Sanford Series 3 Chapter 11

KINABUKASAN ay naratnan ni Sabrina sa loob ng kanyang opisina si Apollo. Nakatayo ito malapit sa salaming dingding, nakapamulsa habang nakatingin sa labas niyon. Alam niyang naramdaman nito ang pagpasok niya ngunit hindi ito lumingon sa kanyang gawi.

Kalmadong isinarado ni Sabrina ang pinto at lumakad patungo sa kanyang lamesa. Inilagay niya ang bag sa ibabaw ng lamesa at binuksan ang computer. Nakahanda na ang mga dokumentong kailangan niyang pag-aralan ngayong araw, marahil ay inayos na iyon kahapon ng kanyang sekretarya dahil hindi pa ito dumadating.

Maaga siyang pumasok dahil nang magising kaninang madaling araw ay hindi na siya nakabalik ng tulog. Ipinagtataka niya kung bakit naroon si Apollo ng ganoon kaaga, halos wala pang mga empleyado sa kompanya. Mga isang oras pa bago ang office hours.

"May kailangan ka ba, Mr. Sanford?" ang malamig niyang tanong dito nang hindi man lang ito tinatapunan ng tingin.

Naikuyom ni Sabrina ang kamao nang lumakad ito palapit sa kanyang kinaroroonan at umupo sa gilid ng lamesa at nakatunghay na ngayon sa kanya.

"Good Morning, Sab. Have you had breakfast?" he asked and smiled at her.

Mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel at pagkatutok ng mga mata sa monitor ay nagtaas ng tingin si Sabrina kay Apollo. "What do you want, Sir? I have a job to do and you are disturbing me. I'll appreciate it if you will get out of my office right now," she said unabashedly. The fact that Apollo Sanford was her boss and one of the higher-ups, not to mention that he was the heir of the company if ever his father, Alexander Sanford, will retire. To her, he was nothing but a loathsome person.

Apollo sighed wearily and a sad smile appeared on his lips as he stared at her in the eye. He saw nothing but coldness and hatred from the depth of it. "Can't we be friends, Sab?" Sabrina was his friend first. He silently yearned for those days they were still together, as friends and as lovers. Nang makita ang sagot sa mga mata nito ay napabuntung-hininga muli si Apollo. "I want the files that I asked you last Monday."

Tahimik na inilabas ni Sabrina ang hinihingi nito mula sa loob ng drawer at inilapag sa lamesa. Hindi na siya muling nagtaas ng tingin at hinarap na ang kanyang trabaho.

Sabrina can feel the weight of his stare. It made her uncomfortable and she wanted to snarl at him. But she did not let it show in her facial expression and body language.

She ignored him until she felt him move and picked the documents on the table. Akala niya ay aalis na ito nang tumalikod sa kanya ngunit tinungo nito ang kinaroroonan ng mahabang sofa, inilapag ang mga dokumento sa center table at humiga. Ipinikit pa nito ang mga mata habang nakapatong ang isang braso sa noo.

Sabrina glared at him and pressed the keys on the keyboard forcibly. She was pissed in the morning by him, what a lucky way to start her day. She thought in sarcasm.

Looking at him from the corner of her eye, she realized that he hadn't had sleep. Maybe he stayed awake the whole night to work, the dark circles around his eyes were the evidence. He hadn't even in his suit, he wore casual clothing but still look the same. He can wear a rug and still look good at them. She can't deny that he got the looks and the smile that will entice every lass.

But she was not the same girl from nine years ago. She learned her lessons and Apollo couldn't affect her the way he made her feel before. She won't let him!

"What happened to us?" Hindi sumagot si Sabrina sa mahinang tanong na iyon ni Apollo at pinaikot ang upuan paharap sa salaming dingding patalikod dito. "I read your text last night. You can say it to my face directly. I know you hate me, I hate myself too."

"Asshole!" ang madiing bigkas niya habang nanatili pa ring nakatalikod. Hindi niya gustong ipakita rito ang pagtatagis ng kanyang mga bagang dahil sa pagka-alala sa nakaraan. Hindi na mawala-wala ang galit at sakit sa kanyang dibdib, ni hindi man lang nito alam ang pinagdaanan niya nang malaman niyang niloko lang siya nito. Ni wala itong ideya kung anong mga nangyari sa kanya, kung gaano kahirap, kalungkot at kasakit. Hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya sa kanyang dibdib ang nangyari siyam na taon na ang nakakalipas.

"I regret not telling you, I regret what I did... But you didn't give me the chance to explain myself."

Marahas na napalingon dito si Sabrina at nawala ang composure niya dahil sa sinabi nito. "Are you throwing the blame at me?!" she uttered heatedly. Her anger was showing up. Mukhang nagulat si Apollo sa naging reaksiyon niya na nakaupo na ngayon sa ibabaw ng sofa.

"No. What I'm saying is if you give me the chance to explain then maybe none of this will happen. You won't hate me enough to wish that I would burn to hell... Perhaps we were too young back then."

Sasagot n asana si Sabrina nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Pumuno ang gulat at pagtataka ang mga mata ni Emma nang makita si Apollo sa loob ng opisina ni Sabrina.

Agad na bumalik ang dating ekspresyon sa mukha ni Sabrina. Ang malamig niyang mga mata at ang walang kangiti-ngiting mga labi na pinangingilagaan ng dahil dahil nagmumukha siyang masungit at unapproachable.

"Good morning, Ma'am. Good morning, Sir Apollo." Iyon lang at mabilis na lumabas si Emma at muling isinarado ang pinto.

"You can go out now, Mr. Sanford," taboy ni Sabrina kay Apollo. Sandali itong hindi natinag at nanatiling nakatutok ang mga mata sa kanya na puno nang paghahamon at isa pang emosyon na hindi niya gustong makita.

Hindi nagpatalo si Sabrina at sinalubong ang mga mata nito. Tiningnan niya ito ng may kalamigan kagaya ng palagi niyang ginagawa, mas malamig pa yata sa aircon sa loob ng kanyang opisina. hanggang sa si Apollo ang unang nagbaba ng tingin at lumabas ng kanyang opisina.

HINDI pinagkaabalahang tingnan ni Sabrina ang taong pumasok sa loob ng elevator nang bumukas iyon sa ikalabing-limang palapag. Tatlo lang silang nasa loob kasama ang isang pang baguhang empleyado na nakasakay pababa.

Nakatayo sa sulok ang empleyado na nakaramdam ng pagkailang at kaba dahil alam nito ang issue na nagyari sa dalawang babaeng kasama sa loob.

"I believe you owe me an apology," Christie said demandingly. One perfectly trimmed brow was raised and her arms were in her chest.

"Kailan pa ako may pakialam sa paniniwala," pangsusupalpal ni Sabrina kay Christie na umusok na yata pati ang tainga nang marinig ang kanyang sinabi.

"You shameless whore. You have no right to talk to me like that, you have no right to embarrass me in front of my colleagues!"

Kaunti na lang yata ay sasabunatan na siya nito subalit kalmante pa rin si Sabrina. Dumukwang siya palapit dito at inilagay ang bibig malapit sa tainga nito. "We know whose the real whore. You can find someone younger than Mr. Bernardo Salvador, he's too old to satisfy your lust." Sabay kindat ni Sabrina sa kasama nilang empleyado na natulala sa loob ng elevator at lumabas ng bumukas iyon sa ikaapat na palapag. Baka hindi niya matansiya si Christie Dela Merced at masapak niya ito.

Sa loob ng elevator ay napasigaw sa galit si Christie dahil sa sinabi ni Sabrina. Nahintakutan ang empleyadong kasama nito sa loob.

Ginamit ni Sabrina ang hagdan panaog sa basement kung saan siya naka-park. Habang naglakad patungo sa kanyang kinapaparadahan na nasa kabila pang dulo ay natigilan siya nang hindi makayanan ang pananakit ng binti.

Nang tingnan niya ang mga paa ay nagkapaltos iyon kaya hinubad niya ang mga sapatos sa magkabilang paa at umuklo upang damputin iyon.

Dahil sa ginawa ay hindi agad nakita ni Sabrina ang isang sasakyan na papalapit sa tinalunton ang kanyang direksiyon. Mabuti nalang at bago pa siya masagasaan ng sasakyan na mukhang walang balak na magpreno ay may humatak sa kanya paiwas.

Galit na sinundan ng tingin ni Sabrina ang papalayong sasakyan at palabas na ng basement parking lot. Pag-angat niya ng tingin kanina ay sigurado siyang si Christie Dela Merced ang nakita niyang sakay niyon. Nang ibaling niya ang tingin sa taong humatak sa kanya ay agad niyang nasalubong ang mga mata ni Apollo. Marahas niya itong itinulak at inayos ang bag sa kanyang balikat.

Kapagkuwan ay pinanood si Apollo na pinulot ang kanyang mga sapatos at ibigay sa kanya.

"Are you okay?" Apollo asked her anxiously, he even held both of her arms and Sabrina shrugged it away. "Did you have a fight again with Christie?"

"Wala kang pakialam." Sabay talikod ni Sabrina kay Apollo at malalaki ang hakbang na tinungo ang kinapaparadahan ng kanyang kotse habang bitbit ang pares na sapatos sa kanang kamay.

PINANOOD ni Apollo ang papalayong dalaga kasabay ng malalim na pagbuntung-hininga. Hanggang sa makasakay ito sa loob ng kotse at makaraan sa harapan niya paalis.

Pagkaraan ng ilang sandali ay sumakay siya sa loob ng kanyang sasakyan upang umalis.

Nang makarating sa kanyang tinitirahan ay agad siyang pumasok at nahahapong umupo sa sofang nasa sala. Nakasandig ang ulo ni Apollo sa sandalan habang nakatingala sa kisame. Kapagkuwan ay inilinga niya ang ulo pakaliwa at mapait na napangiti nang maalalang sa bandang iyon niya inilagay ang lamesa at mga upuan noong araw na sorpresahin niya si Sabrina sa ikalabing walong taong kaarawan na ito.

Inilibot niya ang mga mata sa loob ng bahay. Ang dating bahay ng kanyang ina, doon na siya nanatilii at tumira mula nang bumalik siya mula Amerika. Hindi niya mapigilang hindi malungkot sa tuwing naalala niya ang mga ala-ala nila ng dating nobya roon.

He missed her, he missed those times they had together. Sabrina was his friend for three years and his girlfriend for two years, they had five years together before. But now, they felt a stranger to each other. He hadn't seen her smile at her or at someone for the past years since they parted ways, he knew that she loathed him.

There was no proper breakup between them. One misunderstanding and their five years together had gone to waste. Siguro ay tama rin ang sinabi niya kay Sabrina kaninang umaga, bata pa sila noon at may mga desisyong nagawa na hindi pinag-isipang mabuti. Inaamin niyang may mali siya dahil hindi niya nagawang ipaglaban ang kung anong meron sila noon. Umalis siya at hindi man lang klinaro ang lahat.

Noong makabalik siya pagkalipas ng dalawang taon, wala na siyang mabalikan. Pinagsisihan niyang umalis siya nang hindi man lang itinama ang sitwasyon.

Apollo wanted to make it right. After all these years, he still wanted to talk to her and explain himself, but Sabrina won't let him. Her cold eyes always stopped him from doing so. Perhaps he was a coward, afraid of rejection and being blame for what happened.

"Hey."

Natigil sa pag-aalala ng nakaraan si Apollo at napatingin sa nagsalitang iyon na bagong dating. Nahahapong binata niya ang kapatid na mas bata ng ilang taon kaysa sa kanya, si Adonis. Umuwi ito sa Pilipinas dahil na rin sa request ng kanilang inang si Melissa.

Si Adonis ang tipong hindi mapirmi sa isang lugar, marahil ay dahil na rin sa propesiyon nito. Isang propesiyonal racer si Apollo at palipat-lipat ng mga bansa dahil sa pangangarera. Sa loob ng maraming taon ay ngayon lang ito natigil ng matagal sa bansa.

"I called Aki, he's on the way," Adonis uttered and placed the booze he brought on top of the center table. "How is it going with the company?" tanong nito habang sinasalinan ng alak ang mga basong kinuha ni Apollo sa loob ng kusina.

Apollo called his brother when he was driving to his house. After few minutes since Adonis arrived, their older brother, Achilles', followed.

He needed someone to talk to, to asked advice for. Hindi sila masyadong nagkakasamang magkakapatid ngunit alam niyang maasahan niya ang mga ito kapag may problema. Gusto lang talaga niyang may mapaglabasan ng mga saloobin.

He told them about his and Sabrina's situation while drinking booze.

"You still haven't made up with her?" Achilles asked, he knew Sabrina but he didn't know what exactly happened between them.

"She's hard as a rock, brothers. She's even colder than the north pole," Apollo commented and drank from his glass and emptied it.

"Court her, give her flowers, chocolates, make her feel your presence every single day, make her feel important... and say sorry, show her that you've regretted what you've done and that you've changed, for the better. Make her trust you again."

What Adonis suggested sounded easy to make, it was close to impossible for Apollo. How can he do those things if she won't even let him?

"Be firm. You can do it if you really want to. Do not say that you can't do it, dahil kung hindi mo magawa, ibig sabihin no'n hindi buo ang loob moa ng gawin ang bagay na iyon. Maybe you wanted it, but you didn't want it in a hundred and one percent... A lesson I learned from my wife," Achilles then shrugged his shoulders.

Napaisip si Apollo dahil sa sinabi ng kapatid, kapagkuwan ay pinuno ng hangin ang baga. "Thanks brothers."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.