KINUMUTAN ni Cameron ang kaibigang nakahiga sa kanyang kama. Sandali niya itong tinitigan bago lumabas ng kanyang bahay upang pumasok sa trabaho.
Kagabi ay naratnan niya si George sa labas ng kanyang munting bahay na umiiyak. Nalaman ng mga magulang ng kanyang kaibigan ang tungkol sa relasyon nito at ni Oliver. Itinakwil daw ito ng ina nito, si Tito James ay sobrang galit sa nalaman.
Sa kanya tumungo ang kanyang kaibigan dahil wala itong mapuntahang lugar na hindi alam ng mga magulang at kapatid nito. Buong gabi itong umiyak sa kanyang bisig dahil hindi matanggap ng pamilya ang pakikipagrelasyon nito sa kapwa lalaki.
Natigil ang pag-iisip ni Cameron habang nagmamaneho nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa dashboard mount. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makitang galing sa isang unregistered number ang tumatawag.
Sinagot niya iyon at pinagsisihan niyang ginawa niya nang marinig ang tinig ng nasa kabilang linya. Akmang papatayin niya ang tawag nang pigilan siya nito.
"What do you want?" aniya sa naiiritang tono.
"Let's meet. I want to tell you something," sagot ng nasa kabila sa nakikiusap na tono.
"Wala tayong dapat pag-usapan. Bye—"
"Teka, sandali, Cameron. Please give me a chance."
"What chance?" she asked irately.
"I still love you. Please, give me a chance. Francine and I broke up, I realized that I—" Hindi na niya pinakinggan ang susunod nitong sasabihin at pinatay ang tawag.
Tumunog muli ang kanyang cellphone subalit hindi niya iyon pinansin.
Napailing nalang si Cameron dahil sa sinabi ng kanyang dating kasintahan. Francine dumped him, at ngayon ay babalik ito sa kanya dahil wala nang pakinabang ang step-sister niya rito. The nerve!
No way in hell she would accept him again. Not even in her second life, she learned her lesson. And you prefer having a casual relationship now? gagad ng isang bahagi ng kanyang utak.
Cameron blew a heavy breath and a woeful smile curved her lips. Halos tatlong buwan na siyang nagpapakagaga at nagpapatangay sa alon. Hindi pa naman siya pinagsasawaan ni Red kaya okay lang. Cameron was aware that time will come and she had to live her life away from him. She couldn't live in that set-up forever.
She did not expect anything from him. Ngunit hindi niya maipagkakailang pinapanalangin niya gabi gabi na magustuhan siya nito. Kahit paunti-unti lang sa bawat araw na kasama sila. Tanggap niya kung ano lang ang kaya nitong ibigay subalit hindi naman masama ang umasam, hindi ba?
Isang pagkalalim-lalim na hininga ang kanyang pinakawalan nang maiparada ang sasakyan sa parking lot ng firm na kanyang pinagtatrabahuan. Kinuha niya ang briefcase at shoulder bag na nasa passenger seat at lumabas na ng sasakyan.
Hahakbang na sana si Cameron papasok nang may humawak sa kayang braso. "Let's talk," si Ryle na nagsusumamo ang mga mata.
"Bitawan mo ako," malamig niyang usal sa dating kasintahan.
"Just hear me out, Cameron. I still love you."
Cameron sighed to calm her nerves. "My answer is no, Ryle. I don't love you, I never love you kaya bitawan mo ang braso ko!"
"You heard the lady." Sabay na napabaling si Cameron at Ryle sa may-ari ng boses na iyon.
Madilim ang mukha ni Red na nakatingin sa kamay ni Ryle na nakahawak sa dalaga.
Nang hindi tumalima ang dating kasintahan ay si Cameron na mismo ang nag-alis ng kamay nito sa kanyang braso. "Go home, Ryle," saad niya at tinalukuran ito.
Napatigil sa paglalakad si Cameron papasok sa firm ng muling may humigit sa kanyang braso. Sa panggigilalas niya ay hinawakan ni Red ang kanyang mukha sabay dikit ng mga labi nito sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkagulat. Nang pakawalan nito ang kanyang mga labi ay napamaang siya. Unti-unting umangat ang labi nito sa isang ngiti na halos magpalaglag sa kanyang puso. I only beam to someone I fancy. Aasa ba siya na may nararamdaman ito sa kanya? Paano niya mapipigilan ang kanyang puso na hindi umasa kung ganoon ito umakto?
Isang tikhim ang bumasag sa mahikang bumalot sa kanilang dalawa. "You look good together."
Namula ang pisngi ni Cameron dahil sa sinabi ni Anton Carlos. Nang ilibot niya ang paningin sa paligid ay pati ang kanyang leeg ay namula sa hiya. It was broad daylight and he kissed her in front of their law firm. May iilang mga katrabaho nila ang nakakita sa ginawang paghalik ni Red sa kanya.
"Really? That's good," bulalas ni Red at ngumiti ng makahulugan. Hinawakan niya ang palad ni Cameron at hinila pasunod kay Anton Carlos na pumasok sa firm.
Nang makita ang mga katrabahong nakangiti sa kanila ay isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Cameron. Totoo marahil ang sinabi ni Anton Carlos na bagay sila.
Nang madako ang kanyang paningin sa mga kamay nilang magkahugpong ay halos hindi na kayanin ng kanyang puso, ilang sandali na lang ay hahandusay na siya sa lapag sa sobrang kilig.
SUBALIT ang kaligayahang tinatamasa ni Cameron ay may hangganan.
Nakangiting pumasok si Cameron sa malaking bahay ni Red. She missed him. Halos ilang araw din silang hindi nagkakausap, kahit na sa loob ng opisina dahil sa dami ng trabaho nila. May final hearing ito sa arson case na hinahawakan at nakatuon ang buong pansin nito sa kaso sa mga nakalipas na araw. She can't blame him. Nakadalo siya sa mga naunang hearing ng kaso nito at naniniwala siyang walang kasalanan ang dalagang ginigiit na siyang sumunog ng shoe shop.
Inilapag niya sa sofa ang dalang bag na may lamang damit dahil doon niya balak matulog ngayong gabi. Hinanap niya ang binatang abogado sa loob ng bahay ngunit hindi niya ito makita.
Muli niyang kinuha ang bag na nasa sofa at tinungo ang silid ni Red. Marahil ay lumabas ito, roon nalang niya ito hihintayin. Nang makarating sa loob ay agad niyang binuksan ang sliding door patungo sa balkonahe at lumabas.
She wound her arms around her body when the cold breeze fanned her skin. Huminga siya malamin habang nakapikit, pinuno ng hangin ang kanyang baga.
Nagawi ang paningin ni Cameron sa kabilang bahay nang imulat niya ang mga mata. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita kung sino ang lumabas sa teresa ng kabilang bahay.
Akmang tatawagin niya si Red nang marinig ang pinag-usapan ng dalawang lalaki.
"So, do you love her?" tanong ni Tyler na nakasunod kay Red. Tumabi ito sa binata at dinala ang kopita na may lamang alak sa bibig.
"Who?"
"Cameron, man."
"I don't do love. Not after Dianne died."
Si Cameron na narinig ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki ay parang sinaksak ng ilang libong punyal. Alam naman niyang hindi siya nito mahal ngunit hindi niya alam na ganoon pala kasakit na marinig mula rito ang kompirmasiyon.
Madilim ang kanyang kinatatayuan dahil hindi siya nagbukas ng ilaw at hindi katapat ng kanyang kinatatayuan ang teresa ng kabilang bahay kaya hindi siya nakikita ng dalawang lalaki roon.
"Rain is a great diversion. She made me forget her."
Doon tuluyang tumulo ang pinipigil na luha ng dalaga. Ginamit lang siya ni Red subalit hindi niya ito masisisi, ginamit lang din naman niya ito upang maging masaya siya.
Isang huling sulyap ang ginawa niya sa direksiyon ni Red at mapait na napangiti bago tumalikod at lumabas ng silid nito dala ang kanyang bag.
Nanginginig ang kanyang tuhod habang pababa ng hagdan, malabo rin ang kanyang paningin at hindi maaninag ng mabuti ang inaapakan kaya muntik na siyang mahulog kung hindi siya nakakapit sa balustre.
Tumigil siya sa gitna ng hagdan at naupo sa baitang. Isinubsob niya ang mukha sa mga tuhod at umiyak. Ilang sandali siya sa ganoong puwesto.
Nang muling mag-angat ng mukha si Cameron ay wala sa loob na napasulyap siya sa pinakadulong silid ng ikalawang palapag. Tumayo siya at tila may sariling isip ang kanyang mga paa na muling umakyat sa ikalawang palapag at tinungo ang direksiyon ng silid na iyon.
Sa nanginginig na kamay ay pinihit niya ang seradura, kapagkuwan ay humugot siya ng hininga bago tuluyang binuksan ang pinto. And she wished she did not feed her curiosity. Her heart was trampled into pieces when she saw what was inside the room.
Inihakbang niya ang nanginginig na paa patungo sa pinakamalaking portrait na naroon. Hinaplos ng kanyang daliri ang mukha ng napakagandang babaeng nakaukit sa larawan. Ang ganda ng ngiti nito, positibo at puno ng buhay. Ang tuwid na tuwid na buhok, ang mahahabang pilik mata at matangos na ilong ay bumagay sa maliit nitong mukha.
Sa ibabaw ng frame ay may nakaukit na pangalan, "Dianne," basa niya sa marahil ay pangalan ng babae.
I don't do love. Not after Dianne died. "It must be you," aniya sa malungkot na boses. "I wish that he can love me like how he loves you."
Ipinalibot ni Cameron ang paningin sa kabuuan ng silid. Halos dalawampung larawan ang nakikita niya na may kaparehong mukha na nakaguhit. Ang isa ay nakaupo ito sa duyan, tila ito isang bulaklak kagaya ng mga nakapaligid dito. Mayroong painting na nasa dagat ito at pinapanood ang pagbaba ng araw. Buhay na buhay ang mga larawan at kung sino man ang may gawa no'n ay hahangaan nang makakakita.
Nilapitan niya ang isang maliit na painting na nakasabit sa dingding. "It was your death anniversary." Nakapikit si Dianne sa larawan at tila ba payapang natutulog. Sa ibaba ng painting ay nakalagay ang petsa ng kapanganakan nito at ang pagpanaw.
Noong maratnan niya si Red na nasa loob ng silid at namumula ang mga mata ay death anniversary ni Dianne. He must've been crying his heart out for the love of his life that died.
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Cameron. Hindi niya kayang makipaglaban sa isang patay. She died but he still loves her all these years.
Kahit gaano pa niya ipagsiksikan ang sarili kay Red ay iisang babae lang ang mamahalin nito.
Ang huling nahagip ng kanyang mga mata ay ang isang painting na kasama ni Dianne si Red. He was looking at her with adoration in his eyes. Kahit kailan ay hindi siya tiningnan ni Red sa mga matang iyon.
Bago pa siya mamatay sa sakit ay lumabas na roon si Cameron. Tuloy-tuloy siya hanggang sa makalabas sa bahay nito.
Walang lingon-lingon na lumakad siya palabas ng compound ng mga Sanford. Hindi niya dala ang kanyang kotse dahil ginamit iyon ni Pauleen. Malayo pa ang highway ngunit hindi niya iyon ininda.
Isang busina ang nagpatigil sa kanya sa paglalakad. Naipikit niya ang mga mata nang masilaw sa headlight ng kotseng papalapit. Nang makalapit ay tumigil iyon sa kanyang harapan at bumukas ang binata.
"Ate, hop in," sigaw ng dalagang nasa loob. Kilala niya ito, isa sa mga pinsang babae ni Red, ang siyang nakita niya na kasama nito sa mall noon. Ilang gabi siyang binagabag sa pag-iisip kung sino ang kasama ni Red noon. Hindi naman niya matanong ang abogado, wala siyang lakas ng loob.
Nang ipakilala nito sa kanya si Krishia, minsang magawi ito sa bahay ni Red at saktong naroon rin siya, ay lumuwag ang kanyang dibdib at nalinawan ang kanyang isipan.
"Ate," muling untag ni Krishia sa natigilang si Cameron. Mabilis na binuksan ni Cameron ang pintuan ng sasakyan at sumakay. "Saan ka pupunta? Bakit hindi ka inihatid ni Kuya Red?"
"M-may nakalimutan lang akong dalhin. Hindi na ako tumuloy at babalik nalang ako mamaya. 'Yong taxing sinakyan ko ay nakaalis na," pagsisinungaling niya.
Tumango tango si Krishia kahit nakakunot parin ang noo at hindi tuluyang kumbinsido.
"Ikaw, saan ka pupunta?" pag-iiba ni Cameron sa usapan.
"May conference ako sa ibang bansa. I'll stay there for a week or two."
"Good luck," Cameron said. "Dito nalang ako, Krish," aniya nang makarating sa main highway. "Salamat."
Nang makaalis ang dalaga ay umupo si Cameron sa pavement. Iniyakap niya ang mga braso sa tuhod habang nag-aabang ng taxing masasakyan pauwi.
Pinipigilan niya ang luha dahil ayaw niyang makita iyon ng mga taong dumaraan. Ngunit nang makasakay na siya ng taxi ay hindi na niya iyon mapigilan at tila dam na nag-uunahan. Nagmalasakit pa ang driver at binigyan siya ng panyo.
Nang makarating sa kanyang bahay ay inilabas niyang lahat ng sakit sa kanyang dibdib. Buong gabi niyang iniyakan ang pagkawasak ng kanyang puso't ilusiyon.
Kasabay ng mga luha ni Cameron ay ang malalakas na patak ng ulan sa labas. Ni hindi niya nagawang ipasok ang kanyang pinakamamahal na mga halaman. Ang dalawang cactus na sina Terry at Lerry.