“WHERE are you going?”
Hindi naituloy ni Sahara ang pagbukas ng pinto dahil sa tanong na iyon. Dahan-dahan niyang nilingon si Ricky na noon ay nakatayo sa likuran niya, hawak ang isang tasa ng kape.
“I-I just need to buy some new make up.”
“Come on, I’ll drive.” Ibinaba nito ang tasa sa ibabaw ng center table at kinuha ang susi ng kotse sa bulsa.
Umiling siya. “Hindi na, Ricky. Nariyan naman si Mang Julio and besides, may meeting ka, hindi ba?”
“I can re-schedule it, honey,” sabi nito sabay halik sa kanyang pisngi. “It’s Sunday anyway. I guess I deserve some time off from the office and be with my love.”
“No, really, honey. I can manage. Ayoko namang maka-istorbo ako sa trabaho mo and baka may makakita sa atin na magkasama. Si…Martina baka-“
“It’s perfectly fine. She’s out of town so you don’t have to worry about us going out together.” Si Ricky na ang nagbukas ng pinto ng condo at nauna pa itong lumabas roon. “Unless you really prefer to go out alone.”
Tiningnan niya ito sa mata para makasigurong walang ibang ibig sabihin ang binitiwang salita ni Ricky. She’s positive that there’s something in there, something about the way he said it but he was smiling. Marahan siyang umiling.
“Are you meeting someone else or something kaya ayaw mong samahan kita?” This time, his eyes became darker.
“No...what are you talking about?”
“Are you meeting someone I should know about?” she heard him asked again.
“N-no, Ricky…I-I…” Mabilis siyang umiling. Gusto niyang magpaliwanag, o salungatin ang tanong nito pero hindi niya alam kung paano.
“If that’s the case, then let’s go.”
And so they went shopping. It was one of those high-end malls in town where the rich and the famous meet. Noon, sa pangarap lang nararating ni Sahara ang mga ganoong klaseng lugar pero ngayon, sa mga ganoong lugar na siya pumupunta sa tuwing kailangan niyang mamili, o kaya’y magkape, o kaya’y makipag-meet sa mga kakilala, kliyente at mga ka-trabaho. Sa ganoong lugar ay mas malaya siyang nakakagalaw dahil hindi na maitatanggi na unti-unti nang nakikilala si Sahara sa larangan ng pagmo-modelo at may ilang beses na siyang nilalapitan ng mga tao para lamang makapagpalitrato o magpa-pirma kaya naman sa tuwing lalabas siya ng bahay ay napipilitan siyang magsuot ng malalaking sunglasses o kaya’y sumbrero para lamang takpan ang mukha upang hindi makilala.
It was probably the price that she has to pay for being one of the most popular models in the Philippines. That, and Ricardo Aguas’ possessive ways.
“Do we need to get you a bodyguard now?” nakangiting tanong sa kanya ni Ricky pagkababang-pagkababa nila ng sasakyan. Mayroon kasing isang grupo ng mga babae na nakatingin sa kanilang direksiyon habang papasok sila ng entrada ng mall. Ang iba roon ay nakangiti, samantalang ang isa ay hawak ang cellphone at halatang kinukunan sila ng larawan.
“No,” simple niyang tugon sabay suot ng kanyang sunglasses. It’s not that she doesn’t want to be seen. Walang problema kung siya lamang mag-isa, ngingitian pa niya ang mga tao’ng gustong kumuha ng litrato niya pero ibang usapan na kapag kasama niya si Ricky. What if those photos leak online? Iyon ang ikinatatakot niyang mangyari, kaya hangga’t maaari ay iniiwasan rin niyang magkasama sila ni Ricky sa mga pampublikong lugar na katulad ngayon.
“Wow, I never thought na ganito ka na pala ka-sikat,” bulong nito sa kanya. “I don’t know if I should be proud or concerned.”
Natawa siya. “Concerned?”
“For your safety. Mabuti sana kung parati mo ‘kong kasama. I really think I should get you a bodyguard.”
“Ricky, no. I’m fine. Kasama ko naman lagi si Ate Yolly tuwing lumalabas, palagi naman kaming pinagda-drive ni Mang Julio.”
Umiling si Ricky, halatang hindi kumbinsido. Nakaalalay ang isa nitong kamay sa kanyang likod habang naglalakad sa malawak na hallway ng mall. “Pumayag akong ipagpatuloy mo ang pagmo-model mo dahil alam kong pangarap mo ‘yan pero hindi ako papayag na dahil d’yan, mapahamak ka. I’ll get you a bodyguard as soon as possible and you can’t do anything about it.”
Shit. That’s the last thing she needed right now. Sahara’s certain that Ricky’s decision of providing her a bodyguard has nothing to do with her ‘safety’ as a budding model. He just wanted to make sure that she’s not doing anything that he doesn’t approve of, like seeing other men, including Ace.
~~
“SI Sahara,” mahinang sabi ni Baste. “Nagkita kami sa Mandy’s. Doon ginanap ‘yung birthday ng isa sa mga kasamahan ko sa opisina…nagkataon na naro’n siya.” Sinigurado muna ni Baste na mahimbing na ang tulog ni Miguelito bago niya ito ibaba sa kuna. Nilapitan niya si Karen doon sa kanilang malawak na kama kung saan abala ito sa pag-aayos ng mga damit ng kanilang anak.
“Nagkausap kayo?” tanong ni Karen nang hindi tumitingin sa kanya.
“Hindi.” Alam niyang isang sensitibong paksa para kay Karen ang lahat ng may kinalaman kay Sahara kaya hindi siya nagbabanggit ng kahit na ano tungkol rito, ngayon lang. “Magkatabi ‘yung mesa namin kaya imposible na hindi kami magkakitaan eh.”
“So, why are you telling me this?” tanong ni Karen. She looked straight into his eyes.
“Ayoko lang na may inililihim sa’yo, Karen. Hindi ba, usapan natin, walang lihiman?”
Tumango si Karen at ngumiti. “Thanks, Sebastian. I really appreciate the fact that you told me about it. You can easily keep it a secret pero sinabi mo pa rin. Thank you.”
Tinabihan niya ito sa kama at hinalikan ang kaliwa nitong pisngi.
“I shouldn’t be worried, should I?”
Umiling siya. “Kinalimutan ko na lahat ng tungkol sa kanya, Karen. Wala kang dapat ikabahala. Ikaw na ang mahal ko ngayon…kayo ni Miguelito. Kayo na ang buhay ko ngayon.”
Ito naman ang humalik sa kanyang pisngi. “Hay, I’m so lucky to have you, Sebastian. I should have done something right in my past life to deserve you.”
Napangiti siya. Ganoon rin naman ang pakiramdam niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya ngayon – ang magandang trabaho bilang executive assistant sa isa sa mga kumpanya ng mga Montinola, ang marangyang buhay kasama ng kanyang magandang asawa, at ang pagdating ni Miguelito sa buhay niya. Siguro nga, tulad ni Karen, may nagawa siyang maganda sa nakaraan niyang buhay para maranasan ang lahat ng nararanasan niya ngayon.
“But you’ve got to promise me one thing, Sebastian. If ever magkita kayo uli at magkausap, sasabihin mo sa’kin, okay? Lalo na if magtangka siyang guluhin ang buhay natin, tell me.”
“Hindi naman siguro niya gagawin ‘yon,” sabi niya na iiling-iling. “Sa tingin ko naman masaya na siya sa buhay niya ngayon. Mukhang mayaman ‘yung kasama n’ya, eh. ‘Yun naman ang mahalaga sa kanya, hindi ba?” mapakla niyang sabi.
Napangiti si Karen. “Poor Sahara. She really can’t be happy, you know. Kung puro materyal na bagay at pera lang ang nagpapaikot ng buhay niya. I used to be like her and yeah, I had all those things that money can buy but still I wanted more. I wasn’t really happy then. Naging totoo’ng masaya lang naman ako ‘nung naging tayong dalawa.”
Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ni Karen. “Ako rin naman…lalo na ‘nung dumating na si Miguelito.”
Aaminin niya na hindi naging madali sa kanya ang mga panaho’ng nagkahiwalay sila ni Sahara. Ilang araw at ilang buwan niyang pinilit ang sarili na wala na sila, na nagawa siyang lokohin ni Sahara dahil lamang sa kagustuhan nito na magkaroon ng marangyang buhay.
Alam naman niyang wala siyang kalaban-laban sa negosyante’ng ipinalit nito sa kanya. Hindi pa niya nakikita ang lalaki’ng iyon pero ayon kay Karen, mayaman ito, guwapo at may-ari ng isang publishing company. Handa pa siya noong makipag-ayos kay Sahara, lumuhod sa harap nito kung kinakailangan at gawin ang lahat ng gusto nito pero nang malaman niya na matagal na siya nitong niloloko, na maging si Karen na matalik nitong kaibigan ay nagawa nitong agawan ng nobyo, doon niya napagtanto na baka nga hindi pa niya talagang lubusang kilala si Sahara. Lalo pa’t hindi lamang iyon ang unang pagkakataon na niloko siya nito.
Iyon siguro ang hindi niya matanggap – ang katotohanan na sa tinagal-tagal nilang magkaibigan ni Sahara ay nagawa nitong maglihim sa kanya. Ngayon, ibang-iba na ang tingin niya rito at tila nawala na ang lahat ng paghanga niya sa dating kasintahan at napalitan na iyon ng galit, ng panghihinayang.
Buo na ang mga plano niya para sa kanilang dalawa. Todo trabaho ang ginawa niya noong mga panahong iyon para lamang matugunan ang pangangailangang medikal ng kanyang ina kasabay ng kagustuhan niyang makaipon kaagad para sa kinabukasan nila ni Sahara. Naisip niyang yayain na ito ng kasal dahil gusto na niya itong makasama araw-araw, at gumising tuwing umaga na ito ang nakikita.
Pero biglang naglaho lahat ng pangarap niya nang masaksihan niya ang kataksilan nito, na nadagdagan pa nang malaman niya mula kay Karen ang ginawa nitong panloloko rito. Kaya simula noon, ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na niya kailanman pag-aaksayahan ng panahong isipin at mahalin ang isang tulad ni Sahara, lalo pa’t nariyan naman si Karen para dumamay sa kanya.
Hindi naging madali para sa kanya ang simula, lalo na kung iisipin ang hindi naging magandang nangyari sa kanila ni Karen noon. Pero pinatunayan ni Karen na hindi lahat ng maling simula ay nanatiling mali. Mabait ito, maalalahanin. Hindi ito mahirap pakisamahan kaya naman hindi nagtagal ay nakuha na nito ang loob niya. At lalo itong napalapit sa kanya nang malaman niya na ipinagbubuntis nito ang kanilang anak kaya hindi siya nagdalawang-isip na pumayag sa plano nitong sa Canada na manatili. Bukod sa isang magandang oportunidad para magsimula ng pamilya, paraan na rin niya iyon para malimutan ang lahat ng sama ng loob na dulot ng pag-ibig niya kay Sahara.
At ngayon, pagkaraan ng mahigit isang taon, ano nga ba ang naramdaman niya nang muli silang magtagpuin ng tadhana ni Sahara? Hindi rin niya maintindihan ang sarili pero ang totoo ay wala na siyang naramdaman para rito. Wala na ‘yung dating pagmamahal, at maging ‘yung galit. Basta, wala na siyang naramdaman. Nang makita niya ito sa Mandy’s ay kasama itong isang lalaki na kahit sa unang tingin ay hindi maikakailang may sinasabi ito sa buhay. Napakapormal nito sa suot na itim na amerikana, at Ingles ang madalas na gamit sa pagsasalita.
At si Sahara…hindi pa rin ito nagbabago. Maganda pa rin ito…hindi - mas gumanda ito dahil na rin sa mamahaling suot na damit at gamit na mga aksesorya sa katawan. Naalala niya noong unang beses niyang makita ang mukha nito sa isang men’s magazine. Hindi siya makapaniwala na ganoon na ka-sikat ang dating kasintahan, na magagawa nitong magpalitrato nang ganoon. Oo nga’t noon pa man ay pangarap na ni Sahara ang maging isang modelo, pero hindi niya inaasahan na sa mga men’s magazine niya ito makikita, suot ang mga damit na halos wala nang itatago sa katawan.
“Sebastian, honey, don’t make any schedule tomorrow night, okay? It’s Daddy’s birthday. He wanted us to be at his party. Small gathering lang naman, piling-pili lang ang mga pupunta so you don’t have to worry.”
Napangiti siya. Kilalang-kilala na talaga siya ni Karen pagdating sa hindi niya pagkahilig sa pagdalo sa kasiyahan at makihalubilo sa maraming tao. Isa iyon sa mga nagustuhan niya rito – parati nitong inaalala ang damdamin niya at sinusubukan nitong iayon ang sariling ugali sa kanya.
“And…do you know what I’m thinking, Sebastian? Since babalik na rin naman tayo sa Canada in a couple of months, bakit hindi tayo magbakasyon? Boracay maybe?”
“Ano ‘yan, honeymoon?” Kumikislap ang mga mata ni Karen nang tingnan niya ito. Napangiti siya dahil parang alam na niya kung ano ang nasa isip nito.
“Hmm…you want?” Dahan-dahan itong naupo sa kanyang kandungan, na nagpagulat sa kanya.
“Bakit hindi?” balik niyang tanong, habang tumatango nang marahan. “Pero paano si Miguelito?”
“Of course, kasama si baby Miguelito. This is going to be our first family out of town trip and I want this to be perfect.”
Ngayon pa lamang, perfect na ang lahat para kay Baste at sisiguraduhin niyang magiging ‘perfect’ ang bakasyon nilang iyon ni Karen.