Sanford Series 3 Chapter 12

DINALA ni Sabrina ang bote ng bagong bukas na wine sa bibig at tinungga. Nakaupo siya sa gilid ng dingding ng kanyang silid at nakatingin sa labas ng salamin. Bahagyang nakahawi ang makapal na kurtinang nakatabing doon kaya malaya niyang nakikita ang nagkikislapan at makukulay na mga paputok sa himpapawid, bagaman ay hindi niya naririnig ang mga ingay na mula roon.

The silence inside her room was deafening and melancholic. Nakadagdag pa ang kadiliman sa kalungkutang nararamdaman. Hindi na niya pinagka-abalahang magbukas ng ilaw, mas gusto niya sa dilim at nag-iisa. Sanay na siya at parang naging normal na iyon sa kanya.

Sa loob ng siyam na taon ay palagi siyang nag-iisa sa araw na iyon. Kung ang iba ay kasama ang kanilang mga pamilya habang siniselebra ang pasko at puno ng kasiyahan, may mga katulad niya na walang kasama at malungkot.

Kagabi ay maaga siyang natulog at walang balak na magising sa hatinggabi, subalit binulabog siya ng text messages bilang pagbati mula sa kanyang sekretarya at kay Alson na mukhang wala siyang balak tigilan hanggang sa magreply siya.

Pagkatapos niyang patayin ang cellphone ay babalak na sana siya sa pagtulog subalit hindi na siya makatulog kaya heto siya ngayon, nakatingin sa labas ng dingding at pinapanood ang mga makukulay na fireworks.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga sulok ng kanyang mga mata habang hindi tinitigilan ang alak na iniinom. Ngunit alam niyang hindi tutulo ang kanyang mga luha kahit na sinaniban ng lungkot ang kanyang katawan.

She had been like that for nine years, she can't cry. It seemed like her tear ducts went dry and they can't produce tears anymore, Kahit sobrang sakit at sobrang hirap ay hindi siya makaiyak. Sinumpa niya noon na hindi na iiyak kahit anumang mangyari, kaya iyon marahil ang dahilan kung bakit walang lumalabas na luha mula sa kanyang mga mata.

Hindi niya alam kung anong oras siyang nakatulog habang nakasandal sa dingding. Kinabukasan ng magising ay dala pa rin ang natirang alak sa isang kamay at bumaba sa unang palapag ng kanyang bahay. Bahagya siyang nahihilo dahil sa mga nainom bagaman kaya pa niyang maglakad at magluto upang malamnan ang kumakalam na sikmura.

Napasabunot na lang siya sa kanyang mahabang buhok nang makitang walang laman ang kanyang refrigerating kung 'di tubig at wala siyang nakikitang puwedeng lutuin sa kanyang cupboard. Doon niya naalalang ilang araw na siyang hindi nakakapag-grocery.

Tatawag na sana ng delivery ng pagkain si Sabrina nang marinig ang mga impit na tunog na nagpakunot sa kanyang noo. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at sinundan ang tunog na naririnig. Dinala siya ng mga paa sa harapang pinto ng kanyang bahay. Nakakunot pa rin ang noong binuksan niya iyon at sandaling natigilan nang makita ang isang maliit na aso na nakalagay sa loob ng dog cage.

The puppy was looking at her with its misty eyes while crying nonstop. Sa tantiya niya na ay dalawang buwan pa marahil ito mula nang maipanganak.

Parang nahuhulaan na niya kung sino ang naglagay roon ng aso kaya dinampot niya ang card na nakabungkos sa cage nito at binasa ang nakasulat doon.

Agad na kinuyumos ni Sabrina ang card nang makompirmang galing iyon kay Apollo. He had the audacity to greet her with a merry Christmas where in fact he was one of the reasons why she was miserable at this supposed to be a merry day!

For five years now, Apollo had been consistent in giving her gifts during occasions, be it Christmas, New Year, or her birthday. But every time she received a present from him, she always returned it. At hindi magbabago 'yon dahil lang sa pagbibigay nito ng aso na kamukha ni Archie, ang asong tinulungan niya noong pinagpapalo ito ng mga estudyanteng kagaya niya. Hindi niya alam kung buhay pa ba ang asong iyon hanggang ngayon.

Dinala ni Sabrina ang cage sa loob ng kanyang bahay nang hindi tumigil sa kakaiyak ang aso na kulay puti ang mga balahibo. Hindi niya matagalang makita ang panunubig ng mga mata nito habang nakauklo sa loob at nakatingin sa kanya kaya kinuha niya ito at kinarga. The dog wiggled her tail when she rubbed its back.

"Damn you, Apollo!" Noon pa man ay kahinaan niya ang mga asong kagaya ng hawak nito. Apollo did that for a reason, lately, napapansin niyang tila nagpapapansin ito sa kanya. palaging pumupunta sa kanyang opisina at nagpapahanda ng mga dokumento o 'di kaya'y isinasama siya sa mga lunch or dinner meeting sa kanilang kliyente ngunit sa huli ay hindi naman dumating ang hinihintay nila kaya walang meeting ang naganap.

May kasamang maliit na bag ang dog cage na naglalaman ng gatas ng aso at feeding bottle kaya pinainom niya ng gatas ang tuta. Alam niya kung paano mag-alaga ng tuta dahil bata pa lang siya ay nag-aalaga na siya no'n. Si Shaggy, ang alaga niyang German Shepherd sa Alsaka ay tuta pa lang nang makita niya sa daan. Dinala niya ito sa bahay nila at akala ng kanilang ina ay hindi na mabubuhay dahil sa kapayatan.

Maayos naman ang kalagayan ng tuta na nakita niya sa labas, mukhang may separation anxiety lang ito dahil nawalay sa pamilya kaya nag-iiiyak.

Pinapanood ni Sabrina ang tuta na nakatulog na sa ibabaw ng kanyang sofa pagkatapos nitong dumede nang may kumatok sa pinto ng kanyang bahay. Inayos niya ang pagkakapusad ng buhok at pinahiran ang mukha ng face towel bago tinungo ang direksiyon ng pinto.

Sumalubong sa kanya ang mga nakangiting mukha ng kanyang mga kapitbahay.

"Merry Christmas, Sab," Vodka greeted merrily.

Tinanggap ni Sabrina ang pagkaing dala ni Vodka at pinapasok ang mga ito sa loob ng kanyang bahay. Doon niya muling naramdaman ang pagkalam ng sikmura nang makita ang mga pagkaing ibinigay ng kapitbahay.

"A puppy!" ang manghang bulalas ng batang lalaking kasama ni Vodka.

"Shh, you'll wake her up." Ginulo ni Vodka ang buhok ng anak at muling napatingin kay Sabrina na palabas ng kusina. "This is Whiskey, the others are still asleep."

Napatango si Sabrina sa sinabi ni Vodka. Pagkakita pa lang sa bata kanina ay alam niyang hindi ito si martini na nakapasok na sa kanyang bahay. The kid's movement was stiff and careful. Malayo rin ito sa kapatid na palaging nakangiti.

"Dogs are good companions of people. They relieve their owners' stress and can help them manage loneliness and depression."

"Yeah, he's really Whiskey," Vodka muttered proudly after hearing what her son said.

"He's smart."

"He reads a lot of books," Vodka then smiled at Sabrina. "We knocked at your door at Midnight, did you gone out?"

"No, I was sleeping," Sabrina lied. Siyempre ay hindi niya narinig ang pagkatok nito dahil soundproof ang kanyang silid. Hindi naman niya inaasahang may kakatok ng ganoong oras sa araw na iyon sa kanyang pinto. No one ever knocked on her door during Christmas eve before Vodka. "Thank you for the food."

"Marami ang natira mula sa handa kagabi. Sayang naman kung masasayang lang, I hope you don't mind."

"No, I don't I appreciate it, you're at the right timing, I am famished." Bagaman walang ngiti sa kanyang mga labi ay totoong nagpapasalamat siya rito.

"Are you leaving here alone po?"

Napabaling si Sabrina sa bata nang magtanong ito. Nakatingin ito sa kanya at puno ng kuryosidad ang mga mata. "Yeah," she answered.

"Well, not anymore, you already have a companion," ang mahinang sabi ng bata at muling ibinalik ang paningin sa natutulog na tuta.

"I guess so," she said lowly.

"Does it have a name?"

"Ahm, I don't know, it is... it is a gift for Christmas," sagot niya na naaliw sa bata.

"Oh, you should name her Snow po, 'cause she's white and smooth. Is the puppy a girl po?"

"Yeah," Sabrina answered again and nodded her head.

"We should get a dog too, Mommy. I'll take care of him, I will read a lot of books about taking care of a dog. I'll be a responsible pet owner."

Natatawang pinisil ni Vodka ang pisngi ng anak dahil sa sinabi nito. "Soon, when you're a couple of years older."

Mukhang naintindihan naman iyon ng bata at napatango lang sa sinabi ng ina.

Habang nakatingin sa mga ito ay may kumudlit sa dibdib ni Sabrina. Nakikita niya ang sarili na may kasamang bata at naglalaro sila, at iyon ang pinakamasakit, it was just an apparition.

Nang magpaalam ang mag-ina at makaalis ay nagtungo si Sabrina sa loob ng kusina at kumain. Napapikit pa siya at napaungol nang masayaran ng pagkain ang kanyang tiyan. Kahapon pa siyang walang maayos na kain dahil wala siyang gana.

TINABIHAN ni Sabrina ang tutang ntutulog pa rin sa ibabaw ng sofa at nagpakakomportable ng upo bago pinindot ang remote control ng telebisyon. Wala siyang pasok nang araw na iyon kaya gaya ng nakagawian, hihilata siya sa kanyang sofa at manonood ng TV.

Tapos na siyang kumain at nakapaligo kaya ngayon ay wala na siyang gagawin. Ang kanyang cellphone na dinala niya mula sa kanyang silid at binuksan ay walang tigil sa pag-iingay. Si Alson iyon na tinadtad siya ng text.

Hindi katagalan ay nakatanggap siya ng video call mula sa kaibigan. Napapabuntung-hiningang tinanggap niya iyon at hininaan ang TV.

"What do you want?" she asked coldly. Sa nakikita niya sa background ng ka-video call na nasa loob ito ng silid at marahil ay naglalaro pa ng video games. Alson Rye loved computers and technology, he was the one who helped her remove the sex scandal of her that Christie Dela Merced manipulated. Kay Alson din niya nalaman na si Christie nga ang may gawa no'n. The kid was a genius.

"Yeah, Merry Christmas too," Alson in the other line answered in sarcasm.

"Kung wala ka nang kailangan—"

"I saw him last night," putol ni Alson sa sasabihin ng dalaga. "We were having a party last night at my late grandfather's house and Apollo was there." Tumigil muna ito sa pagsasalita at tiningnan si Sabrina na walang buhay na nakatingin sa kanya, tila hindi interesado sa kanyang sasabihin. "Can you at least pretend that you are interested?"

"Just say what you want to say, don't waste my precious."

Sarkastikong umikot ang mga mata ni Alson bago nagpatuloy. "So as I was saying, he was there at the party last night, he got drunk and he started telling everyone about you and asking for advice."

"Asshole!"

"He's my cousin, but yeah I agree."

Napakunot ang noo ni Sabrina ng mahagip ng kamera ni Alson ang bahagi ng kama at sigurado siyang may nakita siyang nakahiga roon. "Who is she?"

"Who?" tanong ni Alson na hindi agad nakuha ang tanong ni Sabrina.

"The girl sleeping in your bed. If she's your girlfriend, remember not to get her pregnant if both of you are not ready," seryosong payo ni Sabrina.

"She's not—" Natigil si Alson sa pagsasalita at napakamot sa likod ng ulo. "Kailan ka pa may pakialam sa buhay ng iba?" Walang pang-iinsulto sa boses ni Alson, naroon ang pagkaaliw na may kasamang panunudyo.

"I've been asking that myself." Nitong mga nakaraang ay pakiramdam niya'y may nag-iba sa kanya at mas naging bukas na sa ibang tao. Kagaya na lang ng pakikisama niya sa mga kapitbahay, she even made friends with the children, well sort of.

"Anyways, what are you going to do with Apollo?"

"I'll tell him to go to hell."

"Oh—kay. But that I don't think that will work. The others are cheering him and giving him advice. And he seemed very determined. Believe me, I know it, I'm also a man."

"If you have nothing else to say, I'll hang up. Bye... And by way, you're not a man, Alson Rye, you're still a boy," she uttered drily and ended the call.

Inilapag niya ulit ang cellphone sa ibabaw ng center table bago napatingin sa tutang nakatingin na sa kanya. Nakahiga pa rin ito at mukhang komportableng komportable sa kanyang sofa at nagising na. Kinuha niya iyon at kinarga na agad na humilig sa kanyang dibdib.

Humiga si Sabrina sa ibabaw ng sofa habang nanatiling nakapatong sa kanya si Snow. She decided to name her Snow after Whiskey suggested it.

Habang pinagmamasdan ito at hinahaplos ang mga balahibo ay muli niyang naalala ang taong nagbigay niyon sa kanya.

Ang kailangan niyang gawin upang mapigilan si Apollo sa gusto nitong mangyari ay ipaalala sa kanyang sarili, araw-araw, kung ano ang ginawa nito sa kanya. At patatagin ang kanyang mga paniniwala.

"It'll be fine, Snow. I will be fine."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.