AFTER 1 YEAR...
“HETO na po ang breakfast n’yo ma’am.”
Nginitian lamang ni Sahara si Ate Yolly matapos nitong ibaba ang dalang tray ng kanyang paboritong agahan sa maliit na pabilog na mesa doon sa veranda ng kanyang kuwarto. Fresh orange juice, Ceasar salad and grapes.
“Trenta minutos na lang po, darating na ang sundo natin,” nakangiti nitong pahabol. Mabulaklak ang kulay asul nitong polo, na may katernong kulay itim na slacks. Mag-iisang taon na rin niya itong kasa-kasama saan man siya magpunta, at ito ang nag-aasikaso sa lahat ng kailangan niya –pagkain, mga damit, schedule, at sa lahat na.
Sa tingin niya ay mahigit kuwarenta anyos na si Ate Yolly, dahil hindi naman nito binabanggit ang tunay nitong edad. Masayahin ito, biba at madaling makagaanan ng loob. Maganda rin ang ngiti nito, pati ang mga mata. Maliit ito sa kanya ng ilang pulgada, may kaitiman ang balat. Tuwid na tuwid ang hanggang balikat nitong buhok na parating naka-ipit lalo na kapag naghahanda ito ng pagkain.
“Naihanda ko na rin po ang mga gagamitin ninyo para sa photoshoot.”
“Thank you, Ate Yolly,” sabi niya. “Tumawag na ba ang sir mo?”
Tumango ito at ngumiti. Magkita na lang raw po kayo hotel sa Subic. Doon na raw po siya tutuloy pagkatapos ng event.”
May ibinilin pa siya rito bago niya ito tuluyang palabasin ng kuwarto. Kinuha ni Sahara ang magazine na nakapatong sa mesa at napangiti siya.
She’s the cover of Rev Mag, isa sa mga bagong men’s magazines ngayon. Bukod doon ay marami nang magazines ang kumuha sa kanya bilang modelo, at hindi na rin niya mabilang ang mga print and TV commercials na nagawa niya sa loob lamang ng isang taon.
At ang lahat ng iyon ay utang na loob niya kay Ricky.
He let her stay at one of his condo units, and because of him, she was able to meet Mr. Villahermosa once again. Sa tingin niya ay malaki ang utang na loob ni Villahermosa kay Ricky dahil walang tanung-tanong ay kinuha agad siya nito bilang modelo. The ‘mega’ producer hired her as his modeling agency’s Top Model, making her one of the most sought-after models in the Philippines these days.
Kung hindi dahil kay Ricky, sigurado siyang corned beef pa rin ang kinakain niya sa araw-araw, at natutulog sa matigas na papag doon sa napakaliit na apartment na nirentahan niya noon, at malamang ay sugat-sugat na ang kamay niya sa kalalaba ng kanyang mga damit.
Mabuti na lamang at mayroong isang tulad ni Architect Ricardo Aguas noong mga panahong walang-wala na siyang pag-asa.
Mula sa kinauupuan ay tumayo si Sahara at lumapit sa barandilya ng veranda. Huminga siya ng malalim at pumikit upang namnamin ang malakas na hangin. It has been a year but for Sahara, it was just like yesterday when she was living in that dump. Minsan, hindi niya maiwasang isipin kung ano nga kaya ang nangyari sa kanya ngayon kung nabigyan sila ng pagkakataon ni Ace na muling magkita? Siguro, masayang-masaya siyang kasama ito sa Amerika. O sa Paris. Maaaring kasal na sila ngayon, o basta nag-e-enjoy lamang sa pagbisita sa iba’t-ibang lugar sa mundo tulad ng ipinangako nito sa kanya.
Pero ano pa nga ba ang halaga ng pagda-drama niyang iyon samantalang wala rin namang nangyari sa mga pangako nito. Noon, akala niya ay si Ace na ang sagot sa lahat ng problema niya – mabait, guwapo, mayaman. Pero katulad rin pala ito ng ibang lalaki na sa oras na makuha ang gusto ay basta-basta na lamang maglalaho.
Iba na ang mundong ginagalawan niya at kung tatanungin siya kung masaya na ba siya sa ganoon, ang sagot niya ay oo. Walang hindi ibinigay sa kanya si Ricky – mapa-materyal man, o pagmamahal. Isa na lang naman talaga ang kulang sa kanilang dalawa – kasal. Na alam niyang imposibleng mangyari. Oo, sabi ni Ricky na nasa proseso na ng divorce ang kasal nito sa asawa pero halos isang taon na rin simula nang sabihin nito iyon. Hindi niya alam kung talagang mahaba lamang ang divorce process o talagang wala nang pag-asang mahiwalay si Ricky sa asawa nito, na minsan hindi niya maiwasang magselos at sumama ang loob. Pero naisip rin niya, wala siyang karapatang magselos dahil sa katotohanang nanghihiram lang naman siya ng oras ni Ricky, at wala rin naman siyang karapatang sumama ang loob rito dahil sa ibinibigay na nito ang lahat.
Mahal na ba niya si Ricky? Iyon siguro ang tanong na hindi niya kailanman mahahanapan ng sagot. Oo, masaya siyang kasama ito at sa tingin niya ay higit pa sa kaibigan at sa pagtanaw ng utang na loob ang nararamdaman niya para rito. Pero ‘mahal’?
Napailing si Sahara nang wala sa sarili. Love. Big word. If there’s one person she loves now besides her mother, that’s definitely herself.
~~
“SORRY, I’m late. Nakita ko ‘yung mga ka-frat ko ‘nung college, ang hirap kumawala.”
Isang halik sa pisngi ang bati ni Ricky sa kanya nang makita siya roon sa lounge area ng hotel na pinili nito. That weekend vacation was his birthday gift to her, something that she’s been waiting for a very long time. Hindi man singlayo o singganda ng Dumaguete, Subic is also heavenly when it comes to tranquility. He was still wearing his formal black coat and tie and looking as handsome as ever.
“Let’s have coffee first before your night swimming. Then, dinner,” aya nito sa kanya. Inalalayan siya nitong tumayo at pinauna siya nitong lumakad hanggang sa coffee shop. Ganoon sila parati kapag nasa labas, kapag nasa pampublikong lugar. Hindi sila maaaring makitang sweet o kaya ay masyadong malapit sa isa’t-isa dahil alam nilang maraming mata ang nakamasid lamang sa paligid.
This is probably the worst thing about her ‘relationship’ with Ricky. They can't do the usual things couples do in public – hindi sila maaaring maghawakan ng kamay, magyakapan, kahit halik sa pisngi. Ni hindi nga yata sila maaring magkatitigan.
“How was the photoshoot?” tanong ni Ricky matapos nitong makuha ang order nilang kape. Naupo ito sa harap niya.
“Good. Kailangan pa naming bumalik sa location sa Monday for a couple of shots to capture the sunset.”
“I’m glad your career’s doing great, Sahara.”
“Because of you, Ricky. I owe everything to you.”
Umiling-iling ito. “No, Sahara. You owe it all to yourself. You’re successful because of your hardwork, and determination. Aside from the fact that you are the most gorgeous model on earth, magaling ka kasi talaga. I told you, you’re a better model than a copywriter.”
Napangiti siya. Ricky never failed to make her feel good about herself. And that’s just one thing she likes about him. “Kumusta ang event?”
“It was great. Na-close na namin ang deal with the Korean investors. Bibisita sila sa opisina sa susunod na linggo.”
Tiningnan lamang niya ito habang nagku-kuwento tungkol sa negosyo at trabaho nito sa opisina. Ganoon naman parati si Ricky sa tuwing nagkikita sila, na para bang wala itong ibang nakakausap kundi siya. And she’s actually happy to know that he trusts her with everything.
And then his phone rang. Tinanguan na lamang niya ito at nginitian nang tumayo ito at tanggapin ang tawag na iyon. They’ve been together for long at sanay na siya sa mga biglaang tawag sa telepono, mga biglaang meetings, at events na dinadaluhan nito.
Nakatingin pa rin siya kay Ricky habang abala ito sa pakikipag-usap sa cellphone nito nang biglang may huminto sa kanyang harapan. Napatayo siya dahil sa sobrang pagkabigla.
It was Ace.
He’s wearing a very casual shirt and faded pants but he still looked great. Sa tingin nga niya ay mas gumandang lalaki ito. Medyo pumayat ito pero hindi nawala ang pagka-maskulado nito. Ace was the same person, except the fact that his eyes were cold especially when staring at her.
“What are you doing here?” mahina nitong tanong pero sapat lamang para marinig nito iyon. Ni hindi ito naglakas-loob na lumapit sa kanya. He just looked at her as if she’s some kind of a ghost.
Nanatili lang siyang nakatitig sa kaharap, hindi alam kung ano ang isasagot. Ano nga ba ang ginagawa niya roon?
“Ace! What are you doing here? Akala ko ba sa Paris ka na naka-settle?”
Sabay nilang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Si Ricky iyon, na mabilis na nakalapit sa kanilang dalawa. Nagtatakang tinapunan niya ng tingin si Ricky, at pagkatapos ay si Ace. How in the world did they know each other?
“Well, I just got back yesterday, for vacation,” nakangiting sagot ni Ace matapos kamayan si Ricky. “How have you been, Tito?”
“I’m good, very good actually,” masaya nitong sagot. “By the way, this is Sahara, my…”
Iniisip ni Sahara kung paanong pagpapakilala ang gagawin ni Ricky sa kanya kay Ace pero naalala niya na wala nga pala sa description ng kanilang relationship ang pagpapakilala sa mga kaibigan at ka-trabaho. For everyone, they were just plain acquaintances.
“…girlfriend,” pagpapatuloy nito. “Sahara, this is Ace. His father and I go way back.”
Isang simple’ng ngiti ang itinugon ni Ace, sabay lahad ng kamay. He’s acting as if he didn’t know her, as if it was the first time he saw her. “Hi…Sahara.”
“H-Hi.” Atubili niyang inabot ang kamay nito at bigla siyang nakaramdam ng panlalamig nang hawakan ng malaki at mainit nitong kamay ang kamay niya.
“So, Ace, are you here for business?”
Umiling ito at mula sa pagkakatitig sa kanya ay bumaling ito kay Ricky. “Well, not really. I just wanted to take the weekend off, you know. How about you? On business?”
“Hmm, nope. Just taking the weekend off, just like you. If you have nothing planned for tonight, why don’t you join us to dinner? Bring along someone. Your girlfriend maybe?”
Umiling ito at napangiti. Hindi nakaligtas kay Sahara ang pagtapon nito ng tingin sa direksiyon niya. “No girlfriend. I tend to go on trips alone. Less hassle.”
“Well, yeah, I guess. So, we’ll be expecting you later?”
Tumangu-tango lang si Ace. “I know a great place. They’ve got the best seafood in town.”
And Ricky’s phone rang once more. Kapwa sila napatingin ni Ace rito. “Oops, sorry. I really have to take this one,” and he had to excuse himself again. “Just a minute, Sahara…hey Ace, see you, okay?”
Sabay nila itong tinanguan at sabay rin na nagkatinginan.
“You’re dating him? He’s married and I’m sure you’re aware of that,” mahinang sabi ni Ace sa kanya nang makalayo na si Ricky. Mapanuri ang tingin nito sa kanya na para bang nanghuhusga. With the way he’s looking at her, she’s not sure whether he’s still the same man that she used to know. Gusto niya itong tanungin pero parang hindi na iyon kailangan. Halata sa mukha nito ang disgusto, kung saan ay hindi siya sigurado.
And then he left, just like that.
Nakabalik na’t lahat si Ricky sa kanilang mesa ay hindi pa rin maalis sa isip niya si Ace. She wasn’t supposed to be thinking about him especially now that it has been a year. God, she’s not supposed to see him again.
“Are you okay, Sahara? Parang kanina ka pa preoccupied.”
“Ha? Ahm m-may naalala lang ako about the photoshoot.”
“Hey, hey, this weekend is supposed to be our vacation together. This is about us, okay?”
“About us, so bakit mo kailangang i-invite si…’yung si…”
“Si Ace. Sabi ko nga sa ‘yo, malapit kami ng Dad niya noon pa at bata pa lang ‘yung si Ace, dinadala-dala na ‘yan sa opisina at kahit sa mga business meetings. I used to babysit that boy,” sabi pa nito na natatatawa na para bang isang napakagandang alaala niyon. He then held her hand. “I’m sorry, Sahara. Ngayon na lang kasi uli kami nagkita after many years. I just wanted to catch up on him.”
She just smiled at him. Wala na naman siyang pagpipilian. She just have to act as if there’s nothing between her and Ace – well, there’s really nothing between them now – and she doesn’t care about him anymore.
Because she’s with Architect Ricky Aguas now, her savior and her angel.