NAKATAAS noong pumasok siya sa loob ng Davidson Law Firm na kanyang pinagtatrabahuan. Hindi niya pinansin ang mga matang nakatingin sa kanya at tuloy-tuloy na naglakad.
Sino ba namang hindi mapapatingin kung ang suot niya'y isang summer dress na bulaklakin at hanggang sakong ang haba? She also wears a beach straw wide brimmed hat and a sunglass.
She beamed at every person she ran unto, didn't even bother to recognize the disgust and curiosity on her colleagues face.
Lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ni Cameron nang makita ang isang kasamahan na papasalubong sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay nito at matiim na nakatikom ang mga labi. It was Jaxton—the asshole. Kung makaasta ang lalaki sa kanya ay para bang hindi ito nagmakaawang tanggapin niya noon.
Unang pasok palang niya sa firm ay nagparamdam na agad ito sa kanya ng pagkagusto. Palagi itong dumidikit sa kanya at tinutulungan siya sa mga kasong hawak. Subalit mula nang tanggihan niya ang pagtingin nito ay nag-iba na ang trato nito sa kanya.
Ibinibigay sa kanya ang ibang hawak nitong kaso kahit pareho lang naman ang posisyon nila sa firm. At mula ng maging kasintahan nito si Brittany—isa ring abogado na anak ng may-ari ng firm at nagtataglay ng pagkatinis-tinis na boses na bumibingi sa kanya tuwing naririnig niya—ay lalong nagulo ang kanyang buhay. The two team-up to make her life a living hell.
"Where were you? Dalawang araw kang wala!" singhal nito sa kanya, na pilit hinihinaan ang boses, nang makalapit ito. Hindi siya tumigil sa paglakad kaya umagapay ito sa kanya. "You have a new case!" he hissed between his teeth.
She took a quick glance at his direction and the corner of her lips twitched in a wry smile. Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Jaxton dahil sa kanyang ginawa, but it doesn't concern her.
Ibinalik niya ang paningin sa dinadaan at lalong binilisan ang paghakbang. Hindi dahil sa natatakot siya sa galit na nakikita sa mukha ni Jaxton, baka hindi niya matagalan ang presensiya nito at masuntok ito sa mukha.
Hindi alintana ang pagkataas-taas na stiletto na paborito niyang suotin. Parang modelo ng beachwear na naglakad siya sa mahabang pasilyo ng law firm.
Si Jaxton ay nahinto sa paghakbang at napatingin nalang sa likuran ni Cameron.
Tumigil si Cameron sa tapat ng isang pintuan at walang pagda-dalawang isip na kumatok. Pagkatapos ng tatlong katok ay pinihit niya ang seradura at tinulak pabukas ang pinto.
Nagulat pa ang lalaking nasa likod ng lamesa sa kanyang pagpasok. "What are you doing here? Where's my secretary?" tanong nito sa kanya na dumadagundong ang boses.
Uncaring enough, Cameron shrugged her shoulders. "Her table is empty," she answered. Totoong wala ang sekretarya nito sa mesa sa labas ng opisina ng direktor.
Kahit hindi inimbitahan ay humakbang siya patungo sa mahabang sofa at umupo. She crossed her legs and removed the sunglass she's wearing.
"What's with the attitude, Montgomery? Bakit ganyan ang suot mo?" His forehead knitted and it made him looked older than he already was.
Isang ngisi ang kumawala sa mapupulang labi ni Cameron na lalong ikinakunot-noo ni Attorney Davidson. It was her act of rebellion. Sa dalawang taong pagtatrabaho roon ay hindi man lang siya nakakuha ng bakasyon dahil sa dami ng trabahong tinatambak sa kanya.
"We have a lot of unfinished cases and you were absent for two days!" Finally, he snapped, but it did not affect Cameron. She felt delighted that she saw him lose his composure. "You'll be disciplined for being absent for two days, we can't even reach you and you are not bothering to explain!"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa malambot na sofa at marahang lumakad palapit dito habang hindi inaalis ang pagkakahinang ng kanilang mga mata.
Gusto niyang matawa nang makita itong lumunok habang naglalakad siya. Unti-unting nawawala ang pagkakakunot ng noo nito at namungay ang mga mata.
Nang makalapit sa direksiyon ng abogado ay inusod niya patagilid ang swivel chair at bahagyang umupo sa lamesa. Nakatingala ito sa kanya at para bang nalunok ang dila at hindi makapagsalita.
Dahan dahan siyang dumakwang papalapit rito. Inilapit niya ang labi sa tainga ng abogado at isang ngiti ang kumawala roon nang marinig ang mabibigat nitong paghinga na para bang kinakapos ng hangin.
She knows that the old fart desires her. Pasimpleng lang ito sa pagkakakita ng pagkagusto sa kanya. Minsan ay pinapatawag siya sa opisina nito para utusan ng kung anu-anong bagay o 'di kaya ay isinasama siya sa mga dinner at nagdadahilan na para iyon sa trabaho. And he took passes at her! Kung hindi lang malakas ang mentalidad niya ay na-trauma na siya sa paghaplos-haplos nito sa kanyang katawan sa ilang beses na magkasama sila at sa paraan ng pagtingin nito sa kanya tuwing walang ibang nakakakita na para siyang hinuhubaran.
He's abusive. He used his power to force his employee. Hindi iilang beses na sinabi nito sa kanyang gusto siya nitong madala sa kama. The first time he imposed, she was horrified. Doble ang edad nito sa kanya at kaedad lang niya ang anak nitong babae.
Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto na niyang makaalis sa law firm na iyon. Ngunit hindi niya nagawa noon dahil nakaramdam siya ng takot na baka manipunalahin nito ang kanyang buhay at hindi na siya makahanap ng ibang trabaho. But Anton Carlos reassured her that she had a place to go.
"Let's be calm, hmm...?" she whispered in his ear. Lalo niyang inilapit ang labi sa tainga nito at pinatatama ang hininga roon. To her satisfaction, she felt the old lawyer stiffen and shivering.
Umangat ang dalawa niyang kamay at inihawak sa mga balikat nito at marahan iyong minasahe. "What are you thinking, Bryan?" tanong niya na ginamit ang pangalan nito. "We're alone here," she teased even more. Halos hindi na ito humihinga dahil sa sobrang lapit nila.
"W-we could do it quick," he stuttered. Tumaas ang nanginginig na kamay patungo sa kanyang mukha subalit bago pa iyon lumapat ay marahas niya iyong tinabig. Umayos siya ng tayo at nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
"No! Let me do it quickly," she uttered coldly. Dinampot niya ang kanyang handbag na inilagay niya kanina sa lamesa nito at may inilabas doon. "Here's my resignation letter, Sir. Good luck romancing it."
Bumagsak ang panga ng abogado at hindi agad nakahuma. Cameron plastered a smile of victory then turned her back at him and march through the door.
Tinungo niya ang kinaroroonan ng kanyang desk at kinuha ang lahat ng kanyang mga gamit. Hindi niya pinansin ang mga kasamahang nagtangkang kumausap sa kanya. To hell with them, they are all bunch of assholes! Mapipili lang ang mga abogadong may dignidad sa opisinang iyon.
Akmang lalabas na siya sa loob ng opisina nang tawagin siya ni Brittany gamit ang nakakairita nitong boses na pumapantig sa kanyang tainga. "Are you going to the slum? Have you hurt your head badly?"
Hindi siya nagpadala sa hayagan nitong pang-iinsulto at ngumisi rito. "Wish me luck," aniya at tumalikod na. Subalit bago siya makalabas ay muli siyang humarap rito, "...ah, I almost forgot, you should learn how to make your own coffee from now on and fix your own mess, you're quite messy." Kinindatan niya ito bago tuluyang lumabas. Leaving her flabbergasted and embarrassed.
Hanggang sa makarating siya sa kanyang kinapaparadahan ay hindi mawala-wala ang kanyang pagkakangiti. Ngiti ng tagumpay, ika nga.
Pumasok siya sa loob ng sasakyan at inilagay ang kanyang gamit sa passenger's seat.
"Finally," she exclaimed and inhaled a long deep breath. Pakiramdam niya ay para siyang nakawala sa isang hawla. Wala siyang nakapang pagsisi sa dibdib kahit kaunti man lang.
Salamat kay Anton Carlos at nagkaroon siya ng lakas ng loob upang gawin ang mga nais niyang gawin.
Kahapon nang magising siya sa bahay ni Attorney Tyson Red Sanford ay ikinagulat niya ang sinabi nito. Hindi agad siya naniwala rito. Ngunit nang puntahan niya si Attorney Anton Carlos Cruz ay agad niyang nakompirma na hindi nagbibiro si Red.
Everything felt surreal. Hindi parin siya makapaniwala na nakaharap niya ang abogado at inalok siya nito ng trabaho. Muntik pa niyang ipahiya ang sarili sa harap nito kahapon dahil sa panggigilalas. She admired him. She had watched his trials inside the courtroom several times and he's notable. His principle and skills were cannot be ignored.
Sinabi nito sa kanya na kakilala nito ang kanyang namayapang ama. Hindi niya maiwasang mamangha sa nalaman. Kung ano man ang dahilan nito sa pagscout sa kanya ay nagpapasalamat siya kay Anton Carlos. Nakawala siya sa hawlang nagkulong sa kanya sa loob ng dalawang taon.
At wala na siyang pagkakautang kay Red. Napangisi si Cameron sa naisip at masiglang pinaandar ang kanyang sasakyan papalayo sa lugar na iyon.
Hanggang sa makarating at makapasok siya sa Agapi Café ay hindi mapuknat-puknat ang kanyang pagkakangiti.
Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob at tinalunton ang opisina ni Oliver. Walang katok-katok na binuksan niya ang pinto, para lang mapatda sa nabungaran.
Mabilis na isinarado niya ang pinto. "May tao rito, hello!" untag niya sa dalawa na gumagawa ng kababalaghan.
Agad na napabitaw ang mga ito sa isa't isa at nanlaki ang mga mata nang bumaling sa kanya. Nagkukumahog na inayos ang mga nagulong buhok at damit.
She rolled her eyes and walked towards the direction of the sofa. "It's broad daylight, guys. Not to mention that you're in the office, have some decency."
Hindi niya maiwasang matawa sa reaksiyon ng dalawa. Ang mga ito ay tila magnanakaw na nahuli sa akto. Ilang tikhim na ba ang pinakawalan ng kaibigan at dating kasintahan? She lost count.
Nahuli lang naman niya sina Oliver at George na naghahalikan ng walang humpay. Buti pa ang mga ito may kahalikan, siya wala. But then, she's too happy to think of it now.
"Kabagin ka sana!" si George na bahagyang hinila ang dulo ng kanyang mahabang buhok. "Ano 'yang drama mo?" tanong nito at hinawakan ang manggas ng kanyang summer dress.
Natatawa paring inalis niya ang sombrero. "Natapos na ang sentensiya ko, mga bakla!"
"Ano ka nakakulong?"
"Exactly, Georgy, I was detained! Now I'm free!" Sinabi niya sa dalawa ang nangyari sa loob ng law firm. Maging si George ay natawa sa kanyang ginawa, si Oliver ay isang ngiti ang sumilay sa mga labi dala ng pagkamangha.
"Loka!"
"Are you happy?" tanong ni Oliver na kanina pa tahimik at nakasandig sa lamesa nito habang nakatingin sa kanila ni George.
"Fantastic, Oliver." Lumakad patungo sa kanila ang kanyang dating kasintahan at ginulo ang kanyang buhok. Hinawi niya ang kamay nito at bahagyang umusli ang nguso. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit ngumisi lang ito.
Muling naagaw ang kanyang pansin nang magsalita ang kanyang matalik na kaibigan.
"I'm quite curious about one thing..." George waggled his eyebrow naughtily. "...did he popped the cherry?"
"Oh, please! The man was a stone, frigid and arrogant," she said with a half-laughter tone, almost rolled her eyes in amusement with the question he throws her.
"Hindi mo nadaan sa ganda, gano'n? Baka bakla," anito. Napatuptop si George sa bibig na para bang nasindak din sa sinabi. "Nah, hindi naman siguro?" biglang bawi nito.
Si Cameron ay sandaling natigilan at nilaro sa isipan ang sinabi ng kaibigan. Was Red gay? Narinig niya ang sinabi ng babae kahapon. Nagising siya sa tili ng isang babae at doon na nga niya narinig ang tanong nito kung hindi na ba bakla si Red? Could he be?
"Baka closet gay?" naibulalas niya ang laman ng kanyang isipan.
"You find out! Makakasama mo na naman siya sa trabaho. Akitin mo, para naman malaman mo kung gaano katamis at kasarap ang sex." Pinanlakihan siya ng mga mata ni George na para bang inuudyukan siyang gawin ang sinasabi nito. Inikutan lang niya ito ng mga mata.
"Do you like him?" biglang tanong ni Oliver na nakaupo sa kaliwa niya.
"N-no," mabuway niyang sagot. She felt foolish for stuttering. "I mean he's hot, handsome and all that but he's arrogant and cold. Pinaglinis pa niya ako ng bahay niya... bakit hindi niya sinabi kaagad ang gusto ni Anton Carlos? Mapagsamantala ang gago! But... he's not that bad for an arrogant beast, he didn't report me to the police when Terry almost split his skull into two. And he saved me at the party and he..." her voice trailed off and she gingerly touched her lips. "...he kissed me," wala sa loob na wika niya.
Nabalik ang kanyang kamalayan nang kurutin siya ni George sa braso. Nakangisi ito sa kanya kaya sinamaan niya ito ng tingin habang hinihimas ang brasong kinurot nito. "That's your answer! He's not gay! You are completely lost in his kisses, which means, he's good at kissing a woman."
"But still, wala namang masama sa pagiging gay!" sagot niya at nagkibit ng balikat. Ngunit bakit hindi kayang tanggapin ng kanyang sistema ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig kung patungkol sa arogante at hot na abogadong iyon?
Red being gay felt so ludicrously wrong!