Sanford Series 2 Chapter 8

ISANG malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Red. Kanina pa siya nagmamaneho at nakakaramdam na siya ng pananakit ng likod at balikat. Ang kanyang kasama ay tinulugan siya at naghihilik pa.

Mas mabuti narin iyon kaysa mag-ingay ito. Mas komportable siya sa katahimikan.

Kung hindi lang dahil sa may-ari ng law-firm na kanyang pinagtatrabahuan ay hindi niya pag-aaksayahan ng panahon ang babaeng ito. The renowned lawyer, Anton Carlos Cruz, wanted to scout this careless and crazy woman. He can't even see anything special with her but he can't defy his boss.

Anton Carlos was a family by affiliation. Hindi na iba ang turing ng mga Sanford dito at sa pamilya nito. AC was his role model, he looked up to him. Not just because he received a lot of recognition for his dedication and skills, he respect the old man for his compassion and principle.

Red had the resources and capability to build his own firm or established his own office but he chose to work in his firm. He fancied working with him, AC was his mentor and his friend, though he was almost two decades older than him.

AC asked him to convince this woman to work with them. His reason traced back to history.

The late Prosecutor Peter Montgomery was Anton Carlos' friend and he had promised to look after Montgomery's illegitimate daughter. Naalala lang nito ang pangakong binitawan maraming taon na ang nakakalipas nang makita si Cameron Montgomery sa loob ng courtroom. Inalam ni AC ang nangyari sa buhay ng dalaga, and he wanted her to be part of their team.

She's the gofer of the firm she's working with, she does all the work that others won't do. Red shook his head in disagreement. Some lawyers have no pride.

Kung gano'n naman pala ang trato rito sa pinagtatrabahuan bakit hindi pa ito umaalis? Marami namang ibang firm at institution na puwede nitong pag-aplayan. She won some cases and also lose some, gano'n naman talaga, you can't win all the time.

He took a glance at her direction when she purred in her sleep. Nakabaling ang ulo nito sa kanyang direksiyon habang yakap-yakap ang katawan na para bang lamig na lamig.

Itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng daan at hinubad ang kanyang coat. Itinakip niya iyon sa katawan ng dalaga. He doesn't like her kind but he still had his conscience.

Three types of person that he doesn't like, a liar, a reckless and a crazy person. She may not be a liar but she's reckless and crazy and she's a walking danger. Napahamak siya sa loob ng café dahil dito, nahulugan ng halaman nitong cactus nang puntahan niya ang bahay nito upang kausapin tungkol sa proposal ni Anton Carlos at ang huli ay inanunsiyo nitong fiancée niya ito. She even broke the mug, his last memory of her. Those incidents happened in a span of one week.

Gagamitin niya ang mga dahilang iyon upang mapapayag itong magtrabaho sa kanila. He won't fail Anton Carlos.

Muli niyang itinuon ang pansin sa pagmamaneho. Pagod na rin siya at nagsusumigaw ang kanyang katawan ng pahinga. Ilang araw rin siyang hindi nakakuha ng maayos na tulog dahil sa arson case na hinahawakan. Buo ang kanyang paniniwala na hindi ginawa ng akusado ang pagsunog ng shoe shop.

Lapnos ang katawan ng babaeng sinasabing may gawa ng sunog. Halos hindi narin nito mapakinabangan ang katawan dahil sa napinsalang likod ng tamaan ng bumagsak na kisame. She said that she didn't cause the fire and he believed the young woman.

Ngunit ito ang idinidiin dahil sa ginawa nitong pagsaboy ng gasolina na nahagip ng CCTV. Nakita rin sa camera si Francisco Perez ilang minuto bago mangyari ang pagsunog, wala ang katawan nito sa mga nasawi at bigla nalang naglahong parang bula ang matanda.

Napag-alaman niya mula sa kasera ng apartment na dati nitong tinutuluyan na nagmamadaling umalis ang matanda nang araw ring iyon na nangyari ang sunog na kumitil sa buhay ng anim na tao.

Marahil ay may nakita si Francisco Perez at nagmamadaling makaalis upang magtago para hindi madamay o madawit ang pangalan nito. At iyon ang kailangan niyang alamin. Her client was a young woman, barely twenty, an orphan and she work at the shop as a saleslady. Hindi siya uupo sa isang tabi at hayaang madiin ang isang inosenteng tao. Kahit wala siyang fee na matatanggap sa pro bono case na iyon ay walang pag-aalinlangan na gagawin niya ang lahat ng makakaya upang mapanagot ang dapat managot.

Halos hatinggabi na nang makarating sila sa kanyang bahay na nasa loob ng compound ng kanilang pamilya. Ang mga katabing bahay ng bahay niya ay kung hindi sa kanyang mga kapatid ay sa mga pinsan niya. They had a big family, he grew with up his cousins and they are also his friends. He and his brother, Tyler, had their own house. His mother, Tamara, was an architect and she built that house for him. Tara, his younger sister was living with their parents' house while the other brother-Blue was in the states. Sa ibang bansa nag-aaral ang bunso nila kasama ang kanilang pinsang si Sandor.

Umikot siya sa kabilang bahagi ng sasakyan at binuksan ang pinto sa may passenger seat. Inalis niya ang pagkakabit ng seatbelt ng dalagang mahinang humihilik. Hindi man lang ito naalimpungatan nang kargahin niya sa mga bisig. She even buried her face on his chest and purred like a cat.

Nang makapasok sa kanyang bahay ay inakyat niya ang hagdan at tinungo ang ikalawang palapag. Binuksan niya ang isang guestroom na katabi ng kanyang silid at idineposito ito sa malambot na kama.

Nang mapatingin sa kabuuan nito habang nakahiga sa kama ay hindi niya maiwasang mapailing. She's pretty alright, she had a pair of beautiful creamy legs, her skin was fair and he cannot see any excess fat on her slender body. She's tall, the nose was prominent, her auburn hair was silky, her lips would drive any man mad and they would probably think of the pleasure those lips can give. Dark circles loomed around her eyes, her forehead knitted in her sleep and her snore showed that she's beat.

Umuklo siya palapit kay Cameron at dumako ang mga kamay sa paanan nito upang alisin ang suot nitong sapatos. His forehead wrinkle in dislike when he saw his red shoes. The stiletto was very high that it could twist her ankle.

Saktong mabuhad niya ang mga sapatos nito ay tumagilid si Cameron at niyakap ang malaking unan na katabi. Idinantay pa nito ang isang paa doon kaya nalihis ang suot nitong palda. Red gulp when her thighs were below his eyes and he can even peek at her panties.

Mabilis na dinampot niya ang kumot at kinumutan ang katawan nito.

Nagmamadaling lumabas siya do'n at pumasok sa kanyang sariling silid. He hurried to the shower and take a cold bath.

NAALIMPUNGATAN si Red nang maramdamang may humihila sa kanyang paa. Hindi niya gustong ibuka ang mga mata dahil may pakiramdam siyang hindi pa katagalan nang siya'y makatulog. And the woman in the next room was responsible.

"Fuck!" he cursed. Madilim ang mukha na tinitigan niya ang kapatid na siyang gumambala sa kanyang tulog. "What do you want, brat?!" singhal niya kay Tara.

Imbis na sagutin siya ay kinuha nito ang isang unan at ihampas sa kanyang katawan. "Shit!"

"Who's that woman? May binabahay ka na! May binabahay ka na!" tili nito na patuloy sa paghampas sa kanya.

"Shut up! Pati patay magigising mo!" Kinuha niya ang unan sa kamay nito at itinapon sa isang panig ng silid. Muli siyang tumihaya ng higa at ipinatong ang braso sa noo. "What are you doing here?" tanong niya sa kapatid habang nakapikit.

"Naiwan ko ang sketchpad ko sa kabilang kuwarto. And my god, I saw the woman you brought home. Who is she? Siya na ba ang fiancée mo? Hindi ka na bakla?" tanong nito pagkatapos ay tumawa na parang baliw.

"Fiancee?" he snap. Hindi pinansin ang huli nitong sinabi na ipinang-aasar na nito sa kanya mula ng bata palang ito.

"Uhuh! Your girl friends, admirers, stalkers, or whatever you call it..." she said while rolling her eyes. "...they asked me if the hearsay is true. So, is she the one?" Nagniningning ang mga mata ni Tara at malaki ang pagkakangisi habang naghihintay sa kanyang isasagot.

"Damn!" Dahil sa ginawang eksena nang babaeng iyon sa party na ginanap sa bahay ng mga Montgomery ay nadadawit ang kanyang pangalan. Marami siyang kakilala at mga nakakakilala sa kanya roon kaya hindi nakakapagtatakang lumabas ang bali-balitang may relasyon sila.

Lalong sumakit ang kanyang ulo sa nalaman. Binulabog siya ng kapatid sa pagtulog at ang balitang iyon ang bubungad sa kanya. "Go home!"

Sa halip na sundin siya ay naupo si Tara sa gilid ng kanyang kama at niyugyog siya upang makuha ang kanyang pansin. "Tell me muna kung siya ba. Totoo ba?"

Wala siyang magawa kundi ang tumayo mula sa pagkakahiga, kilala niya ang kapatid hindi ito titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto.

Hinawakan niya sa balikat si Tara at itinalikod sa kanya. Nagrereklamo ito ng iginiya niya ito palabas ng kanyang silid, sa pagbaba sa hagdan hanggang sa palabas ng kanyang bahay.

Nakangusong humarap ito sa kanya nang maihatid niya sa labas. "Kuya-" Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang isarado niya ang pinto. "Kuya, open this door!" Kinalabog nito mula sa labas ang pinto ngunit hindi siya natinag. "Isusumbong kita kina Mommy!"

Muli siyang umakyat sa hagdan at tumuloy sa kanyang silid. He went outside his balcony and inhaled deeply. It's still early and he had slept for four hours. Alas-dos ng umaga na siya nakatutog kanina dahil sa pag-iisip sa babaeng nasa kabilang silid.

Hindi niya alam kung bakit niya ito pinagka-abalahang isipin gayong hindi siya interesado rito. Tanging sexual na aspekto lang ang nahagilap niyang dahilan upang makaramdam ng gano'n kay Cameron Montgomery.

Kung pisikal na aspekto ang pagbabasihan ay pasok ito sa panlasa niya. Tall, slender, firm breast and creamy skin. Pantasya ito ng mga kalalakihan. But she screams trouble. Ngayon palang ay kailangan na niyang iiwas ang sarili rito o hahayaan niya ang pagnanasang mamayani? Nakikinita niyang kayang-kaya niya itong dalhin sa kanyang kama. He can tame the tigress and make her writhe under his warmth. But he won't screw a colleague, makakaapekto iyon sa trabaho nila.

Bumuntung-hininga siyang muli at itinukod ang mga kamay sa railings. Nang magawi ang kanyang tingin sa bahay ng mga magulang, na ilang metro lang ang layo mula sa kanya, ay nakita niya sa may hardin si Tara at ang kanilang ina. Nakatingin si Tara sa kanyang direksiyon habang nakangisi, kapagkuwan ay dinilaan siya ng kapatid and mouthed, lagot ka.

Napailing siya sa ginawa nito. He adores his sister a lot and he can't stay irritated at her for a long time.

Muli siyang pumasok sa loob ng kanyang silid at dinampot ang kanyang cellphone na tumutunog. Nang makitang si Anton Carlos ang nasa kabilang linya ay agad niya iyong sinagot.

"Did you talk to her already?" bungad ng nasa kabilang linya.

Ginulo niyang lalo ang magulong buhok pagkatapos ay namaywang. "I didn't get the chance."

"What took you so long to convince your fiancée?" Anton Carlos asked in a teasing voice. Nakaabot narin dito ang balita.

"Beat me! She's a pain in the ass!" He blew a frustrated breath. The old man in the other line chuckled in amusement. "She's a walking trouble."

"She sure is. She's gorgeous and knowing you're caliber, you bed any woman with a nice pair of legs. But she's a good woman, Tyson."

"She's not on the list. Though pretty, I don't like her!" Tumikhim ang nasa kabilang linya at tila ba hindi naniniwala sa kanyang sinabi. "I'll ask her later." Pinatay na niya ang tawag at muling ibinalik ang cellphone sa bedside table.

Ginawa na niya ang mga kailangan niyang gawin ng umagang iyon at naghanda sa pagpasok sa trabaho. Nang makalabas sa loob ng kanyang silid dala ang attache case ay dumiritso siya sa kusina.

Hinagilap niya ang pink na mug upang pagtimplahan ng kape ngunit hindi niya iyon makita. Nang maalalang nadisgrasya iyon ni Cameron ay nagtagis ang kanyang bagang. That crazy woman ruin everything!

"Hi." Agad siyang bumaling sa may-ari ng boses na iyon habang madilim ang mukha.

Nakatayo sa bungad ng kusina si Cameron at malikot ang mga mata. Hindi niya malaman kung matatawa, mapapangiwi o magagalit nang makita ang itsura nito. Magulo ang buhok ng dalaga na parang bruha.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.