"AMEN," sabay-sabay na usal ng mga madre sa pagtatapos ng kanilang dasal para sa gabing iyon.
Nilapitan ni Sister Margareth ang madreng nagpapatakbo ng kumbento. Kailangan niyang abisuhan ito tungkol sa isang mahalagang bagay na kailangan niyang gawin.
Matagal-tagal narin mula nang siya ay makalabas. Ngayon ay kailangan niyang lumabas ng pansamantala upang maalagaan ang kanyang inang may sakit.
Marami na siyang pagsubok na pinagdaanan upang matupad ang kanyang mithiin na maging isang madre at maglingkod sa panginoon.
She entered the convent at the age of twenty, it wasn't easy at first but she managed to pull through. There's nothing easy in life, but with faith and love, nothing was impossible.
Ngayon nga ay nagawa niyang tapusan ang novitiate. Then she will take her temporary vows as a nun. It will take a maximum of nine years to fulfill her temporary vows and after that, she will take her final vow to become a full-pledge nun and lead a totally religious life.
"Nakaringgan ko na lalabas ka bukas sa ating kumbento."
"Opo, Mother Superior. My mother wants me there and I also want to take care of her."
Tumigil siya sa paglalakad nang tumigil ang madreng kaagapay.
"Hindi mali ang pag-aalala ngunit kailangan mong magtiwala sa diyos na magiging mabuti ang lahat. Hindi niya pababayaan ang iyong ina. Magtiwala ka, Sister."
Napako ang kanyang paningin sa mga kamay nito na nakahawak sa kanyang mga palad at bahagyang nakapisil. Mother superior was so gentle. She was adored by many young aspiring nuns and sisters. Kung 'di man kalabisang isipin ay maihahalintulad niya ito sa isang madreng may busilak na puso na siya niyang hinahangaan at tinitingala, si Mother Teresa.
Ayon sa kanyang nalalaman ay nakakariwasa sa buhay ang namamahala sa kombentong kanyang tinitirahan. Ang kanilang mother superior ay nag-iisang tagapagmana ng isang malaking kompanya at maykayang pamilya, subalit iniwan nito ang marangyang buhay at pumasok sa kombento sa batang idad. Ang mga ari-ariang namana sa namayapang mga magulang ay ginugol nito sa pagtulong sa mga mahihirap. Maraming mga kabos ang natulungan ng pera nito sapagkat bilyones ang halaga ng mga iyon.
A nun vows chastity, poverty and faith. A nun cannot get married or have any sexual or romantic relationship. A nun must live in poverty. A simple life without any possessions. A nun should be devoted and obedient at all times. And she could live with that, there's nothing she can ask but good health for the ones she loves and to serve the creator.
"I am waiting for your return, Sister Margareth."
"Maraming salamat, Mother."
ANG malakas na tinig ng konduktor ang pumukaw sa kanyang malalim na pag-iisip. Sa lalim nang tinatakbo niyon ay hindi niya namalayang nakatigil na ang bus sa terminal na kailangan niyang pagbabaan.
Hindi niya maiwasang madismaya ng punuin niya ng hangin ang kanyang baga. Malayung-malayo ang hanging kanyang nalalanghap sa lungsod kumpara sa kanyang pinanggalingan.
Bahagya niyang ini-unat ang katawan upang maibsan ang pananakit ng likuran. Ang kombentong kanyang pinagsisilbihan ay mahigit limang oras ang layo roon at nangalay na ang kanyang likod sa kakaupo sa buong durasyon ng biyahe.
Sa paglingon niya ay isang matanda ang nahagip ng kanyang mga mata na nahihirapan sa mga dala nito, nilapitan niya iyon at nginitian. Tumulong siya sa pagbibitbit ng mga dala nito patungo sa sakayan.
"Maraming salamat, Ineng. Ikaw nawa'y pagpalain ng panginoon," nakangiting pagpapasalamat ng matanda sa kanya.
"Walang anuman po, Lola. Maraming salamat po, mag-iingat po kayo sa pag-uwi." Kinawayan niya ang matanda nang makasakay ito sa isang pampasaherong jeep.
Tumabi ang dalaga sa gilid upang hindi mabangga ng mga pasaherong nagmamadali. Kapagkuwan ay napahawak sa sikmurang kumakalam at nang makakita ng kainan ay napagpasyahang lamnan iyon. Pumasok siya sa karenderyang malapit sa terminal at naupo sa bakanteng upuan.
Hapon at dagsa ang mga pasaherong bumabiyahe, mahihirapan siyang makahanap ng masasakyan patungo sa kanila. Susunduin sana siya ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki ngunit nagkaroon ng emergency sa trabaho nito. Tumawag si Harold sa kanya at nag-abisong hindi siya masusundo. Sa kanyang pamilya ay ito lang ang nakakaalam na uuwi siya ngayong araw na ito sa bahay ng kanilang mga magulang at titigil ng isa o dalawang buwan.
Alam niyang matutuwa ang kanyang pamilya na makita siya. Mahigit dalawang taon narin mula nang sila ay magkita at magkakasama nang matagal. Ang kanyang ina na noon paman ay tutol sa daang kanyang tinatahak ay siyang kauna-unahang matutuwa na makita siyang lumabas ng kumbento. She doesn't have anything against the church or Christ, nahihirapan lang itong tanggapin na ang nag-iisang anak na babae ay maninirahan sa kumbento at magiging isang madre.
She needed to live in the community for nuns and away from her family. Malapit silang mag-ina at nahihirapan ang ina niya na hindi siya makita at makasama. Maging siya man ay ganoon. But she held onto her dreams and calling, being a nun was her vocation. Sooner or later her mother will accept her faith. She will understand and will support her in her journey as a servant of God.
Nakaramdam siya ng kalungkutan nang bumalik sa isipan ang isa sa mga dahilan kung bakit siya lumabas ng kumbento. Her mother had an attack a week ago. Luckily she survived the attack and was recovering. Matanda na ang kanyang mga magulang kaya mahina na ang pangangatawan ng mga ito.
Ngayon niya napagtanto na kailangan siya ng mga magulang, bagaman may iba pa siyang mga kapatid ay may kanya-kanyang buhay ang mga ito. Apat silang magkakapatid, siya ang bunso at ang tanging babae sa kanila. Ang panganay na si Kuya Harold ay may pamilya na. Ang kanyang dalawang kuya naman ay nasa abroad at nagtratrabaho. The second brother Cael was an architect and Vince was an engineer.
Just like her brothers, her parents expected her to become a nurse or a teacher. But a person cannot force herself to become something she doesn't want to be.
Pagkatapos ubusin ang pagkaing in-order ay um-order siya ulit ng maraming pagkain na siyang ikinatuwa ng tindera. Tumayo siya sa upuan at lumabas sa karenderyang pinag-kainan. Kapagkuwan ay nilapitan ang mga batang nakahiga sa bangketa malapit sa terminal ng bus.
"Hello, ako si Ate Margareth. Kayo anong pangalan niyo?" kanyang tanong na may nakaukit na malaking ngiti sa mga labi.
"Ako po si Nonoy, kapatid ko si Lenlen at kaibigan namin si Dodong."
Bagaman madungis ay nakikita niya ang kislap ng mga mata ng bata habang kausap siya. Marahil ay sa mahabang panahong pananatili sa bangketa ay ngayon lang may nagtangkang kumausap at magpakilala sa mga ito.
"Hello Nonoy, Lenlen at Dodong," aniya na binigyan ang mga ito ng haplos sa ulo isa-isa. Hindi niya alintana ang mga taong dumaraan at napapatingin sa kanilang direksiyon. "Gusto niyo bang kumain?" Nangislap ang mga mata ng tatlo sa narinig mula kanya.
Dinala niya ang mga ito sa karinderya at pinakain ng mga pagkaing kanyang in-order. Nahabag siya sa nakitang pagluha ng mga ito habang mabilis na kumakain sa mga pagkaing nakahain. Luha ng kaligayahan marahil ang mga iyon dahil nakikita niya ang mga magagandang ngiti na nakaukit sa munting mga labi ng mga bata. Marahil ay ngayon lang nakatikim ng disenteng pagkain sa mahabang panahon.
Tila may malaking kamay ang sumuntok sa kanyang puso sa nasaksihan. Higit na mas masuwerte siya kaysa sa mga batang ito. Lumaki siyang may sapat na pagkain, sa katunayan ay sobra-sobra pa nga, may kompletong pamilya at may tahanang nagpoprotekta sa kanya mula sa tirik na araw, sa malakas na ulan o bagyo at sa lamig ng gabi.
Nakakalungkot mang isipin na may mga taong sobra-sobra ang natatanggap ngunit ang iba ay walang makain, ganoon talaga ang reyalidad ng tao. Ngunit hindi ibig sabihin niyon na hindi ka puwedeng maging masaya. Suffering was a choice and happiness was found with the union of God.
She had seen different kinds of poverty, greed, love and sacrifices. Sa mga lugar na naabot ng outreach mission ng kanilang kumbento ay may iba't ibang tao silang nakakasalamuha. People who are deprived of property and even liberty. May mga kulang sa salapi ngunit masaya dahil kasama ang pamilya. Ang mga prisong nakakulong dahil sa kasalanang ginawa ay hinahangad na magbago.
She had seen a lot of faces, situations and emotions. But one thing was engraved in her heart and mind, God is our redemption. He loves us and he only wants what's best for us.
"Maraming salamat, Ate Margareth. Ang bait ng puso mo po. Ipagdadasal namin na makita mo na ang taong itinadhana sa inyo," si Nonoy.
"Nakita ko na siya," aniya na ginantihan ito ng ngiti.
Madilim na nang maisipan niyang umuwi. Masaya siyang nakipag-usap sa mga batang nakikipagsapalaran sa lansangan upang mabuhay. Marami siyang natutunan sa mga munting anghel.
Nalaman niyang tumakas ang tatlo mula sa bahay ampunan na pinanggalingan dahil sa maling trato ng mga nangangalaga roon. May mga NGO na gustong kuhanin ang mga bata upang mabigyan ng tahanan ngunit tumatakas ang mga ito at tumatakbo palayo dahil hindi gustong sumama. Pina-intindi niya na hindi lahat ng tao ay pare-pareho. Nakaramdam man sila ng takot dahil sa pinagdaan mula sa bahay ampunang kanilang pinanggalingan ay iba ang sistema at pamamalakad ng ibang tanggapan. Naiintindihan niya ang traumang tinamo ng mga bata dahil sa nangyari sa mga ito, sana lang sa pagkakataong iyon ay magkaroon ang mga ito ng tiwala para narin sa kanilang kapakanan. Children needed shelter and love.
"May problema po ba, Kuya?" tanong niya sa driver ng taxing kaniyang sinasakyan nang bigla iyong tumigil hindi paman sila nakakaabot sa tahanan ng kanyang mga magulang.
"E, Ma'am, tumirik ang sasakyan, luma na kasi ang baterya at kailangan nang palitan. Wala akong pambili at apat ang anak kong pinapa-aral. Pasensiya na, Ma'am, hindi na kita maihahatid sa patutunguhan mo, hindi ko naman kasi inaasahang ititirik ako nito ngayon," anang tsuper na napakamot sa ulo at tila nahihiya.
"Ayos lang po. Dito nalang ako, kaunti nalang naman ang aking lalakarin."
Kahit alangan ay bumaba siya sa taxi at nagsimulang maglakad sa madilim na kalsada patungo sa bahay ng kanyang mga magulang. Bago makarating sa kanilang subdivision ay kailangan niyang tawirin ang mahabang daan. Matataas na mga damo at punong-kahoy ang nasa magkabilang gilid, ang ilaw naman ay kung hindi man pundido ay patay-sindi.
Tahimik ang gabi at tanging pagaspas ng hangin at iba't ibang tunog mula sa mga insekto at kulisap ang maririnig.
Kipkip ang kanyang bag na naglalaman ng ilang gamit ay mabilis siyang naglakad sa madilim at walang katao-taong kalsada. Hindi siya natatakot dahil alam niyang hindi siya pababayaan ng panginoon ngunit hindi niya maiwasang makaramdam ng pangamba dahil sa kadiliman at pag-iisa.
Umusal siya ng panalangin at tinuloy ang paglalakad nang mula sa madilim na kakahuyan ay lumabas ang bulto ng mga kalalakihan.
Natigil ang kanyang mga paa sa paghakbang nang humakbang ang mga ito patungo sa kanyang direksiyon.
"Ang mga pusang pakalat-kalat sa madilim na gabi ay napapahamak dahil sa mga leong nanglalapa. Rawr," anang boses nang isang lalaki na sinabayan pa nang tawa mula sa mga kasamahan nito.
"Saan ang iyong tungo, Binibini? Maaari ka naming ihatid," wika ng isa pang lalaki sa boses na nang-uuyam.
Natulos siya sa kaniyang kinatatayuan dahil ang tinig na iyon ay malapit sa kanyang tainga. Nararamdaman pa niya sa kanyang batok ang pagtama ng hanging nagmumula rito.
"H-hindi na kailangan," nauutal niyang sagot at inudyukan ang kanyang sarili na humakbang palayo sa lugar na iyon.
Sa nanginginig na mga binti ay iginalaw niya ang kanyang mga paa. Nakakailang hakbang na siya nang may malakas na puwersang pumigil sa kanyang braso. Hinila siya nito palapit sa katawan nito at binulungan sa may tainga. Nalalanghap niya ang mabahong hininga ng lalaki mula sa pinagsamang amoy ng alak at sigarilyo. "Ihahatid ka namin pagkatapos nating magsaya. Gusto mo ba 'yon?"
"B-bitiwan mo ako. Kaya kong umuwing mag-isa." Natatakot siya sa maaring gawin ng mga lalaki sa kanya. Lango sa alak ang mga ito at marahil ay gumamit din ng ipinagbabawal na gamot.
Ipinalangin niya sa panginoon na sana ay may dumaan sa lugar na iyon at tumulong sa kanya. She wanted to live.
Lord, my life is yours.