Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 48

FOR Sahara, the entire dinner was AWKWARD. Ricky was there, Ace, and Helga. The woman was taller than her, fairer. Pero siyempre, hindi siya papayag na mas maganda ito sa kanya. Helga was just tall, white and blonde, and that’s it. Ang bulong nga sa kanya ni Ricky habang nagdi-dinner nang mapansin nito ang paminsan-minsan niyang pagtingin kay Helga –

“You’re a lot more beautiful than her, Sahara.”

Ano nga ba ang gustong patunayan ni Ace at bakit kailangan nitong isama ang Helga na iyon sa dinner? He said that he’s not gonna bring a date but there he was with his some girl na parang hindi mapaghiwalay. Wala yatang oras na hindi naka-angkla ang mahabang braso nito kay Ace na para bang parating may aagaw rito.

Mabuti na lamang at nauna na itong nagpaalam dahil mayroon pa raw itong party na kailangang attend-an. Nagpasalamat siya sa Diyos dahil hindi niya alam kung paanong pakikipag-plastikan ang gagawin niya kung nakasama pa nila ito sa buong hapunan. Yeah, Helga was nice, she was even the one who makes the effort to talk to her. But frankly, she doesn’t like her and God knows why.

“So, how’s your Dad?” tanong ni Ricky. Tapos na ang dessert, at umiinom na sila ng kape. “I haven’t heard from him for a long time. Masyado bang busy sa mga negosyo?”

“Kilala n’yo naman po si Dad. He’s in business trips most of the time at kahit ako, madalas sa phone ko na lang siya nakakausap. These days, I think he’s in Macau, closing a hotel deal.”

“Wala ba siyang balak mag-asawa uli? Sabihin mo sa kanya, walang kuwenta lahat ng pagod at puyat niya kung wala siyang makakatuwang sa buhay.”

“Well, he’s just too particular when it comes to women. Pakiramdam kasi niya lahat ng babae, pera lang ang habol sa kanya.”

“Well, hindi pa lang niya nakikita ang babae’ng para sa kanya. And I hope he’ll find her real soon because let’s face it, he’s not getting any younger.”

Tumango-tango si Ace. “’Yan rin ang madalas kong sabihin sa kanya pero mukha pong masaya na siya’ng single na lang. Nadala na po yata talaga.”

“Kung sabagay.” Humigop ng mainit kape si Ricky bago muling magsalita. “How about you, any plans of settling down?”

“No, no. Not yet. I want to take my time.” Umiling si Ace at saglit na napatingin sa kanya.

Nahuli naman niya iyon at agad rin siyang nagbaba ng tingin. What does he mean by that gaze? A year ago, he was ready to elope with her, anywhere. Ang ibig sabihin ba noon ay talagang minahal siya nito?

“How about…Helga? You seem to be very fond of her.”

“She’s just a…” Muli, umiling si Ace.

Inubos na ni Ricky ang kape sa tasa at tinapik sa balikat si Ace. “Yeah, I know, I know. You don’t have to explain. Been there, done that. Ganyan rin ako noon, lalo na noong kabataan ko. Sige lang nang sige. Dati hindi rin ako naniniwala sa ‘The One’ na ‘yan eh. Hanggang sa na-in love ako, ayun. You haven’t really been in love, have you, Ace?”

Hindi nito naituloy ang pag-inom ng kape.

“Okay lang ‘yan, na mag-enjoy. You’re young, rich. Pero one day, you’ll find someone who’ll change you and once that happens, you’ll realize that all along, you were wasting your time. So kapag nakita mo na ang ‘The One’, make sure to do everything to keep her, okay? Because I did.”

“You’re one lucky man, Tito,” sabi ni Ace.

“Oh well, I won’t argue with that. She’s the best thing that ever happened to me.”

Ricky looked at her and held her hand. Napakunot ang noo niya dahil hindi dapat sila nakikita ng kahit na sino na nakaakbay ito sa kanya ng ganoon. Pero ngumiti lang ito.

“Don’t worry, I’ve told Ace about us and our secret is safe with him,” bulong nito sa kanyang tainga.

Oh yeah, perfect. Kaya pala ganoon ang pakikitungo ni Ace sa kanya simula kanina. Is he jealous? She smiled at the thought. Habang nagsasalita si Ricky ay hindi kaila kay Sahara na sa kanya lamang nakatingin si Ace. She didn’t dare look at his direction because she could feel his stare. She wanted to stand and leave those two men talk about their views about love and relationships. Kung bakit ba naman kasi kailangang maging magkakilala at maging close ang dalawang lalaking iyon? Hindi niya maiwasang mainis sa sarili dahil siya rin naman ang may kasalanan kung bakit siya nasa ganoong sitwasyon ngayon.

Damn, when will this dinner end?

~~

NAKAHINGA ng maluwag si Sahara nang sa wakas natapos ang tila buong gabi’ng hapunan na iyon. She must admit that she missed Ace and she wanted to spend more time with him – or even just stare at him. Pero hindi sa ganoong paraan, at pagkakataon. Ricky was there, and Helga, and she couldn’t do anything but pretend that her feelings doesn’t exist.

Inilapag niya ang baso ng fresh buko juice sa mesa at nahiga roon sa rattan lounge habang nakatanaw sa ilang magkakapareha na lumalangoy doon sa pabilog na swimming pool. Napakaganda ng gabing iyon, maliwanag ang bilog na buwan at malamig ang simoy ng hangin.

Ngayon pa lamang, gusto na niyang umuwi. Kung nalaman lang niya na doon sa Subic niya muling makikita si Ace, nagkasya na lamang sana siya sa isang romantic dinner sa condo unit nila. Gusto na niyang yayaing umuwi si Ricky pero siguradong hindi ito papayag. Mayroon pa itong business meetings doon na dapat asikasuhin, at tiyak na magtataka ito dahil sa biglang pagbabago ng isip niya.

“Hey.”

Napaupo si Sahara nang marinig iyon. It was Ace in the swimming pool, looking up at her.

“What are you doing here alone? Where’s Tito Ricky?” tanong nito na hindi alintana ang basang katawan. Pinanood lamang niya ito nang umahon ito mula sa tubig at naupo sa rattan lounge sa tabi niya. His body’s dripping wet and wearing only his board shorts, Ace was all muscles.

“May client meeting lang sandali,” tugon niya, na pilit iniiwas ang mata sa binata.

Wala siyang narinig na anupaman mula kay Ace. It’s as if he didn’t hear her speak. Wala rin naman siyang iba pang sinabi dahil sa totoo lang, parang lalabas na ang puso niya sa kanyang dibdib dahil sa sobrang kaba. It has been a year since the last time she saw him and it was difficult not to feel something, especially now.

Pasimple niyang pinakiramdaman si Ace. Tahimik lamang itong nakaupo sa tabi niya, nakaharap sa malawak na swimming pool. Ano kaya ang iniisip nito, naisip niya. Does he miss her? Is he excited to see her again? How does he feel about her now?

Ah, kung p’wede lang niyang itanong rito ang lahat ng nasa isip niya nang mga oras na iyon, kanina pa niya ginawa. Bakit nga ba hindi? Noon naman, nasasabi niya rito lahat. Well, noon iyon, noong may ‘feelings’ pa ito sa kanya, noong may ‘something’ pa na namamagitan sa kanila.

“Are you okay?” tanong nito.

“Yeah, bakit hindi ako magiging okay?”

“You look…worried.” Nagkibit-balikat ito.

Ah, he still knows her. Kahit isang tingin lang sa kanya, alam na nito ang kanyang nararamdaman. “Ikaw, are you okay?”

“Yeah, do I look like I’m not?”

No, he looks absolutely fine and she couldn’t help but wonder.

“Kumusta?”

Kung sa ibang tao siguro nanggaling ang tanong na iyon, madali niya iyong masasagot. Kumusta nga ba siya? Okay naman talaga, masaya na siya sa bagong buhay at wala nang mahihiling pa – iyon ay bago muling lumitaw si Ace sa eksena. “Good,” mahina niyang sabi. Ano pa ba ang tama’ng sagot roon?

Matagal na katahimikan pagkatapos. Pareho lamang silang nanonood ng mga lumalangoy sa malawak na pool, na parang hindi magkakilala. Naisip ni Sahara, siguro nga, ganoon na sila ngayon ni Ace, hindi na sila ang dating sila. Ngayon, hindi na sila magkakilala.

“I’ll go ahead, pupuntahan ko pa ‘yung kaibigan kong may-ari ng Jet Ski shop na pupuntahan natin bukas.” pagkadaka’y sabi nito sabay tayo.

“Jet ski?” Napaupo rin siya nang maayos dahil sa narinig.

“Hindi ba nasabi ni Tito Ricky sa’yo? He told me you wanted to go jet skiing but he’s just not really into it. He asked me if I’d be willing to take you to my friend’s shop and teach you how. I said I’d be happy to do it.”

“Ano?” taka niyang tanong. Is he playing games with her now?

“He asked me a favor and I just couldn’t say no to him.”

“No.” Umiling-iling si Sahara.

“Why not? I see nothing wrong with it.”

But she does. Ilang sandali pa ay nakita niya itong ngumiti, na lalong nagpalundag sa kanyang puso. She never thought she could see his smile again and God only knows how much she missed it.

“Are we being awkward now, Sahara?”

Muli siyang umiilng. “Of course not.”

“See you tomorrow, then.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.