PAG-APAK palang nila sa malaking bulwagan ay agad na natuon ang paningin ng ibang naroon sa kanila. Napahigpit ang kapit niya sa braso ni Red nang makita si Feliza Montgomery. Matalim ang mga mata nitong nakatutok sa kanya at puno ng disgusto ang mukha.
Hindi na dapat siya pupunta sa party na iyon subalit inaya siya ni Red na maging date nito.
Kaarawan iyon ng isang judge, binigyan nito ng tatlong imbitasyon si Juan Carlos at ibinigay ng abogado sa kanya ang isa. Hindi niya alam na si Red pala ang nakatanggap ng isa pa. Wala siyang balak na dumalo ngunit nang tanungin siya ng binata kahapon ay nagbago ang kanyang isipan.
Nakita nila si Anton Carlos na may kausap na mga abogado ring katulad nila, lumakad si Red patungo sa mga ito kaya sumunod na rin siya.
"Oh! They are here, my very efficient young lawyers, Attorney Sanford and Montgomery," pagpapakilala ni Anton Carlos sa kanila ng makalapit sila. She can see that he was proud of them and she felt delighted.
"Montgomery? Cameron?" tanong ng isang retaryadong judge nang kamayan niya ito.
"Yes, Sir," aniya na ngumiti sa matanda. Namumukhaan niya ito, isa ito sa kaibigan ng kanyang ama.
Sa pagkabigla ng dalaga ay niyakap siya nito. "It was a very long time since I saw you. You were very little. Wherever Peter is now, I know that he's very proud of you." Warmth spreads Cameron's heart.
Hindi siya nainip sa party dahil kay Mr Mollins, he talked about her father a lot and she was so glad to hear his stories. Halos hindi niya namalayan ang oras habang kausap ito.
Sandaling nagpaalam si Cameron at tumungo sa restroom. Sa kasamaang palad ay naratnan niya sa loob ang kanyang stepsister na si Francine. Tinabihan niya ito at naghugas ng kamay.
Nang itaas niya ang paningin sa salaming nasa harapan ay nakita niya itong nakamasid sa kanya. Puno ng disgust ang mukha kagaya ng sa ina nito. Umismid ito sa kaniya bago lumabas ng banyo.
Sinundan niya ng tingin si Francine, hindi niya malaman kung mangingiti o magagalit dito. Kanina ay nakita niya itong ibang lalaki ang kasama sa party imbes na ang fiancée nito.
Ilang araw na ang nakakaraan ay nakaringgan niya sa dalawang nag-uusap sa may pasilyo na trial court na hiwalay na ito ang si Ryle-ang kanyang ex-boyfriend na naging fiancée ni Francine. Pinatutuhanan lang nang nakita niya ang mga bulong-bulongan.
Tumibay ang paniniwala ni Cameron na sinadyang agawin ng kanyang step-sister ang dating boyfriend dahil sa matinding galit nito sa kanya.
Cameron sighed wryly and fix herself before going out of the comfort room.
TULOY-tuloy na pumasok si Cameron sa malaking bahay kahit anong pigil sa kanya ng katulong.
Ang tatlong kumakain sa dinning room ay agad na napatayo nang makita siya.
"What are you doing here?!" galit na ani ng kanyang step-mother.
Kung galit ito ay mas matinding galit ang pumuno sa dibdib ni Cameron para sa pamilya ng kanyang ama. Marahas na inilapag niya ang mga dokumentong hawak sa ibabaw ng lamesa. "You're stealing from me all this time!" aniya at ngumiti ng patuya. "You know, I could sue you, right? Sapat na ang mga papeles na 'yan upang makulong kayo! Pinalayas niyo ako sa pamamahay na ito at ninakaw niyo ang perang para sa akin! How could you be so evil?" She was holding her anger back, she clenched her fist and sighed deeply.
"What are you talking about, Cameron? Have you gone nuts?" bulalas ni Francine na nakahalukipkip at nakataas ang isang perpektong kilay sa kanya.
Walang buhay na tumawa ang dalaga. "See you in court," saad niya bago tumalikod at lumabas sa pamamahay na iyon.
Galit na galit siya sa kanyang step-mother at mga kapatid. Kung hindi dahil kay Mr Mollins ay hindi niya malalamang may iniwan para sa kanya ang ama.
May mga investments si Peter na nakapangalan sa kanya, at nakompirma niya iyon sa abogado ng kanyang ama kanina. Noong una ay hindi umamin ang abogado, ngunit nang bantaan niyang kakasuhan ito ay sinabi nitong may iniwan nga sa kanya si Peter na mga ari-arian. Her inheritance could last her a last time.
Binayaran ni Feliza Montgomery ang abogado upang itago iyon sa kanya. At hindi lang iyon ang kanyang natuklasan, sa nakalipas na mga taon ay kumukuha ng pera si Feliza sa kanyang account. May mga dokumentong ipinakita sa kanya ang abogado na nagpapatnugot na binibigyan niya ng karapatan ang kanyang step mother sa kanyang mana.
Cameron never signed any of those papers, her stepmother forged the documents. It was enough evidence to file for a case against Feliza Montgomery who was once a judge. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip nito at ginawa nito ang kasamaang iyon. She knew the consequences of her actions. Siguro ay inakala nitong hindi niya malalaman ang katotohanan.
Ngunit hindi ang tungkol sa mana niya ang nagpasama sa kanyang loob. Kalakip ng kanyang mana ay ang sulat na iniwan sa kanya ng kanyang ama. The letter could've saved her from sadness for the past years since her father died.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa steering at inapakan ang silinyador dahil sa ngitngit. Dahil walang traffic ay madali siyang nakarating sa kanyang bahay.
Nakaupo na siya sa ibabaw ng kanyang kama nang ilabas niya ang sulat na mula sa kanyang ama. Naging dilaw na ang papel na ginamit dahil sa kalumaan niyon.
Ang petsang nakalagay sa labas ng sobre ay noong limang taon pagkatapos niyang ipinanganak. The letter was written twenty-three years ago.
My Dearest, Rain
The day you are born was the happiest moment of my life. You were so tiny and delicate.
Your mother never got the chance to hold you in her arms. She wanted to, but she can't. My wife, Feliza, made sure of that. You were conceived because of an affair, but you are never conceived out of love. I love your mother very much.
She was my girlfriend first, but Feliza lured me and she intentionally got herself pregnant. I had no other choice but to marry her.
I regret the decision I've made. Daldalhin ko ito hanggang sa mawala ako sa mundo. I have never love Feliza.
Nagkikita pa rin kami ng ina mo kahit na kasal na ako. But I realized that I was too selfish. I need to let her go because I am a married man. But it was too late, she was already pregnant with you.
Nalaman ni Feliza ang pagdadalangtao niya. She was mad, she was determined to file a case against us, but I beg her. I beg Feliza and promise her that I would be faithful from then on.
Pagkapanganak sa 'yo ay agad na umalis ng bansa si Cassandra, ang iyong ina. Naiwan ka sa akin. Iyon ang kundisyon ni Feliza, ang hindi na muling magpakita ang ina mo.
No matter what the circumstances was, please know that I am very blessed to have you as a daughter. You save me from misery. Daddy loves you very much, my angel. I love you, Rain.
Daddy
"I... I love you too, Dad," she stuttered. Muli niyang tiniklop ang sulat at inilabas ang isa pa. There were two letters, the second one was newer than the other. The date was from eleven years ago, a year before her father died.
My Dearest, Rain,
Time flies so fast, you're getting older. Sooner or later a man will take you away from me.
I am so proud of you. You've graduated as valedictorian and I was a proud dad upstage.
Hindi lang ako ang proud sa 'yo anak. Cassandra was there. I saw her in the crowd. She was there, always there. When you've graduated from nursery and elementary, she was also there.
She was always there for you. You may not see her but she sees you.
Don't hate your mother, Rain. She's been suffering too, she must've wanted to hold you very badly every time she sees you from a distance, but she can't.
Remember the shoes I gave you last Christmas? You've asked me why I gave you two pairs, the same colors and design. Binili ko ang isang pares para iregalo ko sa 'yo sa pasko. I know how much you love shoes.
Kinabukasan nakatanggap ako ng parcel at sa gulat ko ay kapareho nang sapatos na binili ko ang laman niyon. Walang nakalagay na pangalan kung saan iyon galing. May maliit na note na nakasulat ang mga salitang, 'For Cameron'. I know that it was from Cassandra, I will never forget her penmanship.
Cassandra loves you, Rain. She love you in her own way. If by chance something happened to me in the future, find her. Find your mother.
I have an old photograph of her, written at the back of it was her full name and address. Go find her, Rain. Mapapanatag ang kalooban ko kung magkita kayo ni Cassandra.
I love you, Rain.
Daddy
Her body racked with an onslaught of sobs and tears. The sound of wailing and suffering echoed throughout the house.
Dinala niya sa dibdib ang sulat at umiyak nang umiyak. Tears for her dead father, for her unknown mother and for the years they've lost. Kahit minsan man ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang ina. Palaging sinasabi ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito na mabuting tao ang kanyang ina, at noon pa man ay gusto na niya itong makita.
Lalo siyang napaiyak nang magawi ang kanyang tingin sa suot na sapatos. Ngayon ay nalaman niya kung sino ang totoong nagbigay niyon. It was from her mother. Ang isang pares ng pulang sapatos ay hindi na niya nasusuot dahil hindi na kasya sa kanya. Ngunit iyon ay saktong sakto pa rin sa kanyang paa. Nang matanggap niya iyon ay malaki ang sapatos sa kanya. Alam ni Peter ang sukat niya kaya malamang na galing ito kay Cassandra.
Halos wala nang boses si Cameron ng tumigil sa pagtangis. Pagkapunas sa mukha ay dahan dahan niyang inilabas ang lumang litrato na nasa loob ng sobre na kasama ng mga sulat.
The woman in the picture was young and beautiful. Ngayon ay alam na niya kung bakit ganoon nalang ang galit ni Feliza sa kanya. She look like her mother when she was young. Maliban sa kulay ng buhok ay halos wala nang ipinagkaiba. Hers was auburn whilst her mother's hair was raven black. Ang buhok lang niya marahil ang namana niya kay Peter.
"Cassandra Altamirano," basa niya sa nakasulat sa likuran ng larawan. Nandoon rin ang address ng kanyang ina. "I'll find you, Mom."
"UMIYAK ka ba?"
Ikiniling ni Cameron ang ulo at ngumiti kay Red na nakakunot ang noo at puno ng pagtataka ang mga mata. "Napuwing lang," kaila niya. "Let's go inside." Hinila niya ang binata papasok sa bar na pinuntahan nila.
Kanina ay tumawag ito sa kanya at inaya siyang lumabas. Tuwang-tuwang ang kanyang puso ng makita ang candlelit dinner na hinanda nito para sa kanilang dalawa sa restaurant ng pinsan nitong si Liam-ang lalaking kasama ni Red noon na papasok sa hotel, noong inakala niyang bakla ang abogado.
Naibsan niyon ang kanyang lungkot. Pagkatapos nilang magdinner ay isinuhesiyon niyang uminom sila, walang pasok kinabukasan kaya okay lang na malasing.
"Ano?" malakas niyang sigaw kay Red na kanina pa nakatingin sa kanya habang umiinom sila. Hinapit siya nitong lalo at inilapit ang bibig sa kanyang tainga.
"You're not, okay."
Nagkunwa si Cameron na hindi narinig ang sinabi nito at tumayo sa kinauupuan. Inilapag niya ang kopita sa lamesa nila at hinila si Red patayo. "Let's dance."
Tinitigan ni Red si Cameron ng ilang sandali bago bumuntung-hininga at nagpahila rito patungo sa dance floor. He wrapped his arms possessively on her waist while she was grinding her hips.
He slowly moved to the rhythm without breaking his stare at her face. She was smiling and giggling but there was something in her eyes that bothered him.
Habang nakatitig sa mukha ni Cameron ay tumitindi ang tibok ng puso ni Red. Naghaharumentado, nagwawala. Palagi niya iyong nararamdaman sa mga araw na nakakalipas. Aside from work, she occupied his brain, she always visited him on his sleep and he wanted to see her every day.
"Why are you looking at me like that?" tanong ni Cameron sa malakas na boses nang makitang nakatitig sa kanyang mukha si Red. Nang hindi ito sumagot ay inilapit niyang lalo ang katawan dito at tinapat ang mga labi sa tainga nito. "What's running in your head?"
Sa halip na sagutin si Cameron ay tumaas ang kamay ni Red sa batok nito. He slowly pulled her hair and pressed his lips with hers. They felt like the world had stopped and there was only Rain Cameron and Tyson Red at that moment.