MABILIS NA tumayo si Sabrina nang makita ang taong papalapit sa kanyang direksiyon.
"'Di na ka mukaon, 'Te?"
"Hindi na, Maymay, busog na ako. Puwede bang ikaw na muna ang maglinis dito. Magpapahinga na ako."
"Sakit pa gihapon imong ulo, 'Te?" Tumango si Sabrina bilang tugon sa tanong ni Maymay kung masakit pa rin baa ng kanyang ulo. Kanina, mula nang makita niya si Apollo nang hatiran niya ito ng pagkain ay idinahilan niya ang pagsakit ng kanyang ulo at hindi makakatulong sa kusina. Agad naman siyang pinayagan ni Michelle na lumiban at magpagaling. Hindi siya lumabas ng cottage niya kanina dahil sa pag-iwas kay Apollo. Pagsapit ng gabi ay hindi niya nakayanan ang gutom at nagtungo sa dining hall upang kumain. Hindi naman niya gustong abalahin ang iba upang magpahatid ng pagkain. "Sige, 'Te."
Mabilis na lumakad si Sabrina palabas. Nakasalubong pa niya ni Apollo na siya namang pagpasok sa loob. Hindi niya pinansin ang pagtawag nito at nagtuloy-tuloy sa mabilis na paglakad.
"You can avoid me all you want but that can't stop me!" Sigaw ni Apollo na nakasunod sa dalaga. Hindi niya pinansin ang mga taong naroon pa sa dalampasigan na napapatingin sa kanya.
Tanging likod lang ni Sabrina ang nakikita ni Apollo ngunit ramdam niya ang inis nito sa kanya. Kahit na alam niyang wala itong balak na kausapin siya ay may kasiyahan pa rin sa kanyang dibdib dahil nakikita niya ito. Abot kamay na niya, hindi kagaya ng nakaraang buwan ay hindi niya ito mahanap at wala siyang kaide-ideya kung nasaang panig ito ng bansa. He just need to be careful not to let her off his sight. Baka malingat lang siya ay umalis na naman ito at sa pagkakataong iyon ay hindi na niya mahanap. Siguradong ikababaliw niya iyon.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Apollo habang nanatiling nakasunod dito at naglalakad sa buhangin. Sandali niyang inalis ang mga mata kay Sabrina at sinulyapan ang dagat na payapa na sa dilim. May mga nangna-night swimming pa pero kaunti lang. Kaninang maliwanag ay malinaw niyang nakita ang kagandahan ng paligid. Tahimik at mapayapa. Hindi ganoon dagsa ang guests doon, marahil ay dahil malayo sa sentro ng isla at napakaraming mga bukas na beach resort doon.
Nauunawaan niya kung bakit mas pinili ni Sabrina na manatili sa lugar na iyon kaysa bumalik sa dati nitong buhay. Perhaps she really had no intention of going back. Kahit hindi pa ito bumalik sa dati nitong buhay ay wala siyang pakialam. Susundan niya ito kahit saang planeta pa ito magtungo. Ilang taon ang sinayang nila, panahon naman siguro upang maging masaya sila. He hadn't felt satisfied with the life that he had for the past nine years of his life. There's always an empty space inside him, like a part of him was departed from her body and he needed it back to feel complete.
Only she can fill the void inside, he realized that after having her in his arms again. Kailanman ay hindi nawala ang damdamin niya para kay Sabrina. Dapat nga ay noon pa niya ginagawa ito. Subalit pagbalik niya ng bansa noon ay nagbago na ang dating Sabrina na siyang kilala niya. She became cold and distant. Ang pakikipag-usap pa lang dito ay pahirapan na. Having her back was close to being impossible. She hated him.
Napabilis ang paglalakad ni Apollo nang pagbalik niya ng tingin kay Sabrina ay nakita niya itong nakaupo na sa buhangin at nakatingin sa paa.
"Shit!"
Napatakbo na si Apollo nang marinig ang pagmumura nito at pagtatagis ng mga ngipin.
"What happened?" tanong agad ni Apollo nang makalapit. Hindi ito sumagot o nag-angat man lang ng tingin sa kanya. It was very typical of Sabrina to ignore him, if it's not related to work, she won't heed him any attention.
Apollo squatted. Sinubukan niyang hawakan si Sabrina ngunit marahas nitong itinulak ang kanyang kamay. "It's bleeding." Marahil ay hindi nito nakita ang nakausling matulis na bato at napatid doon. Gusto niya itong hawakang muli subalit sinamaan lang siya nito ng tingin at dahan-dahang tumayo.
Nakikita niya sa mukha ni Sabrina ang pagpipigil nito sa pagngiwi habang pinipilit na humakbang na tila walang masakit sa katawan ngunit hindi pa rin mapigilan ang pag-ika. She was masking the pain behind the passive expression, like always.
Nakaagapay na ngayon si Apollo sa paglalakad ni Sabrina patungo sa hilera ng mga closed cottages
Marahas na bumuntung-hininga si Sabrina nang sa wakas ay makarating sa labas ng kanyang tinutuluyan. Nilinga niya si Apollo gamit ang malalamig na mga mata. "Go back to where you came from, Apollo Sanford. Umalis ka na rito. You're ruining the peace I found in this place."
Bago pa makatugon si Apollo ay mabilis na muling tumalikod si Sabrin, pumasok sa loob at ipininid ang pinto pasara.
Kinabukasan ay maagang nagising si Sabrina. Naligo at nagbihis ng komportableng damit, plain t-shirt at hanggang tuhod na shorts, sa mga paa ay isang pares ng komportableng flip flops. Nilagyan niya ng band aid ang sugat na natamo kagabi sa gilid ng kanyang hinalalaki sa kaliwang paa mula sa pagkakatisod sa bato. Hindi naman iyon malaki at hindi kailangan tahiin.
Bago pa niya makalimutan ay kinuha niya ang listahang idinaan sa kanya ni Michelle kagabi. Nagboluntaryo siyang mamalengke ng araw na iyon upang makabawi at para makaiwas sa isang taong ayaw niyang makita.
Itinali niya ng mataas ang may kahabaang buhok bago lumabas. Tinahak niya ang daan patungo sa entrance ng beach resort kung saan naghihintay si Maymay at si Cecelio na siyang magmamaneho sa tricycle na sasakyan nila.
Subalit sa pagkadismaya ni Sabrina ay hindi lang ang dalawa ang nakita niya roon. Nakasandig si Apollo sa tricycle, nakalagay ang dalawang braso sa tapat ng dibdib at nakatingin sa kanya habang nakangiti. Showing his pearl white teeth that sparkled under the morning sun. The smile that used to melt her way back years ago.
Sandali siyang napatigil sa paglalakad mahigit dalawang metro ang layo mula sa mga ito. Hindi kagaya noong una niyang makita si Apollo nang hatiran niya ito ng pagkain sa cottage nito kung saan tila ba hindi ito nakakakuha ng maayos na tulog dahil panlalalim ng mga mata at pag-itim ng palibot niyon, ngayon ay maaliwalas na ang bukas ng mukha nito at mukhang nakatulog na ng maayos. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na naroon ito at nahanap siya.
Kagaya ni Sabrina ay nakasuot din si Apollo ng isang plain t-shirt sa kaparehong kulay, kulay puti. Sa pang-ibaba ay isang summer shorts ang suot at isang pares ng tsinelas sa mga paa.
Ngayon lang niya ito nakitang ganoon kasimple ang kasuotan. Bagaman ay walang simple sa itsura nito kanino mang mata ang makakakita, mula noon hanggang ngayon ay agaw-pansin ang pisikal nitong anyo. Naging matured lang ang itsura nito at lumaki ang pangangatawan. Hindi ganoong malaking maskuladong-maskulado. His muscles were in the right places an there's no excess fat in his body.
Ipinilig ni Sabrina ang ulo at lihim na kinastigo ang sarili dahil sa tinatakbo ng kanyang utak. She shouldn't be studying his appearance and comparing him to what he was before. That's a red flag!
"Sasama raw si Apollo kay mayron siyang bibilhin," sabi ni Cecelio sa puntong bisaya.
Ano pa nga ba ang magagawa ni Sabrina? Kahit na itaboy pa niya paalis si Apollo ay sigurado siyang hindi ito patitinag.
Sumakay sila sa harapan ni Maymay, habang sa likod ng tricycle naman sumakay si Apollo, sa bandang likuran niya. Itinago niya ang ngisi sa mga labi nang makitang nahihirapan ito sa pag-upo roon. Ang ulo ay tumatama na sa bubong dahil sa tangkad nito.
Habang nabibiyahe ay itinuon ni Sabrina ang mga mata sa labas ng tricycle at iniwasang hindi mapatingin sa side mirror upang hindi magsalubong ang mga mata nila ni Apollo na alam niyang nakatingin sa kanyang mukha mula sa salamin. Mahigit labing limang minuto rin ang tatakbuhin ng tricycle bago makarating sa palengke. Kahit na hindi komportable ang kanyang pakiramdam ay sinikap niyang hindi iyon ipakita.
Sa kaliwa nila ay naroon ang dagat. Malalakas ang mga alon na tumatama sa dalampasigan dahil may kalakasan ang hangin. Sa kanyang kanan ay ang iba't ibang klase ng puno, partikular na ng mga niyog, at ang mga bahay na gawa sa kahoy at konkretong hollow block.
Nang maramdaman ang hanging tumatama sa kanyang batok ay pinanindigan ng balahibo si Sabrina. Wala sa loob na napatingin siya sa side mirror at nakasalubong ang mga mata ni Apollo. May ngiting naglalaro sa mga labi habang malapit ang bibig sa kanyang tainga.
"Beautiful," Apollo murmured in her ear.
Sabrina mustered all the will to stop her body from trembling. The urge to punch herself to get back to her senses was there. Tila alam ni Apollo ang nangyayari sa kanya dahil lalong lumapad ang ngiti nito.
Inirapan ni Sabrina si Apollo mula sa salamin at ibinaling ang tingin kay Maymay na humahagikhik sa kanyang tabi. Nakatingin ito sa kanya sa nanunudyong mga mata at sigurado siyang narinig ng bata ang sinabi ni Apollo. Pinanlakihan niya ng mga mata si Maymay na para bang naninita. Tumigil naman ito sa pagtawa ngunit naroon pa rin ang panunudyo sa mga mata.
Nakahinga lang ng maluwag si Sabrina nang makarating sila sa palengke. Wala siyang alam sa pamamalengke, laking pasasalamat niya na naroon si Maymay at si Cecelio, at isa pa, hindi naman siya maselan sa mga ganoong bagay. She was a fast learner too.
Hindi ganoon kalaki ang palengke subalit naroon na ang mga kailangan nilang bilhin, mula sa mga gulay patungo sa mga karne.
Namamanghang pinanood niya ang mga nangingisay na sariwang isda na mula sa isang bangkang pangisda na bagong daong. Dahil sa isla nga iyon ay sagana sa isda ang dagat at siyang pinagkukunan ng pera ng mga naninirahan.
Maingay sa palengke ngunit hindi iyon nakakaapekto kay Sabrina. She used to be at peace in silence but being in that market and buying pieces of stuff like a normal human being was self-fulfilling. Hindi niya naisip noon na mararanasan niya ang ganoong buhay.
Hindi ganoon kayaman ang namayapang ina ni Sabrina subalit malaki ang perang natanggap nito nang mag-divorce sila ni Bernardo. Matalino ang kanyang ina at madiskarte kaya nagawa nitong palaguin ang perang iyon. Komportable ang kanyang buhay mula ng isilang, naibibigay sa kanya ang mga bagay na kanyang gustuhin. Nang mapunta naman siya sa poder ni Bernardo ay hindi rin niya naranasang maghirap kung pera ang pag-uusapan.
Walang simple sa pamumuhay niya noon, at ngayong nararanasan niya ang ganitong buhay ay hindi niya maiwasang makaramdam na tila siya isang ibon na malayang lumilipad.
Sandali niyang nakalimutan ang presensiya ni Apollo na siyang taga-bitbit ng kanilang mga pinamili kasama si Cecelio habang namimili sila ni Maymay.
May humaplos na mainit na bagay sa puso ni Apollo nang makita niya ang masayang ngiti sa mga labi ni Sabrina. Ngayon lang niya ulit nakita 'yon. Hindi niya maisalarawan ang damdamin habang nakatingin sa nakangiti nitong mukha. Hindi niya alam kung ngingiti sa kasiyahan o maluluha dahil sa wakas ay nakita niya ulit itong masaya at tila walang kinakaharap na problema. She looked younger and vibrant.
Nakatutok pa rin ang mga mata ni Apollo kay Sabrina na tumitingin nang mga damit na nakahangger sa isang tiyangge kasama ang batang si Maymay. He even heard her laugh softly while talking to the kid.
If he had to give up everything he had just to see the smile on her face again, just like right now, he would gladly do that in a heartbeat.
Dahil wala sa paligid ang pansin ay hindi nakita ni Sabrina ang isang motorsiklo na tinutumbok ang kanyang direksiyon. Nahihirapan ang motor sa pagdaan dahil sa mga tao. Hinigit ni Apollo sa bewang ang dalaga at hinila patabi upang padaanin ang motorsiklo.
Napasinghap si Sabrina na nagulat sa ginawa ni Apollo. Napatingin siya sa mga mata nito na nakatunghay sa kanyang mukha. His eyes were expressive and she can see the emotions in them. There's longing, happiness and a familiar spark that she always see before whenever he looked at her. Her lungs failed to function and the loud beating of her heart was deafening her because of their close proximity.
Sabrina didn't saw it coming. She failed to dodge it. The world stopped spinning and her hearing became blurry.