Sanford Series 3 Chapter 10

HAVE you ever felt like you wanted the world to end together with the people living in it because of rage and hatred? That's what she was feeling at this moment. She already knew that she deserved to be forsaken by the world because of her sins. Ngunit hindi lang naman siya ang dapat na makaranas ng gano'n. Hindi niya matanggap na makita ang lalaking siyang dahilan nang kamiserablehan niya'y kung makaasta'y tila walang ginawa sa kanya.

Tumutulo ang pawis sa katawan na lalo niyang hinigpitan ang pagkakaipit sa leeg ng lalaking ka-sparring niya gamit ang dalawang hita. Ito ang napagbuntungan niya sa lahat ng sama ng loob na naipon sa kanyang dibdib nitong mga nakaraang linggo at sa mga nakaraang taon pa. Sinubukan nitong alisin ang pagkaka-choke niya ngunit pulido ang rear triangle choke technique na kanyang ginamit rito na nakabisa na niya sa limang taon na paju-jiu jitsu kaya hindi ito makawala. Hindi katagalan ay tinapik ng ka-sparring ang kanyang hita tanda ng pagsuko.

Hinihingal na pinakawalan ni Sabrina ang leeg nito at napasalampak ng higa sa mat. Ganoon din ang ginawa ng ka-sparring niya habang may kasabay na ubo ang paghingal.

"You nearly killed me," ang mahinang sabi nito ngunit wala namang pang-aakusa sa tinig. Kasabay ng pag-iling. "Is it about him again?"

Sabrina did not answer his question and sat before getting to her feet. She walked towards her gym bag and drink from her canister, she needed fluids to replace the ones she excreted after their jiu-jitsu sparring.

She goes to a gym once a week, she needed a little break after her tough job that almost drained her, physically and emotionally.

"Did you beat him up? Don't tell me you ran him over with your car? Baka tinulak mo siya sa hagdan?" he said in a mixture of sarcasm and wonderment.

Wala pa ring tugon mula kay Sabrina na inihagis sa mukha nito ang face towel na ipinang-punas niya sa pawisang mukha at mga braso. Sapol ang mukha nito na napamura dahil sa kanyang ginawa.

Bitbit ang bag ay nilakad ni Sabrina ang patungo sa shower area upang makapaglinis ng katawan. While in the shower she remembered the reason why she was in the gym right at that moment even though it wasn't her scheduled day of going. She wanted to release all the frustrations she had and let off some steam.

She had been stressed out these past few weeks because of their shipment that gone to waste. Apollo was giving her a hard time every single day, he raised his voice at her, he scolded her, he rushed her, he exasperates her in general, be it at work or at a personal level. It makes her hate him more.

Like the usual, she did not disclosed what she overheard on the conversation of her father and Mr. Dela Merced. Gaya ng kanyang inaasahan ay nasisi siya sa pagpapabayang ginawa niya. Pagkatapos magpatawag ng meeting ang board kinabukasan nang mapabalita ang mapabalita ang nangyari sa barko ay pinagalitan siya ni Apollo. Siyempre ay hindi siya nagpatalo rito kahit pa ito ang kanyang direct boss, dinepensahan niya ang sarili. Ginawa naman niya ng maayos ang kanyang trabaho, hindi niya kasalanan na masamang tao ang kanyang ama at duwag siya. Kung tutuusin ay isa si Apollo sa mga dahilan kung bakit marami siyang mga bagay na hindi kayang gawin at sabihin.

Nasampahan din ng kaso ang kompanya dahil sa paglabag nila sa patakaran para sa shipment ng mga exported goods. She was teaming up with the legal team of the company to clear the charges against them.

Nang araw na iyon ay kumuha siya ng day-off kahit pa maraming gagawing trabaho sa kompanya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makakatagal ng isa pang araw na nakikita si Apollo at baka masuntok na niya ito. Halos araw-araw siya nitong pinapatawag sa opisina nito sa loob ng halos tatlong linggo upang pagsabihan at paalalahanan tungkol sa palpak na trabaho ng departamento nila. Pinapaalala sa kanya ang mga kailangan niyang gawin na para bang hindi niya alam ang mga 'yon.

Isang marahas na buntung-hininga ang pinakawalan ni Sabrina bago ini-off ang shower faucet. Nang makapagpalit ng komportableng damit ay agad siyang lumabas ng gym at tinungo ang parking lot. Nagkakabit na siya ng seatbelt nang maramdaman ang pagbukas ng pinto sa may passenger's seat at ang paupo ng kung sinuman sa kanyang tabi.

Marahas na binalingan niya ito at malamig na tiningnan sa mga mata.

"Hitchhike!" he said breezily and grinned at her widely.

"Get out, Alson Rye." Ngunit tila walang narinig ang lalaki, kinabit ang seatbelt sa katawan at napaka-komportable ng upo. Naikuyom na lang niya ang kamao dahil alam niyang hindi niya ito mauutusan na gawin ang bagay na gusto niya. Ito lang ang natatanging tao na kaya siyang suwayin. Marahil ay dahil hinahayaan niya rin ito?

She met Alson Rye Villarama two years ago at the gym. Alson Rye was a cousin of Apollo Sanford and the younger brother of Lucas Nicholai Villarama who had been a friend to her when she and Apollo were still together. But when her romantic relationship with Apollo met its end, she also kept herself away from the people who had a deep connection with him.

At first, she doesn't have an idea that Alson was connected to Apollo. Nalaman niya nang makita ito sa anibersaryo ng kompanya noong taon ding iyon nang makilala niya ito. Hindi naman niya maiwasan si Alson dahil tila hindi ito naaapektuhan sa ugali niya. Malinaw pa niyang naalala nang una silang magkita, sinabihan siya nitong masungit nang hindi niya ito pinansin nang kausapin siya nito. Hinamon pa siya ni Alson sa isang duwelo ng jiu-jitsu.

"So how is it going with my idiot cousin?"

Wala araw na hindi pinagsisihan ni Sabrina ang pagsabi niya kay Alson nang nangyari tungkol sa kanila ni Apollo, bagaman ay hindi lahat. There was a night where she got wasted in a bar, it was a coincidence that she met Alson inside. She was drunk and he had to drop her off to her house, along the way, she was mumbling on her sleep. Kapagkuwan ay naalimpungatan siya at naunang magsalita ang kanyang bibig kaysa sa isipan kasabay nang pagdaloy ng mga sutil luha mula sa kanyang mga mata.

Kaya siguro hinayaan niyang maging malapit kay Alson dahil nakita siya nito na mahina. She had shown him the weakest part of her, though it's not the deeper than necessary, what he had seen and heard was just the tip of the iceberg.

"Nothing new," she indulged him.

"You know what, Sab, you can't move forward with a big stone in your heart because it is heavy and it is stopping you. You said you already moved on but I don't think so. Forgiveness is a part of moving on."

Lalong nag-isang linya ang mga labi ni Sabrina sa narinig. Minsan lang niyang marinig ang mga gano'ng salita kay Alson. And he was way younger than her to say those words, he was barely twenty-two.

"It's better you shut your mouth," she said indifferently.

"You know you can't avoid him forever. You can't forever keep the hatred you have for him in your chest, you will remain miserable. Don't you want to be happy?" Alson asked puzzlingly.

"I am bound to be miserable."

"Come on! No one's bound to be reasonable," he exclaimed and raised an eyebrow.

Hindi na sumagot si Sabrina hanggang sa maibaba na niya ito sakayan ng taxi dahil ibang daan ang tatahakin nito pauwi.

Pagkahinto pa lang niya sa sasakyan sa labas ng kanyang bahay ay agad niyang nakita ang pamilyang kapitbahay niya. Nagkakabit ang mga ito nang dekorasyon para sa pasko sa paligid ng bahay. Pinagmasdan niya ang mga ito na may mga ngiti sa mga labi, larawan ng isang pamilya. Gano'n sana sila ni Apollo kung hindi lang ito gumawa ng ikakasira nila.

Mabilis na ipinagpag ni Sabrina ang mga ala-ala ng nakaraan sa isipan. Marahas niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob ng kanyang bahay. Agad siyang dumiretso sa kanyang silid at humilata sa kanyang kama. Pagkalipas ng ilang sandali ay dinampot ang librong nasa bedside table na inilagay niya roon kagabi at ipinagpatuloy ang pababasa.

Nang makaramdam ng gutom ay tumungo siya sa ibaba at nagluto nang makakain. Nang matapos ay dinala na iyon sa may sala, nanood ng TV habang kumakain.

NAWILI sa panonood sa isang discovery channel si Sabrina kaya nanatili siya sa sala hanggang sa dumilim. Isang katok ang umabala sa kanya na siyang nagpakunot ng kanyang noo.

Palagi niyang ipinagtataka kada may kumakatok sa kanyang pinto, lalo na kung alam niyang hindi naman siya nagpapadeliver ng pagkain. For the past years, no one visited her in her house. Kaya parang nahuhulaan na niya kung sino ang kumakatok.

Tama nga siya, pagbukas niya ng pinto ay ang kapitbahay ang kanyang nabungaran. Hindi nag-iisa si Vodka dahil kasama nito ang isa nitong anak na hindi niya alam kung sino sa triplets.

"Hi. Martini insisted on giving you these cookies, I baked it, I hope you don't mind," ang nakangiting sabi ni Vodka.

Napatingin si Sabrina sa bata, na si Martini pala, nakangiti ito sa kanya na abot hanggang tainga. Kapagkuwan ay tinanggap ang isang jar na naglalaman ng mga cookies, binuksan ng malaki ang pinto at pinapasok ang mag-ina.

Inanyayahan niya ang mga itong maupo at tinikman ang binigay ng mga ito dahil nakatingin sa kanya ang dalawa at parehong may ngiti sa mga labi.

"Is it yummy po?" Martini asked cheerfully and in a high-pitched voice. He seemed very excited and Sabrina almost smiled because the boy's beam was contagious.

"Yes," sagot niya sa tanong ng bata. "Thank you," she said to him and to Vodka.

An awkward silence filled the living room when Martini got off the sofa and looked around her house. She was left with Vodka who had become quiet for seconds.

"How long have you been living here?" Vodka asked.

"Almost nine years," she answered in monotone.

"Oh, it's been a long time, sabagay maganda naman dito. My husband chose to live here because this place is children friendly and convenient. My husband and my work are here in the city and the kids' already started schooling. We lived in the outskirts of the city before settling here."

Tumango-tango si Sabrina sa narinig. "How old are your kids?" tanong niya upang may mapag-usapan habang nakatingin kay Martini na nasa isang panig ng kanyang bahay,

"They're five, it is hard raising three boys. Martini's the friendliest among them, perhaps he likes everyone, he's sometimes playful though, he loves to hide. Brandy has a different level of playfulness, he's naughtier than Martini. But the oldest of the triplets, Whiskey... well he was only a minute older... he was the opposite of the two. He was often quiet and he loves to read a lot."

Napatingin si Sabrina sa mukha ni Vodka, kagaya ng boses nito ay makikita ang kasiyahan sa mukha ng babae habang ikinukuwento ang mga anak. "You can name your fourth child Tequila," she joked with a straight-faced.

Lalong lumapad ang mga ngiti sa mga labi ni Vodka, pati mga mata ay kumikinang habang hinihimas ang tiyan. "I'm two months on the way."

"Oh! Congratulations." Sabrina was happy for her, parang nasasabik din siyang malaman kung ano ang ipapangalan nito sa magiging anak. But at the same time, she also envied her for what she had in her life. She had a happy family, three adorable children, and the other one was on the way, and she had a husband.

"Thank you."

Talking to Vodka had been fun like she never expected because she was good at pushing people away and torturous at the same time. She kept on thinking about the life she should have at this point of her life if everything had gone smooth with Apollo. Kung ano ang buhay niya kung hindi siya nito niloko.

"Can I get a hug, Ms. Pretty Masungit ng slight?"

Pinigilan ni Sabrina ang ngiti dahil sa itinanong ni Martini nang paalis na ang mga ito. Sinaway naman ito ni Vodka dahil sa pangalang itinawag sa kanya. She didn't mind it though, the kid was very adorable, and his smile can charm anyone.

Umuklo si Sabrina at niyakap ang bata, napakagat labi siya nang halikan nito ang kanyang pisngi bago kumawala. Humawak sa kamay ng ina at lumabas ng kanyang bahay.

Nanghihinang napasandal siya sa pintuan at hindi maiwasang malungkot at magalit sa isang taong siyang sumira ng lahat sa kanya. Inilabas niya ang cellphone na nasa kanyang bulsa at nagpadala ng isang mensahe sa numerong naka-phonebook sa pangalang office.

"Asshole!"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.