TANGING ANG liwanag ng buwan ang ilaw na siyang tumatanglaw sa kanya. Mula sa kinauupuan, sa ibabaw ng nakausling bato sa gitna ng tubig, ay natatanaw niya ang mga ilaw mula sa Davao City. Low tide kaya hindi masyadong malaki ang tubig sa parting kinaroroonan ng malaking bato.
Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan bago tumingin sa karagatang natatanglawan ng sinag ng buwan. Nag-iisa lang siya roon, sa dalampasigan ay wala na ring mga tao dahil nakauwi na ang guests nila ngayong araw na mga guro ng nag-iisang unibersidad sa islang iyon.
Aside from its peaceful, the island was beautiful too and the people were friendly. Sa nagdaang mga araw ay kapayapaan ang namayani sa kanyang dibdib habang naroon, subalit mula ng araw na makita niya si Apollo roon sa isla, sa mismong beach resort kung saan siya tumutuloy, ay nagbago ang lahat. The peace she was feeling suddenly turned to uneasiness and frustration.
Akala niya noong una ay aalis din si Apollo kalaunan kapag patuloy niya itong hindi pansinin. Ngunit magsi-siyam na araw na ay naroon pa rin ito at mukhang balak pang magtagal. Ang mga nagtatrabaho roon, pati na ang may-ari, ay nakikita niyang nakahulihan na nito ng loob.
Iyon ang rason kung bakit hindi siya makatulog, ilang gabi na siyang maayos na tulog dahil sa presensiya ni Apollo. Naisipan niya kaninang lumangoy upang mapagod at pagbalik sa kanyang cottage ay agad na makatulog.
Gusto muna niyang titigan ang kalagitan na puno ng mga bituin at ang makinang na buwan. Tila kay lapit ng mga iyon at tila maabot ng kanyang mga kamay. Bihira lang siyang makakita ng ganoon kagandang tanawin sa kalangitan mula sa kanyang pinanggalingan.
"Sabrina..."
Wala sa loob na napatingin si Sabrina sa dalampasigan nang marinig ang tila'y pag-usal ng kung sino sa kanyang pangalan na dinala ng malamig na hangin sa kanyang direksiyon. Naiyakap niya ang mga braso sa kanyang katawan at malalim na napabuntung-hininga nang makita ang isang bulto ng tao sa may pampang. Nakatalikod ito sa isang ilaw na nakasabit sa may puno kaya hindi niya makita ang mukha nito pero alam niyang si Apollo iyon. Hindi maaapektuhan ang tibok ng kanyang puso kung hindi.
"Let's talk," sabi ni Apollo na sapat lang upang marinig ng dalaga. "Please... Come back here."
Hindi nakikita ni Sabrina si Apollo ngunit tila nailalarawan niya sa kanyang gunita ang mukha ng binata sa oras na iyon. He sounded begging and she was sure that it was also written on his face.
Inalis niya ang kanyang tingin dito at muling itinuon ang mga mata sa malilit na ilaw na nakikita sa katabing city ng isla. She doesn't want to talk to Apollo, she doesn't want to hear what he was going to say to her. She was scared. Natatakot siyang baka magbago ng tuluyan ang nararamdamang pagkamuhi para rito kapag narinig ang paliwanag nito. Natatakot siyang aminin sa sarili na naroon pa rin sa kanyang dibdib ang mga damdaming matagal na niyang itinakwil.
She's maybe tough in the eyes of many people, but she had a lot of fears. She was good at masking her emotions and she wanted to remain that way.
Isang malaking kahibangan ang ginawa niyang pakikipagtalik kay Apollo noong gabing napunta siya sa bahay nito. Isang patunay na sa kabila ng mga nakalipas na taon ay may puwang pa rin ito sa kanyang puso. And she hated herself for that. For letting him owned her that night and for giving the wrong address to the taxi driver. She doesn't know what's gotten to her that night, perhaps she was that drunk.
That night they shared was one of the reasons why she ran away. She can't face him out of shame. Siya ang hindi pumapansin dito sa mga nakaraang taon subalit siya ang nagpasimula ng lahat ng gabing pinagsaluhan nila ang init ng isa't isa. Mahirap na makaharap muli si Apollo dahil muli niyong pinapaalala ang nangyari sa kanila.
She can remember how he touched her body, how his lips savor her, the heat of his body, and how he whispered her name in height of passion. It was all familiar to her, nine years ago, they shared the warmth of each other. They were each other's firsts, it was supposed to be beautiful memories, ngunit natabunan ang mga iyon ng masasakit na alaala.
"Sabrina."
Hindi natinag si Sabrina sa muling pagtawag ni Apollo. Gusto niya itong sigawan na umalis na lang at 'wag na siyang guluhin subalit hindi niya magawa. Sa huli ay nanaig ang kagustuhan niyang ipakita rito ang kalmado niyang disposisyon, na hindi siya naaapektuhan sa presensiya nito.
"Kung hindi ka lalapit sa akin ako ang lalapit sa 'yo. I'll get you, by all means."
Nakiramdam si Sabrina nang ilang sandaling matahimik ang paligid. Iniisip niyang umalis na si Apollo. Nangikig siya nang makaramdam ng ginaw, namamanhid na rin ang kanyang mga kamay at magkakasakit siya kung mananatili siya roon. Maging ang kanyang mga damit ay natuyo na.
Nang lumingon siyang muli sa dalampasigan ay nangunot ang kanyang noo. Wala na nga roon si Apollo pero nakikita niya ang bulto ng isang tao na lumusong sa dagat at patungo sa kanyang kinauupuan.
"You'll talk to me 'pag nakarating ako riyan," ani Apollo at marahas ang mga hiningang pinapakawalan habang sumusulong sa tubig.
Pinanood ni Sabrina ang binata na patungo sa kanya kaya nakita niyang hindi na ito lumitaw sa tubig pagkatapos ng ilang hakbang. Lumuhod siya sa batong tinutuntungan at inaninag ito mula sa madilim na tubig. Wala siyang makita.
Isang ala-ala ang biglang pumasok sa kanyang isipan na nangyari sa prom night nila noong highschool. "I can't swim, Sabrina."
Kumabog ang kanyang dibdib sa kaba nang maalalang hindi marunong lumangoy si Apollo. Sigurado siyang lampas ulo na nito ang lalim ng tubig sa nilubugan kanina. Nanlaki ang kanyang mga mata ng lumitaw ang ulo nito ilang dipa ang layo sa kanya. Sumisinghap ito at muli ring lumubog.
Hindi na siya nag-isip at agad na tumalon sa dagat. Nilangoy niya ang kinaroroonan ni Apollo at tinulungan itong makaahon nang makalapit siya. "Are you crazy?!" she hissed at him while still panting and catching her breath.
Nakayakap si Apollo sa katawan ng dalaga at nakasubsob ang ulo sa leeg nito habang umuubo at naghahabol ng hininga.
Galit na tinulungan ni Sabrina ang binata na umahon mula sa tubig. Pareho nilang inilatag ang mga katawan sa buhangin at itinutok ang mga mata sa kalangitan. Mabibigat ang mga panghinga at taas baba ang mga dibdib.
Si Apollo ang unang nakabawi at agad na umupo, kinuha ang isang maliit na bato na nakapa niya at itinapon sa dagat. Bukod sa lalamunan at mga mata ay wala nang masakit sa kanya. She was right on time to save him.
Marahas na bumangon si Sabrina at mabilis na ipinadapo ang palad sa pisngi ni Apollo na nakatingin sa kanya. "Nababaliw ka na ba?" ulit niya sa tanong kanina. What he did was stupid. Alam naman nitong hindi ito marunong lumangoy pero sumulong pa rin sa dagat.
"Yes, I'm crazy! Mababaliw ako kung hindi kita makakausap, kung hindi mo ako bibigyan ng isa pang pagkakataon." Mula sa ilaw na nasa puno ay makikita ang kalungkutan at pagmamakaawa sa mga mata ni Apollo. "If risking my life means having you again, then, I will take the risk."
"You can never have me back. You had your chance and you blew it!" she said in anger. Anger for him, and for herself. Akma siyang tatayo upang iwanan ito roon subalit hinawakan siya nito sa braso at pinigilan.
"We can't keep delaying the inevitable, Sabrina. Let's talk."
"What is there to talk about, Apollo? Puwede ba, bitiwan mo ang braso ko!"
"There's a lot of things to talk about. A lot of issues that need to be clear. We need to clear things between us, let me explain, then maybe, just maybe, you'll give me another chance to prove myself to you."
"Bakit pa kailangan nating pag-usapan 'yon?! It's all in the past, Apollo!" Diniinan niya ang mga salitang sinabi na para bang may katuwiran siya.
"It happened in the past but it's still hunting us now and probably it will continue in the future if we don't talk about this now." Apollo was calmed though he was started to get irritated. She was clearly avoiding it, avoiding the inevitable conversation between them. "Gaano ba kahirap na gawin 'yon?"
"Mahirap! Mahirap, Apollo! Akala mo madali kasi wala kang alam sa mga nangyari. Wala kang alam sa nangyari sa akin noong umalis ka! You are the one who ended it when you chose to leave." Ikinuyom ni Sabrina ang kamao at huminga ng malalim upang maagapan ang kanyang dibdib sa paninikip. Ang sulok naman ng kanyang mga mata ay umiinit. "I took all the pain, I become miserable and I did something horrible. If you were there, then maybe it will be a lot more bearable to me. Mahirap kasi nag-iisa lang ako ng mga panahong iyon." Sabay singhot niya. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang dibdib sa mga emosyong nagsama-sama sa loob niyon. Bakit hindi na lang siya hayaan ni Apollo? Bakit kailangan pa nitong ipaalala sa kanya ang masakit na nakaraan?
Gulong-gulo si Apollo at nakalarawan iyon sa kanyang mukha. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng dalaga at ipinaloob sa kanya. Hindi niya ito hinayaang makawala kahit ano pang piglas nito. Nando'n na siya, susunggaban na niya ang pagkakataon na makausap ito at makapagpaliwanag.
"Sa tingin mo ikaw lang ang naging miserable nang mga panahong 'yon, Sab? Leaving you was the most painful and stupidest thing I did my whole life."
"'Wag mong ikumpara ang pinagdaanan ko sa pinagdaanan mo dahil walang wala iyon. Akala mo naiintindihan mo ang sakit na pinagdaanan ko noon, pero hindi, wala kang alam!" hinayaan na niyang maialabas ang totoong damdamin. Galit siya, nasasaktan at nalulungkot. Gusto niyang saktan si Apollo pero pinigilan niya ang sarili.
"Then make me understand. I know you loathed me or maybe your most hated person in the whole world, but please, Sab, I'm begging you to give me a chance."
Marahas na iniling-iling ni Sabrina ang ulo. "You're wrong. It's not you that I hated the most in the world. I hated myself more than anything else dahil wala akong nagawa. Wala akong nagawa upang ilagtas ang isang inosenteng tao. Kung tutuusin ay hindi lang naman sana ako ang naghihirap ng ganito, you deserve it too, you should be thankful to me that I didn't tell you what happened before." Kasabay nang marahas niyang pagpagpag sa mga kamay ni Apollo na nakahawak sa kanya. Mabilis din siyang tumayo nang mabitawan nito at umalis.
Hindi niya gustong ipakita kay Apollo ang mga luhang nag-uunahang bumagsak mula sa kanyang mga mata. After nine years, her tears were coming out again. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang kontrolin ang sarili kaya kailangan niyang makaalis sa harap nito. She wanted to scream and cried loudly, she wanted to wail and be miserable.
Nakakaapat na hakbang pa lang si Sabrina nang muli siyang pigilan ni Apollo. Itinulak niya ito pero mahigpit siya nitong ipinaloob sa mga bisig at niyakap.
"I'm sorry, Sabrina," Apollo muttered with trembling lips.
"I... was... pregnant," pag-aamin ni Sabrina sa paputol-putol na paraan.
Hindi agad rumehistro kay Apollo ang ipinagtapat ni Sabrina na himihikbi sa kanyang dibdib. Nang tuluyang pumasok sa isipan ay marahas niya itong hinawakan sa magkabilang braso at tinitigan sa mga mata. "Say that again!" he commanded. His chest was pounding too hard and painful.
Suminghot si Sabrina at pinilit na kalmahin ang sarili. Iyon na siguro ang panahon upang malaman nito ang bagay na iyon. Hindi lang dapat siya ang nagdadala ng masasakit na katotohanang iyon. Hindi lang dapat siya ang magdusa at kamuhian ang sarili.
"I was pregnant... with your child." Siguro ay alam nito iyon, ito lang naman ang lalaking nakagalaw sa kanya. She was too in love with him before that she couldn't even look at other boys.
"W-what happened to him?"
"He died! He died, Apollo..." Humagulgol si Sabrina nang muling maalala ang nangyari sa kanyang ipinagbuntis. Nakunan siya kaya nawala sa kanya ang kanyang munting anghel.
Nanghina si Apollo sa narinig at napaatras. Hindi na nakayanan ng kanyang mga tuhod kaya napaupo siyang muli sa buhangin habang sapo sapo ang ulo. Hindi niya alam ang iisipin, ang gagawin. Nabuntis niya ito! May anak sana sila ngayon kung hindi ito nakunan. Siya baa ng may kasalanan? Ngayon pa lang ay hindi na niya mapapatawad ang sarili.
"T-Tell me everything," pagsusumamo ni Apollo sa garalgal na boses. He wanted to share her pain, to feel them. Tama ito nang sabihing walang-wala ang mga pinagdaanan nito kaysa sa kanya. The thought of her getting pregnant and lost the baby was killing him though it was all happened in the past, nine years ago.
Nanghihinang umupo si Sabrina sa buhangin malapit kay Apollo. Niyakap niya ang mga tuhod at isinubsob ang mukha roon habang umiiyak. Nang makaipon ng lakas sa kanyang dibdib ay sinumulan niyang sabihin ang lahat kay Apollo. Halos hindi na siya makahinga habang nagkukuwento. Nang matapos ay pinakawalan niya ang mga hikbi na pumuno sa tahimik na karagatan.
Kinabig ni Apollo ang dalaga at mahigpit na niyakap. Siya man ay hindi mapigilan ang damdamin. Napakasakit ng kanyang mga nalaman, pero mas nasasaktan siya para kay Sabrina.
Now he understands why her hatred towards him.
Can they still fix it? Can he make her trust him again when now he felt like he doesn't trust himself?