Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 49

“RICKY, parang ayoko yata. Let’s just spend the day here at the hotel or just go shopping instead.”

Natawa si Ricky habang pababa sila ng hagdan. “Why? You’ve been asking me to go jet skiing, hindi ba? Now’s your chance. Don’t worry, you’ll be in good hands. Ace is one of the best when it comes to extreme activities, I’m telling you.”

Natanaw na niya si Ace doon sa lobby na kausap ang isang matangkad na babae. At kahit nakatalikod pa iyon sa kanila ay alam niyang si Helga iyon. She was wearing a see-through dress, almost revealing her bright pink bikini underneath. Malakas ang tawa nito sa kung ano man ang sinasabi ni Ace.

It was too late to back out now. naroon na sila sa lobby, at kausap na ni Ricky si Ace. Nginitian siya ni Helga, na ginantihan niya ng ngiti rin. Ace was busy talking to Ricky that he didn’t even bother to look at her.

Si Ace ang nagmaneho ng napakagara’ng itim na Mercedes papunta sa Diving Shop ng kaibigan nitong Amerikano. Katabi nito si Helga na kung hindi nakaakbay ay nakahawak sa braso o sa hita ng binata samantalang silang dalawa ni Ricky ay tahimik lamang sa likurang bahagi ng sasakyan. Paminsan-minsang nagkukwentuhan sina Ace at Ricky samantalang siya ay nagkukunwaring abala sa kanyang cellphone. Wala siyang panahong makipagmabutihan sa Helga na iyon at ayaw niyang magkunwaring gusto niya itong kasama.

Oo, nagseselos siya. Dahil siya dapat ang umaakbay kay Ace, ang humahawak sa braso nito at bumubulong sa tainga nito pero alam ng buong mundo na imposible nang mangyari iyon. Gusto niyang bumaba na lamang ng sasakyan na iyon at bumalik na lang sa kanilang hotel room, o kaya ay mag-swimming mag-isa nang walang humpay. Spending time with Ace, Ricky and Helga is definitely the last thing she needed right now.

Nang huminto ang sasakyan ni Ace sa parking area ay naunang bumaba mula roon si Sahara. At nang makita niya ang kabuuan ng lugar ay bahagyang nabawasan ang inis na kanyang nararamdaman. The Jet ski shop was located in front of the sea, at mula sa kinatatayuan ay amoy na amoy niya ang hangin mula sa dagat. Napapikit siya sa lakas ng hampas ng hangin at nagulat pa nang maramdaman niya ang pag-akbay ni Ricky sa kanya.

“So, let’s start, guys?” nakangiting tanong ni Ace na nakaharap sa kanilang lahat.

Agad na umiling si Helga, at nagtaas naman ng dalawang kamay si Ricky.

“I’m here just to admire the view,” sabi ni Ricky. “And watch Sahara fulfill her life long dream.”

“Me too, Ace. You know me, I hate this kind of stuff. It’s bloody scary and I would never ever try that - ever!” Helga said, with her British accent.

“Oh well, that leaves the two of us, Sahara. Come on?”

Wala na ring nagawa si Sahara. Gustuhin man niyang magback-out, hindi na p’wede. Kahiyaan na iyon at ayaw naman niyang masabihan na ‘KJ’ lalung-lalo na ni Ricky. And changing her mind might send the wrong message to both Ricky and Ace.

After getting the essential equipment for the activity, they went to the dock kasama si Francis, ang kaibigang Amerikano ni Ace na siyang may-ari ng shop. Naupo sina Ricky at Helga sa upuan sa ilalim ng malaking beach umbrella at tinanaw sila roon. Hawak niya ang kanyang life vest na tila hindi alam ang gagawin roon. Sumusunod lamang siya kina Ace at Francis sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa harap mismo ng ni-rentahan nilang jet ski.

“Let me.”

Napatitig na lamang siya kay Ace nang bigla na lang nitong agawin ang hawak niyang life vest at ito na mismo ang nagsuot sa kanya. Napahigit siya ng hininga nang maramdaman niya ang mainit na kamay ni Ace na dumikit sa kanyang balat. Nang tingnan niya ito, seryoso lang ito sa pagkakabit ng strap sa kanyang harap, walang kakurap-kurap.

“Are you nervous?” mahina nitong tanong na doon pa rin sa ginagawa nakatingin.

“M-medyo.”

“Don’t be. I’m here. Kumapit ka lang nang maigi. Later, I’ll teach you how to ride, then, you’ll be on your own. Marunong ka naman lumangoy, right?”

Tumango si Sahara. If she’s nervous about something right at that moment, jet skiing is out of the question.

“There,” sa wakas ay sabi nito nang maiayos nito nang husto ang kanyang life vest. Ang sariling life vest naman nito ang isinuot. “Ready?”

No, but she didn’t say anything. Sumunod lamang siya kay Ace at nang ilahad nito ang isang kamay para alalayan siya para sumakay sa jet ski, muli siyang napatingin sa mga mata nito.

“Oh, don’t tell me you’re backing out?”

No, she’s not. She’s just not ready for this – holding his hand and sitting really close behind him.

“Come on, this is going to be fun, I’m sure you’ll enjoy it.”

Fun. Yeah, right. Pero paano siya mag-eenjoy kung masyadong abala ang utak niya sa pag-iisip ng mga bagay-bagay tungkol kay Ace? Hindi pa man, naiisip na niya kung ano ang pakiramdam ng pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Aside from her white swimsuit, his sleeveless undershirt and board shorts, wala nang mamamagitan sa kanilang katawan kundi life vest. Kakapit siya nang mahigpit sa baywang nito at sigurado siyang imposibleng hindi niya ito maamoy at hindi maalala ang nakaraan. Panalangin lang niya na sana ay hindi maramdaman ni Ace ang mga naiisip niya ngayon. She wanted to hate him for being so casual about this, as if she’s nothing to him.

Unang sumakay roon si Ace, at inalalayan siya ng kaibigang Amerikano nitong si Francis na makasakay sa likuran ni Ace. Walang sabi-sabi ay bigla na lamang umarangkada ang jet ski, dahilan para mapakapit siya nang mahigpit sa baywang ni Ace. She hang on to his body for her dear life as she felt her own heartbeat go sky-high.

~~

THE jet ski experience was probably the most exhilarating thing she has tried in her life. Kung tatanungin kung uulitin niya iyon, hindi ang sagot niya - hindi dahil sa hindi niya kaya ang pagka-extreme ng activity kundi dahil sa hindi kaya ng puso niyang muling makasama si Ace buong araw, nahahawakan pero hindi makausap tungkol sa mga bagay na dapat pag-usapan. Now, Sahara realized that she could not pretend to be someone that she’s not and her heart still couldn’t lie.

She still has feelings for Ace. It doesn’t matter what kind of feelings it was – all she knows is that he still has that effect on her. Nang muli niya itong makita pagkaraan ng matagal na panahon, pakiramdam niya ay bigla siyang nabuhay. Parang biglang may isang bahagi ng kanyang puso ang muling tumibok. She felt happy, alive, without really knowing why.

Naalala niya ang pinagsamahan nila ni Ace, ang mga ginawa nitong pagtulong sa kanya noon, kung paano siya nito pinapangiti at pinapatawa. He wasn’t just a lover, he was her friend – a very good friend at that.

At napaisip siya, nagbago na nga ba talaga ang damdamin nito sa kanya? Siguro, mayroon nang ibang nakapagpapasaya rito, nagmamahal at nag-aasikaso. Ano nga ba naman ang naidulot niya sa buhay ni Ace kundi pasakit?

“Penny for your thoughts?”

Naramdaman ni Sahara ang mga bisig ni Ricky na yumakap sa kanya mula sa likuran. Niyakap siya nito nang mahigpit at pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi. She’s sitting in front of the large vanity mirror and she could see him there looking at her.

“Bakit gising ka pa? Maaga pa ang flight natin bukas.”

Tumangu-tango siya. “Matutulog na rin ako, may mga inayos lang akong gamit sa suitcase.”

“So, did you enjoy Subic, especially the jet ski experience?”

Yes and no, kung p’wede lang niyang sabihin. Pero tumango na lang siya at ngumiti. This Subic weekend was his birthday gift to her and she didn’t want him to feel as if she didn’t enjoy every minute of it.

“Ace was a great teacher, wasn’t he? Or talagang fast learner ka lang?”

“A-a little bit of both, I think,” sabi niya. Tinanggal niya ang pagkakayakap sa kanya ni Ricky at ibinalik na ang hawak na hair brush sa kanyang handbag na nakapatong sa dulo ng malawak na kama.

“Tinanong nga niya sa akin kanina kung nagalit ka raw ba sa kanya dahil medyo strict yata siya sa pagtuturo. Ang tahimik mo raw, eh.”

Napatingin siya rito. “H-hindi naman ako makaka-daldal habang nagje-jet ski. And, I was nervous the whole time and I was trying to focus. Ayoko’ng malunod!”

Narinig niyang natawa si Ricky. Lumapit ito sa kanya at muling yumakap. “Hindi ko naman hahayaang malunod ka. Ilang beses ko ngang ibinilin kay Ace na ingatan ka, na huwag na huwag kang magagasgasan. At kapag may nangyaring masama sa ‘yo, siya ang mananagot.”

“Sinabi mo ‘yon sa kanya?”

Tumango si Ricky. Hindi niya alam kung seryoso ito o nagbibiro lamang.

“A-are you sure okay lang na malaman niya ang…”

“Ang tungkol sa ating dalawa? Yes, of course. Kilala ko ‘yung bata’ng iyon. He’s a nice man and he’s not the type who meddles with other people’s affairs. Don’t worry too much, okay?”

He kissed her gently on the lips and let her go, which was a relief.

“You can trust Ace, even with your life, Sahara.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.