Sanford Series 2 Chapter 10

MEOW! Iyon ang nagpagising kay Cameron ngunit sobrang saya niya upang pagalitan ang pusang nasa sulok ng kanyang bahay at ngumingiyaw. Hindi niya alam kung paano ito nakakapasok doon.

Nag-inat siya ng katawan bago tumayo mula sa pagkakahiga. Nilapitan niya ang kanyang maliit na lamesa, kinuha ang pagkaing natira ng nakaraang gabi at lumabas ng kanyang bahay.

Inilapag niya ang pagkain sa plastic na plato na nasa gilid ng rooftop. Agad naman iyong nilantakan ng pusang nakasunod sa kanya. "Pakabusog ka. You're lucky, maganda ang gising ko," kausap niya sa pusang hindi man lang siya sinulyapan at abala sa pagkain.

Muli siyang pumasok sa loob ng kanyang bahay, isinarado niya ang pinto at hinubad ang lahat ng damit. Inilagay niya iyon sa hamper at pumasok sa maliit niyang banyo.

She was singing and dancing while scrubbing her body. Ngayon ang simula niya sa trabaho sa firm na pagmamay-ari ni Anton Carlos and she felt delighted.

Nang matapos sa paliligo ay agad siyang nagsuot ng damit pang-opisina. Sukat na sukat niya ang gray suit at tila ba ginawa talaga iyon para sa kanya. Kitang kita ang kurba ng kanyang katawan at hindi niya maiwasang 'di mapangiti sa nakikita.

Pagkatapos mag-ayos ay dinampot niya si Terry at Lerry na nasa isang panig ng kanyang bahay at dinala sa labas. Umulan kagabi kaya ipinasok niya ang kanyang mga alagang cactus.

Maingat na inilapag niya ang dalawa sa pinagawa niyang concrete pillar. Pinasadya niya talaga 'yon para hindi na muling makadisgrasya ang kanyang mga halaman.

Kinuha niya sa loob ang kanyang mga gamit at pagkatapos ay isinarado ang pinto ng kanyang munting bahay.

Habang pababa ng hagdan ay napakunot-noo si Cameron nang makarinig ng mga kalabog at sigaw. Binilisan niya ang mga hakbang upang agad na makapasok sa bahay ni Pauleen. Nakikilala niya ang sumisigaw na 'yon dahilan upang unti-unting bumalong ang galit sa kanyang dibdib.

Pabalyang binuksan niya ang pinto ng bahay at agad na lumapit sa dalawang nag-aaway.

Dahil sa kanyang pagsulpot ay siya ang tumanggap sa sampal na igagawad sana ni Cristopher kay Pauleen.

Napasinghap si Pauleen at natigilan si Cristopher na parehong hindi inaasahan ang kanyang pagsulpot. She abruptly pointed her darting eyes at Cristopher who was still astonished.

She raised her hand and convene all the strength left in her body. He didn't saw it coming and he took all the blow, her palm seamlessly landed on his shameless face.

"You don't have the right to hurt Pauleen, or anyone you shameless frog! Get out of this house, now! Or I'll sue you for domestic violence, you scum-of-the-earth bastard!" Halos maputol na ang litid niya sa galit dito. Gusto niya itong kalmutin at suntukin subalit alam niyang hindi iyon makakabuti sa kanya, kaya matinding pagpipigil ang kanyang ginawa. "Leave now! Or I'll call the police!" Matapang na sinalubong niya ang mabalasik nitong tingin at hindi nagpatalo. She will never cower just because the man was twice much bigger than she was. He's just a coward who hurts someone who was weaker than him. A complete thug!

"Bitch!" bulalas nito na madilim ang mukha at sinipa ang center table. Natumba iyon at nabasag ang salamin.

Tumalikod ito at marahas na kinuha ang mga gamit sa loob ng silid. Pagkalabas ng lalaki ay tinapunan sila ni Pauleen ng isang masamang tingin at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. He even slammed the door and the gate.

Binalingan niya si Pauleen na kanina pa tahimik sa kanyang likuran, hinawakan niya ito sa kamay at hinila paupo sa sofa.

Naninikip ang kanyang dibdib habang nakikita ang mga pasa nito sa mga braso, binti at sa mukha. Agad niyang kinuha ang first aid kit at nilapatan ng paunang-lunas ang mga pasa nito sa katawan.

"'Wag mo nang tanggapin 'pag bumalik ulit!" mariing wika niya ng may kaunting inis sa tinig. "Tama na ang pagka-martyr, hindi ito drama sa TV," dagdag niya upang pagaanin ang sitwasyon.

Ikinabuntung-hininga ni Cameron nang makita ang luhang pumatak sa mga mata ni Pauleen. Sa halip na gumaan ay lalo lang bumigat ang damdamin niya, nila.

"No one would ever love someone like me, Cameron. Alam ko namang hindi ako minahal ng mga lalaking nakasama ko, alam ko kung ano ang habol nila sa akin, but I don't want to be alone. I don't want to feel alone kaya pinili kong magbulag-bulagan..." Hot torrent of grief coursed down his bruised face. "Hindi ko alam kung sumpa ba 'tong pagiging bakla ko. Why can't I be happy? Pare-pareho lang sila, they leave me in the end. No one stays."

A great sob escaped his lips and he covered his face with his shaking hands. Cameron was as upset as he was, her heart reached out to him. Pauleen was so dear to her that she almost welled up too, but she managed to hold her tears back.

She pulled him closer and envelop him in a tight embrace, wanting him to realize that she was there. And will be there as long as she lives.

Nang tumigil ito sa pag-iyak ay bahagya niyang inilayo ang katawan ni Pauleen mula sa kanya. Her gentle hands cupped his face and brushed the stung away. She looked at him in the eyes, showing her warmth to him. "I am here and I intend to stay for always. If they can't love you, then don't force yourself to them. You are very precious, Pauleen. You're beautiful, from the depth of your soul to your outside shell. I adore you and I'm always here, hindi ka nag-iisa. Just like I am not alone too because I have you, right?" Her voice was as positive as the morning sun that dazzled the turmoil.

With shaky limbs, Pauleen removed her hands in his face and he holds them. Sharing the warmth that screamed plenty promises and that shone all the worries away.

"I'm too preoccupied with finding happiness that I didn't even notice that it was near me. I'm sorry, anak."

A warm hand swathe Cameron's heart when she heard what he called her. Ilang taon na ba mula ng marinig niya iyon? And it came out from her late father's lips as his rheumy eyes stared at her and his weak voice echoed on her ear.

Cameron sniffed quietly, tears are threatening to spill from her eyes. But she won't let it fall, not in front of him.

"I'm very blessed to have you, Pauleen. You took me in when no one wants to. And I love you, always remember that."

Nang mamatay ang kanyang ama ay pinalayas siya ng mga Montgomery sa malaking bahay ng mga ito na para bang isang pusang nakikiapid. Wala siyang mapuntahan ng mga panahong iyon, hindi niya magawang pumunta kina George dahil mainit din ang tingin ng ina ng kaibigan sa kanya dahil malapit ito sa kanyang madrasta.

Dala ang kakaunting gamit na nagawa niyang i-empake ay nagpalakad lakad siya sa kalsada ng walang tiyak na direksiyon.

On the second day of her vagrancy, she got sick. Marahil ay dahil hindi sanay ang kanyang katawan sa init ng araw at lamig ng gabi sa labas.

Muling sumapit ang dilim at akmang uulan pa, kumakalam rin ang kanyang sikmura dahil isang araw na siyang walang kain. Hindi niya makayanan ang pananakit ng katawan at sama ng pakiramdam kaya umupo siya sa semento sa gilid ng daan.

Hindi niya namalayang pinanawan siya ng ulirat habang nakasandig doon. Pagising niya ay magandang silid ang bumungad sa kanya, at ang maamong mukha ni Pauleen. Ang kanyang tinigilan ay sa tapat ng bahay nito, nakita siya ni Pauleen na balisa habang walay malay kaya nilapitan siya nito. And the rest was history.

MULI niyang pinasadahan ng tingin ang mukha sa hawak na compact mirror at nang hindi masiyahan sa itsura ay muli niya iyong pinahiran ng concealer. Ngunit hindi parin iyon sapat upang matakpan ang pamumula ng kanyang pisngi.

Dahil sa walanghiyang Cristopher na 'yon ay papasok siya sa kanyang unang araw sa trabaho ng may pasa sa mukha. Sinira nito ang kanyang magandang umaga, ngunit hindi niya hahayaang masira nito ang kanyang buong araw.

Dala ang kanyang briefcase at ang shoulder bag na nakasabit sa kanyang balikat ay lumabas siya ng sasakyan. Pinuno niya ng hangin ang baga at pinakawalan ang noo sa pagkakakunot. She's too pretty to frown.

Pinagmasdan niya ang exterior ng law firm na pagtatrabahuan niya simula ngayon. It was a two-story building, standing proud and just under the scorching sun.

Inilabas niya ang digital camera, mula sa kanyang shoulder bag, na galing pa sa kanyang ama. Iyon ang huli niyang natanggap mula dito noong nabubuhay pa ito. She treasured it all these years and she had no intension of disposing it.

She operated the camera with ease and smiled in satisfaction when she captured the best shot. Pagkatapos niyon ay muli niyang ipinasok ang kamera sa loob ng bag.

Inayos niyang muli ang damit na tila ba nagusot iyon, pagkuwan ay humakbang papasok sa loob ng glass door. Agad niyang nakita si Anton Carlos kasama si Red pagkapasok na pagkapasok palang niya.

Nang mapansin siya ng dalawang nag-uusap ay may sumilay na ngiti sa mga labi ni Anton Carlos samantalang walang kaemo-emosyon ang mukha ni Red.

Lumapit siya sa mga ito at sinuklian ang ngiti ni Attorney Cruz habang hindi masalubong ang matiim na mga mata ni Red. "Good Morning."

"Good Morning, Attorney Montgomery," Anton Carlos answered jubilantly. Whilst the man in his side stayed soundless. "It's great having... what happened to your face?" he asked when he noticed her cheek.

She touched her cheek gingerly and it took her tremendous effort to laugh humorously. "I accidentally hit a wall. I was too preoccupied with something that I didn't saw it coming."

She didn't know if they buy that but she was glad that Anton Carlos dismissed her. Abogado ang mga ito at marunong bumasa ng tao.

Hindi pa rin pala siya nakatakas sa galamay ni Red dahil ang kanyang magiging opisina ay opisina rin nito. At dalawa lang silang naghahati roon!

Ipinagpasalamat niyang may mga papeles at computer na nakaharang sa kanyang harapan kaya hindi niya ito nakikita. It would be too uncomfortable. Hindi rin naman siya pinapansin ni Red simula pa kaninang dumating siya.

Nakilala niya ang ibang mga kasamahan sa trabaho at mukhang mas responsible ang mga ito kaysa sa mga kasamahan niya dati.

Unang araw palang niya ay nagustuhan na niya ang kanyang bagong sanktuwaryo. Kahit na case file ng murder ang agad na sumalubong sa kanya ay hindi niyon maawat ang kanyang kakuntentuhan na nararamdaman.

Halos hindi niya namalayang bumaba na ang araw. Ininat niya ang mga braso nang makaramdaman ng pangangalay.

Nang silipin niya ang lamesa ni Red ay wala ito roon. Hindi na ito bumalik mula kaninang nagpaalam na may emergenceng pupuntahan.

Agad siyang napabaling sa pinto ng may kumatok doon at napangiti nang makita ang mukha ni Anton Carlos. He had a bright smile and if he was her age she would've fallen for his charm.

He's in his late forties but he can still affect women just like how he does in his earlier years. Ang alam niya ay may asawa na ito at mukha masaya ang abogado sa buhay nito. Lucky him.

"Work hours had passed. You can take a breather," he said, accompanied with a charismatic smile.

Sinuklian niya ang ngiti nito at inayos ang mga papeles sa kanyang mesa. Kinuha niya ang kanyang bag at lumabas sa loob ng opisina.

"How's your day?" tanong ni Anton Carlos na kaagapay niya sa paglalakad palabas ng firm.

"Fantastic, Attorney."

"Great! See you tomorrow, Ms Montgomery." He patted her shoulder gently and entered his car.

Pumasok na rin siya sa kanyang sasakyan at minaniobra iyon paalis. Ilang sandali pa ay katakot takot na congestion ang kailangan niyang pagpasensiyahan.

Upang hindi mainip ay inilabas niya ang cellphone mula sa kanyang bag at nagpatugtog ng paborito niyang kanta habang naka stop ang traffic lights.

"He's so tall and handsome as hell... He's so bad and he does it so we—" she stopped when she saw someone familiar. Her forehead creased and her eyes narrowed, na para bang maaaninag niyong mabuti ang hinahayon ng kanyang mga mata. "It's him!" she exclaimed when he saw that familiar man entering a hotel with another man on his side, his arms were draped around Red's shoulders. Iyon ba ang emergency na pinuntahan nito?

Natigilang siyang bigla at hindi napansin ang pagkulay green ng traffic lights. Suddenly, she felt disappointed thinking that Red was gay. Nalungkot siyang bigla at hindi niya alam kung bakit.

Hindi na bago sa kanya ang makakilala ng mga bakla dahil iyon ang kasarian ng kanyang mga kaibigan, ni Pauleen at ng iba pa niyang kakilala. And there was nothing wrong on being a gay or a member of the LGBTQ community, but why can't her system couldn't accept the fact that Tyson Red Sanford was one of them?

Busina ng mga sasakyan ang nagpabalik sa kamalayan ni Cameron. Mabigat ang dibdib na pinaarangkada niya ang kanyang kotse.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.