"WHERE are you, Olly?" mahinang singhal niya sa kausap. Ngumiti siya sa mga taong napapatingin sa kanya habang naglalakad palabas sa malawak na hardin.
Tinungo niya ang tagilirang bahagi ng bahay kung saan walang tao at hindi gaanong abot ng ingay mula sa nagkakasiyahan sa loob ng malaking bahay.
"Don't you dare ditch me or I'll swear I won't talk to you forever!" Naiiyak na siya sa sobrang frustration ngunit hindi niya hinayaang tumulo ang luha dahil magmumukha siyang katawa-katawa kapag humulas ang kanyang make-up. Tama na ang pagkapahiya niya sa harapan ng kanyang step-mother at mga kapatid sa ama.
Nang may mapadaan malapit sa kanyang kinaroroonan ay lalo siyang nagsumiksik sa madilim na parte ng bahay. "Oliver?!" tawag niya sa nasa kabilang linya.
"I'm sorry, Cam, inatake sa puso si Dad and he's in the hospital right now under George's scalpel."
Nakagat ni Cameron ang ibabang labi at nagpakahinahon. May dahilan naman si Oliver upang hindi makarating at tumupad sa usapan. Ngunit nagpa-panic ang sistema niya sa kaalamang hindi ito makakarating. Bukod sa bastarda at anak ng maninira ng pamilya ay babansagan siya ng pamilyang Montgomery na pathetic and a bluffing fool. Maninirahan talaga siya sa bundok kapag nangyari 'yon.
"I... I understand," aniya kahit ang gusto niyang gawin ay ipadyak ang mga paa sa panibagong problemang kailangan niyang harapin.
"I'm really sorry, Cameron," muling paumanhin ni Oliver sa kabilang linya.
"It's okay. Phone me about your father's condition. He'll survive, Olly," pambalubag loob niyang turan sa dating kasintahan. Kahit na hindi sila close ng ama nitong dating senador ay ito parin ang ama ng kanyang kaibigan.
Muli niyang ibinalik ang cellphone sa loob ng kanyang purse at nagpakawala ng pagkalalim-lalim na buntung-hininga.
Kung wala siyang maihaharap kay Francine na finacee niya ay aalis nalang siya roon, ipahiya pa siya nito sa maraming tao kung nagkataon.
Kipkip ang purse at ang kanyang mahabang damit na abot hanggang sa sakong ay malalaki ang hakbang na lumakad si Cameron patungo sa gate ng bahay. Ang bahay na siyang tinirhan niya ng halos labing walong taon, ang bahay na puno ng mga ala ala nila ng kanyang ama.
Hindi niya ininda ang mataas na takong ng kanyang sapatos at mabilis na humakbang. Subalit bago pa siya makalabas ng tuluyan ay siya namang pagpasok ng dalawang bagong dating na namumukhaan niya.
"Cameron...? It's really you!" manghang bulalas ng babae at lumapit kay Cameron. "Are you going home? Kakarating lang naming ni, Rave," tukoy nito sa lalaking kasama.
Cameron smiled awkwardly at the two. Dati niyang kaklase ang dalawa sa law school at dahil pareho ang ginagalawan nilang industriya ng pamilya ng kanyang ama ay kakilala rin ni Francine ang mga kakilala niya.
"Actually—" Hindi niya naituloy ang sasabihin ng biglang kumapit si Joyce sa kanyang braso at hinila siyang muli papalapit sa bahay.
"Let's catch up, matagal din tayong hindi nagkita at nagkausap," anito na ngumiti kay Cameron. Gustong singhalan ni Cameron si Joyce subalit wala siyang nagawa kundi sumunod dito, halos hilahin na nito ang kanyang braso.
Sa panggilalas niya ay tinatahak nila ang direksiyon patungo sa kanyang dating ex-boyfriend at sa kanyang step-sister. Hindi kaagad sila nakita ng mga ito dahil may kausap ang dalawa na ilang kaibigan at kakilala.
I'm so dead! bulong niya sa isipan at sinikap na ayusin ang emosyon sa mukha.
"Congratulation, Francine," bati ni Joyce sa malakas na tinig. Gustong sabunutan ni Cameron ang babae, kung hindi dahil dito ay hindi siya masusuong sa ganoong sitwasyon at nakaalis na sana sa lugar na iyon.
"Thank you," sagot ng kanyang step-sister. Lumapit ang mga ito sa kanila, nakaabresiyete si Francine sa kanyang dating kasintahan na nakatitig sa kanya.
Ganyan nga, titigan mo ako, gago! Mas maganda ako kaysa sa bruhang 'yan!
"Congratulations to you two." Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sa dalawa.
"Hello there, Cameron, thanks." Humilig pa ito sa balikat ng fiancée. "I remember you telling me that you'll bring your fiancée with you," dagdag ng kanyang step-sister na nilakasan ang boses. Napatingin sa kanila ang mga tao roon.
"Really, she has a fiancée?" manghang usal ni Ryle—ang kanyang walanghiyang ex. Tila ba hindi ito makapaniwala na may fiancée na siya, ang kapal ng mukha ng bruho!
"She said so," sagot ni Francine na nagkibit ng balikat at muling tumingin sa kanya.
"What is that wench doing here?!" Binalingan ni Cameron ang nagsalitang iyon at nakita ang kanyang step-mother na madilim ang mukha habang nakatitig sa kanya. Nang makalapit ito sa kinaroroonan nila ay humalukipkip ang ginang at tinaasan siya ng kilay.
"Good evening, Tita," aniya sa madiing boses. Ikinuyom niya ang mga kamao at inihanda ang sarili sa maaaring mangyari. Hindi na sana siya nagpunta roon ngunit hindi siya tatahimik sa isang tabi at hahayaan ang mga itong pahiyain siya.
"I invited her, Mom. She's supposed to be with her fiancée, our little Cameron is engaged too," Francine announced in a mocking voice.
"Really?" wika ni Feliza sa mapang-uyam na tono. "And where is he now?"
Gustong lumubog ni Cameron sa kinatatayuan dahil sa embarassment. Halos lahat ng tao roon ay natigil sa mga ginagawa at nakatitig sa kanilang direksiyon. Halos lahat ay kilala niya at nasisiguro niyang namumukhaan din siya ng mga ito. Mga prosecutors, lawyers, judge at ilang businessman ang mga bisita nina Francine at Ryle.
Wala sa loob na nagawi ang kanyang paningin sa direksiyon ng pinto. Tila may umilaw na bombilya sa kanyang ulo nang makaisip ng maaaring solusyon sa kanyang problemang kinakaharap.
Umunat ang kanyang labi sa pagkakangiti at naglakad palapit sa taong iyon na kakapasok pa lamang. "Honey!" tawag niya rito at yumapos dito na nabigla sa kanyang ginawa. Tumingin siya kay Attorney Red Sanford at alanganing ngumiti. "Just this once, I'll do whatever you want me to do," she murmured in between her teeth.
Ibinalik niyang muli ang pagkatamis-tamis na ngiti at hinila ang abogado palapit sa kinaroroonan ng kanyang madrasta at anak nito. Ipinagpasalamat niyang sumunod pahakbang sa kanya ang lalaking hila.
"This is my fiancée, sorry he's late, he's quite busy with work," anunsiyo niya sa mga ito na biglang natigilan at napatanga sa binatang kasama niya.
"You're her fiancée, Attorney?" tanong ni Francine na siyang unang nakahuma.
Namawis ang kamay ni Cameron sa itinanong ng kapatid, pati kilikili niya siguro ay namamawis habang hinihintay ang isasagot ni Red. Hindi siya makatingin sa abogado dahil ayaw niyang madismaya at baka lalong sumama ang kanyang pakiramdam.
Hinanda niya ang sarili sa kahihiyan ngunit hindi nangyari ang kanyang inaasahan.
Hindi niya maiwasang mapakislot nang dumapo ang palad ni Red sa kanyang likod. Bukas sa likuran ang suot niyang evening dress kaya nararamdaman niya ang mainit nitong palad na nakalapat sa bahaging iyon ng kanyang katawan.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng biglang hawakan ng isang kamay ni Red ang kanyang mukha at idinikit ang mga labi nito sa kanya. Singhap at bulungan sa paligid ang tanging maririnig dahil sa ginawa nito.
Si Cameron ay mariing ipinikit ang mga mata at pinigilan ang mga kamay na itulak ang binatang walang pakundangang humalik sa kanya.
Nang tapusin ni Red ang halik ay biglang nagmulat ng mga mata si Cameron. Nabungaran niya ang abogadong nakatunghay sa kanya at nakataas ang sulok ng mga labi. Napakislot siyang muli nang lumapat ang daliri nito sa kanyang pisngi at ayusin ang kanyang buhok.
"I miss you, honey," anito na nagpawala sa katinuan ni Cameron. Nakanganga siya rito habang nakatitig sa mga mata nitong kakulay ng kape.
"I... I miss you too," usal niya na tila wala sa sarili.
Tikhim mula kay Ryle ang pumukaw sa pansin ng dalawa. Nag-iinit ang mukha ni Cameron dahil sa ginawa ni Red.
"Congratulations," mapait na bati ni Francine sa kanila at hinila na paalis ang fiancée nito.
"Wench," bulong ng kanyang step-mother bago humakbang paalis.
Gustong humalakhak ni Cameron nang makita ang pagkatalo sa mukha ng dalawa, ngunit ayaw niyang mabansagang baliw kapag ginawa niya iyon.
Nagpasalamat si Cameron kay Joyce at sa kasama nito na siyang pinakamalapit sa kanila nang batiin sila ng dalawa. Kahit na gusto niyang hilahin ang mukha ng dating kaklase.
Nginitian niya ang mga taong bumati rin sa kanila ni Red at ang mga napapatingin sa kanila. Hindi rin siya kumalas mula sa pagkakapit sa braso ng abogado at sumunod dito nang makakita ito ng kakilala. Hindi rin naman siya nito tinataboy kaya nagkalakas siya ng loob na bumuntot dito hanggang matapos ang party.
Hinayaan niya si Red na makipag-usap sa ilang mga abogado habang nanatili siya sa tabi nito.
"How did you two met?" hindi mapigilang usisa ng isang abogadong kasama nila sa lamesa.
"We met at my friend's café. He save my life," agap niya sa tanong ng lalaki. Tumango tango ang mga naroon at binati sila ni Red na walang imik sa kanyang tabi. "Thank you," aniya na kinakabahan. Gusto niyang tumalilis paalis ngunit hindi niya puwedeng gawin iyon dahil magtataka ang lahat.
"If you'll excuse us, ladies and gentleman," ani Red at hinila patayo ang dalaga. Humakbang palabas sa bahay ang binata habang nakasunod si Cameron dito.
"Slow down!" Hila-hila siya ni Red hanggang sa makarating sila sa tapat ng sasakyan nito.
"Get in!" mariing utos nito kay Cameron. Wala siyang nagawa kundi ang sumakay sa sasakyan ni Red nang buksan nito ang pinto.
Dala niya ang kanyang sasakyan subalit kinakabahan siya kay Red kaya tumalima siya sa gusto nitong mangyari. Pagkaupo nito sa driver's seat ay pabagsak na isinara ng abogado ang pinto ng sasakyan kaya napapitlag siya. Humigpit ang kapit niya sa seatbelt nang makita ang kaseryosohan sa mukha nito.
Walang sali-salitang pinaandar ni Red ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.
"I'm sorry and thank you," wika niya habang nasa daan na sila. Ang dami na niyang utang dito, ni hindi pa nga siya nakakabayad sa pananakit ni Terry rito. "Tell me what I need to do to pay you. Kahit ano, pero kung pera installment lang ang kaya ko sa ngayon. You see, what happened earlier, ahm... I'm sorry I jump to you. Ikaw lang ang naisip kung paraang upang makaahon sa lusak ng pagkapahiya. I'm really thankful—"
"Ang ingay mo!" sita ni Red sa dalaga habang nakatitig sa kalsada.
Umikot ang mga mata ni Cameron. "Nagpapasalamat lang, eh. You save my life back there... Aray!" daing niya. Bahagya niyang inangat ang paa at tinanggal ang pulang sapatos. Nagkaroon siya ng paltos, minasahe niya ang paa upang mabawasan ng kaunti ang hapdi. Hinihipan niya iyon nang biglang tumigil ang sasakyan. "Aray! Dahan dahan naman," reklamo niya na muntik nang tumama ang mukha sa kanyang paa.
Hindi ito sumagot o nilingon man lang siya, binuksan ang pinto sa direksiyon nito at lumabas ng sasakyan. Nakakunot ang noong sinundan ng tingin ni Cameron ang abogado, tumigil sila sa isang pharmacy at iyon ang sinadya nito.
Hanggang sa makabalik ito sa loob ng kotse ay nakakunot ang kanyang noo. "Give me your legs," Red muttered in a serious voice.
"B-bakit? Anong gagawin mo sa 'kin?" tanong niya na kinakabahan. Hindi naman siguro ito maniac, maganda naman itong lalaki, mayaman at sikat, ang mga babae mismo ang tatalon sa kama nito.
Red tsked and grabbed her feet. Akala niya ay kung anong gagawin nito, kinuha lang pala ang kanyang paa upang malagyan ng ointment ang kanyang paltos.
Inaayos niya ang damit dahil nalihis iyon, mahaba pa naman ang slit ng kanyang suot kaya malaya nitong nakikita ang kanyang hita. Naiilang siya sa ginawa nito ngunit hinayaan niya ang binata. Nang matapos ito doon ay sa kabilang paa naman ang nilagyan nito ng ointment at tinapalan ng band aid.
Tila may humaplos na mainit na bagay sa puso ni Cameron habang nakatitig sa mukha ni Red na seryosong nakatunghay sa kanyang paa.
Nang matapos ito sa ginagawa ay umayos siya ng upo at iniwas ang kanyang mga mata rito. Tahimik na naman ito habang nagmamaneho ngunit ngayon ay nakakunot na ang noo hindi kagaya kanina na walang reaksiyon.
Hanggang sa makarating sila sa bahay ni Pauleen na hindi na niya pinagtakhan kung bakit alam nitong doon siya nakatira. Doon sa lugar lang namang iyon nadisgrasya ito ni Terry, mabuti nalang at hindi nabasag ang bungo nito.
Hindi muna siya lumabas ng sasakyan at naghintay ng sasabihin nito. Surely, he had something to say after what she had done. Ang mga kakilala nito at kakilala niya ay narinig ang mga pagsisinungaling niya.
Ngunit hindi ba't sumabay rin naman ito sa palabas niya? Ganoon naba ito ka matulungin sa kapwa? Gusto niyang mapangiwi sa naiisip.
"I'll call you Ms. Montgomery," malamig na wika nito. Tumingin si Cameron dito at napalunok habang tumatango. "You'll pay me with your body," dagdag ni Red na nagpabagsak sa panga ni Cameron. Natulos siya sa kinauupuan at nanindig ang balahibo sa katawan.