Sanford Series 2 Chapter 5

"You might think I'm crazy, the way I've been cravin'... can we stay up all night, fuck me 'til the daylight, 34, 35, yeah, yeah, yeah, yeah..." Cameron sang with enthusiasm. She was banging her head and swaying her hips in the rhythm of Ariana Grande's song.

"Baby, you might need a seatbelt when I ride it, I'ma leave it open like a door come inside it... Aray...!" hiyaw niya nang matinik ng alaga niyang cactus.

Inilapag niya ang watering pot at sinipat ang daliring may munting dugong lumalabas. Sinamaan ni Cameron ng tingin si Lerry—ang isa sa mga cactus niya—na bigay sa kanya ng ex-boyfriend na si Oliver. "Walang puso! Ihulog kita riyan, makikita mo!"

Inirapan niya ang halaman bago pumasok sa loob ng kanyang munting bahay. Maliit lang iyon ngunit sapat na sa kanya, iyon ang naging kanlungan niya sa nakalipas na labing isang taon.

Mas gusto niyang manatili sa maliit na silid na nasa rooftop ng bahay ni Pauleen, kahit na may sarili siyang silid sa ibaba na mas malaki at malawak. Isa pa ay halos sa bahay na ni Pauleen nakatira si Cristopher, hindi naman niya itinatago ang kanyang disgusto sa lalaki.

Simula nang kupkopin siya nito ay roon na siya nanunuluyan. Noong una ay tambakan lang iyon ng kung anu-anong kagamitan, ngunit ipinaayos iyon ni Pauleen para sa kanya at ginawang kumportableng tirahan. She had a lot of things to be thankful to Pauleen, he was a friend, a mother and a father rolled in one.

Hinugasan ni Cameron ang mga kamay sa sink, napatalon siya sa gulat nang marinig ang matinis na ngiyaw ng isang pusa. Pinandilatan niya ito ng mga mata, nilakihan pa niyang lalo ang mga mata upang sindakin ito. Ngunit hanggang sa sumakit ang mga iyon sa pagkakadilat ay hindi natinag ang pusa at nakipaglaban ng titigan sa kanya, puno ng determinasyon ang malalaking mga mata.

"Shoo!" taboy niya rito. She dislikes cats. Minsan na siyang nakagat ng pusa noong kabataan niya at tumatak iyon sa kanyang isipan hanggang sa pagtanda. Masama bang matakot? "Shoo, alis!" muling taboy ni Cameron at dinampot ang walis tambo at ginamit iyon upang mapaalis ang hayop. Siyempre hindi naman niya ito sinaktan, ayaw niyang mademanda ng animal abuse.

Nang makaalis ang pusa ay tinuyo niya ang kamay at tinungo ang kanyang study table upang ligpitin ang mga papeles na nakakalat sa ibabaw niyon. Pagkatapos ay inayos ni Cameron ang kanyang kama at pinulot ang mga nakakalat na kinuyumos na papel sa sahig.

Nang masiyahan sa naging resulta ng kanyang paglilinis ay muling lumabas ng bahay si Cameron at nag-unat ng katawan. Ipinikit niya ang mga mata at nilanghap ang hangin sa lungsod, ngunit agad ding napaubo nang sunod-sunod dahil sa nalanghap na usok galing sa mga sasakyan.

Pati utak niya ay napopollute narin, tinatamad siyang lumabas ng bahay at gumala. Off niya ngayong araw at mas gusto niyang manatili roon at manood ng kahit anong puwedeng panoorin. O kaya ay kausapin ang kanyang mga alaga na mas malulusog pa yata kaysa sa kanya?

Masakit na sa balat ang sikat ng araw kaya dinampot ni Cameron ang kanyang cellphone na nasa tabi ng mga paso at pinatay ang kantang tumutugtog sa kanyang playlist. Tumalikod na ang dalaga upang pumasok sa loob nang aksidenteng masagi niya si Terry—ang isa pa niyang alagang cactus na bigay naman ng baklang si George.

"No! Terry!" sigaw ni Cameron dahil sa pagkasindak. Dinungaw niya ang ibaba upang matingnan ang kalagayan ng kanyang pinaka-iingatang halaman.

Napakunot noo si Cameron nang makita ang nangyari sa ibaba, basag ang paso ng kanyang cactus ngunit hindi iyon ang dahilan nang pagkakakunot ng kanyang noo. Mabilis siyang bumaba upang makita sa malapitan ang pinangyarihan ng crash site.

Napatuptop sa bibig ang dalaga nang masilayan ang isang nakahandusay na lalaki sa semento. Wala itong malay at may dugong tumulo sa gilid ng noo.

"Nakapatay ako, my god, Terry! Anong ginawa mo?!" bulalas ni Cameron na nataranta. Tatawagin niya sana si Pauleen nang maalalang nasa bakasyon ito kasama ang boyfriend.

Lumuhod siya sa harapan ng lalaking nakahandusay sa semento at kinalong ito sa kanyang bisig. Lalo siyang nakonsensiya nang makita ang mukha ng lalaking naging biktima ni Terry.

Sinabihan siya nitong tatanga-tanga nang makabanggaan niya ito kahapon. Pinalampas niya iyon dahil sa pagligtas nito sa kanya noong mangyari ang engkwentro sa café ni Oliver.

"'Wag kang mamamatay, please, ayoko pang makulong," usal ni Cameron at tinapik-tapik ang pisngi ng lalaki, ngunit hindi ito gumagalaw. Inilapit niya ang tenga sa dibdib nito at nakahinga ng maluwag nang marinig ang tibok ng puso nito.

Nang mapatingin sa paligid ay nakaramdam ng hiya si Cameron nang makitang may mga taong nakikiusyuso. Nakatingin ang mga ito sa kanilang dalawa ng lalaking biktima ng kanyang halaman.

Maaari niyang itapon sa dagat ang katawan ng biktima, o 'di kaya ay ibaon sa gitna ng kagubatan, ngunit may mga witness at wala siyang takas. Hindi naman puwedeng hulugan niya ng paso ang lahat ng mga nakakita.

Marahas na ipinilig ni Cameron ang ulo dahil sa mga pumapasok sa kanyang isipan. Nagiging katulad na siyang mag-isip ng mga psycho killer na nakakasalamuha niya dahil sa kanyang trabaho. Nababaliw na yata siya, kasalanan ito ni Terry!

Mabuti nalang at tinulungan siya ng may-ari ng bakeshop, na katabi lang ng bahay ni Pauleen, na isakay ang walang malay na lalaki sa kanyang sasakyan. Hindi na niya nagawang magpasalamat kay Lindon at mabilis na pumasok sa driver's seat at pinaharurot ang sasakyan paalis. Pasulyap-sulyap si Cameron sa lalaking nasa passenger seat at wala paring malay.

Sandali niyang binagalan ang takbo ng sasakyan at nilabas ang cellphone mula sa bulsa. Inilagay niya iyon sa dashboard mount at tinawagan si George na nakaduty sa ospital.

"Kasalanan mo to, Georgy!" bungad niya pagkasagot ng kaibigan mula sa kabilang linya.

"Ha? Pinagsasabi mo, bruha?"

"Kung 'di mo binigay sa akin si Terry hindi mangyayari 'to! Ayaw ko pang makulong, Georgy! Aray!" Bigla niyang natapakan ang brake ng sasakyan dahil nagkulay pula ang ilaw sa traffic lights, kung hindi lang siya naka-seatbelt ay dumugo na ang kanyang nguso. "Curse Terry to hell!"

"Are you doing drugs? I have work, Cameron, talk to Oliver instead. Siya ang bulabugin mo, mapahamak pa ang mga pasyente ko ng dahil sa 'yo."

"'Wag mong ibababa kung hindi idadamay kita! Ikaw naman ang totoong may-ari kay Terry!" pigil ni Cameron sa kaibigan nang magpaalam ito sa kanyang ibababa ang telepono. "Nakaaksidente si Terry, Georgy. May dugo sa ulo ng lalaki at 'di ko alam kung magtatagal pa siya sa mundo. Anong gagawin ko, bakla?!"

"Ibenta mo katawan mo para may pang piyansa ka, loka!"

"George Alfonso, I'm serious! Malapit na ako diyan sa ospital, ihanda mo na ang oxygen, defibrillator, OR o kung ano man diyan!" Nang maging berde ang ilaw sa traffic lights ay mabilis na pina-arangkadang muli ni Cameron ang sasakyan. Hindi niya pinansin ang tinig ng kaibigan mula sa kabilang linya at itinuon ang buong pansin sa pagmamaneho.

Nang makarating sa tapat ng ospital ay naroon na si George, isang nurse at attendant na may dalang stretcher.

Agad nilang inilabas ang lalaki mula sa loob ng sasakyan at pinasok sa ospital.

Sa labas ng x-ray room ay paroo't parito si Cameron habang naghihintay ng resulta ng pagsusuri sa lalaki.

Wala siyang pangpiyansa kung makulong man siya, may car-loan siyang binabayaran at sapat lang ang kanyang suweldo sa kanyang pang araw-araw. Kung ibenta ko nalang kaya ang sasakyan? Sinabunutan ni Cameron ang sarili dahil sa frustration. Ang ibang naroon ay napapatingin sa dalaga.

Napatingin si Cameron sa may-ari ng kamay na tinamaan ng kanyang noo. Kanina pa siya roon at inuuntog ang ulo sa pader. "Georgy!" bulalas niya ng makita ang kaibigan.

"You're crazy!" George hissed and pushed her forehead using his finger.

"Mababaliw talaga ako, Georgy. Ayoko pang makulong, six months to ten years ang parusa sa negligent homicide. Gurang na ako 'pag nakalabas, paano ang sex— hmm..." Pinigil ni George ang kanyang bibig kaya hindi maayos na makapagsalita ang dalaga.

"Gaga! Hindi namatay si Attorney Sanford," sabi ni George. "Nasugatan lang ang ulo at nagkabukol, hindi nabiyak ang bungo."

Kuminang ang mga mata ni Cameron dahil sa relief. "Thanks God, hindi siya namatay." Napabuga siya ng hangin kasabay ng paggaan ng kanyang dibdib. "Wait! Kilala mo siya?" tanong niya sa kaibigan, habang nakakunot ang noo, ng may maalala.

"He's a regular customer at Agapi. Nagtatrabaho siya sa law firm sa kabilang street," si George at nagkibit ng balikat.

"A-abogado siya?" tanong ng dalaga sa nanlalaking mga mata. Tumango si George na siyang ikinalambot ng kanyang tuhod kaya napahawak siya sa pader. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Hindi ka naman nagtanong," sagot ni George na muling nagkibit ng balikat.

"I'm so dead, Georgy!"

NAGDADALAWANG isip si Cameron kung papasok ba sa loob o tatalilis ng takbo paalis sa lugar na iyon at magtatago sa itaas ng bundok. Sa huli ay lakas loob niyang binuksan ang pinto ng hospital suite ng abogado at maingat ang hakbang papasok upang hindi makagawa ng tunog.

Nakapikit si Red habang nakahiga sa hospital bed at nakapatong sa noo ang isang kamay. Akala ni Cameron ay natutulog ito kaya lumapit siya sa kinahihigaan ng lalaki. Ngunit sa panggigilalas niya ay nagmulat ng mga mata si Red at nagsalubong ang kanilang paningin.

Napalunok siya nang makita ang malalamig na mga mata nito na kakulay ng kape. Umayos ng tayo si Cameron at alanganing ngumiti rito. "Hi, gising kana pala," aniya.

Bumuntung-hininga si Red at inalis ang tingin sa dalaga, muli niyang ipinikit ang mga mata at ipinatong ang isang braso sa noo. Nawala na ang sakit ng kanyang ulo ngunit nagkabukol iyon dahil sa pasong tumama sa kanya.

"I'll pay for everything..." untag ni Cameron ng manahimik si Red. "...sa ospital at ang... danyos. Hindi ko naman sinasadya, maniwala ka, hindi ko gustong makapatay at makulong ng ilang taon o habang buhay," tuloy-tuloy na wika niya. "Pero puwede bang through installment ang bayaran?"

Sabay ngiwi niya, gusto niya uling ihampas ang ulo sa pader dahil sa mga lumalabas sa kanyang bibig.

"Attorney, ganito kasi, isa rin akong abogado at... at alam mo namang hindi maganda kung magkakarecord, 'di ba? Sana maintindihan mo at mapatawad mo ako," puno ng pakiusap ang kanyang tinig. "Promise, I'll pay you, I'll double it—"

"Just shut up!" mahina ngunit mariing pigil ni Red sa dalagang walang tigil ang bibig sa kakasalita. Muling bumabalik ang sakit ng kanyang ulo dahil sa ingay nito. "I'll call you," he added. He pointed to the bedside table using his index finger and didn't even bother to open his eyes.

Agad na nakuha ni Cameron ang gustong mangyari ng lalaki kaya mabilis niyang dinampot ang cellphone nito at nilagay ang kanyang number sa contact list.

"Sigurado kabang—" Napatigil si Cameron nang makita ang ginawa ni Red. Isinenyas nito ang kamay na tila ba pinapaalis siya roon, hindi parin ito nagmumulat ng mga mata.

Pumihit patalikod si Cameron upang lumabas, pasulyap-sulyap siya sa binata at tiningnan kung pipigilan siya nito. Nang makitang nanatili itong nakapikit ay napabilis ang kanyang paghakbang palabas.

"Buhay pa ako!" bulalas niya at sunod sunod na paghinga ang pinakawalan. Napahawak siya sa dibdib at napasandal sa pader ng hallway ng ospital.

Nang makahuma ay hinanap ni Cameron si George at nagpaalam ditong uuwi na. Nang makarating sa bahay ni Pauleen ay tinungo niya ang pinagbagsakan ni Terry. Naroon parin ito sa semento at ang pasong nagkawatak-watak. Hindi ganoong kalakihan ang paso ni Terry ngunit sapat upang makapinsala, lalo na kung mahuhulog mula sa itaas.

Nilinis niya ang kalat at dinampot ang cactus na nasa lapag. "Aww!" hiyaw niya ng muling matinik. "You've been a very bad girl, Terry, lulunurin talaga kita." Maingat na muling dinampot ni Cameron ang halaman upang hindi muling matinik.

Pagkapanhik sa hagdan patungo sa rooftop ay dinampot ni Cameron si Lerry mula sa kinalalagyan nito at inilipat sa lapag. Baka makapinsala na naman ang mga alaga niya at sa pagkakataong iyon ay makapatay na talaga siya. Ayaw niyang makulong ng virgin! Kapag nakalabas naman siya sa kulungan ay lusyang na siya at hindi na mapapakinabangan, puwera nalang kung makahanap siya ng preso sa loob ng kulungan na kasing kisig ng isang Attorney Tyson Red Sanford.

Meow. Napahawak sa dibdib si Cameron nang magulat sa pagngiyaw ng pusa. Iyon ang itinaboy niya kanina, bumalik na naman ito.

"Ayan! Kainin mo 'yan!" Nilapag niya ang cactus sa harap ng pusa. Sandali nitong tiningnan iyon, kapagkuwan ay mabilis na tumalikod at tumakbong paalis. "You see that, Terry? Kahit pusa ayaw sa 'yo!"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.