NAGNGINGITNGIT ang loob na ipinasok ni Cameron sa washing machine ang mga puting damit. Sinamaan niya ng tingin ang polo na nadampot bago padabog na ipinasok doon.
Lumiban siya sa trabaho para lang maglaba ng mga damit at maglinis ng malaking bahay.
"You'll pay me with your body," she muttered, mimicking Red's voice. Inikot niya ang mga mata at muling itinuon ang pansin sa mga nilalabhan.
Dalawang araw na ginulo ng mga salitang iyon ang kanyang isipan. Kung anu-ano na ang pumasok sa kanyang maduming utak dahil sa mga binitawang salita ng antipatikong abogadong iyon.
Nakahanda na siyang pumasok sa trabaho kanina nang makatanggap ng tawag mula kay Red. Nagdalawang-isip siya kung sasagutin ang tawag nito, ngunit sa huli ay wala siyang magawa kundi sagutin iyon. Pinangangambahan niyang i-report siya nito sa mga pulis.
Puno ng kaba ang kanyang dibdib nang papuntahin siya ni Red sa address na ibinigay nito sa kanya. Hinanda niya ang sarili sa akala niyang gusto nitong mangyari. Matanda na naman siya para gawin ang bagay na iyon. Her biological clock is ticking and it's not bad to give her innocence to Attorney Red Sanford. Hindi na siya lugi sa abogado.
Halos hindi siya humihinga sa harapan ni Red kanina, akala niya ay mahihimatay siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso.
Ngunit nagkamali siya ng pag-interpreta sa sinabi nitong babayaran niya ng kanyang katawan ang mga utang niya rito. Bumagsak ang panga niya ng sabihin nito ang mga kailangan niyang gawin. Hanggang sa makaalis si Red ay hindi parin rumehistro sa kanya ang sinabi nito.
She needs to clean the whole house, wash the dishes and do the laundry. Kahit hindi niya gustong gawin ang pinapagawa sa kanya ay wala siyang pagpipilian.
Habang naghihintay sa mga labahing nakasalang sa washing machine ay inilabas niya ang cellphone mula sa kanyang bag. Bumuga siya ng hangin nang mabasa ang mga mensaheng mula sa kanyang mga katrabaho. Hinanap siya sa firm, siguro'y may ipapagawa na naman ang mga ito sa kanya.
She wanted to loathe the world for being so unfair, the rich took all the privileges and the credits that others worked hard for. Halos ang mga kasamahan niyang abogado sa firm na pinagtatrabahuan ay nagmula sa mayayamang pamilya, ang iba palagi ang napupuri sa mga bagay na ginawa niya. Siya ang napapagalitan sa mga kapalpakan ng mga ito at palagi nalang siyang inuutusan kahit pantay lang ang kanilang posisyon.
Makahanap lang siya ng pagkakataon ay aalis talaga siya roon. Marami namang mga law firm na nangangailangan ng abogado, maaari rin siyang magtayo ng sarili niyang opisina.
Binuksan niya ang mensaheng mula sa kanyang kliyente. Sarado na ang kaso nito at ipinapahayag ang pasasalamat sa mensahe. Nakumbinsi niya ang dating kasintahan ni Justin na hindi sinadya ang pagtatagpo ng dalawa, handa namang magbayad ng danyos ang kanyang kliyente kaya napapayag niya ang kabilang panig na makipag-areglo.
Pagkatapos sagutin ang mensahe ay pinatay niya ang cellphone upang hindi makatanggap ng anumang tawag mula kanino.
Halos tanghali na ng matapos siya sa paglalaba sa mga damit ni Red. Ipinagpasalamat niyang wala iyong mga undergarments, may hiya pa ito sa katawan. Kung meron man ay baka natapon na niya iyon sa pinakamalapit na basurahan.
Ibinagsak niya ang sarili sa mahabang sofa sa loob ng living room. Sandaling inilatag ang nahahapong katawan.
Paano niya lilinisin ang bahay nito na pagkalaki-laki? "Ang daming pera walang katulong," palatak niya.
Kanina pa siya nakatitig sa kisameng pagkataas-taas habang nakalaylay ang kamay sa sahig na para bang may makikita siya roong butiki. Tinatamad siyang bumangon at maglinis.
Pagkaraan ng ilang sandali ay iinot-inot na tumayo si Cameron mula sa pagkakahiga at sinumulang linisan ang pagkalawak lawak na sala na halos walang kagamitan. Pinagpagan niya at nilinis ang mga alikabok dahil wala namang kalat doon.
Bandang alas-tres na siyang natapos sa paglilinis, ang mga hugasin naman ang kanyang hinarap. Kaunti lamang iyon kaya madali lang niyang matatapos.
"Shit!" bulalas niya ng dumulas ang isang kulay pink na mug sa kanyang kamay at nahulog sa sahig. Nabasag iyon at tumilapon ang mga bubog.
Umuklo siya at dinampot ang basag na mug. Dahil sa katangahan ay nasugatan ang kanyang daliri, napangiwing hinugasan niya iyon at sinipsip ang dugong lumalabas. She rolled her eyes afterwards, what a cliché.
Nang maalala niyang may tinatawag palang walis at dustpan ay nagmamadaling kinuha niya ang mga iyon sa pinaglagyan niya kanina.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makabalik sa kusina at maratnan doon si Red na nakatunghay sa basag na mug habang madilim ang mukha.
Nakagat niya ang ibabang labi nang bumaling sa kanya ang matatalim nitong mga mata. The shade of his hazel became darker.
"I... I'll compensate for it," aniya sa garalgal na tinig.
"You can't," he muttered coldly. Malalaki ang hakbang na lumabas ito ng kusina at inakyat ang grand staircase patungo sa ikalawang palapag.
Napapitlag si Cameron nang marinig ang malakas na pagbagsak ng isinarang pinto. "Para mug lang eh," bulalas niya at napanguso habang nililigpit ang basag na mug.
Hindi niya mapagdesisyonan kung uuwi naba o kakausapin ito. Mula nang pumasok si Red sa loob ng silid ay hindi na ito lumabas. Paano kung tuluyan itong nagalit sa kanya at sampahan siya ng kaso? Ayaw niyang magka-record, makakasira iyon sa reputasyon niya. Dahil lang sa walanghiyang Terry na 'yon, titirisin niya talaga ito!
Nagpalakad lakad siya sa harap ng silid ni Red at iniipon ang lakas ng loob. Pagkuwan ay itinaas niya ang kamay at akmang kakatok sa pinto nang bigla iyong bumukas.
Bumungad kay Cameron ang walang kaemo-emosyong mukha ni Red.
"Follow me," he said coldly. Gusto niya tuloy iyakap ang mga braso sa katawan dahil sa lamig niyon.
Wala siyang magawa kundi sumunod rito nang lumakad ito pababa ng hagdan at dumiretso palabas ng bahay. Isinara niya ang pinto ng bahay pagkatapos ay nagmamadaling sumakay sa sasakyan nito nang marinig ang malalakas na busina. Muntik pa siyang matalisod dahil sa taas ng kanyang takong na paborito niyang suotin.
Walang imik na minaniobra ni Red ang sasakyan paalis. Binabaybay nila ang mahabang highway at hindi mapakali si Cameron sa kinauupuan.
Nang hindi matagalan ang katahimikan ay ibinuka niya ang bibig upang magtanong, "saan tayo pupunta?" Walang tugon mula kay Red na mahigpit ang pagkakahawak sa steering wheel at nakatutok ang mga mata sa daan.
Muling natahimik si Cameron at piniling ibalik ang pansin sa labas ng bintana. Subalit agad ding bumalik ang pansin niya rito nang makita ang iniumang nitong isang folder. Kinuha niya iyon mula kay Red at lumalim ang gatla sa noo ng mabasa ang laman niyon.
Isa iyong case file ng arson. Isang pagawaan ng sapatos ang sinunog at isang babae ang itinuturong may gawa ng krimen. Kasalukuyang nakaratay sa ospital ang nasabing babae dahil sa lapnos na katawan, tinamaan rin ang spine nito kaya hindi na halos mapakinabanggan ang katawan.
Hanggang sa mangalahati siya ng basa ay nakakunot parin ang kanyang noo, binalingan niya si Red upang magtanong. "Why are you handling this to me?" Confidential ang mga ganoong impormasyon.
"You think she caused the fire?" tanong nito sa halip na sagutin siya.
Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin kay Red at sa mga dokumentong hawak. "May mga ebidensiyang nagtuturo na siya ang may-gawa. The CCTV footage filmed her pouring the gasoline around the shop. Why are you asking me this?" she asked puzzlingly.
"There's a witness. An old man in his fifties, he used to be the shop's cleaner. He disappears after the incident. The camera caught him at the shop before the fire broke out. Wala siya sa listahan ng mga namatay," he answered in a flat tone.
Hindi niyon nasagot ang mga katanungan niya. Halos magkapalit na ang kanyang mga kilay sa pagkakakunot.
"You'll convince him to testify," he added in a monotone.
"Bakit ako?" Napataas ang kanyang boses dahil hindi niya inaasahan na sasabihin nito iyon. Hindi ito sumagot sa kanya at nakatuon lang ang buong pansin sa daan. Mukhang wala itong balak na kausapin siyang muli.
Nagrerebelde ang kanyang kalooban at gusto niya itong singhalan. Ngunit may magagawa ba siya kung hawak siya nito sa leeg?
Lukot ang mukha at nakausli ang mga labi na binuklat niyang muli ang case file upang pag-aralan.
Hindi na niya pinansin ang katabi dahil wala rin naman itong balak na pansinin siya.
Pag-angat niya ng tingin mula sa binabasa ay madilim na sa labas. Wala naring mga gusali sa magkabilang gilid ng daan sa halip ay pumalit doon ang mga nagtataasang puno at mga palayan na abot hanggang dako pa roon na bahagya lang niyang naaninag sa kadiliman.
Nang tumunog ang kanyang sikmura ay mariin siyang napapikit dahil nasisiguro niyang narinig din iyon ni Red. Napahawak siya do'n at dahan-dahang lumingon sa direksiyon ng kasama. Hindi pa rin siya nito pinapansin, nakakunot na ang noo nito ngayon habang nagmamaneho.
Napangiwi siya nang muling tumunog ang tiyan, nagugutom na talaga siya, ang huling kain niya ay kanina pang umaga. Mukhang wala namang pakialam sa kanya ang kasama kahit mamatay man siya sa gutom.
Pagkaraan ng ilang sandali ay may mga kabahayan na siyang nakikita at maliliit na gusali. Nasa isang probinsiya sila, doon ang hometown ng matandang sasadyain nila at kukumbinsihin niyang magtestigo.
Para siyang nakakita ng mga bituin nang itigil ni Red ang sasakyan sa tabi ng isang restaurant. May kunsensiya parin pala ito kahit papaano.
Nang lumabas ito ay agad siyang sumunod. Kaunti lang ang tao sa loob at hindi gaanong kalakihan ang lugar. Hintuan lang marahil iyon ng mga motoristang kumakalam ang sikmura, kagaya niya na kinakain na ng malaki niyang bituka ang maliliit.
Walang salitang umupo ito sa isang upuan sa may bakanteng lamesa, sumunod siya at naupo sa tapat nito. Agad silang nilapitan ng tagasilbi at hiningi ang order nila, mukhang nag-aalangan pa itong lumapit. Sino ba namang hindi maiilang kung makakita ng isang nakasuit na lalaki doon at walang emosyon ang mukha?
Napaka-pormal ng mukha ni Red na para bang nasa loob ng courtroom.
Ilang sandali pa ay dumating na ang pagkain nila. Agad niya iyong nilantakan at tila ba nawala ang mga tao sa paligid. Gutom na gutom na talaga siya, mauubos niya ang mga pagkaing nasa mesa.
Sandali siyang napatingin kay Red, kumakain din ito bagaman hindi kagaya niya na para bang wala ng bukas. Sure, he eats with gusto but there's still a class on the way he moved and munched his food. He looked out of place in that small restaurant in a remote village.
Nakaramdam siya ng kaunting hiya, tinuloy niya ang pagkain ngunit hindi na kagaya kanina na para bang hinahabol siya ni satanas.
Ito ang nagbayad ng mga kinain nila na ipinagpasalamat niya dahil wala naman siyang dalang pera.
Muli nilang tinalunton ang daan, sa pagkakataong iyon lubak-lubak na ang kalsada. Napakatahimik ng paligid at tanging mga tunog ng kuliglig ang maririnig. Hindi katagalan ay huminto sila sa tapat ng isang maliit na bahay.
Lumabas si Red kaya wala siyang magawa kundi sumunod. Seriously, hindi ba ito natatakot sa lugar na iyon na napakatahimik at madilim? Hindi pa yata naaabot ng kuryente ang bayang iyon.
He knocked on the old-sturdy door but it seemed like no one's there to grace their presence. He tried to knock again and his deep-tight voice echoed in the nocturnal. "Francisco Perez!"
"Wala yatang tao," aniya rito at pinigilan ang braso nito sa pagkatok.
"Mga batang ito at nambubulabog!" Sabay silang napabaling sa nagsalitang iyon. Isang matandang babae na may dalang lampara ang palapit sa kanila. "Aba walang tao diyan. Dalawang araw na ng umalis si Isko at hindi pa umuuwi," imporma ng matanda na nakakunot ang kulubot nitong noo habang nakatingin sa dalawa. "Aba hindi kayo tagarito." Lumapit pa itong lalo at inangat ang lampara upang mabistahan sila. "Nagpapahinga na ang mga tao rito ng mga ganitong oras mga apo at nakakabulabog ang ginawa niyong pagkatok."
"Paumanhin po, Lola," aniya dahil walang balak na magsalita ang kasama. "May sadya po kasi kami kay Francisco Perez, hindi namin intensiyong guluhin ang pagpapahinga niyo."
"Aba kung gano'n ay nasayang ang pagpunta niyo rito dahil wala si Isko."
"Sige po, aalis nalang kami. Maraming salamat po."
Hinila na niya ang kasama paalis nang muling magsalita ang matandang babae.
"Mukhang taga-lungsod kayo, ang layo pa ng pinanggalingan niyo. Iwanan niya nalang ako ng numero at ibibigay ko sa apo kung nasa bayan. Papakontak ko na lamang kayo 'pag nandito na si Isko."
Pagkatapos magbigay ni Red ng business card sa matanda at makapagpasalamat ay umalis na sila ng lugar na iyon.
Muli nilang tinalunton ang madilim na daan at kagaya kanina ay napakatahimik sa loob ng sasakyan. Bakit pa siya isinama nito kung wala rin naman itong balak na kausapin siya? She rolled her eyes in annoyance.
Nakahalukipkip na itinuon niya ang mga mata sa labas ng sasakyan kahit wala siyang nakikita kundi kadiliman. Bahala itong mapanis ang laway at mangalay sa pagmamaneho.
Niyakap niya ang sarili dahil sa lamig at isinandig ang ulo sa sandalan. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang tangayin siya ng antok.