Sanford Series 2 Chapter 19

SALUBONG ang mga kilay ni Red na sinulyapan ang lamesa ni Cameron. Hindi niya ito makita dahil sa mga dokumentong nakaharang at ang kompyuter. Subalit dinig na dinig niya ang sunod-sunod nitong buntung-hininga.

Kanina nang pumasok ito ay tila wala sa sarili at may inaalala.

Ibinalik niya ang mga mata sa binabasa kahit na gusto niya itong tanungin kung anong problema. May mahalaga siyang dokumentong pinag-aaralan para sa kanyang hearing bukas.

Pinag-aaralan niya ang files ni Francisco Perez na siyang tatayo bilang witness sa arson case bukas. Sinusuri niya ang kredibilidad ng matanda at sa nababasa niya ay malaki ang tiyansang manalo sila. Talking about credibility, the witness was awarded as an employee of the month a couple of times. He had no criminal record and his co-workers vouch for him.

Nakita nito ang kanyang kliyente na siyang bumuhos ng gasolina sa paligid ng shop subalit nakita rin nito kung paano tinakot ang kanyang kliyente na gawin iyon. He saw who the real culprit was that the CCTV did not capture.

Anak ng may-ari ng shop ang siyang sumunog niyon. Ayon kay Perez, ang motibo ng anak kaya nito sinunog ang negosyo ng pamilya ay dahil gusto nitong matigil ang panloloko sa mga mamimili nila. The shoes were fake, ngunit ibinebenta pa rin sa halagang katulad ng mga tunay.

Red managed to find out if it was true, and it was. The shoes were only imitation of the branded ones. Subalit hindi pa rin tama ang ginawa ng anak ng may-ari. Six people were killed when the fire broke out. At ito dapat ang makulong at hindi ang isang inosenteng tao.

Nang tumayo si Cameron ay agad na napataas ng tingin mula sa binabasa si Red. Inalis niya ang salamin sa mga mata at akmang tatanungin ito nang bigla biglang lumakad lumabas ang dalaga.

Napatingin si Red sa kanyang relo at nakitang ilang minuto nalang at tapos na ang oras ng trabaho. Inayos niya ang mga dokumento na nasa lamesa, binitbit niya ang mga ito upang mapag-aralan sa kanyang bahay, kapagkuwan ay lumabas na ng opisina.

Mabilis na pumasok siya sa kanyang sasakyan nang makitang pinatakbo na ni Cameron ang sasakyan nito paalis.

He followed her discreetly. She stopped in a flower shop for a while and bought some flowers. Muli niya itong sinundan at nang makita kung saan ang tinatahak ng dalaga ay nawala ang pagkaka-kunot ng kanyang noo.

Itinigil niya ang sasakyan ilang metro sa tinigilan nito. He saw her step out of the car and went inside the memorial park. Isinandig niya ang ulo sa sandalan at pinanood si Cameron hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.

Nakatutok ang mga mata ni Red sa unahan nang pumatak ang sunod sunod na buhos ng ulan sa windshield ng sasakyan. Agad niyang dinukwang ang glove compartment at inilabas ang isang payong mula roon.

Lumabas siya ng sasakyan at patakbong sinundan ang daan na tinahak ni Cameron.

HINDI inaasahan ni Cameron na madadatnan doon si Feliza at ang nakababata nitong anak na babae. They were glaring at her when they saw her.

Kanina pa magulo ang kanyang isipan. Matagal niyang pinagdesisyunan kung pupunta ba roon ngayong araw o hindi.

Sa nakalipas na dalawang taon ay hindi siya pumupunta roon sa mismong kaarawan ng ama. Ayaw niyang mapang-abot ng pamilya nito kaya sa susunod na araw siya nagpupu-punta.

Akala niya ay wala na roon ang mag-anak dahil papadilim na ngunit nagkamali siya. Sana pala ay bukas nalang siya tumungo sa himlayan ng ama.

Kasabay nang pagpatak ng mumunting ulan ay ang pagsiklab ng galit ni Feliza. "You shameless, wench! How many times do I have to tell you not to come here?! Stupid!"

Cameron's lips carved in a nonchalant smile. Déjà vu. Halos ganoon din ang eksena nila tatlong taon na ang nakakalipas.

"You dared smile! Hah, ang kapal ng mukha! May—"

She beat her to it, "pinagmanahan," she uttered wryly.

"Aba't, walang modo!" Ipinikit ni Cameron ang mga mata at hinintay na lumapat ang palad nito sa kanya ngunit hindi iyon nangyari. Sa halip ay isang malamig na boses ang kanyang narinig na siyang nagpadilat sa kanya.

"Assault is punishable by law," he announced coldly.

Ipiniksi ni Feliza ang brasong hawak ni Red. "It's not of your business, Attorney Sanford!" she shouted angrily, losing her composure.

"I'm making it mine, Ma'am."

Natahimik si Feliza at isang huling masamang tingin ang iginawad kay Cameron bago tumalikod. Sumunod naman ang anak nito rito na 'di magkandatuto sa pagpayong sa galit na ina.

"Are you okay?"

"Why are you here?" tanong niya sa halip na sagutin ang itinanong nito.

"Do you have to ask?" he questioned, looking straight at her eyes.

Cameron rolled her eyes. Magtatanungan nalang ba sila? Hinayaan nalang niya ito at dumukwang sa himlayan ng kanyang ama. Inilagay niya ang Chrysanthemums sa puntod nito at muli ring umayos ng tayo.

She heaved a deep sigh. "Happy birthday, Dad. I hope you're happy wherever you are right now. Don't worry about me, I'm happy with my life." I'm happy with him. Ngunit hindi niya maisatinig ang mga katagang iyon, nakatayo si Red sa kanyang tabi hawak ang payong na siyang pananggala nila sa ulan.

Bumigat ang kanyang dibdib at tila may bumara sa kanyang lalamunan. Hindi niya gustong magsalitang muli dahil hindi niya alam kung kakayanin pa niyang pigilan ang luhang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata. Sa tuwina ay hindi niya mapigilan ang damdamin kapag siya'y naroroon. Kaiba nga lang ngayon dahil may mga matang nakatingin sa kanya.

She filled her lungs with air and blink enumerable times "I'll visit next time. See you then, I love you."

Nang mapatingin kay Red ay nakita niya itong nakatingin sa kanyang mukha. "You can cry," he muttered softly.

Nang kabigin siya nito ay hindi na niya mapigil ang mga luha at nag-uunahang pumatak mula sa kanyang mga mata. Only this time she had someone with her, someone who rubbed her back, kissed her hair and sharing his warmth. Hindi kagaya noon na tanging ang sementeryong iyon lang ang saksi ng pighati niya.

"This is where we first met," anito ng tumigil si Cameron sa pag-iyak.

"Ha?" Kumunot ang noo ng dalaga. "How?"

Hinawakan ni Red ang kanyang kamay at hinila siya patungo sa isang malaking puno. Ibinaba nito ang payong dahil hindi sila mababasa roon. Kapagkuwan ay nagsimula na itong magkuwento, "It was three years ago, I was here in this spot and you were in front of your father's grave, with your stepmother. When you're about to leave, you bumped into me, but you never throw me a glance and started walking as if you're out of yourself." Sumulyap si Red sa pulang sapatos ng dalaga. "You took off those shoes when you're wandering under the rain." Hindi na niya idinagdag na siya ang nagkuha ng taxi para rito.

Tiningnan ni Cameron ang sapatos na suot, kapagkuwan ay mapait na napangiti. Mayroon pa siyang ibang pares ng sapatos na ganoon din ang disenyo at kulay. Ibinigay iyon sa kanya ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito.

"You will wear it when you are a lady."

"Why are you giving it now, Daddy? It's a little bit loose," nakasimangot na saad ni Cameron. "At bakit dalawa? Pareho pa ang kulay."

"I'll give you shoes on every occasion, I know you love them. You'll have your collection, angel. But you'll only wear it when you're a lady."

She stomped her feet and pouted in annoyance. "Why not now?" Ginulo lang ng kanyang ama ang buhok niya at tumawa.

She received the shoes as a Christmas gift, her last Christmas with her father. Lahat ng mga bagay na ibinigay nito sa kanya noon ay pinaka-iingatan niya.

"He gave this to me," she said, referring to her shoes. "He said I should wear it when I'm a lady. I just wish he is here," dagdag niya habang sumisinghot.

Hinawakan ni Red ang mga balikat ni Cameron at hinarap sa kanya ang dalaga. "He is here," Red while pointing his finger on her chest. "Always," he then smiled at her with tenderness.

She tiptoed and pressed her lips on his, then murmured, "thank you."

Ilang sandali silang nanatili roon at pinanood ang paghalik ng ulan sa bermuda grass. Nagsisimula ng kumalat ang dilim nang umalis sila.

Nag-convoy sila ni Red patungo sa kanyang bahay. He insisted on taking her home, she invited him in and he gladly accepted the invitation. Ilang beses na rin itong nakapunta roon at nakahulihan na nito ng loob si Pauleen.

Alam niyang alam ni Pauleen na may namamagitan sa kanila ni Red at nagpapasalamat siya rito dahil hindi ito nagtatanong sa kanya. Pauleen would always there to support her.

Cameron was happy for Pauleen, she can see how he recovered after that incident with Christian. Napapadalas ang out-of-town nito upang magbigay ng leksiyon tungkol sa pangangala ng nutrisyon sa katawan, partikular na sa mga batang nakakaranas ng malnutrisyon. And she can see that he enjoyed what he's doing.

Pagkatapos nilang kumain ng hapunan kasama si Pauleen at makipagkuwentuhan ng ilang sandali ay inakyat nila ni Red ag patungo sa kanyang bahay.

Tumigil siya sandali sa isang gilid ng rooftop kung nasaan ang kanyang mga halaman. Kinuha niya ang dalawang cactus na nabasa na ng ulan kanina.

"Can you hold this?" She grimaced when Red stared at the cactus in her hands. Naiintindihan naman niya kung nagka-trauma ito dahil sa alaga niya.

Walang sali-salitang kinuha nito mula sa kanyang kamay ang paso ng dalawang halaman. Kinuha niya ang susi sa kanyang bag at binuksan ang kanyang bahay. Lalo iyong lumiit nang pumasok si Red sa loob.

Kinuha niya muli mula rito ang mga cactus at inilapag sa isang gilid ng bahay.

Hinubad niya ang mga damit upang magbihis ng pambahay. Ramdam niya ang tingin ni Red sa kanya habang nagbibihis, subalit nawala na ang pagkailang niya rito patungkol sa kanyang katawan. He had seen her naked a couple of times and so was her to him.

Pagkatapos magbihis ay kinuha niya ang kanyang bag at inilabas ang digital camera na ibinigay sa kanya ni Peter. Tumabi siya kay Red na nakaupo sa sofa at isinandal ang ulo sa dibdib nito.

"This is my father," aniya at ipinakita rito ang litrato ng namayapang ama.

"I know," he answered. He took the camera from her hands and browse the photos she took since she was seventeen. "I always see him in Anton Carlos' office."

Cameron nodded. Sa opisina ni Anton Carlos ay nandoon ang litrato ng kanyang ama kasama ito. Masaya siyang malaman na kahit ilang taon ng patay si Peter ay marami pang nakakaalala rito. Her father was a great person and a fair man. He had a few enemy when he was still alive but he had a lot of friends and colleagues who look up to him. Nakakalungkot lang na namatay ito nang dahil sa isang aksidente.

Pabiglang hinablot niya ang kamerang hawak ni Red nang makitang malapit na iyon sa larawan nitong patago niyang kinuha.

Inilagay niya sa center table ang aparato at binalingan ang binata na nakakunot ang noo dahil sa kanyang ginawa. Ngumiti siya at iniyakap ang braso sa katawan nito habang nakasandig ang ulo sa dibdib.

Ang mga braso ni Red ay pumaikot sa katawan ng dalaga.

"He died in a car crash," panimula niya matapos ang ilang sandaling katahimikan. Naramdaman niya ang paghigpit ng mga braso ni Red sa kanyang katawan na siyang nagpapakalma sa kanya. "I was a freshmen in college when it happened. Gabi na no'n at umuulan ng malakas. Nasa university pa 'ko, hindi ako nasundo ng driver dahil sinabihan siya ni Francine na nakauwi na ako. Sinadya niya 'yon, may project kaming ginawa kaya gabi na ako makakauwi, ngunit walang susundo sa akin. Francine never likes me or any of her family..." she smiled bitterly. "I've waited for hours outside the school gate, but no one came. Then, Dad called me, he was still in the office and he found out that I was still in school waiting for someone to fetch me. Kaya ayon, sinundo ako ni Dad kahit malayo ang opisina niya sa paaralan namin, habang nagbibiyahe siya inararo ng ten-wheeler truck na nawalan ng preno ang kanyang kotse."

Hinawakan ni Red ang kamay ni Cameron at pinisil ang mga palad nito. Suminghot ang dalaga at muling nagpatuloy, "Hindi siya dumating. Nakatatanggap nalang ako ng tawag mula sa ospital na nandoon si Dad at malubha ang kalagayan. Ako ang una nilang tinawagan dahil ako ang unang nakalagay sa call history ng kanyang cellphone. When I arrived there, he was... he was covered with blood and his breathing was short that anytime he'll lose his ability to breath.

"I was crying and screaming when I hold his hand. Cold and pale. Nagawa pa niyang ngumiti sa akin at sinabing, I love you, Rain, anak," hinayaan ni Cameron na tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. "He was the only person who calls me, Rain, until you. And you've made me realized that I miss him calling me by that name. It feels so good when you call me, Rain."

"I love you, Rain," Red whispered, mimicking her father's last words. Napahagulgol si Cameron nang marinig ang sinabi nito. Kinabig siyang lalo ni Red at ibinaon ang kanyang mukha sa dibdib nito. She poured her heart out in front of the man she loves.  

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.