Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 60

NAGULAT pa si Sahara nang pagkatapos niyang maligo ay nadatnan niya si Ricky na nakatayo sa harap ng pinto ng banyo. He was still wearing his typical office attire, wearing that usual dreamy smile. Alas sais pa lamang ng gabi kaya naman hindi niya inaasahan ang maagang pagdating nito sa kanyang condominium unit, lalo pa’t halos isang linggo na itong hindi nagpapakita roon.

“Can I invite my girl to a romantic dinner?”

Kumunot ang noo niya. Nilampasan niya si Ricky at humarap sa vanity mirror. “Ano’ng okasyon?” mahina pero matigas niyang tanong.

Sa halip na mainis ay napangiti si Ricky. Mabilis itong lumakad palapit sa kanyang likuran. Agad nitong hinapit ang kanyang baywang at inamuy-amoy ang kanyang leeg. “Walang okasyon. I just missed you.”

“Paano’ng hindi mo ‘ko mami-miss, halos isang linggo kang hindi nagpakita. Kahit sa office, wala ka man lang pasabi.”

“Uy, nagtatampo ba ang baby ko?”

“May karapatan naman siguro akong magtampo, right?” Hinayaan lang niyang yakapin siya nito habang nagsusuklay ng mahabang buhok. She looked at him through the mirror.

Napangiti si Ricky at tiningnan rin siya sa salamin. “I’m sorry. Alam mo naman na…”

“Next time, sana kahit mag-text ka man lang para hindi ako nag-aalala kung ano na ba ang nangyari sa ‘yo. Sana, i-text mo naman ako kung sakaling naisip mong bumalik na kay Martina. Okay lang naman sa’kin, basta magsasabi ka para lang hindi na ‘ko umasa na babalik ka.”

“Sahara, are you jealous of Martina?” natatawa nitong tanong.

Why should she? Mestiza si Martina, matangkad, maganda at minsan na ngang nabanggit ni Miss Minerva noon na may pagkakahawig ito sa kanya. Though the wife was a lot older, Mrs. Martina Aguas has an air of elegance. Bakit ba naman hindi, samantalang isa itong heredera ng ekta-ektaryang lupain at maisan sa Tuguegarao at ayon sa mga sabi-sabi, ito ang dahilan ng tagumpay ni Ricky sa negosyo. Kaya nga hanggang ngayon ay hirap na hirap pa ring hiwalayan ni Ricky ang asawa.

Just yesterday, Sahara learned that Ricky’s wife and daughter came back from the States. He told her not to make a big deal out of it, and so she didn’t. But not being able to talk to Ricky for almost a week wasn’t easy for her at all.

“You know that I love you, right?” tanong nito sabay halik sa kanyang pisngi. “Kaya nga ako narito, kasi mahal kita.”

“Pero hanggang kailan tayo ganito, Ricky?” tanong niya, nakatingin pa rin doon sa salamin. Abala si Ricky sa paghalik sa kanyang leeg at napapapikit siya sa tuwing hinihipan nito ang kanyang tainga.

“As long as I love you.” Dahan-dahan siyang iniharap ni Ricky para matingnan siya nito sa mata.

“Pero paano si Martina?”

“Don’t worry about her. Kung mayroon mang dapat na nagwo-worry sa kanya, ako ‘yon. And please, please, I don’t want to talk about her now.”

“Kailangan natin siyang pag-usapan, Ricky. She’s your wife and she will always be your wife. Hindi p’wedeng hindi natin siya pag-usapan.”

Sa totoo lang, wala naman siyang pakialam sa muling pagbabalik ng asawa nito, at kung puwede lamang ay bawiin si Ricky ng totoo nitong asawa para sa wakas ay magawa na niya ang mga gusto niyang gawin sa buhay. Iyon ang gusto niyang mangyari – na naging malaya na siya, once and for all. But then again, napamahal na rin sa kanya si Ricky at hindi niya maiwasang mainis sa tuwing maiisip na may kahati siya sa pagmamahal nito. Was it jealousy? Maybe, but for Sahara, it’s more of her ego being stepped on.

Napabuntung-hininga si Ricky. “Okay, okay, ano ang gusto mong pag-usapan natin tungkol sa kanya?”

“M-mahal mo pa ba siya?” Siya naman ang napabuntung-hininga.

He smiled. “Kung tinatanong mo kung sino ang mas mahal ko sa inyong dalawa, alam mo na ang sagot, Sahara. Ikaw ang mas mahal ko.”

“Pero mahal mo pa rin siya, diba?”

“She’s the mother of my child and yes, I love her but it’s different now. May kanya-kanya na kaming buhay, may boyfriend na siya sa states, at may maganda na ‘kong girlfriend dito ngayon, kasama ko.”

Sahara smiled, a fake one. Aaminin niyang noon, kontento na siya magandang buhay na ibinibigay ni Ricky. Pero nang muli silang magkita ni Ace at mangako ito ng kasal, napatunayan niya na hindi siya kailanman makukuntento sa pagiging isang kabit.

“Hindi ka na ba masaya sa atin, Sahara?” mahina nitong tanong. “May pagkukulang ba ako sa iyo?”

Sa tinagal-tagal niya itong kilala, ngayon lamang niya nakitang naging ganoon kalungkot ang mga mata nito. “Hindi naman sa gano’n kaya lang…paano kung malaman ni Martina ang tungkol sa atin? I’ve heard things about her. Ma-impluwensiya ang pamilya niya…hindi mo maiaalis sa ‘kin na matakot.”

“Hindi niya malalaman. Trust me.” Umiling-iling ito.

“Pero paano nga kung malaman niya? Ayoko ng gulo, Ricky. Baka mas mabuting ihanap mo na lang ako ng ibang condo o kaya mag-rent na muna ako ng ibang apartment, ‘yung malayo rito, kahit mas maliit dito.”

“Hey, you don’t have to do that, okay? We don’t have to do anything. Dito ka lang, dito lang tayo and you don’t have to worry about a thing. If ever she finds out about you…about us, ako nang bahala do’n. Like what I’ve said, may kani-kaniya na kaming buhay kaya wala na siyang pakialam sa kung ano man ang mayroon tayo.”

“Pero Ricky-“

“Is this really about Martina? Bakit parang lately, naghahanap ka lagi ng mga bagay na pagtatalunan natin?” seryoso nitong tanong at pagkadaka’y kumunot ang noo ni Ricky. “Baka naman may iba ka na kaya gusto mo nang umalis rito?”

Nagulat siya sa narinig mula rito. “O-of course not.” Nagulat siya sa narinig mula rito. Yumuko siya para iwasan ang mapanuring mata ni Ricky pero pilit rin nitong itinaas ang kanyang mukha. Mabilis siyang umiling.

Ricky smiled at hindi na niya nasabi pa ang mga alalahanin dahil hinalikan na siya ni Ricky sa labi. Habang abala ang mga labi nito sa paghalik ay naging malikot ang dalawang kamay nito sa pagtanggal ng kanyang suot na puti’ng roba. Bukod sa black lace thong, wala siyang anumang suot sa loob niyon kaya naman agad niyang naramdaman ang lamig na nagmumula sa air conditioner nang tuluyang hubarin ni Ricky ang kanyang roba.

When he kissed her neck and started caressing the smoothness of her bare back, she’s sure that his thoughts were not just to kiss her tonight. She could see his broad back through the mirror and as his lips trailed down her shoulder, he lifted her and carried her to the bed.

She wanted to make him stop. She wanted to tell him anything – that she’s too tired for this, that she’s got a splitting headache – anything, just to make him stop. Dahil pilitin man, hindi na niya maramdaman ang katulad ng dati noong una pa lamang niya itong nakilala. Every time he kisses her, she thinks of somebody else, and every time he makes love to her, she wishes she’s with someone else.

But she just let him kiss her lips. She opened her mouth in response to his wet kisses and she tried her best to act as if she’s enjoying every bit of this. She moves with him and cries out his name each time he thrusts inside her.

“Tell me you’re mine, Sahara…only mine,” he whispered into her ear before dipping his tongue inside it.

Ipinikit ni Sahara ang mga mata at idiniin ang mga daliri sa likod ni Ricky hanggang sa halos bumaon na ang kanyang mahahabang kuko. “Y-yes…I’m yours, Ricky.”

Nakita niyang may sumilay na ngiti sa mga labi nito. He kissed her hungrily and with one powerful plunge, it was all over. Nang mahiga si Ricky sa kanyang tabi, ilang sandali lamang ay naramdaman na niya ang mahimbing nitong pagtulog kaya dahan-dahan siyang tumayo at isinuot ang roba. Doon siya sa veranda tumuloy, dala ang isang baso ng rhum.

Ano nga ba itong napasukan niyang sitwasyon? Alam niyang may-asawa si Ricky pero sumigi pa rin siya dahil ano? Sa kumporableng buhay? Sa mga materyal na bagay na kaya nitong ibigay?

Napapailing siyang uminom ng rhum. Kung alam lang niyang ganito ang kahihinatnan ng lahat, nagtiyaga na lang sana muna siya sa pagiging freelance model at kung alam lang niyang muli silang magkikita ni Ace, sana ay naghintay na lang siya. Though Ricky was really a nice guy, good lover and a good provider, she still can’t deny the fact that he’s married. At tulad ng sinabi ni Ace noon, na kahit ano ang gawin niya, may sariling pamilya pa rin si Ricky at ‘mistress’ lang ang magiging papel niya sa relationship niya rito.

At sa mga ganoong pagkakataon ay parang gusto nang sumuko ni Sahara. Naisip niyang tumakas, pero paano? Ilang beses na rin niyang tinangkang umalis pero parating hindi siya nagtatagumpay. Hindi niya alam kung may ideya na si Ricky sa plano niya o kung tungkol sa relasyon nila ni Ace pero minsan, hindi niya maiwasang isipin na ganoon na nga. Simula noong insidente sa Antipolo kung saan sila na-stranded ni Ace halos tatlong buwan na ang nakararaan, ay naging madalas na ang pag-uusisa nito sa kanya lalo na sa tuwing umaalis siya ng bahay ng walang paalam. May mga pagkakataong hindi siya nito pinapayagang lumabas nang hindi kasama si Ate Yolly at minsan nga ay nabanggit ni Ricky ang kagustuhan nitong huminto na siya sa pagtatrabaho sa opisina at maging sa pagmo-modelo. He could give her everything, he always says and because he’s afraid that she’d run away all of a sudden.

But she said she won’t do that – run away, that is. Not yet. Kahit gustung-gusto na niyang umalis, wala naman siyang pagpipilian kundi ang manatili sa poder ni Aguas at maghintay ng tamang pagkakataon dahil ayaw naman niyang tuluyang mabaliw dahil sa pagkakakulong sa malaking condominium unit na iyon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.