Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 51

“ARE you sure you’ll be fine? P’wede kitang ihatid bago ako tumuloy sa meeting ko.”

Umiling si Sahara at hinalikan sa labi si Ricky. “I’ll be fine. Magpapahatid na lang ako kay Mang Julio. Isasama ko si Ate Yolly kung-“

“No, no. It’s not what I meant.”

Ang pagkakaroon ng bantay ang ibig nitong sabihin. Noon pa man ay hindi siya nito pinapayagang umalis mag-isa, lalo na kung gabi. Parati niyang kasama si Ate Yolly at parati siyang pinahahatid o pinasusundo kay Mang Julio sa tuwing kailangan niyang umalis, lalo na’t kung walang kinalaman sa trabaho. Kahit nga sa pagpunta niya sa mga go-sees, auditions at photoshoots ay mayroon siyang kasama. pagpasok sa opisina ay mayroon siyang kasama.

“I’ll be home by seven in the evening tomorrow, okay? Gusto mo bang mag-out of town uli tayo?”

“Hindi na. Alam ko namang masyado kang napapagod sa mga business trips mo. Okay na ‘ko sa dinner sa favorite restaurant natin.”

“Sige. We’ll have dinner tomorrow.”

Hinatid niya ito hanggang sa pinto ng condo unit niya at isa pang halik sa labi at tuluyan na itong umalis. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at tumuloy na sa banyo para maligo.

Ricky is a good lover, that is something she couldn’t deny. He makes love to her, with respect. She could say that he is the most decent lover she’d ever made love with – well, bukod doon sa mga nakaw nilang sandali sa opisina. Kailangan nilang i-schedule ang lahat ng bagay, kasama na ang kanilang ‘intimate moments’. Oo, pati ang parte’ng iyon ng kanilang relasyon ay dapat may tamang oras at pagkakataon. Dalawang beses isang linggo, minsan dalawang beses isang buwan, depende sa schedule nito sa opisina. It is far from her expectations but she has to be contented with it.

He’s a good looking man, intelligent, rich. Sabi niya sa sarili niya, sa oras na makatagpo siya ng isang tulad ni Ricky, hinding-hindi na niya iyon pakakawalan pero bakit ganoon? Ngayong may isang Ricky na sa buhay niya, bakit parang may kulang pa rin?

Napailing siya. Ano ba iyong mga iniisip niya? Dahil ba iyon sa muli nilang pagkikita ni Ace? O dahil sa hanggang ngayon ay umaasa pa rin siyang magkikita pa rin sila ni Baste at ito ang talagang tadhana niya? Wala na siyang balita kay Baste simula noong huli nilang pag-uusap. Nasaan na kaya ito ngayon? Gustuhin man niya itong hanapin, hindi naman niya alam kung sa paanong paraan. Nawala lahat ng contact numbers nito noong nanakaw ang cellphone niya, at hindi pa naman siya desperada para hanapin ang kinaroroonan dahil sa tuwing naaalala niya ang pagtataksil nito ay hindi pa rin nawawala ang pagkulo ng dugo niya.

She shook her head while lathering her body. She should not be thinking about Baste. Si Ace ang imi-meet niya ngayong gabi kaya wala dapat ibang laman ang utak niya kundi si Ace. When she got a return call from his assistant, she didn’t know whether she’s gonna be terrified or excited. Hindi na talaga niya inaasahan na gugustuhin pa ni Ace na makipagkita sa kanya, kahit pa nga naging maganda naman ang pakikitungo nito sa kanya sa Subic. He even taught her how to jet ski for Christ’s sake! Kung hindi isasama sa usapan ang tungkol sa ‘pangyayari’ noong isang taon, iisipin niyang kaibigan pa rin ang turing nito sa kanya, o higit pa. He held her hand and looked into her eyes as if he wanted her. Or was she just imagining things? Kaya nga gusto niya itong makita at makausap. Kailangan niyang malaman kung pareho pa rin sila ng nararamdaman.

At paano nga kung pareho sila ng nararamdaman?

At ano naman kung mahal pa siya nito? May magagawa pa ba siya?

It was already seven in the evening when she stepped out of the shower and by seven-thirty, she’s ready. Nagpahatid siya kay Mang Julio sa restaurant kung saan sila magkikita ni Ace, binigyan niya ito ng pang-sine at sinabihang tatawagan na lamang niya ito kapag kailangan na niyang umuwi. That’s one of the things he liked about Mang Julio. Mabait ito, napakadaling kausap (madaling utuin) at sinusunod nito lahat ng sabihin niya. Masasabi niyang mas sinusunod pa ngayon ni Mang Julio ang mga utos niya kaysa sa mga utos rito ni Ricky.

Eksaktong alas-otso ay huminto ang kulay pulang kotse’ng sinasakyan ni Sahara sa mismong tapat ng pinag-usapan nilang restaurant. Nagulat pa siya nang makita si Ace na nakaupo sa dulong bahagi ng lugar na iyon. Siniguro niyang maaga siyang umalis ng condo para maaga siyang makarating, pero mas mauuna pa rin pala si Ace sa kanya.

Lihim siyang napangiti. Does it mean that he wanted this meeting to happen as much as she did? Tumayo ito pagkakita sa kanya. She’s wearing a very simple white shirt, jeans and sneakers because she didn’t want to make him think that she wanted to impress. Mabuti na lamang at ganoon rin ang naisipang isuot ni Ace. Kaswal na kaswal rin ito sa suot na gray shirt at faded jeans.

Hinila ni Ace ang upuan para sa kanya bago ito naupo. Should she start the conversation right away? Of course.

“Thank you for coming. Sabi ng assistant mo, puno hanggang next week ang schedule mo kaya nagulat ako ‘nung makatanggap ako ng tawag kanina.”

“Do you want anything?” Tahimik lang itong kinuha ang menu sa ibabaw ng mesa.

“Red wine na lang.” Dahil hindi naman sila nagkita ngayon para mag-dinner.

Tinawag nito ang waiter at um-order ng isang bote ng mamahaling red wine at nang umalis na ang waiter ay bumaling ito sa kanya. Tiningnan lang siya nito nang walang sinasabi.

Does he have to be this formal? Parang ibang-iba na si Ace sa dating nakilala niya. Masyado na itong seryoso ngayon, na para bang puro trabaho na lamang ang nasa utak. What happened to him? Did she do this to him?

“So, what is this about?”

Ito na. Wala nang paliguy-ligoy. Tutal, iyon naman talaga ang ipinunta nila roon. Ang pag-usapan ang dapat pag-usapan. Tumikhim muna siya bago magsalita.

“Ace…I’m…sorry.”

Walang tugon. Basta tinitigan lamang siya nito nang malamig, singlamig ng yelo. Dumating na ang waiter dala ang order nilang red wine, sinalinan ang dalawang kopita para sa kanila at tsaka ito nakangiting umalis.

“Are we okay?” muli niyang tanong.

“Okay na naman tayo sa Subic, right?” He sipped from his wine glass and poured himself another.

Tumangu-tango na lang siya, gustong sabihin na – if you say so. Wala namang dahilan para hindi niya ito paniwalaan pero hindi niya maintindihan kung bakit iba ang nararamdaman niya tungkol doon.

Hindi na alam ni Sahara kung nakakailang salin na si Ace ng red wine sa kanilang mga baso. The meeting was quiet, and a bit uneasy. Sa totoo lang ay naninibago siya sa Ace na kaharap niya ngayon dahil noon, madaldal ito, makulit at masayahin.

“How have you been?” sa wakas ay lakas-loob niyang tanong.

Nagkibit-balikat ito. “Good, I guess.”

But every time she looks at him, she could see the opposite in his eyes. Wala na ang dating ningning niyon na parating nagpapagaan ng pakiramdam niya. Siguro nga, Ace has changed a lot ever since they fell apart. He has matured and become a more serious version of himself.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.