Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 50

MAHIGIT kalahating oras nang nakatingin si Ace sa monitor ng laptop at hindi niya pansin na kanina pa siya pinagmamasdan ni Agustin sa ganoong ayos. Ilang sandali na lamang ay male-late na sila sa kanilang client meeting pero tila wala siyang balak tumayo o gumalaw man lamang.

“Sir Ace, are you okay?” tanong ni Agustin sa kanya.

Tumango siya pero hindi natinag. Simula nang pumasok siya sa opisina ay wala nang patid ang pagpaalala nito ng mga kailangan niyang gawin nang araw na iyon – mga meetings, mga updates sa bagong projects, mga cancelled photoshoots, mga problema sa models, at iba pa. Hindi pa man nakakapangalahati ang araw ay pakiramdam niya ay susuko na ang utak at katawan niya dahil sa trabaho.

“It’s time, sir Ace,” sabi ni Agustin matapos tingnan ang relong pambisig. Inabot nito sa kanya ang itim na folder, kasunod ang kanyang blazer.

“Can’t we just re-schedule this meeting?”

Umiling si Agustin at ngumiti. “Paalis na bukas si Mr. Kubayashi. Ngayon na lang siya available.” Kinailangan pa siyang itayo ni Agustin mula sa kinauupuan at itulak palabas ng pinto ng opisina at isuot sa kanya ang blazer. “Bakit?”

Umiling na lang siya.

“Sir Ace?” narinig niyang tanong ni Agustin nang nasa loob na sila ng kotse. Doon ito sumakay sa passenger seat samantalang siya ay sa may likurang bahagi ng sasakyan. Napailing ito dahil alam nito na wala na naman siya sa sarili. “Tinatanong ko kung itutuloy ba natin ‘yung photoshoot sa Antipolo sa Sabado? May parating na bagyo raw, eh.”

“Of course. We can’t delay it any longer.”

“Pero manggagaling pa si Miss Pascual sa Palawan. At kilala naman natin ‘yon. Sabi nga ni Darling, si Miss Pascual na raw ang pinaka-prima donna na nakatrabaho niya sa buong buhay niya.”

Oo, kilalang-kilala niya si Miss Tanya Pascual. Isa ito sa mga sikat na modelo ngayon, at minsan na niya itong nai-date. And Darling’s right. She’s a prima donna. She gets what she wants, she does what she wants.

Saglit siyang napaisip. Ngayon pa lamang ay makulimlim na ang langit at kung magtutuluy-tuloy nga ang ganoong klaseng panahon dahil sa bagyo, magkakaroon nga sila ng problema. The photoshoot was supposed to be finished weeks ago, but because of Miss Pascual’s numerous issues regarding her ‘hectic’ schedule or her bad health or whatever excuse she could think of, they were forced to reschedule the event, many times already. At ngayon, ito.

“Let’s just monitor the news updates about the weather. If ever it gets worse and Tanya refuses to do the job, we have no choice but to find another model who’s willing to work under bad conditions. I’m going to her agency and ask for someone who could replace her.”

“But Miss Pascual is the most sought-after top models today. Kapag pinakawalan natin ‘yon, siguradong maraming mag-aagawan sa kanya. At bibilangin ng buwan o baka taon bago uli natin siya makuha.”

“We don’t need someone like her in our magazine. She’s not our loss. Ilang beses na ba niya tayong binitin sa trabaho? Masyado siyang pa-importante…and did you hear what our team has to say about working with her? She always makes their lives a living hell.”

Napakibit-balikat na lamang si Agustin dahil minsan na rin nitong naka-trabaho si Tanya Pascual. Oo nga’t isa ito sa pinakamagandang babae na nakilala niya, bukod pa sa pinakamagaling na modelo pero ito rin ang isa sa mga pinakamahirap pakisamahan. Siguro dahil na rin sa galing ito sa mayamang pamilya at nasanay sa marangyang buhay.

Mula sa binabasang mga papeles ay kinuha niya sa bulsa ang cellphone at umakmang magda-dial roon. He’s going to call Samantha, Miss Pascual’s manager to talk about Tanya ang the photoshoot. But as he searches for Samantha’s number, a familiar name got his attention – Sahara.

Muli niyang itinago ang cellphone sa bulsa nang maalala na hindi na nga pala iyon ang numero ni Sahara at dapat ay matagal na niyang binura ang pangalan at numero ng dalaga sa kanyang cellphone. Simula nang huli silang magkita noong isang taon ay wala na siyang alam na kahit na ano tungkol rito, bukod sa katotohanang mas pinili nito ang isang mas mayaman kaysa sa kanya - si Architect Ricardo Aguas.

And then he saw her again last weekend, something that he never thought would ever happen in this lifetime.

“Are you sure you’re okay, sir Ace? Mukhang nagliliwaliw na naman ang utak mo, ah.” nakangiting sabi ni Agustin.

Hindi na niya iyon kailangang sagutin dahil alam niyang halata ni Agustin na may nag-iba sa kanya pagkatapos ng weekend getaway niya sa Subic. He’s not supposed to be affected by seeing Sahara after a long time but it’s just not possible. He’s over her, he should be over her. Isang taon na rin naman ang nakakaraan at mayroon na itong bagong buhay. He’s sure that she’s happy now, because he saw it in her eyes every time she looks at his Tito Ricky.

And how about him? Is he happy?

“S’yanga pala sir, 3 PM ang susunod ninyong meeting. That’s with Mr. Cinco. Then dadaan tayo sa BGC para i-ocular inspection ‘yung lilipatan ng opisina natin. Then, 6 PM dinner meeting with the photographers, 8 PM dinner with your dad.”

Tumangu-tango lang si Ace. “What else?”

“Hmm,” binuklat ni Agustin ang hawak ng notebook at tiningnan iyong mabuti. “That’s about it, sir. It’s a Tuesday so hindi na ‘ko naglagay ng iba pa sa schedule mo after 8 o’clock. May meeting pa ba kayo o date na gustong idagdag?”

“Wala na. Thank you.” Tuesday nights are the only times when he could relax a bit longer, when he could do anything he wanted that’s out of the office.

“Ah, by the way, a certain Miss Sahara Smith called earlier this morning. Sabi ko, fully booked ang schedule mo until next week.”

Mula sa binabasa ay napaangat ng tingin si Ace. “Who?” tanong niya para siguraduhin kung tama ang dinig niya sa sinabi ni Agustin.

“Sahara Smith, sir Ace.” Kahit pa nakatalikod ito sa kanya ay alam niyang nakangiti ito.

“W-what did she say?”

“Ayun nga, she’s asking for an appointment but I told her that-“

“Bakit raw?”

“Bakit raw ano?” balik nitong tanong sa kanya. Ace knows Agustin was just teasing.

“Bakit gusto niyang makipagkita? May nasabi ba siya kung tungkol saan, kung bakit?”

Nagkibit-balikat ito nang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

“Call her and tell her I’m free for dinner tonight,” mabilis niyang sabi.

Biglang napalingon sa kanya si Agustin. “Dinner? Pero may dinner kayo ng daddy mo. Ilang beses niyang pinaalala sa ‘kin ang dinner n’yo tonight dahil maaga raw ang flight niya bukas for Tokyo at halos dalawang buwan na raw kayong hindi nagkikita.”

“Ako na ang bahala kay Dad.” As much as he wanted to see him and talk to him after a long time, he just couldn’t let this chance of seeing Sahara tonight. He could always call his Dad and even visit him abroad anytime he wanted, which is something he could do with Sahara. “Cancel everything after 6 pm tonight. Ask her where she wanted to meet, and what time, okay?”

Tumangu-tango na lang si Agustin at muling binuksan ang dalang maliit na notebook. “Ganyan ba ang naka-get over?” mahinang tanong nito, nangingiti. Hindi na kasi sikreto kay Agustin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Sahara. “Akala ko ba ‘Sahara no more’? Na kalilimutan mo na siya at hahayaan mo na siya kung saan siya masaya? Hay, ang pag-ibig nga naman…kaya nga ba ayokong ma-in love eh.”

“Hey, hey, I’m meeting with her not because I’m in love with her.”

“So bakit ka pa makikipagkita sa kanya?”

Bakit nga ba, tanong rin ni Ace sa sarili. Kung tutuusin, wala na naman silang dapat pag-usapan dahil malinaw na sa kanya ang lahat at tanggap na naman niya ang katotohanan – Sahara is already with somebody else and he can’t do anything about it anymore – or could he?

No, he must not. Parang tatay na rin niya si Architect Aguas at hinding-hindi siya gagawa ng bagay na ikagagalit o ikasasakit ng loob nito. Tulad nga ng madalas ipaalala sa kanya ng kanyang ama – huwag na huwag niyang hahayaang masira ang isang magandang samahan nang dahil lang sa isang babae. Maraming babae riyan, sigurado siyang marami pa siyang makikitang tulad ni Sahara, o mas higit pa rito.

So, bakit pa nga ba siya makikipagkita kay Sahara?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.