overcome this one once again.

She’s got to do something. Now. She has to get out this shitty place and start anew. At isang tao lamang ang kilala niyang matatakbuhan niya – si Ace. She could live with him. Alam niyang hindi naman ito makakatanggi dahil malaki ang pagkagusto nito sa kanya. At pagkatapos, yayayain niya itong pumunta sa ibang bansa para doon na manirahan at malayo na sa lahat ng problema niya habang buhay.

~~

“SAHARA, pinapatawag ka ni sir sa opisina niya.”

Marahang tango lamang ang itinugon ni Sahara sa pabulong na sabi ni Miss Gopez. Dahan-dahan siyang tumayo at wala sa sariling tinungo ang opisina ni Arch. Aguas. Ilang gabi na siyang hindi makatulog dahil sa miserableng buhay na sinabayan pa ng hindi pagkakaroon ng anupamang komunikasyon kay Ace. Sinubukan niya itong tawagan sa telepono at puntahan sa bahay nito at maging sa opisina, pero wala. Ang sabi lang sa kanya ng napagtanungan niya sa building kung saan naro’n ang opisina nito ay ilang araw na raw itong hindi nagpapakita roon at walang may ideya kung nasaan na ang binata.

Nasaan na nga ba si Ace?

Ah, hindi niya alam at wala na siyang panahon para alamin pa. Hirap na hirap na siya sa nangyayari sa sariling buhay at ang pakialaman ang buhay ng ibang tao ay wala na sa mga prayoridad niya ngayon. Oo, mahalaga sa kanya ang binata at sa tingin niya ay unti-unti na itong napapamahal sa kanya pero ano pa nga ba ang magagawa niya kung iniwan na siya nito sa ere?

Ngayon, hindi na niya alam kung paano pa makakaahon sa pagkakalugmok.

“Sit down, Sahara.”

Nakayuko siyang lumapit sa mesa ni Arch. Aguas nang ipatawag siya sa opisina nito. Pauwi na ang lahat ng empleyado at tulad niya ay abala na ang mga ito sa pag-aayos ng gamit para umuwi.

Alam niya kung bakit siya pinatawag ng boss dahil nasabi na ni Miss Gopez sa kanya na makailang beses raw na nagtanong ang arkitekto tungkol sa kanyang mga pagliban noong nakaraang linggo at aminado naman siyang hindi naging maganda ang performance niya sa trabaho dahil na rin sa mga problemang kinakaharap. Hirap siyang mag-isip, mag-focus at magkunwari na ayos lang ang lahat.

“Are you okay? I’ve heard that you’re not yourself lately.” seryosong tanong ni Aguas. Kahit abala ito sa pagta-type sa keyboard ay nakuha pa rin siya nitong tingnan. “M-may problema ba?”

Umiling si Sahara pero hindi niya napigilan ang mga luha. Nang makita iyon ni Aguas ay mabilis siya nitong nilapitan at naupo ito sa upuan sa kanyang harapan.

“Hey, hey, what’s wrong?” nag-aalala nitong tanong. Hinaplos nito ang kanyang magkabilang pisngi.

“Wala po, s-sir…”

“Ano’ng wala eh umiiyak ka? May nangha-harass ba sa iyo dito sa opisina?”

Kung sana ay ganoon na nga lang ang problema, madali niyang masusulusyunan iyon.

“Come on, Sahara. Hindi ka naman iiyak nang ganyan nang walang dahilan. Tell me what’s wrong, baka matulungan kita. May uma-away ba sa iyo rito? Nahihirapan ka ba sa trabaho mo? Naliliitan ka ba sa suweldo?”

Umiling siya. Tama ba na sabihin pa niya sa kanyang boss ang mga personal niyang problema?

“Akala mo ba hindi ako naaapektuhan kapag nakikita kitang ganyan na umiiyak?” Sa pagkakataong iyon ay lumuhod ito sa kanyang harapan na kanyang ikinagulat. Pilit nitong itinaas ang nakayuko niyang mukha. “You know how I feel about you, Sahara and I can’t just ignore you being like this.”

Kitang-kita ni Sahara ang pag-aalala at sensiridad sa mga mata ng arkitekto at sa mga sandaling iyon ay nakakita siya ng kakampi. She’s not alone afterall. Mayroon pang isang Architect Ricardo Aguas na nagmamalasakit at handang dumamay. For the first time in a long time, she didn’t feel hopeless. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ang arkitekto. Umiyak siya sa balikat nito na parang bata, na para bang makakatulong iyon upang mawala lahat ng kanyang problema. Niyakap naman siya ni Aguas nang mahigpit at hinagod nito ang kanyang likod.

Halos dalawang minuto rin silang magkayakap bago siya kumawala sa mga bisig nito. Nakakunot pa rin ang noo ni Aguas nang tingnan niya.

“What’s wrong, really?” tanong nito sabay hawak sa dalawa niyang kamay. “Tell me everything, Sahara. I’m here to listen.” Inilapit nito ang upuan sa kanya bago ito naupo.

Pinahiran muna niya ang mga luha sa pisngi bago magsalita. “Pinaalis kasi ako sa tinitirhan kong townhouse…then…nanakawan ako ng phone the other night…wala akong mahingan ng tulong, lahat ng contact numbers ng mga kakilala ko nasa phone and-“

“Wait, kailan pa nangyari ito?”

“Five days ago.”

“Five days ago and you didn’t you tell me about it?” Hinimas ni Aguas ang kanyang kamay. “Saan ka nakatira ngayon?”

“Umuupa ako sa isang…kuwarto sa may...estero. Okay naman kaya lang…”

“Okay? Ano'ng okay ro’n? No, Sahara. I won’t let you live there even for just one minute. I’ll call my moving company. Pagkatapos ng trabaho, kukunin natin ang mga gamit mo. You’ll stay in one of my condo units. Let me help you this time, Sahara. Forget about me being your boss.”

“No sir. Okay lang po talaga. Sorry po kung medyo napabayaan ko ang trabaho nitong mga nakaraang araw pero I promise to do better. Medyo nag-a-adjust lang kasi sa bagong tinutuluyan…”

“No. I insist.”

Pero umiling siya.

“Okay, okay,” buntung-hiningang sabi ni Aguas. Bumalik na ito sa upuan at muling hinarap ang mga trabaho. “I’ll let you think about it. Basta narito lang ako. Just call me when you need me.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.