“SO, who is he?”
She just came out from the shower when she saw Ricky sitting on the bed, with newspaper in his hands. Seryoso ito sa pagbabasa. He was already dressed up with his favorite black suit. Ngayong gabi kasi ang birthday ng isa sa malalapit nitong kaibigan sa negosyo at gusto nitong isama siya roon bilang ‘executive assistant’. Yeah, she should get used to it, but she couldn’t. Hanggang kailan nga ba siya mananatiling isang ‘executive assistant’ ng isang Arch. Ricardo Aguas?
“The guy at Mandy’s. The one with a group of people, beside our table. Who is he?”
Si Baste. Hindi alam ni Sahara na napansin pala iyon ni Ricky. “Bakit?” sa halip ay tanong niya. Tumuluy-tuloy siya sa walk-in closet para kumuha ng isusuot na damit.
“He smiled at you…and you smiled back at him.”
Kunwa’y inabala ni Sahara ang sarili sa pamimili ng isusuot na damit. “Ah, iyon…dating kakilala.” Sa wakas ay kinuha niya mula sa cabinet ang isang floral dress.
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Sahara nang manumbalik ang alaala’ng iyon. Biglaan ang dinner nilang iyon ni Ricky sa paborito niyang restaurant at biglaan rin ang pagkikita nilang iyon ni Baste. Naroon ang dating kasintahan kasama ang ilang ka-trabaho nito. It has been years since she last saw him and it was more than a surprise seeing him there. Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila noon kaya naman hindi niya inaasahan na ngingitian siya nito. And she couldn’t explain that feeling she had the moment their eyes met. It’s as if everything, every little detail from the past came back to her.
Si Baste. Kumusta na nga ba ito ngayon? Ibang-iba na ang itsura nito kaysa noong huli niya itong nakita. Mas pormal na itong tingnan dahil sa undercut nitong gupit ng buhok, at sa suot nitong plantsado’ng-plantadong kulay maroon na polo. Sa advertising pa rin kaya ito nagtatrabaho? Dahil kung itsura ang pagbabasihan, maaari na itong ipagkamali sa isa sa mga may-ari ng isang advertising company.
“’You sure dating kakilala lang? Judging by the way he stared at you the entire night, it seemed like it’s more than that.”
Bumuntung-hininga si Sahara nang lumabas siya ng walk-in closet. Nakaupo pa rin si Ricky sa kama, hawak pa rin ang diyaryo, pero sa kanya na nakatuon ang atensiyon nito. Inilapag ni Sahara ang damit sa dulong bahagi ng higaan at nagsimula nang maglagay ng lotion sa katawan. Una sa mga binti, at sinunod ang mga braso.
“So, who is he?” muling tanong ni Ricky. Ibinaba na nito ang diyaryo sa kama at pinanood siya sa kanyang ginagawa.
“Kung tinatanong mo kung sino siya sa buhay ko, ang sagot, wala. He’s someone I knew a very long time ago and that’s it. Kung hindi ka maniniwala, it’s your problem, not mine.”
“Why do you sound so defensive?” Nagsalubong ang makapal na kilay ni Ricky, halatang hindi kumbinsido sa sagot niya.
Here they go again. “Because you sound so jealous.”
“Because I have all the rights to be jealous. The question is, do I have any reason to be jealous?”
Padabog na inilapag ni Sahara ang lotion sa vanity table. “No.” Tumalikod siya at sinimulang hubarin ang suot na kulay asul na roba. With just her black underwear, her skin was glistening. She looked at him through the mirror while doing her make-up. Mula roon ay nakita niyang tumayo si Ricky at dahan-dahang lumapit sa kanya. She tried not to look startled because being busted is the last thing she’ll want in the world.
“Good.”
Now, she has mastered the art of lying because she has no other choice but to lie, especially when it comes to her past. It’s not that she wanted it - she needed it.
Ricky started planting small kisses on her neck and she has to prevent herself from closing her eyes because the moment she does, they both won’t be able to go to the party on time. Nang isinasara na niya ang zipper sa likod ng kanyang damit ay pinigilan siya ni Ricky.
“R-Ricky…we’ll be late for the event.”
“Hmm…okay lang,” bulong nito habang sinisimsim ang kanyang leeg.
“Ricky please…I still have to do my make-up,” mahina niyang sabi.
“Kahit naman hindi ka na mag-make-up, baby. Maganda ka na naman,” sabi nito habang isinasara ang zipper ng kanyang damit.
“Thank you, but I need my make-up.” Humarap siya rito at binigyan ng maiksing halik sa labi ang kasintahan.
“Fine, fine,” napabuntung-hingina’ng sabi ni Ricky. “Kaya hindi ko maiwasang ma-paranoid, eh. You can’t blame me. Kahit sino sigurong lalaki na kasing-ganda, kasing-sexy at kasing sikat mo ang girlfriend, araw-araw, mapa-paranoid.”
Hindi na maalala ni Sahara kung kailan nagsimula ang pagiging sobrang seloso ni Ricky. Kung iyon ba ay noong nalaman nito ang tangka niyang pag-alis ay hindi niya alam pero nitong mga nakaraang linggo, malaki na ang pinagbago nito. Hindi na ito ang dating malambing at maalalahanin na kilala niya.
“Anyway, Marco’s going to be here any minute. Finish up and I’ll meet you at the lobby. Siya na ang maghahatid sa iyo sa event, susunod na lang ako, okay? May emergency meeting sa opisina and they need me there.”
~~
PALAPIT pa lamang si Sahara sa lobby ng condominium ay natanaw na agad niya si Ricky na kausap ang isang lalaki. Napailing na lamang siya nang tuluyan na siyang makarating sa lobby at kinailangan pa siyang akbayan at halos hatakin ni Ricky para humarap sa binata’ng nakatayo roon. Nakasuot ito ng kulay puti’ng polo at itim na slacks. Kasing-tangkad iyon ni Ricky, kasing-kayumanggi. Hindi ito ganoon kagandaha’ng lalaki, pero kung tititigan ito nang matagal, kapansin-pansin ang mapungay nitong mga mata at mahahabang pilik ng mga iyon.
“Sahara, this is Marco Ocampo. Siya ang tatayong driver at bodyguard mo simula ngayon,” sabi nito sa kanya at pagkadaka’y bumaling ito sa binata. “Marco, this is your Ma’am Sahara. Napag-usapan na natin ang magiging trabaho mo at ang mga dapat at hindi mo dapat gawin at sana naman nagkakaintindihan tayo?”
Tumangu-tango ang binata sabay sundalo kay Ricky. “Yes, boss!” Malaki ang pagkakangiti nito. “Don’t worry boss, nasa mabuting kamay po si Ma’am.”
“Okay. Sige, ihatid mo na ang ma’am mo sa address ng hotel na ibinigay ko sa iyo kanina. Make sure na hindi mo siya iiwan sa lobby ng hotel hangga’t hindi ako dumarating, malinaw?”
“Yes, boss!” tugon nito at muli, sumaludo ito. “Sige po, kukunin ko na po ‘yung oto.”
Maganda pa rin ang ngiti ni Marco sa kanila hanggang sa paglabas nito ng building. Maging si Ricky ay nakangiti rin sa kanya, kabaligtaran ng itsura niya ngayon.
“Oh, why the long face?” natatawa nitong tanong.
Inirapan iyon ni Sahara dahil alam niyang alam naman ni Ricky kung bakit ganoon ang itsura niya. “Hindi ko naman kasi kailangan ng bodyguard.”
“Says who? Hindi mo kasi nakikita kung gaano ka titigan ng mga lalaki sa paligid mo. I’m just worried, baby. And hey, we’ve talked about this, right? At pumayag ka na noon hindi ba?”
Dahil wala naman siyang pagpipilian. Napabuntung-hininga siya. They’ve had this conversation many times over and she feels like there’s no way that Ricky’s going to change his mind about her having a bodyguard. It’s for her safety, he says and for his peace of mind.
Hay, siya naman ngayon ang hindi magkakaroon ng peace of mind.
Isipin pa lang niya na parating may susunud-sunod sa kanya kahit saan siya magpunta, parang mas gusto na lang yata niyang magkulong sa bahay. Oo, noon pa man ay parati na niyang kasama si Ate Yolly pero alam niyang mas malala kapag isang ‘bodyguard’ na ang usapan.
But yeah, she has to deal with it.
Inihatid siya ni Ricky hanggang sa entrada ng gusali kung saan naroon ang naghihintay si Marco at ang kotse para sa kanya. Isang halik sa pisngi ang ibinigay niya sa nobyo bago tuluyang sumakay sa loob.
“Ma’am Sahara, p’wede po bang magtanong? ‘Yun eh kung okay lang,” narinig niyang tanong ni Marco pagkaraan ng ilang minuto nitong pagma-maneho.
“Ano ‘yon?” kunut-noo niyang tanong. Mula sa rearview mirror ay kita niya ang mukha ni Marco. Doon rin siya nito tinitingnan. Bahagya itong ngumiti sa kanya bago pa muling itinuon ang atensiyon sa daan.
“Kayo po ‘yung nakikita ko sa TV tsaka mga magazine po? Sahara Smith po ba ang pangalan n’yo?.”
Tumango lang siya habang abala sa kanyang cellphone.
“Ah! Sabi ko na nga ba! Kayo ‘yung nasa The Gent’s noon tsaka po ‘nung…basta, marami pa pong magazine. Kayo rin ‘yung nasa commercial ng alak, hindi po ba?”
Alanganin lang siyang ngumiti.
“Grabe, ma’am, kung alam n’yo lang na sobrang taga-hanga ninyo ako. Kung hindi ninyo naitatanong, may koleksiyon po ako ng mga magazines na kayo ang cover…tsaka nakapunta na rin po ako sa isa sa mga fashion shows ninyo, eh.”
Muli niyang tinapunan ng tingin si Marco roon sa rearview mirror. Paminsan-minsan itong tumitingin sa kanya at manaka-naka ang pagngiti. She should feel weird about him, but didn’t. There was something about the guy, something she couldn’t figure out but it was there. Kung ibang tao iyon, siguro ay nagsungit na siya o nagalit pero parang wala siyang naramdamang anupamang pambabastos mula rito. And the fact that Ricky was the one who hired him, he’s definitely trustworthy.
“Ma’am, puwede po bang mag-request kung hindi po ninyo mamasamain?”
“S-sige, ano ‘yon?” Inilagay na niya ang hawak na cellphone sa loob ng bag at tiningnan ang driver.
“Baka po pupuwedeng makahingi ng autograph? Dadalhin ko po bukas ‘yung mga magazines na nabili ko na kayo ang cover!”
Muli siyang napangiti. “Sure.”
“Yes!” malakas na sigaw ni Marco na nagpagulat kay Sahara. “Naku, maiinggit tiyak ‘yong mga kaibigan ko sa dorm kapag nalaman na sa kayo ang ipinagda-drive ko.”