AWTOMATIKONG tumaas ang isang kilay ni Sabrina nang makitang nilapitan ni Stacy si Apollo. Si Stacy ang napabalita noon na kasintahan ni Apollo at miyembro ng cheering squad. Nanonood siya ngayon ng basketball practice ng kasintahan dahil wala pa naman siyang importanteng gagawin.
Tapos na ang mga ito sa practice nang lapitan si Apollo ni Stacy at bigyan ng tubig. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa hayagan nitong pagpapapansin kay Apollo. Maraming nakakaalam na may gusto ito kay Apollo, the girl wasn't just showing it, she was also verbal with her feelings for him. Kahit na alam nitong may kasintahan na ang binata ay lumalapit pa rin 'pag nakahanap ng pagkakataon. Some girls won't just give up.
Sabrina rolled her eyes and placed her arms around her chest when Apollo looked at her direction and waved at her. Nagpaalam ito sa kausap, kinuha ang gym bag at lumapit sa kanyang direksiyon.
"Hey. Water?"
Muling tumaas ang kanyang kilay habang nakatingin sa inumang ni Apollo sa tubig na ibinigay rito ng admirer nito. Kapagkuwan ay tiningnan niya ang mukha ng kasintahan, may ngisi sa mga labi at kaaya-aya pa ring tingnan kahit puno ng pawis ang katawan.
Nang masulyapan niya ang kinaroroonan ni Stacy na nakatingin sa kanilang direksiyon ay umirap ito sa kanya, sabay talikod at lumakad paalis. Kinuha niya ang tubig at inilagay sa kanyang tabi.
"I think you should shower first, you stink," she said. Though he was still smelt good despite the perspiration.
"Well I'm sorry madame for offending you," ang magaang sagot ni Apollo na nakangiti pa rin. Wasn't offended with what she said. "I'm going to take shower first then we'll have early dinner after, I'm hungry."
"Okay."
Hinintay niyang matapos ng pagligo ang nobyo, nang makita itong tapos na ay tumayo siya mula sa kinauupuan at iniwan ang ibinigay ni Stacy na tumbler na may lamang tubig. Nilapitan niya si Apollo na nagpapaalam sa mga kasama nito at sabay silang umalis.
Nang sandaling masulayap niya ang mga kasamahan ni Apollo bago pa man sila makalabas ng basketball court ay nangunot ang kanyang noo sa pagtataka. The grin on their faces were odd and they were sharing malicious and suspicious glances. Nang tuluyan silang malakabas ni Apollo ay ipinagkibit na lang niya iyon ng balikat. Maybe it was just her.
"Where do you want to have dinner?"
"In your house. I'll cook. I'll sleep there tonight."
Nakakunot ang noon a nilinga ni Apollo ang kasintahan at nagtanong, "Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"
"Dad's not home," Sabrina answered and shrugged her shoulders at once.
"Okay! What do we have for dinner? Let's go to the market first, I ran out of food supply." Sabay hawak ni Apollo sa kamay ni Sabrina at hindi mawala-mawala ang pagkakangiti na tila ba nakapaskil na sa mga labi, maging ang mga mata ay kumikinang.
PAGKATAPOS na mailabas ang laman ng tiyang sumasama ay pinunasan niya ang mga labi ng dalang panyo, nagmumog at tinitigan ang mukha sa salamin habang humihingal.
Mula paggising kaninang umaga ay masama na ang kanyang pakiramdam. Marahil ay dahil iyon sa pagpupuyat niya nitong mga nakaraang gabi. Graduating na siya ng kolehiyo at kahapon nagtapos ang exams nila sa finals at ilang gabi rin siyang puyat dahil sa pag-aaral.
Ilang araw nang masama ang kanyang pakiramdam subalit isinawalang bahala lang niya iyon. Sapat na tulog at tamang pahinga lang ang kailangan at magiging mabuti na ang kanyang pakiramdam. Gano'n naman palagi, sanay na siyang tinutulog at ipinapaginga ang mga nararamdaman sa katawan. She hadn't been brought to the hospital when she was sick from the time she started to live with Bernardo. Sa tingin niya wala naman itong pakialam sa kanya kahit pa magkasakit siya. He never cared.
Ipinormal niya ang mukha nang makasalubong ng tingin ang babaeng lumabas mula sa cubicle ng banyong kanyang kinaroroonan. Tumayo ito sa kanyang tabi habang naghuhugas ng kamay. Isinilid niya ng maayos ang mga gamit sa loob ng kanyang bag at akmang lalabas na ng banyo nang magsalita ito kaya muli niya itong tinitigan mula sa salamin.
Nakangisi si Stacy sa kanya habang nakataas ang isang kilay. Noon pa man ay alam na niyang hindi siya gusto ng babae, and the feeling was mutual. Hindi niya ito ka-blockmate pero hindi maiwasang magkita sila sa loob ng campus. She can sense the animosity from Scarlet towards her every time they crossed paths.
"Are you okay?"
Tumaas ang kilay ni Sabrina dahil sa itinanong nito. She doesn't sound concern, she sounded sarcastic. "Yeah, sure," she answered blandly.
"Oh, is that so? You don't really look okay. I think you need to have a check-up, baka iba na 'yan,"
"Kung wala ka nang ibang may saysay na sasabihin aalis na ako."
"Oh, wait!" Muling pigil ni Stacy kay Sabrina at may ngising naglalaro sa mga labi. "I just want to aak, gaano mo kakilala ang boyfriend mo?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Sabrina. "Are you implying something?"
"Wala naman, I'm just asking." Sabay kibit ng mga balikat. "Anyways, I have a little gift for you." Mula sa loob ng hand bag ay inilabas ni Stacy ang isang digital camera at inilagay sa harapan ni Sabrina. Ngumisi na naman ito na tila ba nanunuya. "Tell your boyfriend I said hi. Good luck, babe."
Magkasalubong pa rin ang kilay ni Sabrina habang sinusundan ng tingin si Stacy na palabas na hanggang sa itago ito ng pinto. Itinuon niya ang mga mata sa camera na ibinigay nito, hindi niya alam kung anong intensiyon nito sa pagbigay niyon sa kanya. She finds it weird and suspicious. There must be something inside it that might influence her thoughts. Perhaps something related with Apollo. Kasi wala naman siyang ibang rasong nakikita sa ginawa nito kung 'di iyon lang.
Napapabuntung-hiningang dinampot niya iyon at isinilid sa kanyang bag. Kapagkuwan ay lumabas ng banyo, agad niyang nakita si Apollo na nakasandig sa dingding at naghihintay sa kanya. Nakangiti ito kaya hindi niya napigilan ang pagsilay ng munting ngiti sa mga labi.
"Are you okay?"
"Hindi na masyadong masakit ang ulo ko," sagot niya rito.
"Are you sure that you don't want to go to the hospital?
Tinipunan ng tingin ni Sabrina ang kasintahan na nakaagapay sa kanya sa paglalakad. She looked at him flatly. "How many times do you have to ask?"
Pinisil ni Apollo ang ilong ng dalaga na ipinagpag nito gamit ang kamay at sinamaan siya ng tingin. "Nag-aalala lang po."
"Just take me home, I want to sleep." Nahahapo siya at gusto niyang matulog.
"We'll eat first."
PAGKAUWI sa bahay ng ama ay agad na tumuloy si Sabrina sa loob ng kanyang silid. Hindi na niya nagawang maglinis ng katawan dahil sa sobrang pagod na nararamdaman at inilatag ang katawan sa ibabaw ng kanyang kama.
Mahigit dalawang oras na ang kanyang naitulog nang gisingin siya ng katulong dahil ipinatawag siya ni Bernardo. Iinot-inot na umalis siya mula sa pagkakahiga sa kanyang kama. Pumasok sa banyo, naglinis ng katawan at nagpalit ng damit bago bumaba sa library kung nasaan ang opisina nito.
Pahinamad na umupo si Sabrina sa naroong sofa at tiningnan ang ama sa mga mata na seryosong naktingin sa kanya. "What is it?"
"I heard that you are in a relationship with Apollo Sanford."
"If you're going to talk about that, I'll better leave and take a rest."
"Sit down, Sabrina!" ang matigas na utos ni Bernardo na siyang pumigil sa akmang pagtayo ni Sabrina. Hindi dahil natatakot siya sa tonong ginamit nito kung 'di dahil ayaw niyang mag-away sila. Pakiramdam niya ay wala siyang lakas para ro'n. "Kung ano man ang ugnayan mo sa kanya, you better end it now."
"Why would I do that? Kailangan ko ba iyong gawin dahil sinabi niyo? You manipulated almost everything in my life, pati ba naman iyon pakikialaman niyo?" Kalmadong tanong ni Sabrina at mapait na nakatingin sa ama. Hindi niya hahayaang pati ang pakikipagrelasyon kay Apollo ay papakialaman nito.
Hindi pinansin ni Bernardo ang sinabi ni Sabrina nanatiling pormal ang bukas ng mukha na tila ba nasa isang business meeting lang. "You're twenty and you'll graduate soon..." Panimula nito sa gustong sabihin kay Sabrina na paniguradong babago sa buhay nito. "You need to break your ties with Apollo Sanford. You'll be marrying Mr. Salcedo's son, soon."
Nangunot ang noo ni Sabrina dahil sa sinabi ng ama. Ipinorposeso pa ng kanyang utak ang mga salitang sinambit nito. Pakiramdam niya ay nagmalfunction ang kanyang utak ng ilang segundo bago niya tuluyang naintindihan ang sinabi nito at sarkastikong tumawa. He can't be serious right?
"Naririnig niyo baa ng sinasabi niyo? You're kidding right? That's the most hilarious thing I've ever heard my whole life." Nang manatiling seryoso ang ama ay pinahid niya ang mga namuong luha sa gilid ng mga mata at ipinormal ang ekspresyon. "No! You're not doing that to me, Mr. Salvador, I won't let you," Sabrina said sternly.
"You'll be meeting him soon. He's a fine young man and he'll make a good husband. You can have the luxury and the freedom you wanted if you'll marry him."
Gusto muling matawa ni Sabrina sa sinabi nito subalit pinigilan niya ang sarili. "How can you do that to me?! Ni hindi ko man lang nakita ang kung sinumang gusto mong pakasalan ko! And you're wrong, hindi ako magiging malaya kung papakasalan ko siya, habang buhay akong makukulong kung gagawin ko 'yon! I'd rather you kill me!"
"You have no choice, Sabrina. I already signed the agreement."
Galit na napatayo si Sabrina at ikinuyom ang mga kamao upang pigilan ang sarili sa pagwawala. "Wala akong pakialam! It's you who agreed to the marriage not me! Kung gusto niyo, ikaw ang magpakasal sa kanya, sa pamilyang iyon! I'll do what I want to do, I'm done with your manipulations!"
"Sabrina, come back here!"
Tila walang narinig na tuloy-tuloy na lumabas si Sabrina. Galit na galit siya sa ama, napakasama nito para gawin iyon sa kanya. Sigurado siyang kapakanan lang nito ang iniisip nito kaya nagawa siyang ipagkasundo sa anak ni Mr. Salcedo. Kilala niya ang matandang isang executive ng isang kompanya at kaibigan ng kanyang ama, palagi niya itong nakikita dahil palagi itong nagtutungo sa bahay ni Bernardo.
Muli siyang bumalik sa kanyang sildi at malakas na isinarado ang pinto pagkapasok. Umupo siya sa ibabaw ng kanyang kama at marahas na tinabig ang lampshade na nasa bedside table. Hindi siya bayolenteng tao pero galit siya sa ama.
Ipinatong niya ang mga binti sa ibabaw ng kama at isinusob ang ulo sa tuhod. Sinubukan niyang pigilan ang mga luha na kumawala sa kanyang mga mata ngunit hindi niya magawa. Ang pakikipagkasundo sa kanya ng kasal sa anak ng kaibigan nito na hindi man lang nakita kahit isang beses man lang ay siya na sigurong sukdulan ng mga manipulasyon ng kanyang ama. Hindi naman tamang gawin niya ang bagay na gusto nito kahit ayaw niya.
Hindi ang ama ang pipili ng lalaking kakasamahin niya habang nabubuhay siya. Alam niyang hindi nito gusto si Apollo dahil sa pamilyang pinagmulan ng kanyang kasintahan. At hindi niya itong hahayaang sirain sila. Si Apollo lang ang tanging tao na nagparamdam sa kanya na importante siya simula nang pumanaw ang kanyang ina, ito lang ang nagpakita sa kanya ng pagmamahal at hindi niya hahayaang pati 'yon ay kuhanin sa kanya ng ama.
Tatawagan sana niya ang kasintahan upang manghingi ng tulog ngunit naalala niyang nasa isang party para sa selebrasyon ng mga ito sa pagkapanalo ng ekswelahan nila sa collegiate basketball games. Niyaya siya nitong sumama kanina subalit tinanggihan niya, hindi naman siya nagpupunta sa mga college parties at lalong wala siyang kalapit doon maliban kay Apollo. She doesn't know if she'll consider herself an antisocial, she was just wasn't comfortable hanging out with other people though she will indulge them a little conversation.
Nakatulog si Sabrina habang nakasandal sa pader na siyang nagsisilbing headboard ng kanyang kama. Ang tunog ng cellphone ang nagpagising sa kanya bandang alas onse ng gabi. Nakakunot ang noong binasa niya ang mensahe mula sa isang de kilalang numero, ngunit nakikilala niya ang nagpadala dahil nagpakilala ito. It was Stacy, telling her to come over to the party. Attached to the message was a picture that she wasn't sure if it was taken in the living room, there were familiar college students sitting around the sofas, drinking booze and laughing, and she can see Apollo with them.
Sabrina was about to ignore the message when she got a call from the same number. Hindi n asana niya iyon papansinin dahil lalo lang sasakit ang kanyang ulo, but because of curiosity, she answered the call and got curious even more when she heard the sounds from the other line. Bagaman maingay ay naririnig niya ng malinaw ang mga boses na nag-uusap.
"So, did you tell your little girlfriend already?"
"Tell what? Step aside, Stacy."
"Oh, you didn't tell her? Poor little girl, she doesn't know what she's gotten herself into. She doesn't know that you're hiding something from her from the beginning and I bet you already did what you intended to do."
"Shut up! Leave her alone, you hear me?"
"Or else what?"
"You'll regret it."
"She'll regret it more, trusting you I mean... Hey, Apollo, we're still talking here!" Narinig ni Sabrina ang pagtawa ni Stacy nang hindi na sumagot si Apollo na marahil ay iniwan na ito. "You heard that, babe? If you want to know your so-called boyfriend's scheme, you have to hear it for yourself."
"Piss off!" Singhal niya rito sabay patay ng tawag. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng kaba. Hindi niya gustong bigyan ng ibang kahulugan ang mga narinig subalit iba ang sinasabi ng kanyang isipan.
Hindi niya alam na ang kasabihang curiosity kills the cat ay papatutuhan niya.